"Mang Abner ano pong gusto niyong tanghalian?" Tanong ko sa matanda habang pinagmamasdan ko ang bagong tanim na rosas."Alam niyo naman paborito ng misis ko—bulalo." Ngiting-ngiti niyang sagot at litaw ang ilan niyang mga ngipin."Sige ho. Nasaan nga po pala sila. Mukhang ayaw yata nilang magpakita sa akin."Kumamot sa ulo ang matanda at ika-ikang naglakad papunta sa likod bahay. Sineyasan niya ang mga kasama at isa-isang tinawag.Lumapit ang pamilya niya, sila ang napili kong caretakers ng aking mansyon habang hindi pa ko nakakalipat. Dalawa ang anak niyang lalaki at isang babae.Isa-isa silang bumati sa akin. "Hindi po namin kayo napansin, Sir. Nagtatanim kasi kami ng gulay na katulad ng bilin niyo." Sabi ni Aling Sally, ang asawa ni Manong Abner."Wala ho iyon. Gusto ko lang kayong sabihan na huwag na kayong bumili ng tanghalian. Sabay-sabay na rin tayong kumain."Nagtinginan silang pamilya sa isa't-isa. Bibihira lang kasi akong magtagal sa mansyon na ito. Kung kakain man ako ay hi
Dalawang linggo ang nakalipas naging abala ko sa coffee shop ko. Dahil balak kong magtayo ng isa pang branch na malapit sa dati kong eskwelahan noong college ako.Kasalukuyan akong nakaupo sa veranda ng aking coffee shop habang sumisimsim ng kape. Mahamog ngayong umaga dahil umulan magdamag. Tumagos ang lamig ng hangin sa manipis kong asul na T-shirt. Puro pagbati ng magandang umaga at kumusta ang tanong ko sa mga taong dumadayo sa aking coffee shop.Kung dati hindi ako masyadong umiimik pero ngayon ay sinanay ko ang sarili ko para lang sa negosyo. Tinuruan ako ni Rosella na gamitin ko ang itsura ko sa pag-enganyo ng mga customers. Masasabi kong mabisa.Nag-ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa mga highschool student na nagka-kantyawan.Wanwan's calling...Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Huminga ako ng malalim. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako sumagot."Hi? Nasaan ka?" Maaliwalas ang boses niya mula sa kabilang liny
"I am two weeks pregnant, T.H. I...I am sorry." Muli siyang humagulgol at ang tangi ko lang na ginawa ay hagurin ang likod niya hanggang siya ay kumalma.It's not a blessing for her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Hindi ako ang Ama dapat ko sanang ikatuwa iyon.Pero, paano naman si Rosella at ang batang dinadala niya?Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatitig lamang ako sa kanya.Gusto kong mag-sink in muna sa utak ko sinabi nitong mga salita. Alam kong hindi siya nagbibiro.Sinong taong nagbibiro ng halos maubusan na nang luha kakaiyak?"I'll explain everything to you, T.H. Hindi ko ito ginusto." Hinuli niya ang mga mata ko."Alam ko. Kilala kita." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Ang akala ko ay masama lang ang pakiramdam niya.Pero kahit ganito man ang nangyari sa kanya, hindi ko siya inisipan ng ibang bagay. Alam kong hindi niya ginusto ito at may bagay na nagtulak sa kanya kung bakit niya iyon nagawa."Thank you, T.H." Niyakap niya ko pe
"Kaoree and Latrelle
