LIKE
Pagkatapos ng gawain ni Rhian sa Institute ng umaga ay nagpasya siya na dumaan sa bahay ng mga Florentino sa hapon. Sinabi niya kay Jenny na gagabihin siya ng uwi kaya sa gabi pa niya masusundo ang kanyang mga anak. Agad naman na pumayag ang kanyang kaibigan at sinabi na walang problema dahil maluwag ang scheduled nito. Pagdating niya sa bahay ng mga Florentino, nakangiti siyang sinalubong ni Gino. “Pumasok ka, Doktor Fuentes,” Hindi katulad noon ang atmosera sa paligid, wala na ang kanyang duda ngayon kay Rhian sapagkat napatunayan na nito ang kakayahan. Iginiya si Rhian ng lalaki papasok sa kwarto ng matanda, pagdating sa kwarto. Mayamaya ay umalis ito at iniwan si Rhian para kunin ang kanilang kontarta. Sinuri ni Rhian ang kondisyon ni Mr. Florentino at nakumpirma na walang aberya, kaya ipinagpatuloy niya ang proseso ng paggamot at binigyan ang matanda ng acupuncture. Habang naghihintay sa pagtanggal ng karayom, pumasok si Gino na may dala ng dokumento, "Doktor Fuentes, i
Tumango si Rhian nang walang komento, kinuha ang dalawang anak, ngunit bago umalis ay lumapit siya sa guro ng mga ito at magalang na bumati. “Aalis na kami ng mga bata, ma’am.” Paalam niya bago umalis. Habang naglalakad paalis, napatingin siya sa maliit na batang babae nang hindi namamalayan. Sa hindi maipaliwag na dahilan, tila may nag-aarok sa kanya na sandali pa itong titigan. Nang makita na parang aalis na silang tatlo, biglang tumayo si Rain mula sa slide na may kaba, habang nakatingin sa kanila ng tuwid sa mata. Ayaw niyang umalis ang magandang ate at sila Rio at Zian. Nang makita ito ng guro sa tabi, nag-alala siya na baka mahulog si Rain, kaya mabilis siyang lumapit sa palit upang suportahan ito na huwag mahulog o madulas. “Bakit, Rain?” Nag-atubili si Rhian saglit, ngunit hindi napigilan ang sarili na magtanong ng may pag-aalala. Halata kasi na siya ang pakay ng bata. Nakahula ang dalawang bata kung ano ang nais ni Rain, kaya naman si Zian ay sumagot, "Mommy, nag-aar
"Nalaman ko na kababalik ninyo lamang mula sa ibang bansa. Siguradong lumaki sina Rio at Zian sa ibang bansa, tama ba? Nakakamangha lang, hindi ko inasahan na mahusay silang magsalita ng tagalog.” Pansamantala lang na nakahanap ng dahilan ang guro upang manatili sila Rhian at mga anak nito. Talagang maganda ang naging behavior nina Rio at Zian sa klase. Wala siyang ibang maikuwento sa kasalukuyan, kaya't nagbukas ang guro ng paksa tungkol sa mga maliliit na bagay. Ngumiti at tumango si Rhian, "Dahil maraming mga pinoy na nakapaligid sa amin, nakikipag-usap kami sa kanila sa wikang tagalog, actually ay marunong din sila sa wikang Chinese. Marami din kasing mga tsino sa Amerika, at habang nag aaral ako ay sila ang madalas namin na nakakausap.” Tahimik lamang ang dalawang anak ni Rhian habang nakikinig, sa bawat kwento ng kanilang mommy sila ay masaya at tumatango ng nakangiti. Nang makita ng guro kung gaano sila kabait, hindi niya maiwasang mainggit, "Bukod sa Mandarin, Tagalog a
