Do you know the feeling when your crush invited you on a date or talked to you? Ganiyan ang nararamdam ko ngayon. I felt the butterflies in my stomach. Wala namang nakakakilig sa sinabi niya pero kinilig ako. Pero bakit ganito? Malamang kasi crush ko siya!
Nanatili ako sa kinatatayuan ko at tinanaw sila papalapit. Leanna was smiling widely at me. I smiled back at her. Tumigil sila sa harapan ko. I brushed my hair because of nervousness. Mannerism ko 'to kapag kinakabahan ako o naiilang.
“Y-You don't have to. Kaya k-ko naman na umuwi mag-isa. Baka pagod na rin si Leanna,” I said and gazed at her.
Umiling ito. “Hindi po, Ate pretty. Ihahatid ka nalang po namin sa house niyo.”
“Hindi puwedeng iwan ka namin dito ng walang kasama. Tara na. Malapit nang magdilim,” masungit niyang turan at nagsimulang maglakad.
Napakagat-labi ako upang pigilin ang ngiti. He cares for me. Umalon ang aking tiyan sa kilig at tuwa. Ihahatid ako ng hubby ko!
Wala akong nagawa at sumunod nalang sa kanila. I looked at my phone to check the time and it's already 6:30 pm. Kaya pala medyo madilim na.
Tumingin ako sa paligid habang tahimik na naglalakad. May nakahilerang mga puno sa sidewalk at napakagandang pagmasdan nito.
Napadaan kami sa may parte na walang ilaw. I felt a little bit nervous. I glanced at Console's side and they're a bit far from me. May narinig akong yabag ng mga paa kaya binilisan ko ang lakad upang makarating sa kanila.
Pero bago pa ako makaabot ay may humila sa braso ko. Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng hinila ako nito sa madalim na parte ng kalsada.
”Hi, miss. Kanina pa kita pinagmamasdan. Ang ganda mo pala talaga. Tara sama ka sa akin.” malagkit niyang bulong sa tainga ko.
Fear invaded my system when he touched my waist tightly. Agad kong naramdaman ang balat niya dahil naka crop top lang ako.
“S-Sino ka? L-Let me go!”
Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas kumpara sa akin. I screamed but he immediately covered my mouth using his filthy hand.
He smirked and smelled my neck like a maniac. “Wag ka nang magtanong. Hmm, p*ta ang bango! Nanggigil ako sa'yo kaya sumama ka na sa akin. Ihahatid kita sa langit.”
Tears pooled in the corners of my eyes because of fear and nervousness.
“Nanggigil na rin ang kamao ko kaya ikaw ang ihahatid ko sa langit. G*go ka.” I heard him said before punching the maniac. Umahon ang pag-asa sa dibdib ko.
Nabitawan ako nito kaya agad akong lumayo. My knees trembled when I walked towards Leanna who was already crying.
“Ate pretty! O-Okay lang po ba kayo?”
Tears are rolling down on her cheeks. Her eyes were filled with worries.
Tumango ako bago siya niyakap. Nanghihina ang tuhod ko. Sumakit ang dibdib ko at bahagyang hinabol ang hininga.
“Shh. It's okay. A-Ate is just f-fine. Stop crying, little girl.”
Tumango siya pero pumipiyok-piyok pa rin.
I glanced at Console's side. Pinapaulanan niya pa rin nang suntok ang lalaki kahit nakahiga na ito at wala nang malay. He looks livid and the dark atmosphere surrounded him. This is the first time I saw him in that state. He looked furious. Nakakatakot.
“T-Tama n-na. B-Baka mapatay mo siya,” I said weakly.
Tumingin ito sa akin bago sinipa ang lalaki at seryosong naglakad papalapit sa puwesto namin.
His brows narrowed. “Are you okay? Nasaktan ka ba?” tanong niya sa tonong nag-aalala ngunit seryoso.
Kahit nanghihina ay agad akong yumakap sa kaniya nang mahigpit. Natigilan siya pero hindi ko na pinansin. Ang importante ay mayakap ko siya. Sa tingin ko'y hindi ko na kakayanin pang tumayo.
My vision got blurry. “I-I'm okay... thank you.”
He sighed and hugged me back before kissing my head. “Pinag-alala mo ako.”
That's what I've heard before losing my consciousness.
