Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Theo kasama si Monique. Pinaliwanag sa akin ng kaibigan ko ang lahat. Hindi niya naman sinasadya na dalhin niya si Theo at akala niya rin ay matagal ko ng napatawad ang lalaki.Gano'n pa man napatawad ko na siya. Pero ayoko lang na magkaroon ng issue sa pagitan ng ex niya at ako. Dating may issue ang ex sa akin ni Theo dahil hindi raw maka-move on ang lalaki. Niligawan niya ko pero biglang tumigil. Matapos ng ilang buwan nalaman kong may girlfriend na siyang iba. Balak ko sana siyang ipakilala sa pamilya ko pero buti na lang ay hindi ko tinuloy. Sinabit ko ang picture frames nina Mama at Papa sa pader ng kwarto ko matapos mag-imis ng pinagkainan naming tatlo.Gumaan na ang loob ko kay Theo. Nanghingi naman siya ng tawad at nagdala ng chocolate. Ayaw ko man tanggapin pero chocolate 'yun kaya sige go na.Nagtanong ako kay Monique kung sino sana ang tinukoy niya kanina tungkol sa secret admirer ko kaso intriga ang sagot ng babaita sa text.MoniqueT
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra