"Kumusta ho ang pakiramdam niyo, miss?" tanong ng nars kay Clarice na animo'y wala sa sarili.
Marahang hinimas ng nars ang parte ng balat ni Clarice kung saan siya tinusukan ng karayom upang kunan ng dugo.
Naawa ang nars kay Clarice. Ang akala kasi nito ay nasasaktan ang babae dahil sa pagkuha ng dugo, lingid sa kaalaman nito ang iba ang dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ni Clarice.
"Ayos lang ho ba kayo?" muling tanong ng nars. Hindi nito maiwasang mabahala lalo na dahil nakikita niyang namumugto ang mata ng pasyente niya.
Nanghhihina man ay marahang ngumiti si Clarice sa nars. "Ayos lang ako." Naisip niyang kung sana ay katulad lamang ng Nars si Vito at nag-aalala ito sa kanya.
"Dominggo, kailangan mo nang bumalik," ani ng pulis na nagbabantay kay Clarice.
Napatango na lamang siya at agad sinubukang tumayo, mabilis naman siyang inalalayan ng nars.
"Kumain ho kayo nang marami para lumakas kayo," bilin ng nars. "Mag-ingat ho kayo, miss."
Muling ngumiti si Clarice sa nars. Lubos na nagpapasalamat siya sapagkat tanging ang nars lang na iyon ang hindi tumingin sa kanya nang mapanghusgang tingin. Itinatrato siya nito nang maayos at nirerespeto. Malamang ay baguhan ang nars sa hospital at hindi nito alam ang mga kasinungalingang ipinagkakalat ni Lucille tungkol sa kanya.
"Maraming salamat," pasasalamat ni Clarice sa nars bago tuluyang sumama sa mga pulis.
"Si Vito?" tanong ni Clarice sa mga pulis na nagbabantay sa kanya.
"Hindi namin alam," sagot naman ng isa sa kanila. "Kailangan mo nang ibalik ng kulungan."
Napakagat ng labi si Clarice. Alam niya kung nasaan si Vito-- malaman andoon iyon sa kwarto ni Lucille at inaalagaan siya. Bagay na hanggang hiling na lamang siya.
Malalim na suminghap si Clarice.
Gustong-gusto niya pang puntahan ang lola niya pero maliban sa kinakailangan niya nang bumalik ng kulungan ay ubos na rin ang lakas niya. Pakiramdam niya ay sumama ang buong lakas niya sa dugong kinuha sa kanya. Lahat ng lakas niya ay napunta na kay Lucille.
Sobrang nagdadalamhati si Clarice sa nangyayare ngayon sa sarili niya. Oo nga't ang alam ni Vito ay kasalanan niya kung bakit nasa hospital ngayon si Clarice at sugatan, pero alam niyang alam din ni Vito na hindi niya kasalanan kung bakit nangangailangan ng dugo si Lucille. Hindi niya kasalanan kung bakit nangangailangan ng dugo si Lucille.
Gustong-gusto ni Clarice humindi sa pinapagawa ni Vito sa kanya pero pinaparamdam ni Vito na wala siyang karapatan na hindi sumunod sa kagustuhan nito. At wala ring magagawa si Clarice dahil mahal na mahal niya sa Vito-- kahit pa hindi siya ang mahal nito.
Wala nang nagawa si Clarice kundi tanawin na lamang ang hospital habang nababasag ang kanyang puso.
"Babalikan ko ho kayo, lola." mahinang bulong ni Clarice sa sarili.
~*~
"Dominggo, pagkain mo!" Sigaw ng prison guard sa labas ng selda kung nasaan naroon si Clarice.
Nanghihina man ay agad siyang bumangon at tinaggap ang tray ng pagkain na iniabot sa kanya.
"Wow! Saan ka ba pumupunta pag umaalis ka rito at ang dami mong pagkain pagbalik?" tanong ni Jane kay Clarice. "Masasarap pa ang mga pagkain mo, hindi tulad sa amin."
Hindi na pinansin ni Clarice si Jane at agad sumubo ng pagkain. Sobrang nanlalanta pa siya at nahihilo.
"Ang sarap n'yan," muling komento ni Jane sa pagkain na kinakain ni Clarice.
"Kung gusto mo ay kumuha ka lang," ani Clarice sa babae.
Hindi rin naman nag aksaya ng oras si Jane at agad ding lumantak sa pagkain ni Clarice.
Nagpapasalamat nalang si Clarice na madami ang mga pagkain na binibigay sa kanya kaya naman pwedeng-pwede niya itong ishare sa iba.
"Ang sarap talaga," sirit pa ni Jane habang ngumunguya.
