LIKE
Si Zack ay awtomatiko na humingo sa kanyang trabaho ng marinig ang balita. "Uuwi na ako agad!" Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina, ipinahanda niya ang sasakyan at bumalik siya agad sa Saavedra mansion. "Ano'ng nangyari? Paano siya nawala kahit andiyan kayo para bantayan siya?" Galot na tanong ni Zack nang makabalik siya sa mansion. Ang mga tagasilbi sa sala ay nanginginig sa takot, hindi makatingin sa kanya dahil sa bigat ng kanyang presensya. Mabibigat na salita ang binibitawan ng tagapamahala, "Hindi po namin alam... Pagkatapos mag-agahan kaninang umaga, bumalik po ang Young lady sa kanyang kwarto. Nang umakyat si Aunt Gina upang tawagin siya, wala na po siya." Lalong kumunot ang noo ni Zack, "Nasaan ang surveillance?" Umiiyak na tumugon ang tagapamahala, "Master, hindi ko po alam kung kailan ito na-off, wala pong surveillance footage ngayong umaga." Pagkarinig nito, biglang sumeryoso ang mukha ni Zack. Naging tahimik an
Pagkapasok sa loob, kinuha ni Rhian ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binalikan niya ang kanyang phonebook at nakita ang numero ni Zack. Isinave niya ang numerong ito para siguraduhing hindi niya mamimiss ang tawag mula sa ama ni Rain noong huling beses na nawala ito. Ngayon nakita niya ang numero ni Zack, simple pa rin itong "A” sa celllphone niya. Pagkatapos palitan ang pangalan ng "Zack," tinawagan ni Rhian ang numero. Sa kabilang linya, si Zack ay handa nang magmaneho para hanapin si Rain nang biglang tumunog ang kanyang selpon. Tiningnan niya ang caller ID, at naningkit ang kanyang mga mata bago sagutin ang tawag. "Hello, ako ito," narinig niyang sabi ni Rhian mula sa kabilang linya. Naalala ni Zack ang ginawang paraan ng babaeng ito para iwasan siya noong huli silang nagkausap, kaya't pabagsak ang tono niyang sumagot, "May kailangan ka ba, doktor Fuentes?” Pasulyap si Rhian kay Rain na nasa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Rain, baka ibinaba na niya ang telepono m
May kaalaman ang dalawang bata tungkol sa ganitong klase ng laruan at alam nila na mahal ang mga figurine. Bagama't gusto nila ito, umiling pa rin sila kay Rain bilang pagtanggi, "Napakamahal nito, hindi namin ito matatanggap."Nilingon ni Rain ang ulo, inilapag ang figurine sa tabi nila, at lumingon para isulat sa maliit na notebook, "Para inyo talaga ito. Salamat."Tiningnan ni Zian ang maliit na notebook na hawak ni Rain, litong-lito. Maikli lamang ang sinabi nito sa sulat, sino kaya ang nakakaalam kung ano ang gusto niyang sabihin?Naguluhan din si Rio sa simula, ngunit hindi nagtagal ay naintindihan niya, "Gusto mo bang pasalamatan kami sa pagtulong sa 'yo noong araw na iyon sa eskwelahan?"Mabilis na tumango si Rain, inilapag ang maliit na notebook at iniabot muli ang figurine sa kanila.Narinig ni Rhian ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang sinabi ng guro sa kindergarten na noong araw na iyon ay pinrotektahan nina Rio at Zian si Rain.Ngunit, ano nga kaya ang naganap na alit
Pagkatapos lagyan ni Rhian ng gamot ang sugat ni Rain, bumaba sina Rio at Zian mula sa itaas, dala-dala nila ang mga regalong pinili nila para ibigay.Hawak ng bawat isa ang kakaibang itsura na mga manika at lumapit sila kay Rain, "Binili namin ito gamit ang sarili naming perang baon, at ibibigay namin ito sa 'yo."Ang dalawang manika ay pangit at weird, na tiyak na hindi magugustuhan ng isang batang babae. Ngunit ito ang unang beses na nakatanggap si Rain ng regalo mula sa mga kapwa bata, at galing pa ito sa dalawang kuya na gusto niya nang labis. Kaya tinanggap niya ito agad, puno ng saya ang kanyang mukha, at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa dalawang pangit na manika kaysa dati.Makalipas ang ilang sandali, nang makuntento si Rain sa paghawak ng mga manika, inilapag niya ito at sumulat ng malaking titik na "salamat" sa maliit na notebook, may banayad na ngiti sa kanyang labi, sabay itinaas ang notebook upang ipakita sa dalawang kuya.Unang beses ding nakita nina Rio at Zian na ngu
