Share

Kabanata 1 Sinister

SINISTER'S POV:

LULAN ng taxi, isinandal ko ang aking likuran sa backseat ng sasakyan habang sapo ang aking ulo matapos kong takbuhan ang lalaking nakasama ko kagabi. Isa lamang 'yon sa mga naka-momol ko kagabi at wala akong balak na isuko ang kayamanan ko sa kanya.

Ilang lalaki na rin ang dumaan sa akin ngunit kahit isa ay walang nakakabihag sa aking puso. Manhid man sa paningin ng iba ngunit nangangarap din ako na makatagpo ng taong magmamahal sa akin.

Sa mundong ito ay walang permanente kaya hangga't bata pa ako ay gusto kong mag-explore at gusto kong maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isipan ng mga lalaki.

Ngunit sa estado ng buhay ko ay napakalabo niyon lalo na't pawang mga playboy ang nakikilala ko at ang ilan sa kanila ay sa alak ko lang nakilala at sa mga kaibigan na rin.

"Nandito na po tayo, Ma'am," untag sa akin ng taxi driver dahilan para maimulat ko ang aking mata. Agad kong hinalungkat ang pouch na dala ko at saka nagbigay ng bayad kay Manong.

"Salamat po." Matapos kong sabihin 'yon ay agad akong bumaba ng taxi at bumulaga sa amin ang aming bahay. Pakiramdam ko mayroon nakataling tanikala sa aking leeg habang nakatingala ako sa bahay namin na ilang taon ko ring naging kanlungan ko.

Ako si Sinister Creige, ang spoiled brat ng pamilyang Creige na walang ibang alam kundi ang maglustay ng pera. Dalawampu't tatlong taong gulang at walang maayos na direksyon ang buhay. Nakapagtapos naman ako ng kolehiyo ngunit wala akong balak na magtrabaho sa aming kompanya.

Ang masaklap lang ay nasasangkot sa bankcruptcy ang Creige Corporation at gusto ng mga magulang ko na ako ang maging kabayaran upang maisalba ang Creige Corp.

Agad akong naglakad papasok sa aming bahay at pagtapak na pagtapak ko pa lamang sa pintuan ay sumalubong sa akin ang isang malakas na sampal dahilan para tumimbwang ako sa aking kinatatayuan.

"Ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo ha, Sinister? Magpapakasal ka lang kay Mr. Wrights para maisalba ang kompanya natin hindi mo pa magawa?" nanggagalaiting wika ni Mommy sa akin. "Tapos ngayon uuwi ka rito sa bahay na amoy alak? Kailan ka ba titino na bata ka!?"

Hawak ang nasaktang pisngi, tiningala ko si Mommy. "Hindi ko alam na lahat ng ginagawa ko ay may malaking kabayaran? Ibinenta niyo ako sa taong 'yon para lang maisalba ang kabuhayan natin? Ma, hindi ako isang bagay na basta mo lang ipapamigay o ibebenta!"

Hinaklit ni Mommy ang buhok ko at hinawakan itong mahigpit. "Anak lang kita at kailangan mong sundin ang gusto ko. Bukas na bukas din ay pupunta dito si Mr. Wrights para pag-usapan ang kasal ninyong dalawa at wala kang karapatang umalis ng bahay. Naiintindihan mo?"

Pabalibag na binitawan ni Mommy ang buhok ko at saka ito nagmartsa palayo sa akin. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa hang-over, dumagdag pa ang pananabunot at sampal niya? Angas naman.

Tumayo ako mula sa pagkakalugmok ko sa sahig at saka ako pumihit palabas ng bahay nang hindi alintana ang itsura ko. Muli akong pumara ng taxi at sa kabutihang palad ay may dumaan naman kaya agad akong sumakay nang hindi nililingon ang bahay namin.

"Sa Grind Me Harder po, Manong," wika ko sa taxi driver.

"Sige ho, Ma'am."

Nang umandar ang taxi palayo sa aming bahay, nasapo ko ang aking pisngi at saka ako napatingin sa labas ng bintana. Sobrang saklap ng buhay ko na akala ko ay napakasaya ngunit sa likod pala ng pagiging rebelde ko ay malaking kabayaran ang naghihintay.

Noong isang linggo ko lang nalaman ang tungkol sa papalugi naming kabuhayan at doon inanunsyo ng mga magulang ko na ako ang ipapakasal nila kay Mr. Wrights na kahit ako ay hindi ko kilala kung sino siya. Ayon kay Mommy, si Mr. Regal Wrights ang isa sa mga business partners nila at sa nakalap kong balita ay byudo ito at gusto lamang nito na may makasama habang nabubuhay siya.

Ngunit hindi ako nababagay sa kanya.

I am just twenty-three years old and I don't like being committed those kind of older men. Ni hindi ko nga naranasang makipagrelasyon sa mas matanda sa akin dahil mas gusto ko iyong kaedaran ko lamang. At isa pa, parang Tito ko na yata ang Mr. Wrights na 'yon at pakiramdam ko kaedad lang siya ng Daddy ko.

