LIKE
Pagkaraan ng ilang sandali, ang galit ni Rhian ay nawala, gusto niyang matawa sa kanyang sarili. Wala siyang karapatang magalit—sa mga mata ni Zack, noon pa ma’y wala na siyang karapatan na magalit. Hindi siya kwalipikado! Ibinaling ni Rhian ang kanyang mata sa ibang bagay, inalis ang hindi magandang alaala ng nakaraan, ayaw kaawaan ang sarili, hindi na lamang siya muling nagsalita. Marahan at malupit niyang inalis ang kamay ng anak ni Zack na humahawak sa laylayan ng kanyang damit. Nais muling abutin ni Rain si Rhian ngunit nahawakan na lamang nito ay hangin. "Si Rio at Zian ay naghihintay pa rin kay ate. Dapat ka ng sumama sa daddy mo ng maayos. Aalis na rin si ako para pumtahan sila." Hinaplos ni Rhian ang ulo ng paslit, inilagay niya ang kamay nito sa kanyang tagiliran, at mabilis na nagpaalam sa guro, bago nagmamadaling umalis nang hindi lumingon pa sa mga ito. Pagpasok ni Rhian sa sasakyan, nakaupo na ang dalawang bata nang tuwid. Nang makita siyang pumasok, inosente
Sa buong daan pauwi, si Rain ay nagtatampo pa rin. Hindi niya pinansin ang kanyang daddy na sumusunod sa kanya. Siya ay diretso na umakyat sa itaas ng kanyang kwarto at galit na isinara ang pinto. Nakatayo si Aunt Gina sa pinto. Nang kanyang makita ang bata na mukhang galit, at ang kanyang amo na sumusunod sa dito na walang ekspresyon, alam niyang may hindi pinagkaunawaan na naman ang dalawa. Tiningnan ni Aunt Gina si Zack na may pag-aalala. "Master, ano ang ikinagalit ng Young lady?” Naalala ni Zack ang dahilan kung bakit nagalit ang maliit na batang babae sa kanya bago sumagot sa malamig na tono, "Wala, nagagalit lang siya sa akin, bantayan mo muna siya.” Tumango si Aunt Gina pagkatapos marinig ang utos at magalang na sumang-ayon, "masusunod, master.” Bihira lamang magpakita ng emosyon, o galit kaninuman ang kanilang Young lady, ngunit pagdating sa ama nito ay madalas itong mainis. Ang kanilang master ay hindi marunong manuyo, o magpakita ng lambot sa isang tao, kay
Kinabukasan, Sabado na, at walang pasok sa kindergarten ang dalawang bata. Nagpasya si Rhian na dalhin sila sa research institute. Nang handa na siyang lumabas, narinig niyang tumunog ang doorbell. Akala ni Rhian na si Jenny ang dumating, kaya tumayo siya at binuksan ang pintuan. Nang makita ang taong nakatayo sa pintuan, biglang kumunot ang kanyang noo sa gulat ng makita kung sino ang kanyang nakita, "Rain? Bakit ka nandito?" Matapos niyang sabihin iyon, napatingin siya sa paligid, iniisip na si Zack ay naghihintay sa malayo. Ngunit sa kabila ng matagal na pagtingin, wala siyang ibang nakita sa pintuan maliban kay Rain. Inalis ni Rhian ang tingin niya ng hindi niya nakita ang ama nito, lumuhod siya at tumingin sa mata ng maliit na bata, "Sabihin mo kay ate, paano ka nakarating dito? Si Daddy ba ang naghatid sa’yo?" Pero ayon sa ipinakita ni Zack sa kindergarten kahapon, maliit ang posibilidad na ihatid niya si Rain dito… mukhang hindi nga niya gusto na lumapit sa kanya ang anak n