Sa tuwing nabibigyan si Clarice ng pagkain ay lagi niya itong ibinabahagi sa kasama sa selda. Ayaw kasi ni Clarice na maisip kasamahan niya na pinapaboran siya. Ayaw niyang pag-initan siya nito at awayin. Masyado nang masalimuok ang buhay ni Clarice para magkaroon pa ng kaaway sa kulungan.
"Ang sarap ng mga pagkain." Ngiti ni Jane kay Clarice. "Ang swerte mo talaga."
Hindi sumagot si Clarice sa sinabi ng kasama. Hindi naman kasi siya swerte. Malayo sa swerte kung bakit siya binibigyan ng pagkain kada umaalis at bumabalik siya ng kulungan.
Kaya lang naman kasi binibigyan siya ng pabor ay mayaman si Vito at nagagawa nitong humiling ng mga pabor sa pulis para sa kanya. Gustong isipin ni Clarice na may malasakit si Vito sa kanya kaya niya ito ginagawa, pero alam niyang kaya lang naman siya pinapadalhan ni Vito ng mga pagkain ay para lumakas siya at maging malusog para sakaling mangailangan ulit ng dugo si Lucille ay walang magiging problema ang pagkuha ng dugo mula sa kanya.
Ganoon lagi ang sinaryo sa tuwing nagsasalin si Clarice ng dugo kay Lucille. Susunduin siya ni Vito sa kulungan, hindi ihahatid pabalik-- pero may ipapadalang masasarap na pagkain at madaming bitamina para sa kanya.
Minadali nang maubos ni Clarice ang kinakain saka mabilisan na sumandal sa mga unan niya.
Mas maayos na ngayon ang pakiramdam niya dahil nakakain na siya pero nahihilo pa rin siya at gusto niyang matulog.
Pumikit si Clarice at pilit na pinapagaan ang pakiramdam.
Gustong gusto niya na matulog pero hindi pa pwede dahil sasakitan siya ng tyan dahil kakatapos niya pa lamang kumain, kaya naman pumikit na lamang siya habang pinapakiramdaman ang paligid.
Maingay ang kulungan.
Totoong dalawa lang si Clarice at Jane sa iisang selda pero maraming selda ang nasa loob ng kulungan. Puro sila babae at maiingay ang mga ito.
Sobrang ingay at mainit-- malayong malayo sa bahay na tinirhan ni Clarice.
"Dominggo!"
Marahang napabalikwas si Clarice nang marinig ang apelyedo niyang tinatawag ng prison guard.
Nahihilo man ay pinilit ni Clarice na tumayo sa kama.
"Bakit ho?" tanong ni Clarice. "Bumisita ho ba ulit si Vito?"
Nag-aalangang tinignan siya ng guard. May pag aalangan ito sa sasabihin kaya naman agad na kinabahan si Clarice.
"Ano hong nangyare, sir?" usisa nito sa guard.
"Pasensya ka na pero kasi. . ."
"Ano ho?" walang pasensyang tanong ni Clarice. Kinakabahan na siya at hindi nakakatulong na hindi sinasabi ng deretso ng guard ang kailangan nitong sabihin.
"Yung lola mo."
Pakiramdam ni Clarice ay nahulog ang puso niya sa kanyang sikmura sa narinig.
"Anong nangyare kay lola?!"
"Wala na ang lola mo, Dominggo. Binawian ito ng buhay kanina."
