"Gumising ka na." Medyo malakas na bungad ng babae nang buksan ko ang mga mata ko kinabukasan. Siya 'yung babaeng pinahiram ko ng damit. Hindi naman ako magugulat kung ibang babae ang mabubungaran ko, pero ang sakit pa din pala talaga.
Is he trying to settle on this girl? Hindi na ba siya magpapalit-palit?At bakit niya ako ginigising?"H-Ha?" Kinusot ko ang mata ko para matanggal kahit papaano ang mga muta. "May kailangan k-ka ba?""Ikaw daw magluto ng agahan, sabi ni Creed. Pwedeng paki-sarapan, please? First breakfast namin 'to together ni Creed, e. I just want it to be enjoyable and delicious."Medyo umawang ang labi ko sa sinabi niya pero mabilis ko rin iyon na isinara.Tumango ako. "Yeah, no prob.""Thank you!"Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Hindi ba siya marunong magluto? Bakit kailangang ako?Wala akong magawa kundi ay ang bumangon na lang upang pagsilbihan sila. Habang naghahanda sa kusina, hindi ko mapigilang liparin ang utak ko.'Yon na pala ang huli. Huling halik niya sa noo ko. Huling kanta niya sa pagtulog ko. It was the 3rd birthday with him, at hindi ko inaasahang sa ika-apat na kaarawan ko pala na kasama siya ay hindi na mangyayaring gano'n uli katulad sa mga nagdaang taon.Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naalala kagabi ang tungkol sa kaarawan ko last year. Maybe because I'm turning another year a few days later."Ouch!" Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa mainit na hawakan ng kawali. Rubber naman pero bakit uminit nang ganito?Two days 'til my birthday at magkakaroon pa yata ako ng paso. I'm sure this will swell for a few days. Lucky me.Matapos kong magluto ng agahan, agad ko na iyon inihain sa lamesa. Ayaw ko nang magpang-abot pa kami. Nagsasawa rin naman akong lagi na lang nakakarinig ng masasakit na salita mula sa kaniya.Nagbabalak pa lamang ako na umalis sa kusina—minamadali na nga ang pag-aayos—sakto pang dumating ang dalawang taong pinagplaplanuhan ko nga sanang iwasan makasama sa umaga."Hmm... Ang bango." Bungad na pasintabi noong babae habang hinihintay si Creed matapos sa ginagawa nito. Pinaghihila siya ng silya ni Creed habang takam siyang nakatingin sa mga inihanda kong pagkain."Thank you." Matamis siyang ngumiti kay Creed nang matapos ito 'tsaka nalipat ang tingin sa akin. Medyo napatalon pa ako."Tara, kain tayo." Nakangiti niyang saad sa akin. Napatingin muna ako kay Creed kung gusto ba niya o ayaw niya akong makasabay pero mukhang wala naman siyang pakialam. Nagsasandok na kasi siya ng sinangag sa plato noong babae.Alinlangan akong umupo habang panay pa din ang sulyap sa gawi ni Creed. Baka kasi hindi pa siya aware na iniimbitahan ako ng babae niya at baka bulyawan ako bigla kapag na-realize niyang nakikisali ako sa umagahan nilang dalawa.Mukhang napansin noong babae ang pasulyap-sulyap ko kay Creed kaya bigla na lang niya ikinumpas sa ere ang kamay niya, kinukuha ang atensyon ko."'Wag mo nang alalahanin itong si Creed. Kain ka na! Ikaw pa naman nagluto nito." Inangat niya ang kutsara na may pagkain atsaka ito sinubo. Nag-thumbs up pa siya sa akin habang ngumunguya.Mahina na lang akong ngumiti at tumango sa kaniya."Actually, busog pa talaga ako." Dahan-dahan akong tumayo. "Maglilinis din pa ako ng katawan kasi amoy kusina na ako. Uhm... Hope you like your breakfast—""Sit." Madiin ang pagkakasabi niyon ni Creed na para bang sakit na naman ako sa ulo niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pagkakatitig niya sa babaeng katabi niya. "She's inviting you, and you are refusing? How disrespectful."May parte na naman sa puso ko ang lubhang nasaktan sa mga binitawan niyang salita. Kasi naiisip ko na naman. Naalala ko na naman. Parang dati lang, hindi niya ako kakayaning sabihan ng ganiyan. Ni lamok yata, hindi niya kakayaning padapuin sa akin. Pero... heto na ngayon sa harap ko ang katotohanan."Ang sarap ng pagkain!" Puri noong babae sa kalagitnaan ng pagkain namin.Nagtaas ako ng tingin sa kaniya mula sa plato ko at maliit na ngumiti. "Thank you.""Matagal ka nang marunong magluto?"Tumango naman ako. "'Di naman talaga ako marunong magluto dati. Nung unang beses na..." Tumikhim ako. Ramdam kong nakikinig si Creed sa usapan namin ng babae niya. "... tumira kami dito, lagi lang kaming nago-order kasi hindi ko pa talaga kaya. Ta's 'yun. Pinag-aralan