SINISTER'S POV:
Kaysa maghintay at mainip sa loob ng opisna ni Duane, lumabas na lang ako at inatupag ang aking trabaho. Hawak ang mop, inabala ko ang aking sarili sa pagpupunas ng sahig habang ang ibang empleyado ay abala sa kanilang trabaho ngunit hindi pa rin maiwasan ang chismisan. "Napaaga yata ang pagbisita ni Sir Duty rito?" rinig kong sambit ng isa sa mga babaeng empleyado. "Blessing kaya ang makita ag gwapong mukha ni Sir Duty. Balita ko single pa rin siya hanggang ngayon sa kabila ng pagiging successful nito sa buhay." "Malay mo naman ako pala ang nakatadhana sa kanya?" Nagtawanan ang mga ito sa kanilang pinag-uusapan samantalang ako ay napapangiwi at napapailing na lamang. Lumipat na lang ako ng ibang lugar kaysa pakinggan ang pag-uusap ng mga babaeng nahuhumaling kay Sir Duty. Kung tutuusin, gwapo naman talaga si Duane at malakas ang dating, iyon nga lang may latak sa ulo. "Sin," napalingonSINISTER'S POV: Pagkarating ko sa ground floor, agad kong tinungo ang lugar papuntang likuran ng FGC kung saan anroon ang storage room na sinasabi ni Maria. Isa rin ang storage room na siyang lungga ko kapag gusto kong mapag-isa o kung wala akong ginagawa sa itaas. Pumasok ako sa storage room at saka hinanap ang box na sinasabi ni Maria ngunit karamihan sa mga iyon ay mga papel na hindi na ginagamit at ang ilan pa ay pawang mga sirang mesa at upuan. "Saan ba ang sinasabi ni Maria dito?" bulong ko sa aking sarili. Binitawan ko ang mop at balde na dala ko at saka ako naghalungkat sa kabundok na kahon na nasa aking harapan at nang makita ko ang kahon na may nakasulat na bond paper ay agad akong kumuha ng dalawa at saka inayos ang sarili ko dahil balot ako ng alikabok. Yakap-yakap ang dalawang balot ng bond paper, nagtaka ako kung bakit hindi ko mabuksan ang pinto gayong maayos naman ito at isa pa hindi ko naman ito isinara nan
SINISTER'S POV: "O bakit? Maka-react ka dyan parang type kita? Hoy, gumising ka Fullentes," wika ko rito. "I am all awake, Sinister! Hindi kita hahanapin kung wala akong pakialam sa’yo!" Singhal nito na siyang ikinangiwi ko. "Inutusan ba kitang hanapin ako? Ang sarap ng tulog ko sa storage room tapos iisturbuhin mo lang ako dahil sa isang pagkakamali ng empleyado mo?" napipikang wika ko rito kaya naman laglag ang panga ni Duane sa akin. Kung hindi ba naman siya isang kalahating tanga, baka bukas na ako nagising. "I told you; you should wait me inside my office but you disappear!" "Hindi ko obligasyon na hintayin ka at isa pa may trabaho rin ako na kailangan kong punan. Hindi ko papatulan ang maging P.A mo kaya pwede ba lubayan moa ko at si Maria!?" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Duane dahil lumapit ako kay Maria at hinila ito patayo mula sa pagkakaluhod nito at naglakad kami pala
SINISTER'S POV: Tulala lang ako sa harapan ng mesa dito sa canteen na pagmamay-ari ng FGC at laman pa rin sa aking isipan ang pinag-usapan naming ni Duane kanina. Paano nga kung sakaling my mabuo? Sana naman ay hindi. "Bakit tulala ka dyan?" Naiangat ko ang aking paningin nang umupo si Maria sa harapan ko at may dala rin itong pagkain. "W-Wala. May iniisip lang ako," kinuha ko ang kubyertos at saka nagsimulang kumain. "Inaapi ka ba ni Sir Duty? I mean no offense. Balita kasi na walang pinaptulan si Sir Duty na babae dahil para sa kanya, ang pera lang niya habol sa kanya which is totoo naman dahil bukod sa matalino, gwapo at malakas ang dating, halimaw rin ito pagdating sa negosyo. Kaya nga marami ang ankikipag-kompetensiya sa isang Duane Tyron Fullentes," mahabsng litanya ni Maria. "Bakit niya namang naisip na pera lang niya ang habol sa kanya?" pang-uusisa ko. Sumenyas
