Share

Kabanata 16: Adobet

SINISTER'S POV:

Napangiti ako nang makitang maayos na ang pagkakalagay ko sa mesa mula sa dalawang plato, kubyertos, baso, pitsel na naglalaman ng tubig, kanin at ang ulam na pinaghirapan kong gawin.

Pinagpagan ko ang sarili kong kamay at saka tinungo ang sala at tinignan ang orasan. Pasado alas dyes na ng gabi ngunit wala pa si Duane. Ang sabi niya sa akin ay uuwi siya at mukhang abala ito sa sarili niyang kompanya.

Bumalik ako sa kusina at tinakpan muna ang mga pagkain at saka ako bumalik sa sala at pasalampak akong nahiga sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Hihintayin ko na lang siguro si Duane at isa pa hindi pa naman ako nagugutom.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako, nakaramdam ako ng marahang tapik sa aking mukha at paggising ko ang bulto ni Duane ang sumalubong sa akin kaya pabalikwas akong bumangon.

"K-Kanina ka pa?" nahihiyang tanong ko bago ko sinipat ang sarili kong mukha at baka may tuyo na laway na kumalat ngunit wala naman.

Ngum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status