ko talaga. Sabi ko sa sarili ko, magkakasakit kami kung laging order sa labas ang kakainin namin. Dapat matuto akong magluto para pwede kong masigurong malinis at masustansiya ang mga kakainin namin."Gusto ko pa sanang isama na hindi naman talaga kami madalas um-order sa labas ni Creed dahil sa aming dalawa ay mas masarap siya magluto, pero hindi ko na lamang sinama dahil ang moment na ito, tulad ng sinabi niya kanina, ay para sa kanilang dalawa. Especially since it was her first breakfast with him. Ayaw ko namang sirain 'yon dahil lang gusto kong i-bring up ang pagsasama namin ni Creed noon."Wow." Manghang usal ng babae. "That's so amazing! Thank you for taking care nga pala kay Creed, ha? That's so nice of you. Sana ako din matuto magluto ng kasing-galing mo so that I could take care of my family with Creed in the future the way you did."***Hindi ko alam kung naaaning lang ba ako sa sobrang pagmamahal ko kay Creed o ano, but I just found myself crying in the bathroom.So, he was indeed settling on the woman. She's nice. Bubbly. Siguro naman ay maaalagaan niya si Creed tulad ng kung paano ko ito inalagaan.Nakalublob ako sa bathtub, and for a minute, I was actually considering to just drown myself right there on the spot. Suot ko din pa ang damit na suot ko kanina sa pagluluto.It was so soak in water at wala na iyon sa pakialam ko. I'm more focused to imagining my life without him.Ang sakit. I can't even start to imagine it without him. Should I try to?Wala siyang sinabi. Hindi niya tinanggi. So, he was really aggreeing to her owning him? That they'd really build a family of their own? Together?At ako? I'll be kicked off the picture.Nang mahimasmasan nang kaunti, I pulled myself up from the tub and faced myself in the mirror. Pulang-pula ang tungki ng ilong ko. Even that simple change in my nose's tone made me remember the past.The past with him, such an eventful past. Always so full of love."Red nose when she cries."Madalas niyang pang-aasar sa akin kapag umiiyak ako.***"Lalim naman ng iniisip ni Aia."Akala ko aalis na sila after breakfast, but they are dating at home kaya ako na lang ang nag-adjust. Nakipagkita ako kila Saskia dahil wala naman akong ibang kikitain. I live somewhere far off this city so I really know no one.There must be two or more cities before I could reach the city I grew up in."Wala." Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at pumulot na lang ng fries. "Sa tingin mo ba, hindi ko siya deserve kaya gano'n siya sa akin? Na-realize kaya niya na hindi pala ako ang gusto niyang makasama sa buhay kaya ganito na kami ngayon?"S******p ako sa straw ng latte ko habang hinihintay ang sagot niya.Pumulot din si Riel ng fries mula sa tray ko at nagkibit-balikat. "I honestly don't see any reason why he should act like that to you. Hindi ka naman mukhang may attitude."Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. "Hoy!" Natatawa kong hinampas ang braso niya. "Grabe sa attitude, ah!""Ayy, alam ko na bakit gano'n." Umiling-iling pa siya na parang feel na feel ang argument niya.Tinaasan ko siya ng kilay at nilayo ang tray ko nang akmang kukuha uli siya. "Bakit, aber?""Kasi sadista ka." Saad niya sabay abot sa tray ko. Palibhasa mahaba ang braso niya, tine-take advantage niya ang french fries ko!"Anong sadista ka diyan?! Baka gusto mong—"Natigil ako nang pabalyang binagsak ng bagong dating ang bag niya sa upuang katabi ni Riel. "Wassup, guys! What's the ganap?" Pabagsak din siyang naupo at sinandal ang katawan sa upuan.Napahawak talaga ako sa dibdib ko sa gulat. "Kakagulat ka naman, Sas!"Pinikit niya ang mga mata niya. "Nakakapagod. Andaming tao sa gig kagabi. Ba't pala 'di ka sumama?""Ayaw ko muna, masakit din lalamunan ko, e."Nagulat ako, pati rin yata si Riel, nang pabalikwas na bumangon si Saskia at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako. Naglakbay pa ang mata niya paulit-ulit sa leeg ko na para bang may inaasahan siyang makita doon.Gano'n na gano'n pa'rin ang ekspresyon niya sa mukha nang bumalik ang paningin niya sa mukha ko."Si Creed?"Ha? Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya. Bakit si Creed?Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko nang pagdikitin niya ang dulo ng mga daliri niya hanggang sa makabuo ito ng bilog sa gitna. Tinaas-baba niya ito sa ere habang taas-kilay na nakatingin sa akin at hinihintay marahil ang kumpirmasyon ko."Saskia!"