"A-ano? Paanong-- hindi--" Tuluyang nanghina ang mga tuhod ni Clarice at napaupo na lamang ito sa malamig na sahig ng selda. "Paanong nangyare 'yon? Hindi pwede. Hindi ito totoo.""Malala na raw pala ang lagay ng lola mo. Nag-aagaw buhay na ito kanina nang bumalik ka rito.""A-ano. . .?" Halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ni Clarice. Walang pagsisidlan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa nalaman. Sobrang sakit sa kanya na hindi niya man lang nakausap o kahit nakita man lamang ang lola bago ito lumisan sa mundo. Mabilis na inayos ni Clarice ang sarili at tumayo. "Kailangan kong puntahan ang lola ko. Kailangan ko siyang makita," ani nito sa guwardiya. Lumamlam ang tingin ng guwardiya kay Clarice. "Hindi ka na pwedeng umalis.""A-ano?""Pasensya ka na pero hindi ka na pwedeng umalis ulit dahil kakabalik mo lang." Naaawa man kay Clarice ay wala nang magagawa ang guwardiya dahil ito ang patakaran nila. Ni hindi nga talaga pwedeng lumabas si Clarice ng kulungan ku
"Bilisan na ninyo riyan!" sigaw ng isang babaeng guwardiya habang nagbabantay sa mga naliligong babaeng preso. Sabay sabay silang naliligo habang may nagbabantay sa kanila. May nakatagala rin oras para sa paliligo nila. "Pambihira, eh kakabasa ko nga lang ng ulo ko eh!" asik ng isa sa mga babaeng preso. "Nakakainis, ni hindi tayo makapaglinis nang maayos ng katawan," dagdag pa ng isang babae. "Hindi kasi tayo mayaman gaya ng iba dyan na pinapaboran," parinig ng isa pa nilang kasamahan. Marahang napakagat na lamang si Clarice sa kanyang labi habang naliligo sa kabilang gilid. Rinig na rinig niya ang pasimpleng patutsada ng kanyang mga kasamahang preso. Naiintindihan ni Clarice ang inis ng mga kasamahan niya dahil nakikita nila ang mga pasimple pabor sa kanya sa loob ng kulungan. Naiintindihan niya sila at hindi masisisi pero hindi niya naman ito ginusto-- talagang pinagsisilbihan niya lang talaga si Vito kaya naman kapalit nito ay binibigyan siya ng pabor katulad ng masasarap na p
Marahang pinagpag ni Clarice ang kanyang higaan bago ito nahiga. Bagaman maaga pa ay napagod ito at gusto nang magpahinga. Halos madaling araw pa kasi nang sila ay ginising para maglinis sa malawak na bakuran ng kulungan kung nasaan siya kasalukuyang naroroon. Ipinikit ni Clarice ang mga mata at sinubukang matulog. Kumikirot ang buo nyang katawan sa pagod sapagkat hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa lahat ng inuutos sa kanya hindi lang para wala siyang maging problema sa mga kasamahan niya kundi para na rin maging maganda ang record niya. Ang sabi kasi ay natatala ang bawat mabuting ginagawa ng mga PDL para sa monthly evaluation nila. Kung sino ang may pinakamagandang tala ay maarining mabigyan ng parol. Alam ni Clarice sa sarili na hindi niya pwede palampasin ito. Lahat gagawin niya para lamang makalabas na kulungan. "Dominggo, may dalaw ka!" sigaw ng isang prison guard mula sa labas na mabilis nagpabangon kay Clarice m
"Ayos lang ho ba kayo?" untag ng nars sa nakatulala at wala sa sariling si Clarice. Napakalalim ng iniisip ni Clarice na animo'y wala siyang naririnig na kahit ano sa paligid. Nakatulala lamang ito habang namumugto ang mga mata. "Miss?" Muling tawag ng nars sa atensyon ni Clarice. Marahan din nitong tinapik ang ang balikat ni Clarice ngunit patuloy lamang ito sa pagkatulala. "Nurse, magmadali ka na r'yan. Kailangan na ni doc. ang dugo," paalala ng isa pang nars sa nars na nag a-assist kay Clarice. "Miss!" Tawag ng nars kay Clarice na ngayo'y mas malakas na ang boses. Sinamahan niya pa ito ng pagtapik sa braso ni Clarice. Marahan namang napabalikwas si Clarice, animo'y kakagising lamang nito mula sa mahimbing na tulog. "Ano 'yon?" walang ganang tanong nito sa nars. Masama ang loob ni Clarice, kung maari ay ayaw niyang makipag usap kahit kanina pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan siyang makausap ng mga nars. "Ayos ka lang ho ba?" pang-uusisa ng nars na agad namang ti

"Kumusta ho ang pakiramdam niyo, miss?" tanong ng nars kay Clarice na animo'y wala sa sarili. Marahang hinimas ng nars ang parte ng balat ni Clarice kung saan siya tinusukan ng karayom upang kunan ng dugo. Naawa ang nars kay Clarice. Ang akala kasi nito ay nasasaktan ang babae dahil sa pagkuha ng dugo, lingid sa kaalaman nito ang iba ang dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ni Clarice."Ayos lang ho ba kayo?" muling tanong ng nars. Hindi nito maiwasang mabahala lalo na dahil nakikita niyang namumugto ang mata ng pasyente niya.Nanghhihina man ay marahang ngumiti si Clarice sa nars. "Ayos lang ako." Naisip niyang kung sana ay katulad lamang ng Nars si Vito at nag-aalala ito sa kanya."Dominggo, kailangan mo nang bumalik," ani ng pulis na nagbabantay kay Clarice. Napatango na lamang siya at agad sinubukang tumayo, mabilis naman siyang inalalayan ng nars. "Kumain ho kayo nang marami para lumakas kayo," bilin ng nars. "Mag-ingat ho kayo, miss."Muling ngumiti si Clarice sa nars. Lubo