Si Zack ay awtomatiko na humingo sa kanyang trabaho ng marinig ang balita. "Uuwi na ako agad!" Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina, ipinahanda niya ang sasakyan at bumalik siya agad sa Saavedra mansion. "Ano'ng nangyari? Paano siya nawala kahit andiyan kayo para bantayan siya?" Galot na tanong ni Zack nang makabalik siya sa mansion. Ang mga tagasilbi sa sala ay nanginginig sa takot, hindi makatingin sa kanya dahil sa bigat ng kanyang presensya. Mabibigat na salita ang binibitawan ng tagapamahala, "Hindi po namin alam... Pagkatapos mag-agahan kaninang umaga, bumalik po ang Young lady sa kanyang kwarto. Nang umakyat si Aunt Gina upang tawagin siya, wala na po siya." Lalong kumunot ang noo ni Zack, "Nasaan ang surveillance?" Umiiyak na tumugon ang tagapamahala, "Master, hindi ko po alam kung kailan ito na-off, wala pong surveillance footage ngayong umaga." Pagkarinig nito, biglang sumeryoso ang mukha ni Zack. Naging tahimik an
Pagkapasok sa loob, kinuha ni Rhian ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binalikan niya ang kanyang phonebook at nakita ang numero ni Zack. Isinave niya ang numerong ito para siguraduhing hindi niya mamimiss ang tawag mula sa ama ni Rain noong huling beses na nawala ito. Ngayon nakita niya ang numero ni Zack, simple pa rin itong "A” sa celllphone niya. Pagkatapos palitan ang pangalan ng "Zack," tinawagan ni Rhian ang numero. Sa kabilang linya, si Zack ay handa nang magmaneho para hanapin si Rain nang biglang tumunog ang kanyang selpon. Tiningnan niya ang caller ID, at naningkit ang kanyang mga mata bago sagutin ang tawag. "Hello, ako ito," narinig niyang sabi ni Rhian mula sa kabilang linya. Naalala ni Zack ang ginawang paraan ng babaeng ito para iwasan siya noong huli silang nagkausap, kaya't pabagsak ang tono niyang sumagot, "May kailangan ka ba, doktor Fuentes?” Pasulyap si Rhian kay Rain na nasa tabi niya. Kung hindi lang dahil kay Rain, baka ibinaba na niya ang telepono m
May kaalaman ang dalawang bata tungkol sa ganitong klase ng laruan at alam nila na mahal ang mga figurine. Bagama't gusto nila ito, umiling pa rin sila kay Rain bilang pagtanggi, "Napakamahal nito, hindi namin ito matatanggap."Nilingon ni Rain ang ulo, inilapag ang figurine sa tabi nila, at lumingon para isulat sa maliit na notebook, "Para inyo talaga ito. Salamat."Tiningnan ni Zian ang maliit na notebook na hawak ni Rain, litong-lito. Maikli lamang ang sinabi nito sa sulat, sino kaya ang nakakaalam kung ano ang gusto niyang sabihin?Naguluhan din si Rio sa simula, ngunit hindi nagtagal ay naintindihan niya, "Gusto mo bang pasalamatan kami sa pagtulong sa 'yo noong araw na iyon sa eskwelahan?"Mabilis na tumango si Rain, inilapag ang maliit na notebook at iniabot muli ang figurine sa kanila.Narinig ni Rhian ang sinabi ng kanyang anak at naalala ang sinabi ng guro sa kindergarten na noong araw na iyon ay pinrotektahan nina Rio at Zian si Rain.Ngunit, ano nga kaya ang naganap na alit
Pagkatapos lagyan ni Rhian ng gamot ang sugat ni Rain, bumaba sina Rio at Zian mula sa itaas, dala-dala nila ang mga regalong pinili nila para ibigay.Hawak ng bawat isa ang kakaibang itsura na mga manika at lumapit sila kay Rain, "Binili namin ito gamit ang sarili naming perang baon, at ibibigay namin ito sa 'yo."Ang dalawang manika ay pangit at weird, na tiyak na hindi magugustuhan ng isang batang babae. Ngunit ito ang unang beses na nakatanggap si Rain ng regalo mula sa mga kapwa bata, at galing pa ito sa dalawang kuya na gusto niya nang labis. Kaya tinanggap niya ito agad, puno ng saya ang kanyang mukha, at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa dalawang pangit na manika kaysa dati.Makalipas ang ilang sandali, nang makuntento si Rain sa paghawak ng mga manika, inilapag niya ito at sumulat ng malaking titik na "salamat" sa maliit na notebook, may banayad na ngiti sa kanyang labi, sabay itinaas ang notebook upang ipakita sa dalawang kuya.Unang beses ding nakita nina Rio at Zian na ngu
