When the conflict between the Frosts and Mcdemorts where fixed, another conflict arises caused by another vengeance.-"Bakit hindi ka na lang kaya humanap ayamang matandang biyudo?" Napaikot ang mata ko habang inaayos ang suot na tube sa harap ng salamin. Kakatapos lang naming magperform sa harap ng mga lalaking hayok sa mga babae, may ilan pang gusto akong i-take out na akala mo'y pagkain na walang isip na matapos bayaran ay maaari na nilang kainin. Tss. Pagsasayaw lang sa entablado ang gawain ko at hindi ang pagsasayaw sa kama. "No way! Mas gusto ko ang binatang mayaman no?" Hahanap nalang rin ako ng mapera doon na ako sa sulit, gwapo na mayaman at binata pa."Sa lagay natin na 'to sa tingin mo may papatol sa 'ting binatang mayaman ha Wine? Tiyak 'yang mga pinapangarap mong binatang mayayaman mga model ang girlfriend 'yong kagaya nilang mayaman din, desente at may pinag-aralan." Napatitig ako sa salamin at napaisip sa sinabi niya. Alam ko naman 'yun, alam kong napakaimposible ng pa
"Mula ngayon ay dito ka na tutuloy,"Bumungad sakin ang napakalawak na kwarto. Kulay itim, brown at puti ang loob, maging ang kama't mga gamit. Hindi ito mukhang luma gaya ng napapanood ko sa mga palabas, tulad nang sabi ko'y parang isang modernong palasyo ang mansion na ito kaya hindi mukhang mga antik at vintage ang mga gamit. "Wow!" Wala akong ibang masabi. Kumpara sa apartment na tinutuluyan ko ay napakalaki na nito. Baka nga malaki pa ang cr nito sa naging apartment kong magkakasama na ang kama, kusina, at salas."May tamang oras sa pagising at pagtulog natin. Dapat alas sais ng umaga ay gising ka na para tulungan akong maghanda ng umagahan ng master at pagkatapos ay lilinisan mo naman ang hardin habang ako sa likod naman ng mansion maglilinis, kasama na ang pasilyo sa pangalawang palapag. Sa gabi'y alas sais rin tayo maghahanda ng hapunan at hihintaying matapos kumain ang master bago tayo kakain. Bago magsapit ang alas diyes ng gabi kinakailangang nasa loob na tayo ng kaniya k
Bumaba ako ng bandang alas sais para tumulong sa pagluluto. Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi ko maiwasang hindi tumitig sa pintuan ng kaniyang kwarto. Unang araw ko palamang ay masyado na akong nahihiwagaan. Lalo na sa kaniya. Marahan ang ginawa kong paghakbang, na tila iniingatan kong makagawa ng ingay, maging sa pagbaba sa hagdan. Nang mapadaan sa living room ay napatingin ako sa hindi kalakihang picture frame na may liner na kulay gold. Actually halos lahat naman ng gamit dito ay nagkikinangan, kung hindi kulay ginto ay kulay silver. Muling bumalik ang attention ko sa picture frame at napahinto upang titigan iyon. Ngayon ko lamang ito napansin, marahil ay di pa ako masyadong nakapagmasid kanina. Kumalabog ang dibdib ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na nag-iisa sa litrato. Those pair of gray eyes. Deep, piercing, dangerous and commanding. Pursed bloody red lips. White messy hair and pale skin. The perfect pointed nose. And how his brows creased in annoyance. Even hi
Hindi ako pinatulog ng pangyayaring 'yon. Ayokong paniwalaan kahit pa 'yon ang lumalabas na totoo, kahit pa iyon ang hinala ko.Tama nga, mapanganib siya. Madali lamang para sa kaniya ang pumatay. Di na ako magtataka kung walang ibang natirang katulong dito at lahat sila kamatayan ang kinahantungan. Akala ko nung una, masyado lamang siyang misteryoso at malamig makitungo. Hindi ko alam na ang pagiging misteryoso niya ay nagdadala nang isang panganib na bubuo ng isang nakakatakot na pakiramdam. He's a beast. May isang halimaw na naninirahan sa kalooban niya, kung gaano siya kagwapo at kaperpekto sa panlabas na anyo ay kabaliktaran iyon ng pagkatao niya. I have to be more careful, just for me to stay alive. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para magluto muna ng almusal niya bago maglinis sa hardin. Pagkatapos ay sinunod ko ang pasilyo ng maramdaman ang paglabas niya ng kwarto. Mas lalo akong yumuko at hindi siya kailanman tinapunan ng tingin. I felt scared, I'm scared of him and o
