"I've already sent the invitations to our friends." Aniya Rosella habang nagsasalin ng gatas sa tasa. Binigyan niya ko ng wheat bread."Good to know. Hindi naman iyan matutuloy." Sabi ko saka ngumiti. Nagkasukatan kami ng tingin."You have the gut to say that! Bawiin mo 'yon!" Nangalit ang mga mata niya.Nitong mga nakaraang araw ay tikom ang bibig ko sa bagay na iyon. Pero ngayon malakas na ang loob ko, si Kaoree ang pipiliin ko. Buo na ang desisyon ko."Rosella, pinilit ko naman pero—""Pero ano T.H! Palagi na lang pero!""Pipiliin ko si Kaoree, alam mo naman yun noon pa." Maliwanag kong sambit.Nagring ang cellphone ko at sinagot ko iyon dahil lumitaw ang pangalan ni Kaoree. Gustong-gusto kong marinig ang boses niya. Nangungulila ako sa yakap, halik at sa iba pang bagay na mayroon siya."Sige. Subukan mo nang magkaalaman!" Banta ni Rosella."Anong dapat kong malaman?" Baritono ang boses nito. Nanlaki ang mga mata namin ni Rosella. Lumuwag ang hawak niya sa tasa nang makita si Papa
"Coffee?" Alok sa akin ni Rosella. Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang nagtataasang building ng syudad.Postponed ang kasal naming dalawa dahil sa malubhang sakit ng lolo niya. Ayaw ni Rosella ng kahit na anong ganap kaya kahit mismong birthday niya ay hindi niya pinaghandaan."Everything will be fine." Sabi nito nang tapikin niya ang balikat ko saka tumabi sa akin.Kahit mas mabigat ang problema niya ay nagagawa niya pa rin akong damayan.Ilang taon na ang nakalipas mula ng engagement naming dalawa pero hindi pa rin ako pinapansin ng mga kaibigan ko."Kumusta ang lagay ng lolo mo?" Tanong ko."He's okay na. Bukas ay lalabas na siya ng ospital. Pwede na tayong ikasal after two months. Gusto niyang totally recovered na siya bago ganapin iyon." Paliwanag niya."Gusto mo bang bumili ng bagong bags?" Mahilig sa mga bag si Rosella kaya alam kong iyon ang kasiyahan niya. Sa tuwing malungkot siya ay binibili ko siya ng mga iyon kahit bracelet.Unti-unti kong natanggap ang kapalaran ko.
Balita ko ay nakabalik na ang pamilya ni Rosella mula sa pinuntahan nila. Kada oras ay chinecheck ko ang aking cellphone. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siya ganito dati. Tinitigan ko ang bilog na buwan habang nakaupo sa balkonahe.Ang ingay ng mga kulisap ang siyang pumalit sa busina ng mga sasakyan. Humikab ako at tinignan ko ang wrist watch ko. Hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko ng matulog. Siguro ay abala lang si Rosella sa kumpanya nila.Pumasok ako ng kwarto at hinalikan ang larawan ni Kaoree sa maliit kong mesa."Good night."Sa pagpikit ko ay nakatulog ako kaagad. Tinanghali ako ng gising, mabuti na lang at si Papa ang umattend ng meeting kanina para sa ilalaunch na bagong produkto ng aming kumpanya.Nang nagutom ako ay nagpahatid na lang ako ng umagahan sa isa sa aming mga kasambahay. Inayos ko ang mga papeles para sa iba pang proyektong gagawin namin.Napatalon ako sa gulat ng nag-alarm ang cellphone ko. Nakalimutan ko na titignan ko nga pala ang lupa na pagtat