Malalaki ang hakbang na naglakad si Zack, hindi niya napansin ang dalawang bata sa loob ng sasakyan. Alam niyang nahuli na siya, kaya't mabilis siyang pumasok sa gate eskwelahan. Pagpasok niya, nakita niya ang dalawang tao na nakatayo sa tabi ng slide, at si Rain na halos nasa mga bisig ni Rhian. "Dumating ang daddy ni Rain! Magandang araw, Mr. Saavedra!” Bumati ang guro kay Zack ng may paggalang ng makita itong dumating. Bahagyang tumango lamang si Zack sa guro, lumakad ito papunta sa kanilang tatlo. Tinignan niya ang kanyang anak at pagkatapos ay malamig na tumingin kay Rhian, "Ano ang ginagawa mo dito?” Naramdaman ni Rhian ang kalamigan ng lalaki, halata na hindi siya gustong makita, kaya't bahagya siyang sumimangot. Sa tabi, nagulat ang guro ng makita na kausapin ng ama ni Rain si Rhian, "Magkakilala pala kayong dalawa?” Akala niya'y hindi kilala ni Rhian si Rain. Ngunit kung iisiping mabuti, ang paglapit at halatang pagkagusto ng bata sa mommy ng kambal ay posibleng ang dahi
Pagkaraan ng ilang sandali, ang galit ni Rhian ay nawala, gusto niyang matawa sa kanyang sarili. Wala siyang karapatang magalit—sa mga mata ni Zack, noon pa ma’y wala na siyang karapatan na magalit. Hindi siya kwalipikado! Ibinaling ni Rhian ang kanyang mata sa ibang bagay, inalis ang hindi magandang alaala ng nakaraan, ayaw kaawaan ang sarili, hindi na lamang siya muling nagsalita. Marahan at malupit niyang inalis ang kamay ng anak ni Zack na humahawak sa laylayan ng kanyang damit. Nais muling abutin ni Rain si Rhian ngunit nahawakan na lamang nito ay hangin. "Si Rio at Zian ay naghihintay pa rin kay ate. Dapat ka ng sumama sa daddy mo ng maayos. Aalis na rin si ako para pumtahan sila." Hinaplos ni Rhian ang ulo ng paslit, inilagay niya ang kamay nito sa kanyang tagiliran, at mabilis na nagpaalam sa guro, bago nagmamadaling umalis nang hindi lumingon pa sa mga ito. Pagpasok ni Rhian sa sasakyan, nakaupo na ang dalawang bata nang tuwid. Nang makita siyang pumasok, inosente
Sa buong daan pauwi, si Rain ay nagtatampo pa rin. Hindi niya pinansin ang kanyang daddy na sumusunod sa kanya. Siya ay diretso na umakyat sa itaas ng kanyang kwarto at galit na isinara ang pinto. Nakatayo si Aunt Gina sa pinto. Nang kanyang makita ang bata na mukhang galit, at ang kanyang amo na sumusunod sa dito na walang ekspresyon, alam niyang may hindi pinagkaunawaan na naman ang dalawa. Tiningnan ni Aunt Gina si Zack na may pag-aalala. "Master, ano ang ikinagalit ng Young lady?” Naalala ni Zack ang dahilan kung bakit nagalit ang maliit na batang babae sa kanya bago sumagot sa malamig na tono, "Wala, nagagalit lang siya sa akin, bantayan mo muna siya.” Tumango si Aunt Gina pagkatapos marinig ang utos at magalang na sumang-ayon, "masusunod, master.” Bihira lamang magpakita ng emosyon, o galit kaninuman ang kanilang Young lady, ngunit pagdating sa ama nito ay madalas itong mainis. Ang kanilang master ay hindi marunong manuyo, o magpakita ng lambot sa isang tao, kay
Kinabukasan, Sabado na, at walang pasok sa kindergarten ang dalawang bata. Nagpasya si Rhian na dalhin sila sa research institute. Nang handa na siyang lumabas, narinig niyang tumunog ang doorbell. Akala ni Rhian na si Jenny ang dumating, kaya tumayo siya at binuksan ang pintuan. Nang makita ang taong nakatayo sa pintuan, biglang kumunot ang kanyang noo sa gulat ng makita kung sino ang kanyang nakita, "Rain? Bakit ka nandito?" Matapos niyang sabihin iyon, napatingin siya sa paligid, iniisip na si Zack ay naghihintay sa malayo. Ngunit sa kabila ng matagal na pagtingin, wala siyang ibang nakita sa pintuan maliban kay Rain. Inalis ni Rhian ang tingin niya ng hindi niya nakita ang ama nito, lumuhod siya at tumingin sa mata ng maliit na bata, "Sabihin mo kay ate, paano ka nakarating dito? Si Daddy ba ang naghatid sa’yo?" Pero ayon sa ipinakita ni Zack sa kindergarten kahapon, maliit ang posibilidad na ihatid niya si Rain dito… mukhang hindi nga niya gusto na lumapit sa kanya ang anak n
