Share

Kabanata 5

Author: pepperpiper
last update Huling Na-update: 2024-07-24 18:38:59

"Bilisan na ninyo riyan!" sigaw ng isang babaeng guwardiya habang nagbabantay sa mga naliligong babaeng preso. 

Sabay sabay silang naliligo habang may nagbabantay sa kanila. May nakatagala rin oras para sa paliligo nila. 

"Pambihira, eh kakabasa ko nga lang ng ulo ko eh!" asik ng isa sa mga babaeng preso. 

"Nakakainis, ni hindi tayo makapaglinis nang maayos ng katawan," dagdag pa ng isang babae. 

"Hindi kasi tayo mayaman gaya ng iba dyan na pinapaboran," parinig ng isa pa nilang kasamahan. 

Marahang napakagat na lamang si Clarice sa kanyang labi habang naliligo sa kabilang gilid. Rinig na rinig niya ang pasimpleng patutsada ng kanyang mga kasamahang preso. 

Naiintindihan ni Clarice ang inis ng mga kasamahan niya dahil nakikita nila ang mga pasimple pabor sa kanya sa loob ng kulungan. Naiintindihan niya sila at hindi masisisi pero hindi niya naman ito ginusto-- talagang pinagsisilbihan niya lang talaga si Vito kaya naman kapalit nito ay binibigyan siya ng pabor katulad ng masasarap na pagkain at mahabang oras sa pagligo. 

"Siguro kung ako ang mayaman, lalabas agad ako dito. Hinding-hindi ako magtitiis dito," komento ng isa pang babae. 

Napaisip si Clarice, kahit siya naman kung may pera lang ay agad siyang magppyansa at aalis na sa kulungan, pero alam niya sa sarili niyang hindi niya iyon magagawa, maliban kasi sa nakakulong siya sa bilangguan ay nakakulong din siya sa utang ng loob kay Vito.

"Ewan ko nga sa babaeng iyan kung bakit andito pa rin sa kulungan kung mayaman naman ang asawa niya."

"Oo nga 'no?"

"Baka hindi siya mahal?"

Animo'y mga bubuyog sa pandinig ni Clarice ang tawanan ng mga babae. Naiirita siya sa mga ito at sa mga sinasabi nila sapagkat alam niyang totoo ang mga ito. 

Matagal nang alam ni Clarice na hindi siya mahal ni Vito, sa bawat araw matapos ng kasal nila ay wala nang ibang ginawa si Vito kung hindi ang iparamdam kay Clarice na ayaw niya rito. 

Alam ni Clarice iyon. Alam na alam pero ang marinig ito mula sa ibang tao ay hindi niya akalaing sobrang makakasakit sa kanya. 

Hindi na lamang pinansin ni Clarice ang mga babae pero hindi pa rin sila tumigil sa pagpaparinig. 

"Sayang naman ang ganda niya kung pinapabayaan na lang siya rito."

"Pero ano nga bang magagawa ng ganda kung hindi naman siya mahal?" 

"Oo nga eh, diba? May mahal bang pababayaan ka nalang sa kulungan kung kaya ka naman ilabas."

Napakuyom si Clarice ng kanyang kamao sa sobrang inis. Mabilis niyang tinapos ang pagligo saka nag bihis. 

"Ano ba?! Wala ba kayong magawa kundi pag usapan ang buhay ng iba?!" Asik nito sa mga babae. 

"Aba, matapang ka ah!" 

Napasigaw si Clarice ng bigla siyang tinulak ng isang matabang babae. Malaki ang pangangatawan nito kaya naman napaupo siya sa sahig. 

"Bakit?! Sino ka ba sa akala mo?!" 

Napatili nalang si Clarice ng may biglang humila sa buhok niya. 

Wala siyang nagawa nang pagtulungan siyang saktan ng mga babae. 

Natigil lang ito nang makita sila ng guwardiya. 

Sugatan at puro kalmot si Clarice nang hilain siya ng mga guwardiya palayo sa mga babae. 

Agad siyang dinala sa clinic para magamot ang mga natamo niyang sugat. 

Napaigtad si Clarice nang dampian ng bulak ng nars ang kanyang sugat sa gilid ng kanyang noo. Nagdurugo ito. 

"Tiisin mo nalang ang hapdi," sabi ng nars. Kaya wala nang nagawa si Clarice kung hindi ay pumirmi sa kinauupuan. 

Pagkatapos magamot lahat ng sugat ni Clarice ay pinabalik na siya sa kanyang selda. 

Iika ika itong nahiga sa kama niya. 

"Anong nangyare sayo?" Agad na tanong ni Jane nang makita si Clarice. "Ayos ka lang ba?"

Tumango lamang si Clarice kay Jane saka pumikit, pinilit ang sariling matulog. 