Ang kulit ni Monique sinabi nang on the way na ako. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin. Sabik na sabik ang babaita na makita ang Dyosa kong face sa personal.Nagkausap kasi kami last time sa FaceU na app. Nagvideo call kami at sabi niya ay ikakasal na raw siya ngayong taon. Gusto niya kong kunin na Ninang. Matapos ang ilang taon ay magana siyang magpakita sa akin. Ni-kumustahin ako ay hindi niya naman nagawa. Sabagay, she's also part of my seasonal friends.O, taray! Um-english na ang lola niya. Kabogera na nang taon."Ibaba mo na lang ako rito, Wyn. Thank you!" Hinapit ko ang laylayan ng dress ko. Kung alam ko lang na masyadong maikli ang suot kong ito ay hindi ko na sana binili online.Pero wala akong magagawa sabi ni Melissa ay bagay raw ito sa akin. Mukha naman na bagay nga habang tinitigan ko ang sarili ko sa kotse ni Wyn."Sigurado ka?" Luminga-linga siya sa paligid .Malapit ang binabaan ko sa simbahan at sa kainan kung saan kami magkikita ni Monique. Gusto ko sanang du'n
Matapos ng hapunan ay bumalik ako para sa kwarto para mag-impake. Pinili ko ang mga damit na komportable akong suotin. Saka ko na hahakutin ang iba pa.Habang nag-aayos ng gamit ay isang brown box ang nakapukaw sa atensyon ko. Binuksan ko iyon at nagkalat ang mga sulat kasama ang tuyot na talulot ng mga rosas.Kumupas na ang tinta ng mga sulat na nasa puting papel. May sumagi sa isip ko na basahin ang isa sa mga sulat."Gusto kong sabihin sayo na nandito lang ako. Ang kaso lang ay hindi pa ko handa na maging para sayo. Dito lang muna ako kung nasaan ako ngayon.Hindi ako naniniwala sa tadhana. Kung pakiramdam mo ngayon ay para ka sa kanya. Handa akong baliin iyon."Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagbigay sa akin ng sulat noong Highschool ako. Kahit sa isang pagkakataon ay hindi ko manlang siya nahuli.Nasaan na kaya ang taong ito? Nagpakawala ako nang malalim na paghinga at inimis ang mga sulat. Malamang Kaoree hindi ka na kilala secret admirer mo.Ang tagal
Maaga akong nakarating sa tinutuluyan ni Sasha. Sinabi niya sa akin ang password ng condo niya kaya naman nakapasok ako kahit wala siya. Maganda ang disenyo ng condo na tinutuluyan niya—black and white ang tema ng loob ng bahay. May isang maliit na flat screen TV sa sala at couch para sa mga bisita plus center table na maliit. Sa parehas na side ng TV ay may sliding window. Kitang-kita ang natural na ilaw galing sa labas. Idagdag pa ang kulay abo na lalong nagbigay ng aesthetic vibe sa loob ng condo.Sa kusina naman ay may refrigeraton at oven. Sa gitna nito nakalagay ang lababo. Ang mga kasangkapan pangluto ay nasa taas drawer habang ang iba ay nasa ibaba. Hindi man kalakihan pero sapat na para sa apat na taong kakain. May mesa rin at upuan sa gitna nito.Sa tagiliran, salungat ng pwesto nang refrigerator ay comfort room. May maliit na bath tub pati shower. Nagustuhan ko ang divider para may privacy nga naman ang taong naliligo. In case rin na may isa pang tao na gustong magbanyo a
Tanghali na kong gumising dahil nanibago ako sa tulugan ko. Malambot naman ang kama pero iba pa rin kapag nasa sariling bahay.Kinumusta ko agad sina Lolita Lucky. Paalis na rin sila bukas para pumunta sa syudad malapit sa university kung saan mag a-aral ang pinsan ko. Balak ko sana siyang ilipat sa Rising Academy para sama-sama kami rito.Kaso ayaw ng pinsan ko dahil sayang ang dalawang taon niya sa college at running for cum laude siya. Gusto niyang tuparin ang gusto nang mga namayapang niyang magulang. Kaya higit sa pagiging Accountant ay gusto niyang maka-graduate na may latin color.Ibang magna ang nakuha ko nu'ng college. Magnanakaw ng jowa. Lol. Technically, hindi ko naman talaga inagaw at wala akong inagaw. Bakit nga ba sumagi na naman siya sa isip ko?Matapos ayusin ang unan at kumot ko ay naligo na ko para makapamalengke. Simpleng nude shirt na may design na bulaklak sa gitna ang sinuot ko at saka shorts na maong. Nag-tsinelas lang ako para sa sapin sa paa.Tahimik ang sala