Si Zack ay awtomatiko na humingo sa kanyang trabaho ng marinig ang balita. "Uuwi na ako agad!" Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina, ipinahanda niya ang sasakyan at bumalik siya agad sa Saavedra mansion. "Ano'ng nangyari? Paano siya nawala kahit andiyan kayo para bantayan siya?" Galot na tanong ni Zack nang makabalik siya sa mansion. Ang mga tagasilbi sa sala ay nanginginig sa takot, hindi makatingin sa kanya dahil sa bigat ng kanyang presensya. Mabibigat na salita ang binibitawan ng tagapamahala, "Hindi po namin alam... Pagkatapos mag-agahan kaninang umaga, bumalik po ang Young lady sa kanyang kwarto. Nang umakyat si Aunt Gina upang tawagin siya, wala na po siya." Lalong kumunot ang noo ni Zack, "Nasaan ang surveillance?" Umiiyak na tumugon ang tagapamahala, "Master, hindi ko po alam kung kailan ito na-off, wala pong surveillance footage ngayong umaga." Pagkarinig nito, biglang sumeryoso ang mukha ni Zack. Naging tahimik an
Nakita ni Mike na hindi siya apektado, kaya't nakahinga siya ng maluwag.Si Luke, na nakatayo sa gilid, ay tiningnan ang dalawa ng may kahulugan.Nang makatagpo siya ng pagkakataon na makita si Mike sa opisina kanina, alam na niyang magkakilala sila.Ngunit hindi niya inasahan na magiging ganoon kalapit ang kanilang relasyon.Naging tahimik ang compartment ng sandali.May bahagyang ingay sa pinto, at sinundan ito ng paalala mula sa staff, "Sir Luke, nagsimula na ang libreng klinika, at narito na ang mga bata."Nang marinig ito, agad na nag-adjust ang mga tao at tiningnan ang pinto ng compartment nang may ngiti.Apatan na cute na mga bata ang nag-linya at pumasok.Nang makita ang apat na tao sa loob, hindi napigilan ng mga bata na mamula.Maliban kay Harry, na nasa kalagitnaan na ng edad at medyo malaki ang tiyan, ang tatlong iba pa ay may taglay na kahanga-hangang hitsura. Kahit na nakangiti sila nang mabait, hindi nakayanan ng mga bata ang hiya at tumigil sa pinto, hindi na naglakas
Tiningnan ni Luke ang oras at sumagot ng malalim na tinig, "Malapit na, maghintay lang ng kaunti, ginagawa pa ang mga paghahanda sa labas."Tumango si Harry, tiningnan si Rhian ng may pagdududa, at pagkatapos ay nagtanong kay Luke, "Marami sigurong responsibilidad dito. Ano sa tingin mo? Kung gusto mo, maaari tayong maglipat ng isa o dalawang doktor mula sa ibang compartment?"Nang marinig ito, nagtaka si Rhian at ang iba pang mga doktor kung bakit siya nagtanong ng ganoon.Direktang nagtanong si Lukr, "Bakit? Pakiramdam mo ba ay sobra na ang trabaho?"Paulit-ulit na tumanggi si Harry, "Kung apat na doktor ang narito, sapat na iyon, pero ngayon... natatakot akong hindi ko magiging maingat sa pagsusuri sa mga bata mamaya, at baka magka-problema."Habang nagsasalita, nagbigay ng pahiwatig si Harry kay Rhian.Ipinahihiwatig nito na hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Rhian.Doon lang napagtanto ni Rhian ang hindi pagkakasundo sa kanya, at napuno siya ng kalituhan.Hindi niya kilala si