SINISTER'S POV: ~~ "Sinister! Sinister lumabas ka dyan!" Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagkalampag sa labas ng pinto at mukhang bumubuga na naman ng apoy si mommy sa hindi ko malamang dahilan. Dala ng antok at hang-over mula sa nagdaang walwalan na pinuntahan ko, bumangon ako sa kama nang hindi alintana ang aking itsura. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at ang galit na mukha ni mommy ang sumalubong sa akin. "Wala ka na ba talagang matinong magawa, ha?" singhal nito sa akin nang harapin ko siya. "Kailan po ba ako naging matino sa paningin ninyo?" inaantok na sagot ko. Sa inis ni mommy dahil sa pabalagbag kong sagot, hinablot nito ang buhok ko at hinawakan ng mahigpit. "Sumasagot ka na? Puro mukha mo ang nakikita sa balita at internet dahil diyan sa kalandian mo! Kung sinu-sinong lalaki ang sinasamahan tuwing aalis ka ng bahay. Sana inisip mo na masisira ang pangalan natin dahil dyan
SINISTER'S POV: Marahang tapik sa aking pisngi ang nakapagpagising sa akin kaya naman dahan-dahan kong imunulat ang aking mata at tumambad sa akin ang mukha ni Duane. "Bakit?" takang tanong ko rito. "Gusto ko sanang pakinggan ang ungol mo kaso binabangungot ka na. Nandito na tayo sa labas ng bahay ko," aniya. Napangiwi ako at inayos ang aking sarili at kinapa ang aking mukha dahil baka merong panis na laway ngunit sa kabutihang palad ay wala naman. Balahura pa man din ako minsan at walang pakialam sa palaigid. Pero dahil kasama ko ang isang Duane Tyron Fullentes, nacu-conscious ako agad. Naunang lumabas ng sasakyan si Duane kaya naman sumunod ako dito habang yakap-yakap ang bag na binili ko pa mula sa ukay-ukay na naglalaman ng ibang personal kong kagamitan nang manatili ako sa bahay ng mga Encarnacion. Isang moderno at simpleng bahay ang sumalubong sa akin at pakiramdam ko napaka-relaxing ng paligid dahil bukod s
SINISTER'S POV: Nang-iwan ako ni Duane sa kwartong gagamitin ko, iginala ko ang aking paningin mula sa malaking kama, bed side table, bed lamp, kurtina, bintana at higit sa lahat, ang walk-in closet. Mas maganda pa ito kaysa sa kwarto na inuukopa ko sa bahay namin at tila pinasadya talaga ito para sa akin. Mukhang ito na ang bagong buhay na ninanais ko ngunit sa piling ng isang Duane Tyron Fullentes na isa sa mga kakompetensya ng aming kompanya. Lumapit ako sa kama at inilapag ang bag na dala ko sa ibabaw niyon bago ako naupo at halos napasinghap ako nang lumubog ang katawan ko dahil sa sobrang lambot ng kama. "Kumunoy ba ang kama na 'to?" bulong ko sa aking sarili ngunit ngumisi na lang ako at saka gumalaw na parang uod. Kulang na lang tumalon ako sa ibabaw ng kama na parang bata. Malambot din naman ang kama ko sa bahay pero mas malambot ang isang ito. Nang magsawa ako sa paglalaro, agad akong bumangon sa kama at muling kinuha
SINISTER'S POV: Tila pinoproseso ni Duane ang sinabi ko. Alam kong naguguluhan siya sa mga bagay na inilalapag ko ss harapan niya ngunit wala akong balak na ipaliwanag sa kanya ang lahat kung bakit nangyari sa amin ito. "What if I made you fall in love with me? Will you allow it?" aniya. "That won't do, Duane. May mga bagay na hindi natin sakop at tungkol sa bagay na iyan ay hindi ko maipapangako habang nandito ako sa pamamahay mo. Kaya nga sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang dahil ang nangyari sa atin nang gabing iyong ay isang malaking kasalanan lamang." May dumaan na kakaibang emosyon sa kulay lupa na mga mata ni Duane ngunit agad rin nawala nang kumurap ito. Humalukipkip si Duane mula sa kinauupuan nitong kama at saka napatango-tango na parang tanga. "Alright, I won't ask anything about it as long you are here. Pwede na ba akong maglapag ng akin?" Nagkibit ako ng balikat. "Yeah, sure. Ikaw naman ang amo ko."