"Mang Abner ano pong gusto niyong tanghalian?" Tanong ko sa matanda habang pinagmamasdan ko ang bagong tanim na rosas."Alam niyo naman paborito ng misis ko—bulalo." Ngiting-ngiti niyang sagot at litaw ang ilan niyang mga ngipin."Sige ho. Nasaan nga po pala sila. Mukhang ayaw yata nilang magpakita sa akin."Kumamot sa ulo ang matanda at ika-ikang naglakad papunta sa likod bahay. Sineyasan niya ang mga kasama at isa-isang tinawag.Lumapit ang pamilya niya, sila ang napili kong caretakers ng aking mansyon habang hindi pa ko nakakalipat. Dalawa ang anak niyang lalaki at isang babae.Isa-isa silang bumati sa akin. "Hindi po namin kayo napansin, Sir. Nagtatanim kasi kami ng gulay na katulad ng bilin niyo." Sabi ni Aling Sally, ang asawa ni Manong Abner."Wala ho iyon. Gusto ko lang kayong sabihan na huwag na kayong bumili ng tanghalian. Sabay-sabay na rin tayong kumain."Nagtinginan silang pamilya sa isa't-isa. Bibihira lang kasi akong magtagal sa mansyon na ito. Kung kakain man ako ay hi
Dalawang linggo ang nakalipas naging abala ko sa coffee shop ko. Dahil balak kong magtayo ng isa pang branch na malapit sa dati kong eskwelahan noong college ako.Kasalukuyan akong nakaupo sa veranda ng aking coffee shop habang sumisimsim ng kape. Mahamog ngayong umaga dahil umulan magdamag. Tumagos ang lamig ng hangin sa manipis kong asul na T-shirt. Puro pagbati ng magandang umaga at kumusta ang tanong ko sa mga taong dumadayo sa aking coffee shop.Kung dati hindi ako masyadong umiimik pero ngayon ay sinanay ko ang sarili ko para lang sa negosyo. Tinuruan ako ni Rosella na gamitin ko ang itsura ko sa pag-enganyo ng mga customers. Masasabi kong mabisa.Nag-ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa mga highschool student na nagka-kantyawan.Wanwan's calling...Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Huminga ako ng malalim. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako sumagot."Hi? Nasaan ka?" Maaliwalas ang boses niya mula sa kabilang liny
"I am two weeks pregnant, T.H. I...I am sorry." Muli siyang humagulgol at ang tangi ko lang na ginawa ay hagurin ang likod niya hanggang siya ay kumalma.It's not a blessing for her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Hindi ako ang Ama dapat ko sanang ikatuwa iyon.Pero, paano naman si Rosella at ang batang dinadala niya?Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatitig lamang ako sa kanya.Gusto kong mag-sink in muna sa utak ko sinabi nitong mga salita. Alam kong hindi siya nagbibiro.Sinong taong nagbibiro ng halos maubusan na nang luha kakaiyak?"I'll explain everything to you, T.H. Hindi ko ito ginusto." Hinuli niya ang mga mata ko."Alam ko. Kilala kita." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Ang akala ko ay masama lang ang pakiramdam niya.Pero kahit ganito man ang nangyari sa kanya, hindi ko siya inisipan ng ibang bagay. Alam kong hindi niya ginusto ito at may bagay na nagtulak sa kanya kung bakit niya iyon nagawa."Thank you, T.H." Niyakap niya ko pe
"Kaoree and Latrelle
Ang kulit ni Monique sinabi nang on the way na ako. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin. Sabik na sabik ang babaita na makita ang Dyosa kong face sa personal.Nagkausap kasi kami last time sa FaceU na app. Nagvideo call kami at sabi niya ay ikakasal na raw siya ngayong taon. Gusto niya kong kunin na Ninang. Matapos ang ilang taon ay magana siyang magpakita sa akin. Ni-kumustahin ako ay hindi niya naman nagawa. Sabagay, she's also part of my seasonal friends.O, taray! Um-english na ang lola niya. Kabogera na nang taon."Ibaba mo na lang ako rito, Wyn. Thank you!" Hinapit ko ang laylayan ng dress ko. Kung alam ko lang na masyadong maikli ang suot kong ito ay hindi ko na sana binili online.Pero wala akong magagawa sabi ni Melissa ay bagay raw ito sa akin. Mukha naman na bagay nga habang tinitigan ko ang sarili ko sa kotse ni Wyn."Sigurado ka?" Luminga-linga siya sa paligid .Malapit ang binabaan ko sa simbahan at sa kainan kung saan kami magkikita ni Monique. Gusto ko sanang du'n