LIKE
"Nalaman ko na kababalik ninyo lamang mula sa ibang bansa. Siguradong lumaki sina Rio at Zian sa ibang bansa, tama ba? Nakakamangha lang, hindi ko inasahan na mahusay silang magsalita ng tagalog.” Pansamantala lang na nakahanap ng dahilan ang guro upang manatili sila Rhian at mga anak nito. Talagang maganda ang naging behavior nina Rio at Zian sa klase. Wala siyang ibang maikuwento sa kasalukuyan, kaya't nagbukas ang guro ng paksa tungkol sa mga maliliit na bagay. Ngumiti at tumango si Rhian, "Dahil maraming mga pinoy na nakapaligid sa amin, nakikipag-usap kami sa kanila sa wikang tagalog, actually ay marunong din sila sa wikang Chinese. Marami din kasing mga tsino sa Amerika, at habang nag aaral ako ay sila ang madalas namin na nakakausap.” Tahimik lamang ang dalawang anak ni Rhian habang nakikinig, sa bawat kwento ng kanilang mommy sila ay masaya at tumatango ng nakangiti. Nang makita ng guro kung gaano sila kabait, hindi niya maiwasang mainggit, "Bukod sa Mandarin, Tagalog a
Malalaki ang hakbang na naglakad si Zack, hindi niya napansin ang dalawang bata sa loob ng sasakyan. Alam niyang nahuli na siya, kaya't mabilis siyang pumasok sa gate eskwelahan. Pagpasok niya, nakita niya ang dalawang tao na nakatayo sa tabi ng slide, at si Rain na halos nasa mga bisig ni Rhian. "Dumating ang daddy ni Rain! Magandang araw, Mr. Saavedra!” Bumati ang guro kay Zack ng may paggalang ng makita itong dumating. Bahagyang tumango lamang si Zack sa guro, lumakad ito papunta sa kanilang tatlo. Tinignan niya ang kanyang anak at pagkatapos ay malamig na tumingin kay Rhian, "Ano ang ginagawa mo dito?” Naramdaman ni Rhian ang kalamigan ng lalaki, halata na hindi siya gustong makita, kaya't bahagya siyang sumimangot. Sa tabi, nagulat ang guro ng makita na kausapin ng ama ni Rain si Rhian, "Magkakilala pala kayong dalawa?” Akala niya'y hindi kilala ni Rhian si Rain. Ngunit kung iisiping mabuti, ang paglapit at halatang pagkagusto ng bata sa mommy ng kambal ay posibleng ang dahi
Pagkaraan ng ilang sandali, ang galit ni Rhian ay nawala, gusto niyang matawa sa kanyang sarili. Wala siyang karapatang magalit—sa mga mata ni Zack, noon pa ma’y wala na siyang karapatan na magalit. Hindi siya kwalipikado! Ibinaling ni Rhian ang kanyang mata sa ibang bagay, inalis ang hindi magandang alaala ng nakaraan, ayaw kaawaan ang sarili, hindi na lamang siya muling nagsalita. Marahan at malupit niyang inalis ang kamay ng anak ni Zack na humahawak sa laylayan ng kanyang damit. Nais muling abutin ni Rain si Rhian ngunit nahawakan na lamang nito ay hangin. "Si Rio at Zian ay naghihintay pa rin kay ate. Dapat ka ng sumama sa daddy mo ng maayos. Aalis na rin si ako para pumtahan sila." Hinaplos ni Rhian ang ulo ng paslit, inilagay niya ang kamay nito sa kanyang tagiliran, at mabilis na nagpaalam sa guro, bago nagmamadaling umalis nang hindi lumingon pa sa mga ito. Pagpasok ni Rhian sa sasakyan, nakaupo na ang dalawang bata nang tuwid. Nang makita siyang pumasok, inosente
Sa buong daan pauwi, si Rain ay nagtatampo pa rin. Hindi niya pinansin ang kanyang daddy na sumusunod sa kanya. Siya ay diretso na umakyat sa itaas ng kanyang kwarto at galit na isinara ang pinto. Nakatayo si Aunt Gina sa pinto. Nang kanyang makita ang bata na mukhang galit, at ang kanyang amo na sumusunod sa dito na walang ekspresyon, alam niyang may hindi pinagkaunawaan na naman ang dalawa. Tiningnan ni Aunt Gina si Zack na may pag-aalala. "Master, ano ang ikinagalit ng Young lady?” Naalala ni Zack ang dahilan kung bakit nagalit ang maliit na batang babae sa kanya bago sumagot sa malamig na tono, "Wala, nagagalit lang siya sa akin, bantayan mo muna siya.” Tumango si Aunt Gina pagkatapos marinig ang utos at magalang na sumang-ayon, "masusunod, master.” Bihira lamang magpakita ng emosyon, o galit kaninuman ang kanilang Young lady, ngunit pagdating sa ama nito ay madalas itong mainis. Ang kanilang master ay hindi marunong manuyo, o magpakita ng lambot sa isang tao, kay