Kapag naiisip ko ang bagay na iyon na makasama si Mr. Wrights sa iisang bahay ay pakiramdam ko pumatol na ako sa isang ipinagbabawal na relasyon.

Nang huminto ang taxi, agad akong nagbayad at lumabas ng sasakyan. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at tila abala ang mga tao ngunit iisang daan lang ang tinahak ko - ang Grind Me Harder bar.

"Sarado pa kami, Miss," wika ng butler nang harangan ako nito sa pagtangka kong pagpasok sa kanilang bar.

Alas otso pa nga lang ng umaga ngunit heto ako at alak na naman ang hinahanap.

"I know but will you please let me in? Wala na kasi akong ibang mapuntahan, eh," pagmamakaawa ko.

"Let her in, Diego. Ako na ang bahala sa kanya," mula sa aking likuran, isang lalaki ang aking nakita at pamilyar siya sa akin dahil madalas ako rito sa kanilang bar. His name is Duane - one of the bartender inside the Grind Me Harder.

Walang nagawa yung Diego nang igiya ako papasok ni Duane sa loob ng kanilang bar at medyo madilim ang paligid dahil sarado pa nga naman sila.

"Pasensya na, mamayang ala-sais pa kasi kami magbubukas," ani ni Duane.

"No. It's fine. Uhm, pwedeng pa renta na lang ng isa sa VIP rooms niyo? Gusto kong matulog," pakiusap ko.

"Sure," naglakad si Duane papunta sa bar counter at mayroon itong kinuhang susi na agad niyang iniabot sa akin. "Room 403 na lang. May banyo at libreng damit doon."

Tinanguhan ko si Duane. "Salamat. Bayaran ko na lang mamaya."

"Nah. Feel free to use it," sambit pa nito.

Iniwan ko na lang ang lalaki at saka tinungo ang ikalawang palapag kung na saan ang VIP rooms at tinungo ang room 403 na sinabi ni Duane. Agad kong ini-unlock ang pinto at saka ako pumasok at isinara ang pinto at naglakad palapit sa kama. Pabagsak akong nahiga sa kama at paglapat na paglapat pa lamang ng aking likuran ay tuluyan na akong nilamon ng antok.

Kinagabihan, nagising na lamang ako na merong paper bag at pagkain sa kwarto kaya naman agad akong naglinis ng katawan ko at napangiwi ako nang makita ang isang itim na tube dress at stiletto. Sinuot ko na lamang 'yon at inatupag ang pagkain at nang matapos ako, agad akong lumabas ng kwarto at tinahak ang daan patungo sa mismong bar.

Sumalubong sa akin ang maingay na tugtog at tila nabuhay ang dugo ko dahil sa amoy ng alak at sigarilyo sa paligid. Agad kong tinungo ang bar counter at walang pag-alinlangang inilapag ang VIP card na meron ako.

"One bottle of brandy please," sambit ko sa bartender na agad akong nilapagan ng isang bote ng brandy at nagulat ito nang makilala ako.

"Dang, kagigising mo lang pero alak agad ang inaatupag mo, Creige?" aniya.

"What can I do? Nasa loob ako ng bar Duane," sagot ko na lamang at saka tinungga ang brandy na nasa bote. Nanuot ang likido sa aking lalamunan at ang sarap sa pakiramdam na muling malasahan ang alak.

Napapailing na nilisan ko na lamang ang bar counter at saka tinungo ang dance floor habang hawak-hawak ko ang bote ng brandy at doon nagpakasaya sa gitna ng dance floor. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong sumasayaw na parang tanga nang may yumapos sa bewang ko. Dala ng kalasingan, hindi ko makilala kung sino siya dahil na rin sa likot ng mga ilaw na lalong nagpadagdag sa pagkahilo na aking nararamdaman.

"Alone?" bulong nito sa akin kaya naman hinarap ko siya at ang mapupulang labi nito ang tumambad sa akin.

He's hot.

"What's your name?" tanong ko sa kanya.

He chuckled as if I said something funny. "Duane, my lady. I just finish my duty but I would love having a chit chat with you since you choose to sleep earlier than talking with me,"

I don't why but I feel like I know him o sadyang epekto lang ng hard drinks at magkapareho sila ng pangalan nong bartender?

"Hmm... Will you please take me away from this cruel world or do whatever you want from me? I don't care. Wala nang saysay ang buhay ko para magpatuloy pa sa mundong 'to," wika ko.

"It would be my pleasure, then."

Hinawakan ng lalaki ang aking kamay at kinuha nito ang bote na hawak ko at saka nito inagaw sa akin at hinila ako paalis sa gitna ng dance floor. Lasing na ako at hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko pero kung ang estrangherong ito ang siyang magsisilbing ilaw ko sa dumidilim kong mundo ay hahayaan ko ang sarili kong maigapos sa isang tulad niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status