Pilit na inalis ni Zack ang kanyang mga iniisip at sumunod kay Rio papasok sa loob.Pagkapasok niya, nakita niya si Rain na nakaupo sa carpet ng sala, masigasig na naglalaro ng Lego. Katabi niya, may isa pang batang lalaki na halos kahawig ng batang nagbukas ng pinto para sa kanya.Malinaw na ito at ang nagbukas ng pintuan sa kanya ay kambal.Bahagyang tumiim ang tingin ni Zack, pilit na iniwasan ang tingin sa dalawang bata at iginala ang mga mata sa paligid ng sala. Hindi niya nakita si Rhian sa paligid."Andiyan na ang daddy mo." Pagkatapos pumasok sa pinto, lumapit si Rio kay Rain, at mula sa pagiging mabait kanina, bigla siyang naging malamig sa kanyang tono nang tawagin ito.Pagkarinig nito, dahan-dahang huminto si Rain sa ginagawa, itinaas ang ulo at tiningnan si Zack na nakatayo hindi kalayuan.Pagkatapos ng isang sulyap, agad siyang bumalik sa paglalaro, tila ayaw bumitaw sa kanyang ginagawa. Ibinaba niya ang ulo at nagsimulang magsulat sa kanyang notebook.Sa sala, nakatingin
Nang marinig ng dalawang bata ang pagbanggit sa mommy nila, agad silang naging alerto."Bakit mo hinahanap ang mommy ko?" matalim na tanong ni Rio habang tinititigan ang lalaking hindi kalayuan, para siyang maliit na aso na handang umatake anumang oras.Kahit wala siyang kakayahang manakit, pilit niyang pinapakita na matapang siya sa harapan ng kanilang ama. Gusto ng paslit na ipakita sa lalaki na handa silang ipagtanggol ang mommy nila kahit kanino.Nararamdaman ni Zack ang pagkiling at pagbabantay ng bata, para itong nagbabanta sa hindi niya maunawaan kung bakit, sa kabilang banda, hindi niya magawang maasar, bagkus ay nakaramdam siya ng kakaibang saya. Hindi niya ito sineryoso at sinabi, "Salamat sa inyong dalawa sa pag-aalaga kay Rain nitong mga nakaraan. Kailangan ko kayong pasalamatan nang personal sa kabutihan ninyo sa kanya."Pagkarinig nito, bahagyang nakahinga ng maluwag si Rio, ngunit nanatiling seryoso ang kanyang maliit na mukha, "Hindi na kailangan. Tumawag na ang mommy k
Gusto lang sanang tawagan ni Rhian ang research institute para sabihing na late siyang darating.Pero nagkataon na si Zanjoe ang sumagot. Bago pa man siya makapagsalita, ibinahagi ni Zanjoe ang tungkol sa isang proyekto na minamadali niyang tapusin sa nakalipas na dalawang araw. May ilang set ng datos na nalilito siya.Nagsimula silang mag-usap tungkol dito. Hindi inaasahan, nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa kanilang trabaho ay nakalimutan nila ang oras. Naaalala lang niyang ibaba ang telepono dahil bahagya niyang narinig ang boses ni Zack mula sa ibaba.Mabilis na binaba ni Rhian ang telepono at nagmamadaling bumaba. Sobra ang kaba niya kaya naman kung ano-ano na ang sumasagi sa isip niya. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Bakit nakalimutan niya na si Zack ay darating pala!Nasa ibaba pa rin ang dalawang niyang anak kasama si Rain.Kung makita sila ni Zack...Nang maisip niya kung ano ang posibleng mangyari, lalong tumindi ang kaba ni Rhian. Pero ng bumaba siya at subukan
Walang karanasan si Zack sa pagpapakalma ng bata. Sa nakaraan, kapag naiinis si Rain sa kanya, palagi niyang tinatawag si Aunt Gina para pakalmahin ito.Nang makita niyang umiiyak ang kanyang anak sa harap ni Rhian, medyo nataranta si Zack. Kaya naman inutusan niya itong tumahan, at sa malamig at walang ekspresyon ay naglita, "Huwag kang umiyak."Akala niya, walang emosyon ang sinabi niyang iyon. Pero sa pandinig ni Rain, parang galit ang tunog nito.Pagkatapos niyang magsalita, lalo pang humagulgol si Rain. Halos walang patid ang kanyang mga luha at bumabagsak sa kanyang pisngi. Nakayuko siya at humihikbi, halos hindi makahinga.Nagsalubong ang kilay ni Zack, hindi alam kung paano mag-react.Nang makita ni Rhian ang batang umiiyak ng ganito at ang malamig na reaksyon ni Zack bilang ama, hindi na niya matiis."Ganyan ba ang pakikitungo mo sa anak mo? Umiiyak na nga ang bata ng ganito, tapos kakausapin mo pa siya sa ganyang tono? Hindi mo ba siya kayang kausapin nang maayos? Paano mo si
