Balita ko ay nakabalik na ang pamilya ni Rosella mula sa pinuntahan nila. Kada oras ay chinecheck ko ang aking cellphone. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siya ganito dati. Tinitigan ko ang bilog na buwan habang nakaupo sa balkonahe.Ang ingay ng mga kulisap ang siyang pumalit sa busina ng mga sasakyan. Humikab ako at tinignan ko ang wrist watch ko. Hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko ng matulog. Siguro ay abala lang si Rosella sa kumpanya nila.Pumasok ako ng kwarto at hinalikan ang larawan ni Kaoree sa maliit kong mesa."Good night."Sa pagpikit ko ay nakatulog ako kaagad. Tinanghali ako ng gising, mabuti na lang at si Papa ang umattend ng meeting kanina para sa ilalaunch na bagong produkto ng aming kumpanya.Nang nagutom ako ay nagpahatid na lang ako ng umagahan sa isa sa aming mga kasambahay. Inayos ko ang mga papeles para sa iba pang proyektong gagawin namin.Napatalon ako sa gulat ng nag-alarm ang cellphone ko. Nakalimutan ko na titignan ko nga pala ang lupa na pagtat
"Mang Abner ano pong gusto niyong tanghalian?" Tanong ko sa matanda habang pinagmamasdan ko ang bagong tanim na rosas."Alam niyo naman paborito ng misis ko—bulalo." Ngiting-ngiti niyang sagot at litaw ang ilan niyang mga ngipin."Sige ho. Nasaan nga po pala sila. Mukhang ayaw yata nilang magpakita sa akin."Kumamot sa ulo ang matanda at ika-ikang naglakad papunta sa likod bahay. Sineyasan niya ang mga kasama at isa-isang tinawag.Lumapit ang pamilya niya, sila ang napili kong caretakers ng aking mansyon habang hindi pa ko nakakalipat. Dalawa ang anak niyang lalaki at isang babae.Isa-isa silang bumati sa akin. "Hindi po namin kayo napansin, Sir. Nagtatanim kasi kami ng gulay na katulad ng bilin niyo." Sabi ni Aling Sally, ang asawa ni Manong Abner."Wala ho iyon. Gusto ko lang kayong sabihan na huwag na kayong bumili ng tanghalian. Sabay-sabay na rin tayong kumain."Nagtinginan silang pamilya sa isa't-isa. Bibihira lang kasi akong magtagal sa mansyon na ito. Kung kakain man ako ay hi
Dalawang linggo ang nakalipas naging abala ko sa coffee shop ko. Dahil balak kong magtayo ng isa pang branch na malapit sa dati kong eskwelahan noong college ako.Kasalukuyan akong nakaupo sa veranda ng aking coffee shop habang sumisimsim ng kape. Mahamog ngayong umaga dahil umulan magdamag. Tumagos ang lamig ng hangin sa manipis kong asul na T-shirt. Puro pagbati ng magandang umaga at kumusta ang tanong ko sa mga taong dumadayo sa aking coffee shop.Kung dati hindi ako masyadong umiimik pero ngayon ay sinanay ko ang sarili ko para lang sa negosyo. Tinuruan ako ni Rosella na gamitin ko ang itsura ko sa pag-enganyo ng mga customers. Masasabi kong mabisa.Nag-ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa mga highschool student na nagka-kantyawan.Wanwan's calling...Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Huminga ako ng malalim. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako sumagot."Hi? Nasaan ka?" Maaliwalas ang boses niya mula sa kabilang liny
"I am two weeks pregnant, T.H. I...I am sorry." Muli siyang humagulgol at ang tangi ko lang na ginawa ay hagurin ang likod niya hanggang siya ay kumalma.It's not a blessing for her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Hindi ako ang Ama dapat ko sanang ikatuwa iyon.Pero, paano naman si Rosella at ang batang dinadala niya?Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatitig lamang ako sa kanya.Gusto kong mag-sink in muna sa utak ko sinabi nitong mga salita. Alam kong hindi siya nagbibiro.Sinong taong nagbibiro ng halos maubusan na nang luha kakaiyak?"I'll explain everything to you, T.H. Hindi ko ito ginusto." Hinuli niya ang mga mata ko."Alam ko. Kilala kita." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Ang akala ko ay masama lang ang pakiramdam niya.Pero kahit ganito man ang nangyari sa kanya, hindi ko siya inisipan ng ibang bagay. Alam kong hindi niya ginusto ito at may bagay na nagtulak sa kanya kung bakit niya iyon nagawa."Thank you, T.H." Niyakap niya ko pe
"Kaoree and Latrelle
Ang kulit ni Monique sinabi nang on the way na ako. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin. Sabik na sabik ang babaita na makita ang Dyosa kong face sa personal.Nagkausap kasi kami last time sa FaceU na app. Nagvideo call kami at sabi niya ay ikakasal na raw siya ngayong taon. Gusto niya kong kunin na Ninang. Matapos ang ilang taon ay magana siyang magpakita sa akin. Ni-kumustahin ako ay hindi niya naman nagawa. Sabagay, she's also part of my seasonal friends.O, taray! Um-english na ang lola niya. Kabogera na nang taon."Ibaba mo na lang ako rito, Wyn. Thank you!" Hinapit ko ang laylayan ng dress ko. Kung alam ko lang na masyadong maikli ang suot kong ito ay hindi ko na sana binili online.Pero wala akong magagawa sabi ni Melissa ay bagay raw ito sa akin. Mukha naman na bagay nga habang tinitigan ko ang sarili ko sa kotse ni Wyn."Sigurado ka?" Luminga-linga siya sa paligid .Malapit ang binabaan ko sa simbahan at sa kainan kung saan kami magkikita ni Monique. Gusto ko sanang du'n
Matapos ng hapunan ay bumalik ako para sa kwarto para mag-impake. Pinili ko ang mga damit na komportable akong suotin. Saka ko na hahakutin ang iba pa.Habang nag-aayos ng gamit ay isang brown box ang nakapukaw sa atensyon ko. Binuksan ko iyon at nagkalat ang mga sulat kasama ang tuyot na talulot ng mga rosas.Kumupas na ang tinta ng mga sulat na nasa puting papel. May sumagi sa isip ko na basahin ang isa sa mga sulat."Gusto kong sabihin sayo na nandito lang ako. Ang kaso lang ay hindi pa ko handa na maging para sayo. Dito lang muna ako kung nasaan ako ngayon.Hindi ako naniniwala sa tadhana. Kung pakiramdam mo ngayon ay para ka sa kanya. Handa akong baliin iyon."Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagbigay sa akin ng sulat noong Highschool ako. Kahit sa isang pagkakataon ay hindi ko manlang siya nahuli.Nasaan na kaya ang taong ito? Nagpakawala ako nang malalim na paghinga at inimis ang mga sulat. Malamang Kaoree hindi ka na kilala secret admirer mo.Ang tagal
Maaga akong nakarating sa tinutuluyan ni Sasha. Sinabi niya sa akin ang password ng condo niya kaya naman nakapasok ako kahit wala siya. Maganda ang disenyo ng condo na tinutuluyan niya—black and white ang tema ng loob ng bahay. May isang maliit na flat screen TV sa sala at couch para sa mga bisita plus center table na maliit. Sa parehas na side ng TV ay may sliding window. Kitang-kita ang natural na ilaw galing sa labas. Idagdag pa ang kulay abo na lalong nagbigay ng aesthetic vibe sa loob ng condo.Sa kusina naman ay may refrigeraton at oven. Sa gitna nito nakalagay ang lababo. Ang mga kasangkapan pangluto ay nasa taas drawer habang ang iba ay nasa ibaba. Hindi man kalakihan pero sapat na para sa apat na taong kakain. May mesa rin at upuan sa gitna nito.Sa tagiliran, salungat ng pwesto nang refrigerator ay comfort room. May maliit na bath tub pati shower. Nagustuhan ko ang divider para may privacy nga naman ang taong naliligo. In case rin na may isa pang tao na gustong magbanyo a
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na