Kinabukasan, Sabado na, at walang pasok sa kindergarten ang dalawang bata. Nagpasya si Rhian na dalhin sila sa research institute. Nang handa na siyang lumabas, narinig niyang tumunog ang doorbell. Akala ni Rhian na si Jenny ang dumating, kaya tumayo siya at binuksan ang pintuan. Nang makita ang taong nakatayo sa pintuan, biglang kumunot ang kanyang noo sa gulat ng makita kung sino ang kanyang nakita, "Rain? Bakit ka nandito?" Matapos niyang sabihin iyon, napatingin siya sa paligid, iniisip na si Zack ay naghihintay sa malayo. Ngunit sa kabila ng matagal na pagtingin, wala siyang ibang nakita sa pintuan maliban kay Rain. Inalis ni Rhian ang tingin niya ng hindi niya nakita ang ama nito, lumuhod siya at tumingin sa mata ng maliit na bata, "Sabihin mo kay ate, paano ka nakarating dito? Si Daddy ba ang naghatid sa’yo?" Pero ayon sa ipinakita ni Zack sa kindergarten kahapon, maliit ang posibilidad na ihatid niya si Rain dito… mukhang hindi nga niya gusto na lumapit sa kanya ang anak n
Si Zack ay awtomatiko na humingo sa kanyang trabaho ng marinig ang balita. "Uuwi na ako agad!" Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina, ipinahanda niya ang sasakyan at bumalik siya agad sa Saavedra mansion. "Ano'ng nangyari? Paano siya nawala kahit andiyan kayo para bantayan siya?" Galot na tanong ni Zack nang makabalik siya sa mansion. Ang mga tagasilbi sa sala ay nanginginig sa takot, hindi makatingin sa kanya dahil sa bigat ng kanyang presensya. Mabibigat na salita ang binibitawan ng tagapamahala, "Hindi po namin alam... Pagkatapos mag-agahan kaninang umaga, bumalik po ang Young lady sa kanyang kwarto. Nang umakyat si Aunt Gina upang tawagin siya, wala na po siya." Lalong kumunot ang noo ni Zack, "Nasaan ang surveillance?" Umiiyak na tumugon ang tagapamahala, "Master, hindi ko po alam kung kailan ito na-off, wala pong surveillance footage ngayong umaga." Pagkarinig nito, biglang sumeryoso ang mukha ni Zack. Naging tahimik an
Pagkapasok sa loob, kinuha ni Rhian ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binalikan niya ang kanyang phonebook at nakita ang numero ni Zack. Isinave niya ang numerong ito para siguraduhing hindi niya mamimiss ang tawag mula sa ama ni Rain noong huling beses na nawala ito. Ngayon nakita niya ang numero ni Zack, simple pa rin itong "A” sa celllphone niya. Pagkatapos palitan ang pangalan ng "Zack," tinawagan ni Rhian ang numero. Sa kabilang linya, si Zack ay handa nang magmaneho para hanapin si Rain nang biglang tumunog ang kanyang selpon. Tiningnan niya ang caller ID, at naningkit ang kanyang mga mata bago sagutin ang tawag. "Hello, ako ito," narinig niyang sabi ni Rhian mula sa kabilang linya. Naalala ni Zack ang ginawang paraan ng babaeng ito para iwasan siya noong huli silang nagkausap, kaya't pabagsak ang tono niyang sumagot, "May kailangan ka ba, doktor Fuentes?” Pasulyap si Rhian kay Rain na nasa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Rain, baka ibinaba na niya ang telepono m