Magdamag akong nakatulala at iniisip ang nangyari kanina. Hangang ngayon ay palaisipan parin para sakin ang pangyayaring 'yon.Para bang kinausap niya ako gamit ang isip. Hindi ko malaman kung gawa lamang ba iyon ng isip ko para kumbinsihin ang sarili o totoong siya 'yon.Hindi pa man ako tumatagal ay sobra sobra nang napupuno ng katanungan ang isip ko. Ayokong maghinala dahil baka kapag ginawa ko'y mapahamak lang ako. Gusto kong magtanong pero kanino? Tatlo lamang kaming naririto, kahit si aunt sally ay alam kong papayuhan lamang ako na hayaan nalang ang mga bagay na nararamdaman kong 'di pangkaraniwan.Sa kalagitnaan ng gabi ay pinili kong bumangon at lumabas sa veranda ng kwarto ko upang pagmasdan ang bilog na bilog at maliwanag na buwan. There's something with the moon and stars that makes myself calm. Ito siguro ang kailangan ko para kahit paano ay kumalma. The night wind greeted me as I rub my arms, and leaned on the safety rails. Sa tagal ng pagtitig ko sa buwan ay tila ba
Isang buwan na ang nakalipas. Sa isang buwan na 'yon ay ginawa ko ang lahat upang masunod ang patakaran sa mansion. Hindi narin naging mahirap para sa akin ang umiwas sa master dahil siya mismo ay mas naging mailap. Hindi narin ako ang naghahatid sa kaniya ng pagkain, bibihira narin siyang bumaba at magpakita. Masyado akong naging abala sa mga gawaing paulit ulit, kaya naman habang tumatagal ay nakakasanayan ko na. Hindi naman 'yon ganun kahirap kaya madali kong nagagawa ng maayos. Hindi katulad dati.Kakagaling ko lang mula sa paglilinis sa hardin ng makasalubong sa hagdan si Aunt sally. "Aalis po kayo?" Bumaba ang tingin ko sa bag na dala dala niya. Medyo malaki iyon, halatang hindi siya mamamalagi rito ng ilang araw."Oo, kailangan kong bisitahin ang apo kong may sakit sa wiltan, may dumating na sulat kanina galing sa kapitbahay niya roon. Mga tatlong araw akong mawawala kaya sa'yo ko na muna iiwan ang nga gawaing maiiwan ko. Pasensya na hija, wala kasing mag-aasikaso sa apo ko."
Hindi ako pinatulog ng pangyayaring 'yon. Ayokong paniwalaan kahit pa 'yon ang lumalabas na totoo, kahit pa iyon ang hinala ko.Tama nga, mapanganib siya. Madali lamang para sa kaniya ang pumatay. Di na ako magtataka kung walang ibang natirang katulong dito at lahat sila kamatayan ang kinahantungan. Akala ko nung una, masyado lamang siyang misteryoso at malamig makitungo. Hindi ko alam na ang pagiging misteryoso niya ay nagdadala nang isang panganib na bubuo ng isang nakakatakot na pakiramdam. He's a beast. May isang halimaw na naninirahan sa kalooban niya, kung gaano siya kagwapo at kaperpekto sa panlabas na anyo ay kabaliktaran iyon ng pagkatao niya. I have to be more careful, just for me to stay alive. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para magluto muna ng almusal niya bago maglinis sa hardin. Pagkatapos ay sinunod ko ang pasilyo ng maramdaman ang paglabas niya ng kwarto. Mas lalo akong yumuko at hindi siya kailanman tinapunan ng tingin. I felt scared, I'm scared of him and o
Masyado akong nalunod sa kakaisip tungkol sa sinabi ng tindera kaya natagalan ako sa bayan. Malapit nang maggabi ng makababa ako sa bus sa harap ng bukana ng Vampére forest.Habang naglalakad sa may kadiliman nang gubat ay nakaramdam na ako ng paminsan minsang pagpatak ng tubig. Nagsisimula nang umambon. Napayakap ako sa sarili ko habang hawak parin ang basket na naglalaman ng mga pinamili ko at binilisan na ang paglalakad ng tuluyan ng bumagsak ang ulan, mabilis ako nitong nabasa dahil sa lakas, nagsisimula naring humangin ng malakas kaya kahit sobrang lakas ng ulan at pinilit ko paring magpatuloy. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay may narinig akong pigura sa daanan na tinatahak ko. Hindi siya masyadong malinaw sa paningin ko dahil sa mabilis na pagbuhos ng ulan at humaharang iyon sa mata ko. I tried so hard to recognize who it was, but I was taken aback when I found out that it is not someone I know. Not even Zach. Nakaramdam ako ng kaba ng mapansing papalapit ito sa akin, mabilis