Kinagabihan, natapos ni Zack ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Rhian upang sunduin si Rain.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Manny kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Manny, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Rhian tungkol sa relasyon nila ni Luke Dantes!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Rhian, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Zack.Nang buksan ni Rhian ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat.Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Rain, hindi pa niya nagagawang magalit kay Zack, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Rhian nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Rain? Susunduin ko na siya."Ramdam ni Rh
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Zian.Nakatitig si Little Rain kay Rhian, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Rhian at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tiyahin ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Rio at Zian, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin.Samantala, hindi agad naunawaan ni Rhian kung sino ang sinasabi ng bata."Si Marga!" galit na sagot ni Zian, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ni Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian.Bagama’t nangako siya kay Little Rain na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niya alam kung
Kasabay nito, nasa bahay si Rhian kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Rain, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Rhian at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Rain, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Rhian?" Pinatigil ni Rhian ang paglalaro at inalalayan si Little Rain na maupo sa carpet.Sumunod din sina Rio at Zian, halatang nag-aalala.Nang marinig niya ang tanong ng ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot.Mahigpit na pinagdikit ni Little Rain ang kanyang mga labi, iniisip si Marga sa bahay. Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan.Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Marga sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa.Hinahabol pa naman ni Daddy si Tita Rhian. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Rhian hindi ito maganda...Sa isiping ito, bakas sa mga mata ng bata ang pag-aalinlangan
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Zack mula sa bahay ni Rhian, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Zack mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Manny. Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Manny.Bahagyang kumunot ang noo ni Zack. "Anong nangyari?"Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Manny. "May problema sa proyektong kasosyo natin sa Florentino Family."Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Zack at mabilis na naglakad pabalik sa opisina.Tahimik na sumunod si Manny at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Zack.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Florentino Family.Sagot ni Manny, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Zack.Mahalaga ang pagbili ng komp