May kaalaman ang dalawang bata tungkol sa ganitong klase ng laruan at alam nila na mahal ang mga figurine. Bagama't gusto nila ito, umiling pa rin sila kay Rain bilang pagtanggi, "Napakamahal nito, hindi namin ito matatanggap."Nilingon ni Rain ang ulo, inilapag ang figurine sa tabi nila, at lumingon para isulat sa maliit na notebook, "Para inyo talaga ito. Salamat."Tiningnan ni Zian ang maliit na notebook na hawak ni Rain, litong-lito. Maikli lamang ang sinabi nito sa sulat, sino kaya ang nakakaalam kung ano ang gusto niyang sabihin?Naguluhan din si Rio sa simula, ngunit hindi nagtagal ay naintindihan niya, "Gusto mo bang pasalamatan kami sa pagtulong sa 'yo noong araw na iyon sa eskwelahan?"Mabilis na tumango si Rain, inilapag ang maliit na notebook at iniabot muli ang figurine sa kanila.Narinig ni Rhian ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang sinabi ng guro sa kindergarten na noong araw na iyon ay pinrotektahan nina Rio at Zian si Rain.Ngunit, ano nga kaya ang naganap na alit
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Mar
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.Samantala, mabilis na bumaba si Marga mat
Matapos ang ilang araw, naging malungkot ang pagpasok ni Rain sa eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, nakita niyang nag-eenjoy ang kambal kasama ang ibang mga bata, ngunit hindi siya pinapansin ng dalawa. Sa wakas, nang magkaroon siya ng lakas ng loob para tumakbo at lapitan sila.Nagkatinginan ang dalawang bata, si Rio ay sinadyang magtanong ng seryoso. "Ano ang kailangan mo sa amin?"Hinawakan ni Rain ang kanyang maliit na palda, ang kanyang mga kilay at labi ay kumibot Tinitigan niya sila ng seryoso at binuksan ang bibig upang subukan na maglabas ng tunog... Nakaramdam ng awa at pagkabahala sina Rio at Zian para sa kanya. Naawa sila pero kailangan nila itong gawin. Sa paraang ito lamang sila makakatulong sa dalawa. Kung hindi nila ito gusto tulungan, hindi nila gagawin ito kay Rain.Matapos maghintay ng matagal, gusto nang sumuko ng dalawang bata, ngunit bigla nilang narinig ang isang malambot na boses na kasing hina ng langgam."Kuya..."Namumula si Rain, at sa wakas ay naka
Kinabukasan, isinama ni Rhian ang tatlong bata para kumain. Tahimik na nakaupo si Rain sa tabi niya, nakikipagkulitan ito sa dalawa niyang anak. Habang tinitingnan ito, gusto gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. Ang cute kasi nito. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na makadama ng awa. Kahapon ay nakita niya ang kagustuhan nito ba makapagsalita… nagsisikap ito na maglabas ng boses… ngunit sa huli ay wala itong nagawa. Nang maisip ito ni Rhian, mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi at malambing na nagsalita. “Ano ang gusto mong kainin, Rain? Gusto mo ba ng cake? Eh pancakes? Masiglang tumango ito sa kanya. Nag-order agad si Rhian ng cake at pancakes para sa bata. Nang dumating ito, nag-slice siya at nilagay sa plato nito. “Kumain ka na marami ha. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang kay tita.” Habang nakatitig sa magandang mukha ni Rhian, kumurap si Rain… ang lambing ng boses ni tita, ang sarap pakinggan! Bumuntong-hininga si Rhian, may kalun
"Pasensya na, may mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kanina kaya hindi ko kayo nasundo. Nakakain na ba kayo?" Bumitaw ng yakap si Rhian sa tatlo at hinaplos ang mga mukha nila.Tumango si Zian. "Opo, mommy, kumain na kami! Naglaro pa nga kami ng matagal!"Tumango naman si Rion at sinabing, "Nag-eenjoy kami habang naglalaro dito nila Rain!"Nakangiting huminga ng maluwag si Rhian at tumayo, "Anong nilalaro ninyo? Ipakita ninyo nga sa akin."Masayang tumakbo si Zian patungo sa sala, "Naglaro kami ng Lego na ibinigay sa amin ng tito kanina. Nakakamangha! Ang dami nito! Talagang masaya na maglaro gamit ito!"Sumunod sina Rio at Rain kay Rhian. Hawak ni Rhian ang isang kamay ni Rain, at sa kabila naman ay kamay ni Rion, nakangiti silang nakatingin at nakasunod kay Zian.Ang Lego na ibinigay ni Zack sa mga bata ay pasok sa kanilang expectation. Kung titingnan ang modelo at difficulty nito, talagang nagustuhan nila ito.Napaawang ang labi ni Rhian ng makita ang nabuo ng tatlo. I
