Share

Kabanata 6 Boss

SINISTER'S POV:

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o takbuhan na lamang si Duane dahil tiyak na puro kamalasan ang darating sa akin. I mean, he's not my type nor my kind of love target. Ni hindi ko alam na pagmamay-ari niya ang FGC at dito pa talaga kami nagkita?

Ang angas talaga.

Hindi ako sigurado kung mahal pa ba ako ni Lord o hindi na dahil sa patong-patong na pagsubok na siyang hinaharap ko.

"Since I already found you, might as well give me some welcome party, my lady," aniya dahilan para mangunot ang aking noo.

"H-Ha?" natatangang wika ko.

Umayos ng tayo si Duane at pinagpagan ang nalukot nitong coat bago muling nakapamulsang tumingin sa akin. Bumalik ang seryosong mukha nito at tila magkakaroon kami ng pansariling pagpupulong.

Ang gwapo sana kaso naalala ko bartender siya ng Grind Me Harder at hindi ko aakalaing pinatulan ko ang isang ito. Sa lahat ng makakasama ko ay bakit siya pa?

"Welcome party for me as the CEO of my own company," pagpapatuloy pa nito.

"Mukha ba akong event organizer para magbigay ng welcome party sa'yo? Malay ko ba na ikaw ang Boss ko?" mapaklang wika ko rito at saka pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib habang mataray na nakatingin kay Duane.

"Then should I offer you a higher position than being one of my janitres? You will be my personal assistant while I am here or wherever I go, Sinister and I will take no for an answer."

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "T-Teka, sandali. Anong personal assistant? Janitres ang inapply'an ko rito."

He lift his eyebrows as if he find it funny because of what I've said. "Sino ba ang Boss rito?"

Nakagat ko ang aking labi. "I-Ikaw."

"Exactly. So, bilang janitres magiging personal assistant kita. Kailangan mo akong samahan kahit saan ako magpunta, atupagin lahat ng kailangan ko like ipagluto ako araw-araw at ipaalala sa akin ang mga dapat kong gawin--"

"In short, alila mo ako?" pagpuputol ko sa kanyang sinabi mo.

Umangat ang labi ni Duane. "Nice one, babe," he flicked his fingers in the air. "In short, you will live with me inside my house. Like what I've told you, I already marked you that night, Sinister. Kailangan mo akong panagutan dahil sa pagnakaw mo sa puri ko."

Parang gusto kong bigwasan si Duane sa padalos-dalos na desisyon nito lalo na't ngayon lang ulit kami nagkita. Hindi ko inaasahan na ang Duane sa Grind Me Harder Bar at ang Duane na nakasama ko nang gabing iyon ay si Duane Tyron Fullentes.

Kilala ang lalaki sa larangan ng pagnenegosyo bilang monster Duty dahil bukod sa palayaw nitong Duty ay talaga namang lumalagapak ang mga kompanyang balak siyang banggain at isa na doon ang Creige Corporation na pagmamay-ari ng pamilya ko.

Kakompetensya ng Creige Corporation ang Fullentes Group of Companies at malamang hindi lingid sa kaalaman ni Duane na unti-unti nang nalulubog ang Creige Corp.

At anong ninakaw ko ang puri na pinagsasabi niya? Parang siya pa ang babae sa aming dalawa!?

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Duane? Minarkahan mo nga ako pero hindi ibig sabihin no'n ay pagmamay-ari mo na ako. Alam nating dalawa na sa mundong ito ay hindi ako nababagay na mapasama sa mundo mo at isa pa magkakompetensiya ang kompanya mo at kompanya ng pamilya ko," singhal ko rito. "At anong ninakaw ko ang puri mo? For your information pareho nating ginusto 'yon."

"Correction. Pinilit mo ako and one more thing I don't care about your family's company. I have my own and that's you."

Napabuga ako ng hangin nang talikuran ako ni Duane at muli itong naupo sa kanyang swivel chair kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Duane kasi--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin ng lalaki ang kamay ko na naging dahilan upang maupo ako sa kanyang kandungan.

Ipinulupot nito ang braso niya sa bewang ko at napasinghap ako nang isubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Hoy! Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya ngunit tila isang bakal ang kanyang braso.

"No. Unless you agreed to my offer, Sinister I won't let go. Ilang gabi kong inisip kung na saan ka at hindi ko alam kung saan ka hahanapin tapos nandito ka lang pala sa Buenavista?"

"Bitawan mo ako-- Duane, ano ba!?" pumasok ang mapagparusang kamay ni Duane sa loob ng suot kong uniporme at ramdam ko ang init ng palad nito na humahaplos sa aking tyan at muli kong nahigit ang sarili kong hininga nang sapuhin nito ang aking dibdib.

"Damn it. I miss this," tila bata na wika nito habang marahang minamasahe ang isang dibdib ko.

"Uhn... Duane, ano ba!?" Hindi ko mapigilang mapaungol sa ginagawa niya dahil masyadong malikot ang kanyang kamay.

Nasa loob kami ng opisina niya, paano kung may bigla na lang pumasok at madatnan kami sa ganoong posisyon? Malamang nakakahiya iyon. Isang Boss at janitres na naglalampungan sa oras ng trabaho? Headlines malala, Sinister Creige!

Ngunit masyadong makulit ang isang ito at kapag naputol ang pisi ng pasensya ko, ewan ko na lang talaga.

"Duane Tyron Fullentes, bitawan mo ako!" bawat salitang binibitawan ko ay merong diin dahilan para bumitaw si Duane sa akin at hinayaan akong makaalis mula sa pagkakaupo ko sa kanyang kandungan.

Padabog itong humalukipkip sa kinauupuan nitong swivel chair at inirapan ako.

The audacity of him?

Ang sarap niyang konyatan sa ngala-ngala!

"Mag-usap tayo ng maayos, Fullentes!"

Imbes na magsalita ito, nagdabog lang ito sa sahig at pinihit ang upuan nito patalikod sa akin. Akmang kakaltukan ko ito sa ulo nang may kumatok sa labas ng pinto at nang bumukas iyon, bumulaga sa akin ang mukha ng sekretarya nito.

"Sir Duty, the board members are here," wika nito.

Tumayo si Duty at saka ako nilingon. "Mag-uusap tayo pagkatapos ng meeting ko at huwag kang magtatangka na lumayas mula sa opisina ko."

Inirapan ko na lamang ito at saka ako naglakad paupo sa sofa at doon humalukipkip hanggang sa makalabas ng kanyang opisina si Duane.

'Ang galing talaga makipaglaro ng tadhana sa'yo, Sinister Creige!'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status