Tiningnan ni Zack ang lipstick sa labi ng maliit na babae, may bakas ng aliw sa kanyang mga mata.Mukhang nagkamali ito sa paglalagay ng makeup, ni hindi man lang niya napansing tabingi ang kanyang lipstick.Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, puno rin ng pagkalito ang mukha ng babae, dahilan upang matukso siyang asarin ito.Sa pag-iisip nito, talagang ginawa ito ni Zack.Kitang-kita ni Rhian ang lalaking biglang iniangat ang kamay at itinapat sa kanyang mukha.Nang malapit nang dumikit ang kanyang kamay, biglang natauhan si Rhian at mabilis na umatras nang may kaba, iniiwasan ang kanyang hawak.Nahulog sa hangin ang nakaunat na kamay ni Zack, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagkadismaya."May kailangan pa ba kayo, Ginoong Zack?malamig na tanong ni Rhian habang may distansya sa pagitan nila.Nakita ni Zack ang pagkabalisa sa mukha ni Rhian at bahagyang napangiti. Kalma niyang ipinaliwanag, "Mali ang pagkapahid ng lipstick mo."Namula nang bahagya ang mukha ni Rhian sa kanyang
Habang papunta sa kumpanya, nakita ni Zack ang kanyang anak na babae sa rearview mirror at napakunot ang noo."Si Daddy ang maghahatid sa iyo," sabi ni Zack nang may seryosong tono.Plano niyang utusan si Manny na ihatid ang bata mamaya, ngunit nang makita ang kalagayan nito, naisip niyang baka hindi kayanin ni Manny na alagaan siya.Pagkatapos nito, direktang tinawagan ni Zack si Manny.Mabilis na sinagot ang tawag sa kabilang linya, Yes Master gaano katagal bago kayo dumating?"Kumunot ang noo ni Zack at sinabing, "Ipagpaliban ang pulong sa umaga sandali."Nagulat si Manny nang marinig ito.Mahalaga ang pulong sa umaga, ngunit sinabi ng kanyang Master na ipagpaliban ito..."Mga isang oras lang naman," dagdag pa ni Zack. "Ihahatid ko muna si Rain."Sumang-ayon si Manny.Sa paglipas ng mga taon, nasanay na siya. Sa kanyang Master ang lahat ay kailangang magbigay-daan para sa batang babae.Matapos ibaba ang telepono, binago ni Zack ang direksyon ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo
Pagkaraan ng ilang sandali, dinala ni Zack si Rain pababa.Nasa mesa na si Marga at nakaupo na.Nang makita silang pababa, pinigilan ni Marga ang kanyang pagkadismaya at ngumiti sa dalawa. Tinuro ang upuan sa tabi niya at sinabi kay Rain, "Rain, halika, papakainin ka ni Tita ng agahan."Inisip niyang pagkatapos ng pagbabanta kanina, magiging masunurin ang bata.Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, tila hindi narinig ng bata ito at hinawakan lang ang damit ni Zack, sinundan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ng kanyang ama.Nakita ni Marga na hindi siya pinapansin ng mag-ama, kaya't nanigas ang ekspresyon niya."Zack, kailangan mong pumasok mamaya, di ba?" Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Marga ng pilit.Tumango si Zack nang walang komento.Nakita ni Marga na may kaunting tugon, kaya't humupa ang kanyang galit at ngumiti, "Rain, hayaan mong samahan ka ni Tita ngayon! Tiyak na magiging masaya tayo mamaya!"Nang matapos ang sinabi, nakita niyang tinitigan siya ng bata ng may pa
Nang makita niya si Tita Marga na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Rain at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Marga sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Marga ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Zack, tinawagan niya si Rhian.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Manny duon wala si Rhian at kung hindi makita ng bata si Rhian, baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya."Zack, may kailangan ba?" tanong ni Rhian na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Zack at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Rhian ay napahikab at umupo mula sa kama ok lang dapat nga gising na ako sa
Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Zack, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak.Pumunta si Zack upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Zack at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?"Sumulyap ang bata sa kwarto ni Marga sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy, "Gusto ni Rain pumunta kay Tita Rhian Daddy, isasama ni Daddy si Rain doon!"Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Marga, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Zack.Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan ngayong umag