Pilit na inalis ni Zack ang kanyang mga iniisip at sumunod kay Rio papasok sa loob.Pagkapasok niya, nakita niya si Rain na nakaupo sa carpet ng sala, masigasig na naglalaro ng Lego. Katabi niya, may isa pang batang lalaki na halos kahawig ng batang nagbukas ng pinto para sa kanya.Malinaw na ito at ang nagbukas ng pintuan sa kanya ay kambal.Bahagyang tumiim ang tingin ni Zack, pilit na iniwasan ang tingin sa dalawang bata at iginala ang mga mata sa paligid ng sala. Hindi niya nakita si Rhian sa paligid."Andiyan na ang daddy mo." Pagkatapos pumasok sa pinto, lumapit si Rio kay Rain, at mula sa pagiging mabait kanina, bigla siyang naging malamig sa kanyang tono nang tawagin ito.Pagkarinig nito, dahan-dahang huminto si Rain sa ginagawa, itinaas ang ulo at tiningnan si Zack na nakatayo hindi kalayuan.Pagkatapos ng isang sulyap, agad siyang bumalik sa paglalaro, tila ayaw bumitaw sa kanyang ginagawa. Ibinaba niya ang ulo at nagsimulang magsulat sa kanyang notebook.Sa sala, nakatingin
Nang makita ni Rhian ang acupoint na tinutok ni Harry, bigla siyang kinabahan at subconsciously pinigilan siya, "Sandali lang, hindi mo puwedeng ilapat ang akupunktura sa acupoint na yan!" Pagkatapos niyang magsalita, sabay-sabay siyang tinignan ng tatlong tao, kasama ang bata na naroon. Si Harry ay lalong nainis, "Doctor Fuentes, kung hindi ka nakakaintindi, huwag ka nang makialam. Ito ang pinakamahalagang acupoint para sa pain relief. Hindi mo ba alam ito?" Sa totoo lang, hindi pa rin sigurado si Rhian, pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niyang mali ang acupoint na iyon, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ngayon, nang marinig ang tanong ni Harry, dahan-dahan siyang kumalma, at sunod-sunod na mga pagsusuri ang dumaan sa kanyang isipan. Pagkalipas ng ilang sandali, lumapit siya ng matatag kay Harry at mahinahong ipinaliwanag, "Tama ka, ito ang pinaka-basic na acupoint para sa pagpapagaan ng sakit. Alam ko ito nang mabuti, ngunit bago magbigay ng pampaginhawa, kailangan
Naaawa din sila para sa mga batang ito, ngunit wala silang magawa kundi manood.Hindi ito ang unang beses na nakakita si Luke ng ganitong sitwasyon, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyang medyo naaantig.Si Harry na nasa gilid ay hindi na nakatiis. Kung patuloy na pinapalakas ni Rhian ang loob ng mga bata, hindi niya alam kung gaano pa katagal ito.Agad na lumapit si Harry at hinawakan ang pulso ng isa sa mga bata, "Halika, hayaan mong tignan kita. Kailangan kang magpa-check-up para gumaling."Natakot ang bata sa kanya at tinitigan siya ng may takot.Nakakunot ang noo ni Harry, iniisip na baka matakot ang bata at gumana ito, kaya't tiningnan niya ang bata ng may matalim na mukha, "Ayoko sa mga batang pasaway!"Nakita ng bata ang matalim na ekspresyon ni Harry at napaiyak ng malakas.Nakita ito ni Rhian at agad na tumayo upang tumulong, "Doctor Harry, mga bata pa sila hindi mo sila dapat takutin para magpagamot. Maghintay at magpakasensya ka.”Si Mike at Luke ay