•••
I opened my eyes with a heavy feeling. Nagising ako sa isang puting kuwarto. Kahit nanghihina ay pinilit kong bumangon.
“Finally! You're gising na, Fortunate. I'm so nag-alala to you. Are you fine lang? Need mo water?”
Ang sunod-sunod na tanong ni Hope ang una kong narinig.
Inalalayan niya akong umupo sa kama. Napansin kong nakasuot ako ng hospital gown pero 'di ko pa rin napigilan ang magtanong.
“O-okay lang ako. Where were we?” I asked.
“We are nandito at hospital ngayon. Tumawag si Console to me saying you are nahimatay raw and an adik guy hits on you. Know mo ba na I panicked at hindi ko know kung ano mapifeel ko because of that balita?!” She exaggeratedly touches her chest.
Agad kong naalala si Leanna at Sole dahil sa pagbangggit niya sa mga 'to. Worries filled within me. Were they fine?
“N-Nasaan sila?” I worriedly asked. Hindi pinansin ang iba niyang mga sinabi.
Nakasimangot siyang tumitig sa'kin.
“Worried ako for you tapos you ignored it lang,” aniya at umirap.
Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. What? Galit ba siya? Hindi ko naman sinasadya 'yon. I'm just worried about them. Baka kasi may nangyaring masama pagkatapos kong mawalan ng malay.
”Sorry. G-Galit ka ba, Hope?” I gently asked.
She turned her back at me. Hindi na ito sumulyap pang muli sa akin. Kinuha niya ang mansanas na nasa gilid at binalatan. Napabuntong hininga nalang ako.
“I-I'm sorry if i made you worried. Thank you for your concern. I love you,” malambing kong turan at yumakap sa likod niya.
I stilled when I felt her shoulders tremble. Narinig ko rin ang mahina niyang paghikbi. Napakunot-noo ako. Is she crying?
“Hey! What's wrong?”
Nagulat ako nang mabilis niyang kinalas ang pagkakayakap ko sa kaniya at humarap bago yumapos nang mahigpit sa akin. Her cries became loud. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa damit ko.
“Super nag-alala lang ako to you, Fortunate. I woke up in the bed ng wala ka beside me tapos I received a tawag saying nandito raw you sa hospital! I'm glad you're okay lang. If your parents ay hindi nag-aalala to you then ibahin mo me. You're mahalaga to me eh,” she said sincerely.
Tumulo ang luha ko sa mga sinabi niya. Ang sarap ng may nagmamahal sa'yo ng totoo. It feels good when someone cared for you. I'm not used to it, but the truth is I'm obsessed with the feeling of being loved. Naiingit nga ako kay Hope at sa iba ko pang mga pinsan dahil istrikto man ang mga magulang nila, mahal naman sila. Unlike me.
“T-Thank you. Sorry ulit,” I whispered. Tipid siyang tumango at ngumiti.
Isang tunog nang pagbukas ng pinto ang umagaw sa atensiyon namin. Napabaling ang tingin ko sa pumasok. Ang seryosong mukha ni kuya Lucky ang bumungad. Agad na nagliwanag ang pakiramdam ko sa pagdating niya.
“Kuya!”
His forehead creased when I widely smiled at him. Lumapit siya sa puwesto ko at agad na napasimangot nang pinitik niya ang noo ko.
”Stupid,” aniya.
"Mean," ganti ko.
“How are you? May masakit ba sa'yo o nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong niya.
Agad akong umiling. Wala namang masakit sa katawan ko. Nahimatay ako ay dahil siguro sa pagod at takot. Maayos na rin ang pakiramdam ko.
“I'm already okay, kuya. No need to worry.”
He just sighed and tapped my head.
Bumaling ako kay Hope na abala sa kakakalikot sa phone niya.
“Ano pala ang nangyari roon sa lalaki?” tanong ko.
Inangat niya ang tingin papunta sa akin. Her eyes narrowed.
“He's nasa kulungan already. Console made sure na he won't takas and pay for his kasalanan. Wag ka nang mag-talk kung want mo lang na e free siya. He deserves it,” seryosong turan niya.
Wala naman akong balak na palayain iyon. I'm just asking. Hindi na rin ako nangulit sa pagtanong tungkol kay Console at Leanna. I will thank him myself nalang pagnagkita kami. Kung wala siya baka napahamak na ako.
