A House With Heartthrobs (Tagalog Version)
Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki.
Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert.
Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya.
Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao.
Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez.
Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan.
Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya.
Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso?
Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree?
Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan?
Basahin niyo na lang ang nakakaloka! Nakakalandi! Nakaka-ugh! Walang iba kung hindi ang nobelang "A House With Heartthrobs." Mapapasabi ka na lang na, "Sana all!"
Read
Chapter: 29Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Last Updated: 2024-01-31
Chapter: 28Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Last Updated: 2024-01-31
Chapter: 27Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
Last Updated: 2023-12-05
Chapter: 26NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
Last Updated: 2023-12-04
Chapter: 25“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Last Updated: 2023-11-24
Chapter: 24Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Last Updated: 2023-11-20
Chapter: WakasSomeone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma
Last Updated: 2022-01-19
Chapter: 70Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r
Last Updated: 2022-01-19
Chapter: 69Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g
Last Updated: 2022-01-19
Chapter: 68Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na
Last Updated: 2022-01-19
Chapter: 67NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T
Last Updated: 2022-01-19
Chapter: 66Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s
Last Updated: 2022-01-19