Share

Kabanata 4 New Look

SINISTER'S POV:

Nagpasya akong magpakulay at magpaikli ng buhok upang hindi ako makilala ng pamilya ko kung sakaling hanapin nila ako. It's been a week since I left home and it's been a week since I left that man I spend the night with.

Maayos naman ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Tres at taos-puso nila akong tinanggap sa kanilang bahay kaya nakampante ako na magiging maayos ang buhay ko habang kasama sila.

Sana lang talaga ay hindi ako hanapin ng magulang ko ngunit malabo 'yon lalo na't ipapakasal ako ng parents ko sa matandang 'yon na pwede ko nang maging Tito. Sa lahat ng haharapin ko ay ang pagpapakasal pa gayong napakabata ko pa at gusto kong mag-enjoy sa buhay ko bilang dalaga.

"Keri na ba itech, bebe girl?" untag sa akin ng isang binabae na siyang nag-gupit sa aking buhok. Wolf cut iyon at bumagay naman sa maliit kong mukha at pinakulayan ko na rin ng abo ang buhok ko.

"Ang ganda." Hindi ko mapigilang mamangha sa aking itsura ngayon dahil major transformation talaga ang nangyari.

"May magic kasi ang kamay ko bebe girl, pero sayang naman at pinakulayan mo ang buhok mo?" usisa pa sa akin ng bading.

"Uhm, personal reason po, eh."

Kaya naman agad akong nagbayad at nagpasalamat sa salon na pinagdalhan sa akin ni Tres at saka kami lumabas.

"Ano na ang susunod mong gagawin?" ani ni Tres sa akin habang binabaybay namin ang daan patungo sa bayan.

"May pabrika ba na pwedeng pasukan sa bayan kahit janitress lang?" tanong ko.

"Mukhang nakapagtapos ka naman ng pag-aaral, bakit janitress ang balak mong pasukan?" nagtatakang balik na tanong nito.

"Alam mo namang kailangan kong magtago sa pamilya ko, hindi ba? Yun lang ang tanging paraan ko."

Napaisip si Tres. "Meron akong alam na kompanya pero hindi ako sigurado kung hiring sila. Susubukan mo ba?"

"Sige, tara?"

Nagpara ng traysikel si Tres kaya naman agad kaming sumakay at nagpahatid sa sinasabi ng kasama ko. Makalipas lamang ang ilang minuto, huminto sa may hindi kataasang gusali ang traysikel at saka kami nagbayad na dalawa.

Hindi ko aakalain na unti-unti na ring umuunlad ang kanilang lugar at may ilang establisyemento na ring nagsisilabasan sa Buenavista.

"Ito ang FGC at dito ka papasok. May kakilala ako rito," ani ni Tres at saka ako hinila sa braso at pumasok kami sa loob ng building. Binati niya pa ang gwardya hanggang sa mapadpad kami sa employee's entrance at basta na lang pumasok ang kasama ko.

"Maria!" tawag nito sa isang babae na nasa desk at nagliwanag ang mukha nito nang makita ang kasama ko.

"Tres, ang tagal nating hindi nagkita, ah? Napadalaw ka?" ani naman ni Maria.

"Ah, ito kasing kaibigan ko naghahanap ng trabaho baka pwedeng ipasok mo naman dito kahit janitress sana?" pakiusap ni Tres dahilan para bumaling ang atensyon ng babae sa akin.

"Mukha siyang anak-mayaman, Tres. Kakayanin niya ba?" may halong pag-aalala sa boses nito kaya naman napalunok ako.

"Sus, si Sin lang 'yan. Kaya niya kahit anong trabaho, 'di ba, Sin?" siniko ako ni Tres dahilan para pumayag ako.

"A-Ah, oo. Kahit ano naman nagagawa ko, eh."

"Ganun ba? Sakto kailangan ko namin ng maglilinis sa opisina ni Sir Duty, pwede ka nang magsimula bukas," aniya.

"H-Ha?" nauutal na tanong ko.

Sobrang bilis naman yata na tanggapin ako kahit wala akong ibang dala bukod sa bagong gupit na buhok ko at contact lense na suot ko at kupasing damit at pantalon.