"Dominggo, may dalaw ka!"

Agad na napamura si Clarice sa kanyang isipan ng marinig ang guwardiyang tumawag sa kanya. 

Alam na niya ang mangyayare. Alam na niya kung sino ang dumadalaw sa kanya dahil wala namang ibang pwedeng pumunta sa kanya. 

"Dominggo!" muling tawag sa kanya ng guwardiya. 

Mariing napapikit na lamang si Clarice saka pinilit ang sariling bumangon. Masakit ang buong katawan niya dahil sa pagkakabugbog kaya naman iika ika siya kung maglakad. 

Nang makarating si Clarice sa visitation area ay agad niyang nakita si Vito, gaya ng inaasahan niya. 

Kung dati ay natutuwa pa siyang makita ang gwapong pagmumukha ni Vito tuwing dinadalaw siya kahit alam na niya ang rason, ngayon ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi ang inis. Maliban kasi sa masakit ang katawan niya ay hindi na siya natutuwa dahil alam niyang kukunan na naman siya ng dugo para isalin kay Lucille. Noong nakaraang dalawang buwan lang ay kinunan siya ng dugo at heto na naman ulit.

"Kailangan mong sumama sakin," agad na sabi ni Vito pagkaupo ni Clarice sa harap nito. 

Hindi maiintanggi ni Clarice na umaasa siyang mag aalala si Vito sa kanya pag nakita ang mga sugat niya pero parang wala lamang itong napapansin. 

Nasaktan man ay pinili na lamang ni Clarice manahimik at hindi sumagot kay Vito, sumunod na lamang siya rito. 

Galit pa rin si Clarice kay Vito sa ginawa nitong hindi pagsundo sa kanya para makita ang lola niya. Abo na ang lola niya nang makapagpaalam siya rito, kaya ganoon na lamang ang galit niya kay Vito. 

Nang makarating sa hospital ay agad na sinuri si Clarice. 

"Ayos ka lang ho ba?" tanong ng nars, parehong nars ito na kumuha ng dugo sa kanya noong nakaraan. 

Tumango naman si Clarice saka matipid na ngumiti. 

"Bakit ang dami niyo pong sugat? Hindi ko kayo pwedeng kunan ng dugo kung hindi maayos ang pakiramdam niyo."

Napatahimik si Clarice sa sinabi ng nars. 

Ayaw nyang kunan ulit siya ng dugo. Maliban kasi sa nanghihina siya tuwing pagkatapos ng pagkuha ng dugo ay pakiramdam niya kinukuha ring ang dignidad niya sa tuwing sinasalinan niya ng dugo si Lucille. 

"Nars," marahang tawag ni Clarice. "Ano kasi. . . hindi maayos ang pakiramdam ko."

"Sige po, sasabihin ko kay Mr. Mendes na hindi ka pwedeng kunan ng dugo," agad na sabi ng nars saka ito mabilis na lumabas ng kwarto. 

Iilang minuto lang ang nakakalipas nang pumasok si Vito sa kwarto. 

"Ano na naman 'to, Clarice?" agad na bungad ni Vito. 

Hindi sumagot si Clarice. 

"Kailangan ni Lucille ng dugo!" marahas na wika ni Vito. 

"Vito. . ." mahinang tawag ni Clarice kay Vito. "Ibibigay ko na ang gusto mo. Let's get a divorce."

Agad na napatahimik si Vito sa gulat nang marinig ang sinabi ng asawa.

Kaugnay na kabanata

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 1

    Marahang pinagpag ni Clarice ang kanyang higaan bago ito nahiga. Bagaman maaga pa ay napagod ito at gusto nang magpahinga. Halos madaling araw pa kasi nang sila ay ginising para maglinis sa malawak na bakuran ng kulungan kung nasaan siya kasalukuyang naroroon. Ipinikit ni Clarice ang mga mata at sinubukang matulog. Kumikirot ang buo nyang katawan sa pagod sapagkat hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa lahat ng inuutos sa kanya hindi lang para wala siyang maging problema sa mga kasamahan niya kundi para na rin maging maganda ang record niya. Ang sabi kasi ay natatala ang bawat mabuting ginagawa ng mga PDL para sa monthly evaluation nila. Kung sino ang may pinakamagandang tala ay maarining mabigyan ng parol. Alam ni Clarice sa sarili na hindi niya pwede palampasin ito. Lahat gagawin niya para lamang makalabas na kulungan. "Dominggo, may dalaw ka!" sigaw ng isang prison guard mula sa labas na mabilis nagpabangon kay Clarice m

    Huling Na-update : 2024-07-24
  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 2