“That's what she got for wearing indecent clothes! Lumalabas na ang kalandian niya,” dinig kong sabi ni tita Vicky sa kabilang linya. Kausap siya ng dalawa.“Stop it, mom,” kuya Lucky whispered.
I remained silent. They thought I'm still sleeping.
“Hindi ko masisisi ang nangbastos sa kaniya. It's not his fault, it's hers! Hindi naman siya mababastos kung maayos lang ang pananamit niya! Syempre natukso lang 'yong tao.”Natahimik ako. Bakit kasalan ko pa na nabastos ako? I'm not even naked to get disrespected by a maniac. Hindi nakabase sa suot ng mga babae kung rerespetuhin sila o hindi. Women has the freedom to wear what they want without getting disrespected. Nasa isip ng mga lalaki ang problema, hindi sa kasuotan ng mga babae. Kahit balutin namin ang sarili kung manyak sila, magagawa pa rin nilang mangbastos ng kapwa.The world was full of toxic people. Kapag nag-ayos ka sasabihing lumalandi ka, pero kapag hindi sasabihing nilang pinapabayaan ang sarili. Ang lakas ng loob na sabihin ng iba na dapat magpakatotoo ka pero huhusgahan ka nila kapag naging totoo ka.
People want us to fill their wants and expectations and criticize our mistakes without realizing their own.
Alam ko namang may mali ako pero karapat-dapat ba akong mabastos? No! They shouldn't be treating women like that.Sa araw na iyon ay agad akong nag- ayang umuwi. Maayos na ang pakiramdam ko at ayokong manatili roon dahil hindi naman malala ang nangyari sa akin. I'm also thankful that I'm safe and alright. It made me realized how lucky I am for still breathing and living in this world. Hindi man ganoon kalala ang mangyari ngunit nagpapasalamat pa rin ako.
We must be grateful if we are still alive and kicking. Maraming tao ang naghahangad na mapunta sa posisyon mo, kung saan namumuhay ka ng ligtas, malusog, at masaya. Others are fighting for their lives inside the jail, in the hospital, and from their enemies who want them dead. We have different situations that need to consider, appreciate, and be thankful for. Kinabukasan ay ang unang araw ng pasukan. Naghanda na kami ni Hope sa pagpasok. I'm a little bit nervous yet excited about pursuing my dream. UP has no dress code so we have the freedom to choose our clothes to wear for every school day.I'm wearing above the knee button-down skirt with a ladies spring chiffon blouse and pumps. Sumulyap ako sa papalabas na si Hope at nakita ko ang pamatay niyang black pointy high heels stiletto that matched on her black fitted dress. Rumampa siya sa hallway bago nakarating sa puwesto ko rito sa tapat ng elevator.
Humawak siya sa braso ko at hinila ako papasok sa elevator. Mas lalo siyang tumangkad dahil sa suot niya.
“Do I looked maganda?” tanong niya bago umikot.
Tumango ako.
“Oo. Papasa ka na bilang Miss Universe,” sabay biro ko.
Ngumuso lang ito bago nagsuot ng shades. Napailing nalang ako sa ginawa niya.
Pagdating namin sa ground floor ay natanaw ko si Console na nakatayo sa harap ng kotse habang may hawak na libro. Napakunot-noo ako. Unang araw palang pero nag-aaral na agad siya?
“Hey! What are you doing?” Hope asked loudly. Her voice echoed.
Agad namang tumayo nang tuwid si Console at isinilid ang librong hawak sa bag. He immediately opened the car door for us.
“Just reading, Miss,” aniya.
Tipid na tumango si Hope bago pumasok sa backseat. Sumulyap ako sa kaniya at bahagyang nagulat ng makita siyang seryosong nakatitig sa'kin. My heart starts beating loud and fast. Agad akong umiwas nang tingin at pumasok sa kotse at tumabi kay Hope.
He sat in the passenger seat. Napansin kong naka formal attire siya at itim na sapatos. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Si Hope naman naka shades pa rin at nakasandal sa upuan.
Nakarating kami agad dahil wala namang traffic. Naiwan ako sa kotse dahil napansin kong isa nalang ang hikaw ko. Lagi nalang 'to nawawala. Hindi ko ito nakita kaya akmang lalabas na ako ngunit may pumigil sa akin. Napatingin ako sa kaniya.