Sa ilang minuto lang, mas maraming kagamitan ang nakalatag sa bakuran kaysa noong una siyang dumating.Tumingin-tingin si Rhian.Bagamat ang pamilya Dantes ay isang pamilya ng tradisyonal na medisina, marami pa ring mga kagamitan ng medisina sa Kanluran ang nakalagay sa bakuran upang mas mapabuti ang paggamot sa mga bata.Ang mga doktor na kanina ay naghintay sa pila ay pumasok na sa kanilang mga compartment, na may mga magiliw na ngiti sa mukha, habang tinitingnan ang mga batang naghihintay na pumasok.Tila'y isang pormal na okasyon.Naglakad nang mabilis si Rhian papunta sa kanyang compartment. May isa nang doktor na naghihintay sa loob ng compartment. Nang makita niyang siya ay isang batang babae, inisip niyang siya ay ipinakilala lamang ng aristokratikong pamilya upang palaganapin ang kanyang pangalan, kaya't hindi siya pinansin.Pumasok din si Mike.Bawat compartment ay may dalawa o tatlong doktor at isang direktang staff ng pamilya Dantes.Ang kanilang compartment ay halos ang p
Inabot ni Rhian ang kanyang kamay at nakipagkamay. Hindi malaman ni Rhian kung bakit, ngunit si Luke ay parang malupit sa hitsura kapag hindi nagsasalita, pero kapag nagsalita, nagiging medyo malamig. Hindi maiwasang mag-isip si Rhian tungkol sa taong nag-receive sa kanya kanina sa pinto, at nakaramdam siya na marahil ito ang pagpapalaganap ng pamilya. Tungkol naman sa pangalang Luke, narinig na rin niya ito. Sa mga nakaraang linggo, upang maunawaan ang mga bagay tungkol sa libreng klinika ng pamilya Dantes, nagbasa si Rhian ng maraming impormasyon tungkol sa pamilya Dantes. Alam niya na si Luke Dantes ay apo ni Mr. Rommel Dantes at ang pinaka-magaling na doktor ng henerasyong ito sa pamilya Dantes. Ngunit dahil sa pagiging mababang-loob ng pamilya Dantes sa mga nakaraang taon, bihirang lumabas si Luke Dantes sa publiko at medyo misteryoso. Nang makita niya ang impormasyon ni Luke, hindi maiwasan ni Rhian na magtaka kung anong klaseng tao ito. Ngayon, nang makita siya ng p
Inilabas ni Rhian ang liham ng rekomendasyon mula kay Mr. Florentino mula sa kanyang bag at iniabot ito sa lalaki, "Ito po ang aking liham ng rekomendasyon, paki-tignan po." Tinutok ng lalaki ang tingin at binasa ito, at pagkatapos ay tinitigan siya nang may pagtataka. Matapos ilang segundo ng pag-iisip, yumuko siya at humingi ng paumanhin, "Doktor Fuentes, pasensya na po, akala ko po kayo ay aktres na dumaan para mag-shoot sa suburbs." Ngumiti si Rhian at pininid ang kanyang labi. Kahit may mga kalituhan kanina, hindi maikakaila na ang mga tao sa pamilya Dantes ay may magandang pakikipagkapwa tao. Kahit na inisip nilang hindi siya kabilang, hindi nila nawalan ng galang, kaya’t hindi ito pinag-isipan ni Rhian ng masama. "Puwede na po kayong pumasok, may mag-aasikaso po sa inyo upang makilala si Sir Luke." Tumabi ang lalaki upang magbigay daan. Nagpasalamat si Rhian at pumasok na kasama ang liham ng rekomendasyon. Ang orphanage ay malinaw na inasikaso nang mabuti, may mga maliit
Nang makita nila ang mga nilalaman sa screen ni Rhian, tahimik nilang iniiwas ang tingin. Napakahirap ng mga bagay na tinitingnan ng Mommy nila. Hindi nila agad naintindihan. "Go Mommy!" Hikayat ni Zian kay Rhian gamit ang malambing na boses. Nang marinig ito, ngumiti si Rhian, "Salamat, baby, gagawin ko." Sa gilid, si Rio ay nagbigay ng paalala sa kanyang ina na parang isang maliit na adult, "Mommy, huwag mong gawing gabing-gabi. Mahalaga ang libreng klinika bukas. Kung hindi ka magpapahinga ng maayos, maaapektuhan ang performance mo." Ngumiti si Rhian at tumango, "Naiintindihan ko." “Rio, magaling na si mommy. Kahit hindi pa siya maghanda, magiging pinakamahusay siya bukas!" Sinabi ni Zian nang walang kahirap-hirap. Natawa si Rhian sa mga bata at hinalikan sila sa noo, "Salamat, mga baby, sa pagpapalakas ng loob kay Mommy. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Magpahinga na kayo. Magpapahinga rin ako pagkatapos kong basahin ito." Alam ng mga bata na makakaistorbo sila