    "Ayos lang ho ba kayo?" untag ng nars sa nakatulala at wala sa sariling si Clarice. Napakalalim ng iniisip ni Clarice na animo'y wala siyang naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatulala lamang ito habang namumugto ang mga mata. "Miss?" Muling tawag ng nars sa atensyon ni Clarice. Marahan din nitong tinapik ang ang balikat ni Clarice ngunit patuloy lamang ito sa pagkatulala. "Nurse, magmadali ka na r'yan. Kailangan na ni doc. ang dugo," paalala ng isa pang nars sa nars na nag a-assist kay Clarice. "Miss!" Tawag ng nars kay Clarice na ngayo'y mas malakas na ang boses. Sinamahan niya pa ito ng pagtapik sa braso ni Clarice. Marahan namang napabalikwas si Clarice, animo'y kakagising lamang nito mula sa mahimbing na tulog. "Ano 'yon?" walang ganang tanong nito sa nars. Masama ang loob ni Clarice, kung maari ay ayaw niyang makipag usap kahit kanina pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan siyang makausap ng mga nars. "Ayos ka lang ho ba?" pang-uusisa ng nars na agad namang ti

    Huling Na-update : 2024-07-24
  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 3

    "Kumusta ho ang pakiramdam niyo, miss?" tanong ng nars kay Clarice na animo'y wala sa sarili. Marahang hinimas ng nars ang parte ng balat ni Clarice kung saan siya tinusukan ng karayom upang kunan ng dugo. Naawa ang nars kay Clarice. Ang akala kasi nito ay nasasaktan ang babae dahil sa pagkuha ng dugo, lingid sa kaalaman nito ang iba ang dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ni Clarice."Ayos lang ho ba kayo?" muling tanong ng nars. Hindi nito maiwasang mabahala lalo na dahil nakikita niyang namumugto ang mata ng pasyente niya.Nanghhihina man ay marahang ngumiti si Clarice sa nars. "Ayos lang ako." Naisip niyang kung sana ay katulad lamang ng Nars si Vito at nag-aalala ito sa kanya."Dominggo, kailangan mo nang bumalik," ani ng pulis na nagbabantay kay Clarice. Napatango na lamang siya at agad sinubukang tumayo, mabilis naman siyang inalalayan ng nars. "Kumain ho kayo nang marami para lumakas kayo," bilin ng nars. "Mag-ingat ho kayo, miss."Muling ngumiti si Clarice sa nars. Lubo

    Huling Na-update : 2024-07-24
  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 4

    "A-ano? Paanong-- hindi--" Tuluyang nanghina ang mga tuhod ni Clarice at napaupo na lamang ito sa malamig na sahig ng selda. "Paanong nangyare 'yon? Hindi pwede. Hindi ito totoo.""Malala na raw pala ang lagay ng lola mo. Nag-aagaw buhay na ito kanina nang bumalik ka rito.""A-ano. . .?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ni Clarice. Walang pagsisidlan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa nalaman. Sobrang sakit sa kanya na hindi niya man lang nakausap o kahit nakita man lamang ang lola bago ito lumisan sa mundo. Mabilis na inayos ni Clarice ang sarili at tumayo. "Kailangan kong puntahan ang lola ko. Kailangan ko siyang makita," ani nito sa guwardiya. Lumamlam ang tingin ng guwardiya kay Clarice. "Hindi ka na pwedeng umalis.""A-ano?""Pasensya ka na pero hindi ka na pwedeng umalis ulit dahil kakabalik mo lang." Naaawa man kay Clarice ay wala nang magagawa ang guwardiya dahil ito ang patakaran nila. Ni hindi nga talaga pwedeng lumabas si Clarice ng kulungan ku

    Huling Na-update : 2024-07-24

Pinakabagong kabanata

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 5

    "Bilisan na ninyo riyan!" sigaw ng isang babaeng guwardiya habang nagbabantay sa mga naliligong babaeng preso. Sabay sabay silang naliligo habang may nagbabantay sa kanila. May nakatagala rin oras para sa paliligo nila. "Pambihira, eh kakabasa ko nga lang ng ulo ko eh!" asik ng isa sa mga babaeng preso. "Nakakainis, ni hindi tayo makapaglinis nang maayos ng katawan," dagdag pa ng isang babae. "Hindi kasi tayo mayaman gaya ng iba dyan na pinapaboran," parinig ng isa pa nilang kasamahan. Marahang napakagat na lamang si Clarice sa kanyang labi habang naliligo sa kabilang gilid. Rinig na rinig niya ang pasimpleng patutsada ng kanyang mga kasamahang preso. Naiintindihan ni Clarice ang inis ng mga kasamahan niya dahil nakikita nila ang mga pasimple pabor sa kanya sa loob ng kulungan. Naiintindihan niya sila at hindi masisisi pero hindi niya naman ito ginusto-- talagang pinagsisilbihan niya lang talaga si Vito kaya naman kapalit nito ay binibigyan siya ng pabor katulad ng masasarap na p