He stared deeply at me. His hazel eyes are hypnotizing me. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin kaya wala sa sarili akong napapikit. I thought he'll going to kiss me but I stiffened on my seat when I heard him mumbled on my ear.
“Your brassiere was showing. Ayusin mo bago pa makita ng iba.”
I hide my face in my hands and took a peeked at it to see him.
“H-Ha?” napapahiyang tanong ko. I felt my cheeks heated.
“You always wear scandalous clothes. Dapat sa'yo pantalon at maluluwag na damit ang sinusuot.”
Agad itong lumayo sa akin at iniwas ang tingin. Kami nalang ang nasa loob ng kotse. 'Yong driver lumabas na kasama ni Hope. Masungit itong sumulyap muli sa'kin bago binuksan ang pinto para lumabas. Bakit ang init ng dugo niya sa'kin? May nagawa ba akong mali?
But before stepping out, he spoke. “Fix yourself, Miss.”
Bakit niya ba laging pinupuna ang mga suot ko? Gano'n ba ako kapangit para sa kaniya?Agad kong inayos ang sarili ko. Ngayon ko lang napagtanto na lumihis pala ang manggas ng blouse ko dahilan para sumilip ang bra ko. Nakakahiya. That was embarrassing.Lumapit si Hope sa bintana ng kinauupuan ko at kinatok iyon.
“Fortunate! Why so tagal? I'm nangangalay na here. Faster!” maarteng sigaw nito mula sa labas ng kotse.
I immediately stepped out of the car after fixing myself. Nakita ko silang nag-aantay sa akin. Agad akong lumapit ng hindi sinusulyapan si Console. Kita ko ang seryosong paninitig niya sa gilid ng mga mata ko. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Akala ko hahalikan niya ako! Sayang.
Hope held on my arm. “You're so tagal,” nakasimagot na turan niya.
“Sorry.”
She sighed. “Mommy texted nga pala. May family gathering daw later sa BGC.”
Gathering? They planned a family gathering but I'm not informed.
“Edi pumunta k-ka.”
Ngumisi siya. “Sama ka, please.”
“Pero...”
“No buts! Sama na you nalang.”
Wala akong nagawa kundi tumango. I'm not invited but I will come with her. Hindi ko siya matitiis.
“Let's go.”
I saw a lot of students entering. This the first day of class. Hindi kami magkasama ni Hope sa isang building dahil magkaiba kami ng course. I'm a BS Tourism Management student while she's a BSA student. She's just acting like a spoiled brat but she's wise and intelligent. She always got on the top back when we're high school. Nakita ko kasi sa records niya noong nag apply kami.
Unang hinatid ni Sole si Hope sa College of Accountacy building at sumunod ay ako. Naalala ko ang nangyari kahapon kaya binabalak kong magpasalamat sa kaniya ngayon habang kaming dalawa lang.
We're going now to the AIT (Asian Institute of Tourism). Hindi ko alam kung saan iyon banda kaya nakasunod lang ako sa kaniya.
Naramdam ko na rin ang pananakit ng paa ko dahil sa suot kong pumps. I stopped walking to check my feet. May nakita akong maliit na paltos doon. This is the reason why I hate wearing pumps but I know this is essential for my course.
Akmang huhubarin ko na iyon ngunit may humawak sa paa ko. My forehead wrinkled when I saw him kneeled in front of me.
“W-What are you doing?” mahinang tanong ko.
He ignored my question. Hinubad niya ang pumps ko sa paa at may dinukot sa bulsa niya. He put bondage on my feet' blebs. May dala siya? Agad din niyang isinuot sa akin pagkatapos.
Tumayo siya at pinagpag ang slacks niyang medyo nadumihan. I suddenly felt shy. Hinawi ko ang buhok bago pinisil ng mga daliri. Nadumihan tuloy siya.
“Let's ride a jeepney. Your feet won't make it. The Tourism building was a little bit far from here,” aniya.
“J-Jeep?”
“Yes. Do you have a problem with it?”
I smiled awkwardly. “Uh... none.”
Kumunot ang kaniyang noo. “Sigurado ka ba?”
“Ofcourse!”