Ngunit hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng labis na atensyon ng mga tao sa institusyon ukol sa kanyang paglahok sa libreng klinika.Ngayon, habang mag-isa siyang nakaupo sa opisina, ramdam ni Rhian ang mga magkahalong emosyon.Matapos magbasa ng matagal, wala siyang gaanong natutunan.Habang siya'y naiirita, tumunog ang telepono sa mesa.Kinuha ni Rhian ang telepono at tiningnan ito. Nang makita ang pangalan ng tumatawag, nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Pagkatapos mag-alinlangan, sinagot pa rin niya ang tawag."Rhian, kumusta na ang iyong mga paghahanda?"Pagkabukas ng tawag, narinig agad ang boses ni Mike.Pinigilan ni Rhian ang kabiguan sa kanyang puso at sumagot nang kalmado, "Nag-aaral pa rin ako tungkol sa direksyon ng pananaliksik ng pamilyang Dantes. Paano naman po kayo, senior?"Sumagot si Mike na may ngiti, "Halos ganoon din ako, pero ang mindset ko ngayon ay bilang isang estudyante, kaya hindi ko masyadong inihanda ang sarili ko."Nagpalitan sila ng mga natutunan s
Sumunod na sandali, mabilis na umalis ang kotse ni Zack, halos sumagi sa kanya.Napaurong si Ana sa takot at saka lamang dahan-dahang nakabawi nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse ni Zack.Pagkaraan ng ilang sandali sa tapat ng pintuan, pumasok si Ana sa villa.Ang lolo nito at Gino ay nakaupo sa sofa, nag-uusap tungkol sa mga bagay sa kumpanya. Nang makita nilang pumasok si Ana, sabay silang tumingin."Lolo," ngumiti si Ana at umupo sa tabi ng matanda, mahigpit na niyakap ang braso nito nang may lambing.Palaging mahal ni Mr. Florentino ang kanyang apo, at ilang araw lamang mula nang magalit dito. Ngayon na nalutas na ang problema kay Rhian, naging malambing muli ang trato niya sa apo at ngumiti habang tumugon.Bahagyang kumunot ang noo ni Gino at tiningnan siya, "Ano na naman ang ginawa mo?"Nagkunwari si Ana na naglalambing, "Lumabas lang ako para makipagkita sa mga kaibigan."Pagkasabi nito, maingat niyang tiningnan ang kanyang kuya, "Kadarating lang ba ni Zack?"Bahagyang
Sa tarangkahan, naghihintay si Rhian na buksan ito ng guard. Pero bigla niyang narinig ang mga yapak mula sa likod at awtomatikong lumingon.Nagtagpo ang kanyang mga mata at malamig na tingin ng lalaki.Sandaling natigilan si Rhian. Nang makabawi, bahagya siyang umusod at tumango bilang pagbati.Bagamat may distansya pa sa pagitan nila, ramdam ni Rhian ang malamig na presensiya ni Zack na parang bumabalot sa kanya.Tahimik niyang pinisil ang kanyang palad upang kalmahin ang sarili.Kapag nakalabas na siya ng tarangkahang ito, makakasakay na siya sa kotse at makakaalis nang hindi na kailangang harapin ang lalaki.Ngunit mukhang hindi balak ni Zack na palampasin siya.Nang dahan-dahang bumukas ang tarangkahan, bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Rhian. Mabilis niyang itinaas ang kanyang paa upang makaalis.Ngunit bago pa siya makalayo, biglang may malakas na kamay na humawak sa kanyang pulso. "Doktor Rhian, ganun na lang ba ang hangarin mong umiwas sa akin?"Narinig niya ang malamig at