Nakita ni Mike na hindi siya apektado, kaya't nakahinga siya ng maluwag.Si Luke, na nakatayo sa gilid, ay tiningnan ang dalawa ng may kahulugan.Nang makatagpo siya ng pagkakataon na makita si Mike sa opisina kanina, alam na niyang magkakilala sila.Ngunit hindi niya inasahan na magiging ganoon kalapit ang kanilang relasyon.Naging tahimik ang compartment ng sandali.May bahagyang ingay sa pinto, at sinundan ito ng paalala mula sa staff, "Sir Luke, nagsimula na ang libreng klinika, at narito na ang mga bata."Nang marinig ito, agad na nag-adjust ang mga tao at tiningnan ang pinto ng compartment nang may ngiti.Apatan na cute na mga bata ang nag-linya at pumasok.Nang makita ang apat na tao sa loob, hindi napigilan ng mga bata na mamula.Maliban kay Harry, na nasa kalagitnaan na ng edad at medyo malaki ang tiyan, ang tatlong iba pa ay may taglay na kahanga-hangang hitsura. Kahit na nakangiti sila nang mabait, hindi nakayanan ng mga bata ang hiya at tumigil sa pinto, hindi na naglakas
Tiningnan ni Luke ang oras at sumagot ng malalim na tinig, "Malapit na, maghintay lang ng kaunti, ginagawa pa ang mga paghahanda sa labas."Tumango si Harry, tiningnan si Rhian ng may pagdududa, at pagkatapos ay nagtanong kay Luke, "Marami sigurong responsibilidad dito. Ano sa tingin mo? Kung gusto mo, maaari tayong maglipat ng isa o dalawang doktor mula sa ibang compartment?"Nang marinig ito, nagtaka si Rhian at ang iba pang mga doktor kung bakit siya nagtanong ng ganoon.Direktang nagtanong si Lukr, "Bakit? Pakiramdam mo ba ay sobra na ang trabaho?"Paulit-ulit na tumanggi si Harry, "Kung apat na doktor ang narito, sapat na iyon, pero ngayon... natatakot akong hindi ko magiging maingat sa pagsusuri sa mga bata mamaya, at baka magka-problema."Habang nagsasalita, nagbigay ng pahiwatig si Harry kay Rhian.Ipinahihiwatig nito na hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Rhian.Doon lang napagtanto ni Rhian ang hindi pagkakasundo sa kanya, at napuno siya ng kalituhan.Hindi niya kilala si
Sa ilang minuto lang, mas maraming kagamitan ang nakalatag sa bakuran kaysa noong una siyang dumating.Tumingin-tingin si Rhian.Bagamat ang pamilya Dantes ay isang pamilya ng tradisyonal na medisina, marami pa ring mga kagamitan ng medisina sa Kanluran ang nakalagay sa bakuran upang mas mapabuti ang paggamot sa mga bata.Ang mga doktor na kanina ay naghintay sa pila ay pumasok na sa kanilang mga compartment, na may mga magiliw na ngiti sa mukha, habang tinitingnan ang mga batang naghihintay na pumasok.Tila'y isang pormal na okasyon.Naglakad nang mabilis si Rhian papunta sa kanyang compartment. May isa nang doktor na naghihintay sa loob ng compartment. Nang makita niyang siya ay isang batang babae, inisip niyang siya ay ipinakilala lamang ng aristokratikong pamilya upang palaganapin ang kanyang pangalan, kaya't hindi siya pinansin.Pumasok din si Mike.Bawat compartment ay may dalawa o tatlong doktor at isang direktang staff ng pamilya Dantes.Ang kanilang compartment ay halos ang p
Inabot ni Rhian ang kanyang kamay at nakipagkamay. Hindi malaman ni Rhian kung bakit, ngunit si Luke ay parang malupit sa hitsura kapag hindi nagsasalita, pero kapag nagsalita, nagiging medyo malamig. Hindi maiwasang mag-isip si Rhian tungkol sa taong nag-receive sa kanya kanina sa pinto, at nakaramdam siya na marahil ito ang pagpapalaganap ng pamilya. Tungkol naman sa pangalang Luke, narinig na rin niya ito. Sa mga nakaraang linggo, upang maunawaan ang mga bagay tungkol sa libreng klinika ng pamilya Dantes, nagbasa si Rhian ng maraming impormasyon tungkol sa pamilya Dantes. Alam niya na si Luke Dantes ay apo ni Mr. Rommel Dantes at ang pinaka-magaling na doktor ng henerasyong ito sa pamilya Dantes. Ngunit dahil sa pagiging mababang-loob ng pamilya Dantes sa mga nakaraang taon, bihirang lumabas si Luke Dantes sa publiko at medyo misteryoso. Nang makita niya ang impormasyon ni Luke, hindi maiwasan ni Rhian na magtaka kung anong klaseng tao ito. Ngayon, nang makita siya ng p