Napatango nalang ako kahit 'di ko alam kung paano sumakay doon. Pumara siya ng jeep at agad naman itong huminto. Hindi agad ako nakakilos. Hinawakan niya ang pulso ko at hinila ako papunta sa bungad. He guides me to step inside the jeepney by holding my wrist and waist.
I sat in the middle with him beside me. The other passengers stared at us. I shyly looked away. Unconsciously, I brushed my hair using my hands.
“Miss, paabot nga.”
Napatingin ako sa lalaking nagsalita. May iniabot siya sa'kin kaya agad ko naman iyon kinuha kahit hindi ko alam ang gagawin doon. He gave me coins worth 9 pesos. This is my first time riding a jeepney so I have no idea.
“Lend it to the driver,” Console whispered in my ear. His breath smells nice.
Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Marami ring estudyante akong nakitang nakasakay. Puno na ito kaya medyo siksikan. Console was sitting on the right side of me. Naalala ko hindi pa pala kami nagbabayad kaya dinukot ko ang wallet ko at kumuha ng limang daan. Akmang iaabot ko iyon sa driver pero pinigilan ako ni Sole.
“I'll pay for it.”
Wala akong nagawa dahil agad niyang iniabot sa driver ang bayad. Ibinalik ko nalang ang pera sa wallet ko.
I keep pulling down my skirt. Umaangat kasi sa pag-upo ko. I accidentally glanced at the man who's in front of me. I felt uneasy when I saw him staring at my porcelain legs. Umiwas ako nang tingin at ipinatong ang bag sa hita ko. I have a trauma because of the last incident.
Bahagya akong napaigtad ng may yumapos na braso sa bewang ko. I looked at him but he just clenched his jaw. Mukhang galit siya sa hindi malamang dahilan. I felt my heart beating loud and fast with his sudden move. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Do I love him already?
“Asshole,” I heard him uttered.
I glanced at him who was already staring at the man with a death glare.
Humawak ako sa braso niya upang kunin ang atensiyon niya. Good thing the man didn't saw his deadly stare. Agad na bumaling ang tingin niya sa'kin. His features become soft when he stared back at me.
“Hayaan mo na, please.”
Bumuntong hininga lang ito at umismid.
Tumigil ang jeep kaya agad kaming bumaba. Buti nalang 'di pa ako late. Hinatid niya ako sa room namin.
“Aalis ka na?” tanong ko.
He nodded. “Yeah. I have classes to attend.”
Akmang tatalikod na ako ngunit naalala ko 'yong nangyare. A simple 'thank you' will do. Ngumiti ako ng malapad.
“S-Salamat pala sa ginawa mo. Kung w-wala ka doon baka napano na ako.”
“I'm just doing my responsibility,” seryosong aniya. “I'll pick you up later, Miss.”
My heart ached with disappointment.
Nabura ang ngiti ko sa narinig. He still calls me 'Miss' so it's all about his work only? I felt my heart ached. Oo nga pala, isa siyang bodyguard ng mga Dela Serna. He is professional when it comes to his work. Trabaho niya lang ako. Para akong natauhan. Hindi ko dapat lagyan ng meaning ang mga kilos niya. Kung tutuusin si Hope lang dapat ang binabantayan niya. He shouldn't have saved me. Hindi niya dapat ginagawa 'to. I'm just a burden to him. “U-Uhm, kahit wag na. I can handle myself. Sige, papasok na ako,” I said before turning my back at him with a heavy feeling. Hindi na ako lumingon sa likod kung nasaan siya. From now on, I should learn how to be independent. Mahirap man pero makakaya ko rin. Balang araw maiiwan akong mag-isa at tatayo sa sariling mga paa. Siguro magta-taxi nalang ako mamaya. I don't want to be a burden to anyone... to him. Pumasok ak
I was walking with a smile on my face at the hallway of the university. Sobrang ganda ng araw ko ngayon dahil sa nangyari kagabi. Nasa gitna ako nang paglalakad nang makita si Console na nagmamadaling umalis. Napatigil ako nang may ideyang pumasok sa utak ko. I nibbled on my lower lip and walked towards his way. “Wait!” I called him. Tumigil siya sa paglalakad. “May trabaho ka mamaya 'di ba? Can I... Can I go with you? I j-just want to see the place you are working with.” Tuluyan siyang humarap sa akin na parang may mali sa sinabi ko. “Just go home, Miss. Masasayang lang ang oras mo do'n.” I pouted. “Please... promise I won't bother you there. Kakain nalang din ako then I will leave after. Our interaction yesterday was still vivid. He's kinda extra showy and sweet that night after th
Bumilis ang tibok ng puso ko. I became conscious about my voice even though I am good at singing. Nakakahiya pa rin kung siya ang kaharap ko. He's special! I shyly look at him. “A-Ah, puwede bang wag nalang? Hindi a-ako marunong,” palusot ko. “Ikaw nalang kaya. I wanna hear you sing.” Napakamot siya sa batok niya. I find him cute while doing it. Hindi ako sanay na gano'n siya umasta. I smiled unknowingly with his gestures. Tumigil siya sa pagkamot bago umayos ng upo. He started strumming the guitar again. “Woah, ohh. She's staring at me, I'm sitting wondering what she's thinking...” Nagsimula siyang kumanta habang nakatitig sa akin. My mouth parted upon hearing him sing. I can't believe he's good at this too! Napakalamig ng boses niya. It makes me want to sleep. Para akong hinihele. Bagay talaga kami!
