Umukit ang ngisi sa labi ko nang marinig na ang sasakyan ni Aries papasok ng garahe.
I was just leaning against the wall in front of the door. My legs crossed, nakatupi ang kaliwang kamay sa tiyan ko habang ang kanan naman ay may hawak na rolyo ng papel at nagmistula itong baton dahil sa paglaro ko roon.Narinig ko na ang pagbukas ng pinto, hudyat na papasok na si Aries. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako sa kinaroroonan ko.I smile. “Welcome home.”Ilang beses pa siyang napakurap na tila pinoproseso sa isipan ang sinabi ko. This is the first time na hinintay ko siya mismo sa harap ng pintuan so I understand his confusion.Tiningnan niya muna ang papel na nilalaro ko bago tipid na ngumiti sa akin saka lumapit. Hinayaan kong halikan niya ako.“Anong meron?” he asked after pulling out from the kiss.Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa papel na nilalaro ko kaya napatingin din siya roon.“What’s that?” heI somehow managed to get out of his damn house after that heaviness feeling I felt.Ilang beses kong tinatawagan si Cali habang nasa daan pero hindi niya pa rin talaga ‘yon sinasagot! Wala akong mapupuntahan. Ayokong malaman ni Kuya ang nangyari at mas lalong ayokong umuwi sa dati naming mansyon!Bahala na! Sumakay na lang ako ng taxi at sinabi ang address ni Cali. Siya na lang talaga ang malalapitan ko. Hindi naman ako agad-agad makikilala dahil nakasuot ako ng sunglass, pantakip din sa namumula kong mga mata.Nang makarating ako sa building ng apartment ay mabilis akong naglakad papasok. May nakasalubong pa akong isang babae pagbukas ng elevator. Mag-isa lang siya roon habang tahimik na lumuluha kaya bahagya pang kumunot ang noo ko.Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko alam kung nakilala niya ba ako dahil namilog din ang mga mata niya saka agad na pinunasan ang luha. Bumaba ang tingin
Nagising ako nang marinig ang tunog ng mga latang inilalagay sa plastic. Namumungay pa ang mga mata ko nang matanaw si Cali na iniipon pala ang mga lata ng beer na ginamit namin kagabi.“Good morning,” bati niya nang makitang gising na ako.Bumangon ako mula sa couch at bahagya pang masakit ang leeg at ulo. Dito na pala kami nakatulog kagabi. Inabot ng madaling araw ang kwentuhan namin at hindi na nagkaroon pa ng lakas para matulog sa kwarto. He slept on the couch across me. Grabe, ang sakit ng leeg ko! Ngayon lang ako nakatulog sa couch.“Morning,” bati ko habang hinihilot ang sintido. Medyo masakit din ang ulo ko.Pero pareho kaming natigilan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko saka kami nagtinginan ni Cali.Maya-maya ay tumayo rin siya saka naglakad patungong pintuan at binuksan ‘yon.“Where’s Sachiko? Ilabas mo ang asawa ko.”Agad akong napatakbo sa cr
Kanina pa ako hindi mapakali sa inuupuan. Hapon na pero ngayon araw ay hindi pumunta si Aries. But I don’t know, I should be happy kasi tumigil na rin siya, but there’s something in me na para bang inaabangan siya.“I see. Waiting for him, huh?”Agad akong napalingon kay Cali nang sabihin niya ‘yon. Abala ito sa laptop niya at sa tingin ko ay inuumpisahan niya nang pag-aralan ang mga gagawin niya sa company nila. Nakaupo lang siya sa couch habang tahimik na nakatutok sa laptop, may specs pa itong suot pangproteksyon sa mata. Habang ako naman ay kanina pa palakad-lakad. Madalas napapatingin sa pintuan at baka bigla na lang may kumatok.“Huh? Hindi ah.” Depensa ko.Dahil doon ay umiling siya pero sa laptop pa rin ito nakatingin.“I didn’t even mention a name.”Bigla akong natauhan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko saka inirapan siya.“Iisang tao lang naman ang tinutukoy mo.”Muli siyang umiling saka hindi na ak
Hindi ko na matandaan kung paano ako nakabalik sa apartment. Tulala lang ako dahil sa mga sinaabi ni Daddy. Ni hindi ko namalayang nandito na ako sa loob!I checked my phone. Hinihingal pa ako habang nakaupo sa couch na akala mo ay nakipagkarera. Pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang mag-ring ‘yon at pangalan ni Aries ang nagflash sa screen.Halos dagain ang puso ko sa kaba habang nakatingin lang doon pero nakakadalawang ring pa lang ito ay bigla rin itong namatay. Kumunot ang noo ko. Hindi kaya napindot niya lang?Humugot ako ng isang malalim na hininga. Hinintay ko pa ng ilang minuto kung tatawag siya ulit pero wala na. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naglalaban ang isip kung tatawagan ko ba siya o hindi.But in the end, pikitmata kong pinindot ang callback. But I was more surprised when the first ring didn’t even ended and he answered it already, para bang hinihintay niya lang ang tawag ko.“S-Sachi.”