SINISTER'S POV: Habol ang sarili naming hininga nang bitawan ni Duane ang labi ko, inilapat nito ang kanyang noo sa akin. "Damn it, I can't help it of not touching you, Sinister," bulong nito sa akin bago ito tuluyang lumayo. "Ang sabihin mo manyak ka lang talaga," sagot ko. Pagak na tumawa si Duane at saka ginulo ang buhok kong basa pa kaya naman tinapik ko ang kamay nito at muling pinunasan ng tuwalya ang buhok ko para tuluyang matuyo ito. "Since we already sealed our deal. Aalis ako mamayang 6 pm. Wait, marunong ka bang magluto?" aniya na tila hindi sigurado kung marunong nga ako. "Oo. Gusto mo lasunin pa kita ng pagkain, eh?" He giggled. "That won't work on me. Anyway, like what I've said, aalis ako so you should prepare something for us to eat. Maybe I will get home before 10," "Bakit?" "Hmm? Hindi pa tayo kasal pero nag-uusisa ka na agad? Hindi ako mambababae, my lady," pang-aasar ni
SINISTER'S POV: "Kaya mo pa, Sinister?" usisa sa akin ni Saviel nang makasakay kami kay Homare at alam kong namumutla na ako. "H-Huwag mo akong kausapin!" "Hmp! Sungit nito. Kami na nga ang bahala sa anak mo at baka mahimatay ka bigla." Inirapan ko si Saviel at mahigpit ang pagkakakapit ko sa gilid ng upuan kahit na hindi pa man umaandar ay nahihilo na ako. Sa kamalas-malasan ay si Homare lang talaga ang tanging sasakyan namin pauwi ng Pilipinas. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng upuan ng unti-unti nang umaangat si Homare at mariin akong napapikit at sa pagmulat ko ng aking mata, nasa rooftop na kami ng HuPoFEL. Agad akong naghalungkat ng plastic sa compartment at gaya ng dati, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. "Ang weak mo talaga kahit kailan, Sinister. Kailan ka ba magbabago?" rinig kong sambit ni Saviel sa akin habang karga si Sin'ceré habang si Deiven ay na kay Sinji. Nang mahimasmasan ako, agad kong tiningala si Saviel na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko at
SINISTER'S POV: Hindi magkandaugaga si Saviel at Sinji sa pag-aasikaso sa kambal dahil ngayong araw ay uuwi na kami sa Pilipinas matapos ang limang taon na pagtatago ko mula kay Duty. "Bakit ba aligaga kayong dalawa?" hindi ko mapigilang magtanong dahil kanina pa sila paroo't-parito sa harapan ko habang umiinom ako ng kape sa hawak kong tasa rito sa sala ng hotel room na siyang tinutuluyan namin. Huminto si Saviel at Sinji at sabay silang napatingin sa akin. "Dapat ba mahinhing kilos lang?" takang tanong ni Saviel sa akin dahilan para masapo ko ang aking noo at ilapag sa coffee table ang hawak kong tasa at saka pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Mukha kayong sasabak sa isang dilubyo dahil dyan sa ginagawa niyo, pwede bang kumalma naman kayo?" Umupo si Sinji sa tabi ko, "oo nga naman mars. Bakit ba tayo nangangarag kung uuwi lang tayo sa Pinas?" Umangat ang isang kilay ni Saviel sa amin at saka ito pumamewang. "Hoy! Baka nakakalimutan mong iniwan mo ang mga