"Tanggap ka na, bakit parang hindi ka makapaniwala dyan?" wika pa ni Tres sa akin kaya ang nagawa ko na lamang ay ngumiti ng peke.

"S-Salamat kung ganun. Kailangan ko kasi talaga ng mapapasukan, eh," sambit ko na lamang.

Ngumiti sa akin si Maria. "Magkababata kami nito ni Tres kaya huwag ka nang magtaka dahil matulungin talaga siya. Mukhang bagong salta ka rito sa Buenavista?"

"Ampon ko 'yan, Maria. Huwag mo nang usisain dahil sa amin na lang 'yon. Basta papasok siya dito bukas, ha?" sabat ni Tres.

"Oo na. Babaeng 'to napaka-misteryosa," bumaling muli sa akin si Maria at saka ako hinarap. "Puntahan mo ako bukas ng alas otso, okay? Sasamahan kita sa opisina ng Boss ko although bibihira lang naman siyang pumupunta rito dahil nasa Maynila ang main branch ng FGC. Ipapaliwanag ko na lang sa'yo ang lahat bukas."

"S-Sige, salamat."

Matapos magkumustahan at mag-usap nina Tres at Maria, agad na kaming umuwi ni Tres. Sobrang saya ko dahil meron na ako agad na trabaho sa isang linggo na pananatili ko sa kanilang lugar. Medyo nauubos na rin ang pera ko dahil ibinibigay ko 'yon sa Nanay ni Tres kahit na hindi naman na kailangan kaso nakakahiya pa rin lalo na kung libre lang nila akong papatuluyin sa bahay nila.

Sa dami ng kaibigan ko sa Maynila, walang kahit isa ang pwede kong malapitan dahil wala naman akong permanenteng kaibigan talaga na handa akong tulungan. Kumbaga, nagkakasama lang kami kapag inuman ang nasa harapan at kapag ganitong malaking problema na hinaharap ko ay wala akong aasahan sa kanila.

Isa lang akong spoiled brat ng pamilyang Creige na walang ibang alam kundi ang magwaldas ng kayamanan at nagbunga ang paglulustay ko nang mapunta sa bingit ng bankruptcy ang aming kompanya at ako ang naiipit sa sitwasyon hindi ko naman ginusto.

Kinabukasan, tulad ng habilin ni Maria, siya ang nilapitan ko at binigyan niya ako ng puting polo at itim na pantalon bilang uniporme ng nasabing trabaho - ang pagiging janitress.

"Dito ka magtatrabaho, Sin," aniya nang buksan nito ang isang opisina na tila hindi nagagamit. "Lilinisan at aayusin mo lang ang gamit dito at dahil bibihira lang naman pumunta si Sir Duty, malaya kang gawin ang gusto mo."

"Pwede bang matulog dito pag pagod na ako?"

Natawa si Maria sa aking tinuran. "Oo naman, pero huwag kang papahuli sa araw ng Hwebes at Byernes dahil dumadalaw si Sir Duty dito para icheck kung buhay pa itong branch niya ng FGC,"

"Bakit hindi na lang niya ibenta?" usisa ko.

"Nah. Isa ito sa mga branch niya at wala siyang balak na ibenta kahit na pinagkaka-interesan ito ni Mr. Wrights,"

Tila nabingi ako sa sinabi ni Maria.

"Mr. Wrights?" gumapang ang kaba sa aking buong katawan. Lintik din talaga kung maglaro ang tadhana.

"Oo, pero hindi naman pumapayag si Sir Duty kaya ligtas ang trabaho mo rito. Siya, maiiwan na kita at marami pa akong gagawin."

Tinanguhan ko na lamang si Maria at saka tinanaw ang papalayong pigura nito hanggang sa ako na lang ang maiwan sa loob ng opisina at napatitig sa apat na sulok ng kwartong iyon.

'Please lang, huwag sana akong mahanap agad ng pamilya ko o kahit ni Mr. Wrights dahil tiyak na maitatali ako sa kanya nang wala sa oras!'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status