Nagsimula nang gumalaw ang traffic sa harap, pinakawalan ni Rhian ang preno at ibinalik ang tingin sa kalsada.Naisip niyang bigla ang ekspresyon ng lalaki kanina, kaya't lalo niyang naramdaman ang pagkaasar, "Hindi ba't ikakasal ka na, Mr. Saavedra kay Miss Suarez? Hindi mo ba naisiip na hindi tama na magkasama tayo? O bigla ka nalang sumusulpot... kahit sabihin mong dahil ito kay Rain. Hindi tama ito!"Kung makapag-usisa ito ay parang close sila. Eh siya nga ay hindi rin alam ang kung sino ang tunay na ina ni Rain.Kahit na nagkalapit sila dahil kay Rain. Wala itong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Sino ba ito upang manghimasok? Hindi inasahan ni Zack na banggitin ni Rhian si Rain. May dumaan na pagkabahala ang mukha niya, at sumagot siya nang malabo, "Ibang usapin iyon."Tumaas ang kilay ni Rhian at nagpasabog ng tawa, "Ano'ng pagkakaiba? Bukod pa rito, wala naman tayong ibang relasyon. Kaya lang naman tayo nagkakalapit ngayon ay dahil lang iyon sa anak mo. Ni hindi nga tay
Parang naramdaman ni Rhian na may malamig na mata na nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang mata sa paligid ng kunot ang noo, ngunit wala namang kakaiba sa paligid. Baka guni-guni lang niya na parang may nakatingin sa kanya."Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Mike nang mapansin ang kakaibang kilos ni Rhian. Binalik ni Rhian ang tingin sa kanya at umiling. "Wala. Saan na nga tayo kanina?" Aniya para alisin ang suspisyon niya, tinuon nalang niya ang atensyon kay Mike. Ngunit habang nag-uusap si;a, hindi nawala ang ganung pakiramdam... parang may nakatingin talaga sa kanya na hindi naman niya alam kung saan nagmula.Natapos nalang sila kumain ngunit hindi parin siya napalagay, dama niya parin ang tila tumatagos na tingin sa kanya.Binasag ni Mike ang ilang sandali na pananahimik niya. "Gabi na, ihahatid na kita pauwi." Ngunit tumanggi si Rhian at ngumiti, "Hindi na, ako na lang, may sarili akong sasakyan, hindi mo na kailangan mag-abala." Dahil dito, hindi na nagpumi
Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n b
Nang makita ang mga lalaking walang ekspresyon na may dalang mga kahon, naguluhan si Rhian. "Ano ito...?" Sumagot si Zack, "Lego. Narinig kong gusto nila itong laruin kahapon, kaya ipinamili ko sa aking assistant kagabi. May kasama rin itong mga mahihirap na puzzle. Sigurado akong magugustuhan nila ito." Hindi maiwasan ni Rhian na mamangha. Tiningnan niya ang mga matitikas na lalaki na parang hindi bagay sa mga hawak nilang kahon. "Papapasukin mo na ba sila?" Tanong ni Zack.Nagdalawang-isip si Rhian, ngunit sa huli’y tumabi, nagbigay naman si Zack ng hudyat sa mga bodyguards na ipasok ang mga kahon, pinanood sila ni Rhian na isa-isang inilapag ang mga dala nilang kahon sa sahig. Narinig ng tatlong bata mula sa dining area ang ingay sa labas at dali-daling lumabas upang makita kung ano ang nangyayari. Tumayo sina Rio at Zian malapit sa mga kahon, ang kanilang mga mata ay nagniningning sa tuwa. Si Rain naman ay tumakbo muna sa kanyang daddy, bago bumalik sa tabi ng dalawa