DUANE TYRON'S POV: "HOY! WALA ka bang balak na pumunta sa VIP room at doon magpakalunod ng alak?" sita sa akin ni Thunder nang hindi ako gumagalaw mula sa pangangalumbaba ko sa loob ng bar counter kahit na may mga customer na at si Thunder ang tumayong bar tender ngayong gabi. "Wala, kaya huwah mo akong pansinin at magtrabaho ka na lang!" balik na singhal ko rito kaya napakamot na lang si Thunder sa kaniyang batok. "Hirap sa inyong mga broken ginagawa niyong kanlungan ang alak. Bakit hindi kayo maghanap ng babae!? Ang hihina niyo!" rinig ko pang bulong nito habang inaasikaso ang isang customer. "Kung sabihin ko kaya sa asawa mo na may kabit ka?" Marahas na napalingon si Thunder sa akin at inambahan ako ng suntok. "H-Hoy, wala kang narinig at huwag mong sasabihin sa asawa ko ang tungkol doon. Busy siya sa e-sports no!" "Buti pinapayagan pa ang asawa mo na maglaro? Pinikot mo lang yata si Fumiko para patulan ka." Ngumiwi ito sa akin at ni-head lock ako bigla ngunit kahit anong g
~ FIVE YEARS LATER ~ DUANE TYRON'S POV: "HOW many times do I have to tell you that you need to revise this report!?" sigaw ko sa aking sekretarya dahil araw-araw na lang ay puro palpak na report ang binibigay nito sa akin na pati schedule ko ay hindi niya magawang ayusin. "I-I'm sorry Sir, I will work on that." "Get out before I fired you!" Kinuha nito ang folder na ibinagsak ko sa aking mesa kanina at saka ito nakayukong kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko. Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko at hinilot ang aking sintido. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko mula nang umalis si Sinister sa HuPoFEL. Tinanong ko si Luther Aqueros kung na saan ang asawa ko ngunit wala itong ideya. Nagising na lang daw isang araw si Doc Gun at nang bibisitahin nito si Sinister at ang mga bata ay wala na ang mga ito. Kahit sa CCTV ng building ay walang nakuha kahit isang footage at hanggang sa lumipas ang limang taon na wala akong balita sa mag-ina ko. Limang taon. Limang taong nag
SINISTER'S POV: SAPO ang aking bibig upang pigilan ang napipintong pagsusuka ko, hinalungkat ko ang compartment na nasa harapan ko gamit ang libre kong kamay at nang makakuha ako ng plastic ay doon ko nilabas ang sama ng loob ko dahil sa mabilisang byahe mula Pinas hanggang Hawaii nang lumapag si Homare sa rooftop ng hindi ko kilalang building at mukhang pagmamay-ari ito ng Bloodfist. "Ano ba yan Sinister!? Ilang beses ka nang nakasakay kay Homare, nahihilo ka pa rin?" Hindi ko magawang barahin si Sinji dahil abala ako sa pagsusuka. Sinong tanga ang masasanay sa ganito kabilis na sasakyang panghimpapawid kung sa land transportation pa nga lang bawal na ang high speed? Buti sana kung katulad nila ako na malakas ang resistensya na dumaan sa iba't-ibang training lalo na't delikado ang kanilang trabaho. "Hayaan mo na mars. Kapag broken kailangang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagsusuka." "Ay sabagay. Pag lasing nga tayo kailangang walang hungover para hindi tayo magsabi n
SINISTER'S POV: Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manganak ako at sa loob ng nakalipas na mga araw ay mas pinili kong palakasin ang katawan ko dahil aalis ako sa lugar na ito na malayo sa kung na saan si Duty. Akala ko ay mahal niya ako ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang pag-uusap nilang dalawa ni Luther. Hindi ko aakalain na papaikotin lang ako ni Duty sa mga kamay niya para makapaghiganti sa nanay ko at ginamit niya lang ako para punan ang hustisya na gusto niyang makuha para kay Tita Calia. Minsan napapaisip na lang ako kung ano pa ba ang purpose ko rito sa mundo at kung bakit nadadamay ako sa problema ng ibang tao? I just wanted to live my life in peace but those people around me didn't let me. Gusto kong sumbatan, saktan at awayin si Duty ngunit para saan pa? Magsasayang lang ako ng oras at panahon kung aawayin ko lang siya lalo na't inanakan niya lang naman ako at ang kambal namin ang siyang naging bunga ng isang gabing pagkakamali. Akala ko kasi ay si Duty n