I woke up upon hearing someone's giggles. Napakunot-noo ako nang makarinig nang pagtakbo sa labas ng kuwarto. Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad patungo sa pinto with slightly closed eyes. Natigil ang paghikab ko nang makita ang ginagawa ni Hope. She's busy spreading salt on his brother's face while silently giggling. Hindi niya pa ako napapansin kasi abala siya sa ginagawa. “W-What are you doing, Hope?” tanong ko na nakapagpaigtad sa kaniya. She suddenly turned around to face me. I'm about to speak but she hushed me using her finger. “Shh.” She runs towards her room loudly. My forehead wrinkled because of her moves. Akala ko ba tahimik lang dapat pero ba't ang ingay niya tumakbo? Bumalik siya with a camera in her hand. She placed it above the table where it hard to be seen. She ma
Crying is a healthy way to reduce stress and negative effects in our body but seems like it didn't make me feel nor look good. My chest feels heavy from crying last night. I also looked like a corpse that gets up from its coffin because of the dark circles around my eyes, as well as my pale skin. Mas lalo yata akong na-stress sa itsura ko habang nakaharap sa salamin. I pouted while fixing my hair. Mas lalo siguro akong hindi magugustuhan ni Rius nito. I'm so ugly and stressed from everything. I will go to our house since my parents arrived last night. Ano na naman kaya ang masasakit na salita ang maririnig ko mula sa kanila? Napabuntong hininga nalang ako habang naghahanda para sa pag-alis. Hindi ko na hinintay na magising si Hope. Kuya Lucky was still here pero hindi na ako nag-abalang magpaalam. I don't want them to get worried about me. Nakarating ako sa bahay namin ng m
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa harap ng condominium building na tinitirhan namin... ng wala sa sarili. It's already 2:00 in the afternoon. I sat on the wooden chair which is located at the small playground in front of the condominium. I sighed and look at the sky above. Malungkot ang langit na tila sumasalamin sa nararamdaman ko ngayon. Bilang sa daliri ang masasayang araw sa buhay ko at nangingibabaw ang lungkot. True happiness comes from within but for me...it comes from ignorance. Iyan ang paniniwala ko dahil nagiging masaya lang ako sa mga bagay na nagiging tanga ako. Does loving someone who doesn't care about your feelings is bliss or ignorance? Maybe you will judge me if I will say it's bliss. Well, loving him makes me happy. My phone rang the reason for breaking my reverie. I immediately get it from my bag. Daddy calling...