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 4

    "A-ano? Paanong-- hindi--" Tuluyang nanghina ang mga tuhod ni Clarice at napaupo na lamang ito sa malamig na sahig ng selda. "Paanong nangyare 'yon? Hindi pwede. Hindi ito totoo.""Malala na raw pala ang lagay ng lola mo. Nag-aagaw buhay na ito kanina nang bumalik ka rito.""A-ano. . .?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ni Clarice. Walang pagsisidlan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa nalaman. Sobrang sakit sa kanya na hindi niya man lang nakausap o kahit nakita man lamang ang lola bago ito lumisan sa mundo. Mabilis na inayos ni Clarice ang sarili at tumayo. "Kailangan kong puntahan ang lola ko. Kailangan ko siyang makita," ani nito sa guwardiya. Lumamlam ang tingin ng guwardiya kay Clarice. "Hindi ka na pwedeng umalis.""A-ano?""Pasensya ka na pero hindi ka na pwedeng umalis ulit dahil kakabalik mo lang." Naaawa man kay Clarice ay wala nang magagawa ang guwardiya dahil ito ang patakaran nila. Ni hindi nga talaga pwedeng lumabas si Clarice ng kulungan ku

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 3

    "Kumusta ho ang pakiramdam niyo, miss?" tanong ng nars kay Clarice na animo'y wala sa sarili. Marahang hinimas ng nars ang parte ng balat ni Clarice kung saan siya tinusukan ng karayom upang kunan ng dugo. Naawa ang nars kay Clarice. Ang akala kasi nito ay nasasaktan ang babae dahil sa pagkuha ng dugo, lingid sa kaalaman nito ang iba ang dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ni Clarice."Ayos lang ho ba kayo?" muling tanong ng nars. Hindi nito maiwasang mabahala lalo na dahil nakikita niyang namumugto ang mata ng pasyente niya.Nanghhihina man ay marahang ngumiti si Clarice sa nars. "Ayos lang ako." Naisip niyang kung sana ay katulad lamang ng Nars si Vito at nag-aalala ito sa kanya."Dominggo, kailangan mo nang bumalik," ani ng pulis na nagbabantay kay Clarice. Napatango na lamang siya at agad sinubukang tumayo, mabilis naman siyang inalalayan ng nars. "Kumain ho kayo nang marami para lumakas kayo," bilin ng nars. "Mag-ingat ho kayo, miss."Muling ngumiti si Clarice sa nars. Lubo

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 2

    "Ayos lang ho ba kayo?" untag ng nars sa nakatulala at wala sa sariling si Clarice. Napakalalim ng iniisip ni Clarice na animo'y wala siyang naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatulala lamang ito habang namumugto ang mga mata. "Miss?" Muling tawag ng nars sa atensyon ni Clarice. Marahan din nitong tinapik ang ang balikat ni Clarice ngunit patuloy lamang ito sa pagkatulala. "Nurse, magmadali ka na r'yan. Kailangan na ni doc. ang dugo," paalala ng isa pang nars sa nars na nag a-assist kay Clarice. "Miss!" Tawag ng nars kay Clarice na ngayo'y mas malakas na ang boses. Sinamahan niya pa ito ng pagtapik sa braso ni Clarice. Marahan namang napabalikwas si Clarice, animo'y kakagising lamang nito mula sa mahimbing na tulog. "Ano 'yon?" walang ganang tanong nito sa nars. Masama ang loob ni Clarice, kung maari ay ayaw niyang makipag usap kahit kanina pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan siyang makausap ng mga nars. "Ayos ka lang ho ba?" pang-uusisa ng nars na agad namang ti

  • A Matter of Wife and Debt   Kabanata 1

    Marahang pinagpag ni Clarice ang kanyang higaan bago ito nahiga. Bagaman maaga pa ay napagod ito at gusto nang magpahinga. Halos madaling araw pa kasi nang sila ay ginising para maglinis sa malawak na bakuran ng kulungan kung nasaan siya kasalukuyang naroroon. Ipinikit ni Clarice ang mga mata at sinubukang matulog. Kumikirot ang buo nyang katawan sa pagod sapagkat hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa lahat ng inuutos sa kanya hindi lang para wala siyang maging problema sa mga kasamahan niya kundi para na rin maging maganda ang record niya. Ang sabi kasi ay natatala ang bawat mabuting ginagawa ng mga PDL para sa monthly evaluation nila. Kung sino ang may pinakamagandang tala ay maarining mabigyan ng parol. Alam ni Clarice sa sarili na hindi niya pwede palampasin ito. Lahat gagawin niya para lamang makalabas na kulungan. "Dominggo, may dalaw ka!" sigaw ng isang prison guard mula sa labas na mabilis nagpabangon kay Clarice m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status