DUANE TYRON'S POV:MABILIS kaming nakauwi nina Sinji at Saviel at agad akong nagpagamot kay Gun upang hindi mahalata ni Sinister na may ginawa ako. Ayoko namang humarap sa kaniya na may bangas sa mukha dahil sayang ang kagwapuhan ko kung puro sugat at pasa mula sa huling laban na ginawa ko.Kasalukuyan na akong nasa kwarto ni Sinister at nadatnan ko si Aqueros doon habang natutulog si Sinister samantalang ang kambal ay nasa incubator na nasa loob nitong kwarto na kanilang kinaroroonan."What brought you here?" lumapit ako sa kama ni Sinister at naupo sa mono block na nasa tabi nito habang si Aqueros ay nasa sofa at nagbabasa ng libro na gawa ni Saviel. Please Me, Master pa nga ang titulo at hindi ko aakalain na mahilig si Aqueros sa ganoong libro."Killing some time. How's your work?" aniya nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko dahil nanatiling nakatutok ang mata nito sa libro."Psh, Sinji ends Buenavidez life and I don't know why he's interested with Sinister,""You don't even lo
DUANE TYRON'S POV:Pagkarating namin sa ikalawang palapag kung saan naroon si Buenavidez, pinagbuksan kami ng pinto at nadatnan namin ang matanda na nakatingin pa rin sa kaganapan sa ibaba."They said you want to talk with me?" pasalampak akong naupo sa sofa kahit na hindi ako pinahintulotan na maupo. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam habang si Sinji at Saviel ay nakatayo sa likuran ko."I saw your fight and I must say you're the one I am looking for," ani nito nang hindi man lang nililingon ang gawi naming tatlo. Nanatili itong nakatingin sa ibaba habang ang mga kamay nito ay magkasalikop sa kaniyang likuran."For what?"Humarap sa amin si Buenavidez at lumapit sa coffee table at inilapag sa harapan ko ang isang maliit na envelope kaya napatingin ako rito."What's this?""See it for yourself,"Naningkit ang mga mata ko at hinablot mula sa mesa ang maliit na envelope na nilapag niya at tinignan ang laman niyon ngunit halos mawalan ako nang kaluluwa nang makita litrato ng asaw
DUANE TYRON'S POV: Napangiwi ako nang bumagsak ang lalaki sa lapag ng ring at halos hindi na ito makagalaw dahilan para magsigawan ang mga manunuod. Tila nakakabingi ang mga sigawan na iyon at pakiramdam ko ay nasa impyerno na ako. "Maghanda ka na Fullentes," tapik sa akin ni Sinji nang ilabas mula sa ring ang lalaking wala nang malay kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat sa loob ng arena at harapin ang taong mas doble pa ang laki ng katawan sa akin. Sa mundo ng fist fight, kung sino ang unang bumagsak ay siyang talo at kung sino ang mananatiling nakatayo ay siyang magpapatuloy sa laban kahit na pagod na pagod ka na hanggat hindi mo maririnig ang tunog ng bell ay hindi ka pwedeng sumuko. Ngumisi sa akin ang lalaking makakalaban ko ngunit tinignan ko lamang ito ng pailalim at sa isang hudyat ng referee, lumusob ito sa akin at inundayan ako ng suntok sa mukha ngunit naka-iwas ako agad at inundayan ito ng suntok sa kaniyang laghukan dahilan para mapaluhod ito sa sakit. Wala