Is avoiding him was a wise decision? I think yes if it's for my own good. Falling in love is inevitable in life but falling for someone without assurance is something we should take seriously. “Paano ka nakakauwi at nakakapasok nang hindi nagpapahatid kay manong?” bungad na tanong ni kuya Lucky sa paggising ko. It's been a month since I've been avoiding Rius. Umikot ang buhay ko mula sa school at bahay lang nitong mga nakaraang linggo. Kuya Lucky was also gone for almost one month for his work abroad. Inaasikaso niya ang business nila sa Canada. Maybe our driver told him about it. “Nagta-taxi, Kuya,” sagot ko. Kabado. “Come on, Fortunate. We both know that you are not good at commuting.” “I knew already! I even went home alone, last time,” pagmamalaki ko. Tumaas ang kilay niya. “Dahil doon lang ang alam at kaya mo. How about in
“Fortunate!” I heard him call my name but I didn't looked back. Looking back at him will only cause pain in my heart. Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa napadpad ako sa bakanteng silid. I'm about to step inside when he grabbed my wrist. “Where are you going?” Hindi ako sumagot. I get away from his hold and stared at his face. Salubong ang makakapal niyang kilay habang mariing nakatitig sa akin. “Babalik sa room namin. Ikaw...why are you here?” mahinang tanong ko. His forehead wrinkled. “Hindi rito ang room niyo.” “I don't wanna see your face! Iyon ba ang gusto mong marinig?” asik ko. He sighed. “I'm sorry.” Natahimik ako. Hindi ko pa rin maalis sa isip ang kahihiyang natamo kanina. Buti nalang hindi ako lumapit sa kaniya. I don't know how to react in front o
Napahigpit ang paghawak ko sa papel dahilan para makusot iyon. Sa bawat letrang nadadaanan ng aking mga mata, sumisikip ang dibdib ko.Dear brat,It's been a while since we saw each other. Matagal-tagal na rin pala bago tayo noong huli tayong nagkasama. And it's okay because you are doing fine. I'm so proud of you.Gusto ko lang malaman mo na hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. You deserve to live, you deserve my heart.Ingatan mo ang puso ni Kuya, ha? I gave that to you because you deserve it. Karapat-dapat kang mabuhay. Marami ka pang gagawin sa mundo. You still have a long way to go. Kasabay nang pag-iingat mo sa puso ko ay ang pag-iingat sa sarili mo.You have done much, brat. Iniwan na kita dahil kaya mo nang mag-isa. I'm immensely grateful that you already know how to stand alone. And I'm so proud of you.Walang ibang
Tulala akong nakatitig sa kawalan habang binabantayan si Hope sa hospital. Isinugod siya nang umatake ang sakit niya habang nag-uusap kami sa tabi ng dalampasigan.Akala ko masaya na ang buhay ko. Akala ko okay na ako.I couldn't even process the information gathered. Hindi ko lubos maisip na wala na ang taong gabi-gabi kong pinagdarasal na muling makita.Ang daya mo, Kuya! Ang daya-daya mo!Napayuko ako at tahimik na napaluha. Namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak.“Excuse me. Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?”Napalingon ako nang magsalita ang doktor. Mabilis akong tumayo at tumango.“Ako nga po. K-Kumusta na po siya, Doc?”He sighed.“She's fine for now but she needs to undergo chemotherapy. Kumakalat na ang leukemia ce
“Kumusta ka na? Halos dalawang taon ka ring wala,” panimula niya.She's looking down at the sea. Walang emosyon ang kaniyang mukha.“I'm doing good. Higit na mas masaya ang buhay ko kumpara noon,” ani ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya.She slowly gazed at me. “Nagsisisi ka ba sa naging buhay mo noon?”Agad akong napailing.“Hindi. Ang buhay ko dati ay parte ng buhay na mayroon ako ngayon. That life gave me a wonderful lessons that was deeply buried in my heart.” Bahagya akong napangiti. “How about you?”Kahit hindi niya sagutin, alam kong masaya na ang buhay niya. She's living in a perfect with him.“Kung iniisip mong masaya ang buhay ko, nagkakamali ka. After the incident, my life became worse.” Pagak siyang tumawa.
