Share

Kabanata 13: Rules

SINISTER'S POV:

Nang-iwan ako ni Duane sa kwartong gagamitin ko, iginala ko ang aking paningin mula sa malaking kama, bed side table, bed lamp, kurtina, bintana at higit sa lahat, ang walk-in closet.

Mas maganda pa ito kaysa sa kwarto na inuukopa ko sa bahay namin at tila pinasadya talaga ito para sa akin. Mukhang ito na ang bagong buhay na ninanais ko ngunit sa piling ng isang Duane Tyron Fullentes na isa sa mga kakompetensya ng aming kompanya.

Lumapit ako sa kama at inilapag ang bag na dala ko sa ibabaw niyon bago ako naupo at halos napasinghap ako nang lumubog ang katawan ko dahil sa sobrang lambot ng kama.

"Kumunoy ba ang kama na 'to?" bulong ko sa aking sarili ngunit ngumisi na lang ako at saka gumalaw na parang uod. Kulang na lang tumalon ako sa ibabaw ng kama na parang bata. Malambot din naman ang kama ko sa bahay pero mas malambot ang isang ito.

Nang magsawa ako sa paglalaro, agad akong bumangon sa kama at muling kinuha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status