Inilabas ni Rhian ang liham ng rekomendasyon mula kay Mr. Florentino mula sa kanyang bag at iniabot ito sa lalaki, "Ito po ang aking liham ng rekomendasyon, paki-tignan po." Tinutok ng lalaki ang tingin at binasa ito, at pagkatapos ay tinitigan siya nang may pagtataka. Matapos ilang segundo ng pag-iisip, yumuko siya at humingi ng paumanhin, "Doktor Fuentes, pasensya na po, akala ko po kayo ay aktres na dumaan para mag-shoot sa suburbs." Ngumiti si Rhian at pininid ang kanyang labi. Kahit may mga kalituhan kanina, hindi maikakaila na ang mga tao sa pamilya Dantes ay may magandang pakikipagkapwa tao. Kahit na inisip nilang hindi siya kabilang, hindi nila nawalan ng galang, kaya’t hindi ito pinag-isipan ni Rhian ng masama. "Puwede na po kayong pumasok, may mag-aasikaso po sa inyo upang makilala si Sir Luke." Tumabi ang lalaki upang magbigay daan. Nagpasalamat si Rhian at pumasok na kasama ang liham ng rekomendasyon. Ang orphanage ay malinaw na inasikaso nang mabuti, may mga maliit
Nang makita nila ang mga nilalaman sa screen ni Rhian, tahimik nilang iniiwas ang tingin. Napakahirap ng mga bagay na tinitingnan ng Mommy nila. Hindi nila agad naintindihan. "Go Mommy!" Hikayat ni Zian kay Rhian gamit ang malambing na boses. Nang marinig ito, ngumiti si Rhian, "Salamat, baby, gagawin ko." Sa gilid, si Rio ay nagbigay ng paalala sa kanyang ina na parang isang maliit na adult, "Mommy, huwag mong gawing gabing-gabi. Mahalaga ang libreng klinika bukas. Kung hindi ka magpapahinga ng maayos, maaapektuhan ang performance mo." Ngumiti si Rhian at tumango, "Naiintindihan ko." “Rio, magaling na si mommy. Kahit hindi pa siya maghanda, magiging pinakamahusay siya bukas!" Sinabi ni Zian nang walang kahirap-hirap. Natawa si Rhian sa mga bata at hinalikan sila sa noo, "Salamat, mga baby, sa pagpapalakas ng loob kay Mommy. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Magpahinga na kayo. Magpapahinga rin ako pagkatapos kong basahin ito." Alam ng mga bata na makakaistorbo sila
Ngunit hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng labis na atensyon ng mga tao sa institusyon ukol sa kanyang paglahok sa libreng klinika.Ngayon, habang mag-isa siyang nakaupo sa opisina, ramdam ni Rhian ang mga magkahalong emosyon.Matapos magbasa ng matagal, wala siyang gaanong natutunan.Habang siya'y naiirita, tumunog ang telepono sa mesa.Kinuha ni Rhian ang telepono at tiningnan ito. Nang makita ang pangalan ng tumatawag, nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Pagkatapos mag-alinlangan, sinagot pa rin niya ang tawag."Rhian, kumusta na ang iyong mga paghahanda?"Pagkabukas ng tawag, narinig agad ang boses ni Mike.Pinigilan ni Rhian ang kabiguan sa kanyang puso at sumagot nang kalmado, "Nag-aaral pa rin ako tungkol sa direksyon ng pananaliksik ng pamilyang Dantes. Paano naman po kayo, senior?"Sumagot si Mike na may ngiti, "Halos ganoon din ako, pero ang mindset ko ngayon ay bilang isang estudyante, kaya hindi ko masyadong inihanda ang sarili ko."Nagpalitan sila ng mga natutunan s