I lied... I lied about everything I said to him. Those words were just a cover up to my pain.Sinabi ko ang mga salitang iyon nang masaya pero durog na durog ako sa loob. My heart was aching painfully to the point that I just want to stop it from beating to suppressed myself from feeling the pain.Above all, I didn't regret saying those words. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dahil alam kong masaya na siya ngayon. It's for him afterall.“Good morning ladies and gentlemen. It is my pleasure to welcome you aboard on behalf of Trinity Airlines with service to Milan, Italy with continuing service to our destination, Philippines,” I announced.This is my last flight for the month. Sa susunod na buwan ay magli-leave ako. Nakakapagod din pala kung sunod-sunod ang flight.“Foodtrip tayo pagdating sa Pilipinas! Nakakamiss iyong street foo
Nagsimulang mamuo ang galit sa puso ko. Halos mandilim ang paningin ko nang makita kung paano yakapin ng lalaki ang pinsan ko.Kaya pala hindi niya ako pinuntahan kasi abala siya sa ibang babae.Mabilis akong naglakad papalapit sa kanila. My breathing hitched. Bumilis ang tibok ng puso dala nang matinding galit at panibugho. Para akong papatay sa klase nang nararamdaman ko. Noon pa man ay labis na akong nasasaktan sa tuwing nakikita silang magkasama.Hindi nila napansin ang paglapit ko dahil abala sila sa yakapan.Ang nanginginig kong kamay ay mabilis na hinablot ang buhok ng pinsan. Napasigaw siya sa sakit at napahiwalay nang yakap kay Rius.“Malandi ka!” nanggagalaiting sigaw ko.Muli siyang napasigaw nang higpitan ko ang pagkakahawak sa buhok niya. Halos hindi ko na makilala ang sarili. Pakiramdam ko ay hindi
“Do you need something? Or do you already want to sleep?”He was brushing my hair gently while I'm leaning on his chest. We're now here in his condo. Nagpaalam ako kay Mommy na rito ako matutulog ngayong gabi.“Hmmm, nothing."Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib niya at humarap sa kaniya. I touched his cheeks with both of my palms and stared at his luscious lips. Nakaawang iyon at namumula. Napalunok ako bago inangat ang tingin sa kaniyang mata.I caught him staring at my lips as well. His jaw clenched and looked away from it. His Adam's apple protruded and cursed.“Kiss me,” I uttered.Hinawakan niya ang baywang ko at bahagya akong inilayo.“Stop it, Fortunate," mariing banta niya.Sa halip na makinig, hinawi ko ang kamay niya at muling l
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto ng office ni Rius. I was about to speak when I saw something that made me stop. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan.Hope was hugging my cousin. Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito habang nakahawak ang lalaki sa maliit niyang baywang.The scene was too romantic for a boss-employee relationship.I slowly stepped back and silently close the door to give them privacy. Kung war freak akong tao baka kanina ko pa sinabunutan ang pinsan dahil sa ginawang pagyakap sa fiancee ko... but thanks, God I'm not.May tiwala rin ako kay Rius at alam kong hindi niya ako magagawang lokohin. Magtitiwala ako dahil iyon ang hindi ko nagawa noong kami during college days.Dahil mamayang hapon ang flight ko, ilang oras pa akong mananatili rito kaya may time pa akong maglibot.Tinawagan ko si Haruto pero busy daw ito kompanya nila. Si Cassidy naman mamayang lunch pa raw makakapunta. Pan
After the scene at the airport, we decided to go to their house. Kami lang ang magkasama ni Rius dahil iniwan ko si Winslet kasama si Cassidy at Akiro.Sobrang saya ko sa unexpected proposal niya. Akala ko wala siyang balak na pakasalan ako because he was busy these past few days.“Nandiyan ba si Tito at Lucas ngayon?” I asked as we arrived in front of their house.Inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan at agad na humawak sa baywang ko nang maglakad kami papasok. Nakangiti lang ako habang tinatahak ang daan sa bungad ng bahay nila.“Yeah. Are you excited to see them?” he asked.I nodded and smiled.Humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko nang nasa tapat na kami ng pintuan.Bumukas ang main door nila at napasinghap ako nang makita ang loob no'n. It was a Spanish style
It's been a week since I accidentally heard their conversation. I don't know how to react after hearing that so I stayed in my room for the whole week to avoid interacting with Tita Loren. She tried to talk to me but I always say, “I'm not feeling well po, Tita. I will talk to you kapag okay na po ako” and she understands.Minsan nagi-guilty na ako sa ginagawa ko lalo na kapag nakikita ko ang malungkot niyang mukha.I sighed before going out of my room.“Good morning, Nana,” I said as I hugged her from the back.“Oh! Himala lumabas ka? Okay ka na ba?” Humarap siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. I smiled cutely at her.“Nana, nasa'n po iyong anak niyo?” I whispered.Isang pinong kurot sa tagiliran ang natanggap ko mula