I haven’t confirmed my feelings yet. Hindi ko rin naman alam ang sagot because I’m still confuse.Good thing Aries is not pressuring me. He just made a rule. His very first rule and that is to be always open to each other. ‘Yon lang ‘yon.Madali lang para sa ‘kin dahil always naman akong open. Halos lahat nga ng nasa isip ko ay nasasabi ng bunganga ko, gano’n ako kadaldal.“Aries,” I called him.“Hmm?”I’m currently playing with his fingers while leaning against his chest. Kasalukuyan siyang nakasandal sa headboard ng kama habang ako naman ay ginawang sandalan ang dibdib niya. Katatapos lang naming ayusin ang gamit ko rito sa kwarto niya. And yeah, tuluyan niya na akong pinalipat dito. Naging empty space na tuloy ang dating kwarto na tinutulugan ko.“What kind of wife do you want me to be?” I asked.“Ikaw.”Kumunot ang noo ko. “Anong ako nga?” I’m still playing with his fingers. Ang hahaba ng mga ito.
“Take me by the tongue, and I'll know you...Kiss me till you're drunk, and I'll show youAll the moves like Jagger. I've got the moves like Jagger...”Kanta ko habang nagpapa-music sa speaker at nagluluto ng tinola. And yeah, nagluluto ako ngayon ng tinola habang hinihintay ang pag-uwi ni Aries.Nagsisimula na kasi akong mag-aral magluto. Nanonood ako sa internet ng mga cooking lesson at ngayon ay panahon na para i-apply.“I don’t need to try control you... Look into my eyes and I’ll own you-”Nahinto ako sa pagkanta nang marinig na ang sasakyan ni Aries. Bigla akong napangiti at muling inamoy ang niluluto ko. Ang bango!Tapos naman na ang niluluto ko kaya pinatay ko na ‘yon at agad na kumaripas ng takbo sa sala. In-off ko na rin ang music. Saktong papasok na siya at tinatanggal na lang ng sapatos nito kaya hindi niya pa ako nakikita.Nang umangat ang tingin niya ay malawak akong ngumiti saka siya sinalubong ng halik.
“Wow. Is this really your mom’s company?” tanong ko nang makapasok sa office ni Cali. It exceeded my expectations. In-expect ko nang malaki nga siya dahil marami itong branch worldwide pero hindi ko akalaing isa ito sa mga pinakamalalaking buildings sa bansa.“Still can’t believe it?” he asked back.“Hindi naman gano’n kalaki,” singit ni Aries.And yeah, pareho kami ni Aries ang nandito ngayon sa opisina ni Cali. Ewan ko ba sa kaniya, nagpaalam kasi akong bumisita rito at nagpumilit siyang sumama, wala naman daw siyang pasok. Wala na rin akong nagawa dahil mapilit siya, e.But seeing him now, ilang linggo lang kaming hindi nagkita pero nag-mature ang ayos niya ngayon. Usually kasi ay bagsak ang buhok nito pero ngayon ay nakabrush-up na siya and he looks expensive with his black tuxedo.“Huwag ka ngang panira,” suway ko kay Aries at pinandilatan pa ito ng mata. Pabiro din siyang umirap saka naupo na lang sa couch.“So? W
Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang ang galit sa akin ni Alyssa na para bang malaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya. Hell! I don’t even know her!Parang bigla na lang may bumara sa lalamunan ko nang maisip na naman ang sinabi niya. That wasn’t the first time I was called whore and slut, marami akong nakakaaway noong college na sinabihan ako ng mas malala pa roon pero wala akong pakialam. But earlier, it gives impact to me dahil sa harapan pa mismo ni Aries.“Sachi...”I looked up at Aries. Nandito na kami ngayon sa parking lot at nakahinto sa tapat ng sasakyan niya.He worriedly look at me saka hinawakan ang parehong kamay ko. I flashed a faint smile. Mas lalong nag-alala ang tingin niya kaya naman hinapit nito ang bewang ko at isinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. I closed my eyes as I smell his manly scent and feel his warmth.He caressed my hair. Dinadama ko lang ang bawat hawak niya sa akin—it somehow makes me comforted.