***"Be quick. Get dressed."Gulat akong napalingon sa gawi ni Creed na mag-isang nakaupo sa sofa namin nang makauwi ako galing sa pakikipagkita kila Saskia at Riel. Wala iyong babae niya at mukhang may pupuntahan pa yata siya sa damit niya. He was wearing a formal suit, must be because he was from work."H-Ha?"Magaalas-singko na rin ako nakauwi dahil marami kaming pinuntahan nila Saskia after the lunch. May mga errands na hinabol si Riel at naging parang audience lang kami roon ni Sas. Nevertheless, the bonding we had was enough to at least help me forget about the pressing things in my life for even just a short time.Kahit saglit na saglit lang talaga."Get dressed. Your family invited us to dinner."Mabagal lang akong tumango at bahagya pang yumuko bago tumungo sa hagdan. My family invited us? Bakit na naman ba? Ano na naman ba'ng meron?I hurriedly took a bath again so that I don't smell. I settled on a slight lip color and eyelashes. I gathered my hair in a messy bun. Hindi na rin ako gaanong nag-effort na maghanap-hanap sa closet. I ended up wearing a spaghetti strap dress in black. It was just above the knees, and bodyhugging. I matched it with a pearl necklace and a white Fendi shoulder bag.Regalo pa iyon sa akin ni Creed noong second birthday ko.Pinasadahan lang niya ako ng tingin nang mabilis 'tsaka ako tinalikuran. Nauna na siya sa front door na hindi man lang ako tinutulungan. Hirap na hirap akong bumaba ng hagdan dahil nagpalagay siya ng carpet noong nakaraang linggo sa lahat ng baitang tapos naka-heels ako. Isang maling apak lang, dire-diretso na ako niyan hanggang baba.Nang mapag-tagumpayan ko ang mga baitang, narinig ko na agad ang busina ng sasakyan niya. He was never impatient like that to me, pero ngayon ay nagagalit na kaagad siya na napaghihintay ko siya nang medyo matagal. Talagang nahihirapan lang naman ako bumaba, hindi ko naman sinasadya.Nang makapasok ako sa sasakyan niya, pinaandar niya na iyon kaagad. Ni hindi man lang niya ako hinintay na makapag-settle sa upuan. I haven't even readied my seatbelt yet.Mabilis ang naging byahe namin dahil gabi naman na at wala na kaming nakakasabayan sa highway. Tahimik lang at walang balak na magsalita si Creed to pass time. It was deafening, really.Nang makarating sa bahay namin, mabilis siyang bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto."Quickly." He demanded impatiently. May bahid din ng inis sa boses niya. "I have to park the car, you wait for me here."So, I stood there. Like a rod. On the gutter. Couldn't even turn to see if my parents were there behind me a bit closer or farther.My parents were up there at the front door. They saw me, but they didn't even try to go near me and see how have I been. They just both stood there and waited for Creed. Like Creed is their biological son and I'm being the 'girlfriend' from a different family.Mabilis na hinaltak ni Creed ang braso ko patungo sa mga magulang ko nang maiparada niya ang sasakyan sa gilid. Hindi naman iyon marahas pero nagulat pa rin ako dahil bigla-bigla iyon."How are you, son?" Bungad ni Mama habang pinapatakan ng halik sa pisngi si Creed. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin."Fine, mom." Nakangiting sagot ni Creed."Oh, that's good to hear! Come! Come! Pasok!" Nauna na si Mama pumasok kaya naiwan kaming tatlo nila Papa.I felt Creed's grip of me loosen. Ewan, that simple gesture pained my heart. Nilulukob ang puso ko nang sobra pa sa sobrang sakit.Na para bang sa pamamagitan ng ginawa niyang iyon, indirectly na rin niya akong sinasabihang malaya na ako. Pero dahil hindi pa niya completely binibitawan, parang sinasabi lang niya na maluwag na... malapit na."Kamusta ang business, hijo?" Tanong naman ni Papa habang mabagal na naglalakad papasok ng bahay namin. Bago pa man makasagot si Creed, isang malakas na sigaw na ang pumutol sa kaniya.And that's when I was finally free. Binitawan na ni Creed ang kamay ko, dumating lang ang kapatid ko."Kuya Creed!" Malakas na sigaw ni Athena, nakababatang kapatid ko. Sa isang iglap ay nasa harap na namin siya at yakap-yakap si Creed. Napa-iwas na lamang ako ng tingin dahil 'di tulad noon na tinutulak niya ang kapatid ko, ngayon ay parang hinahayaan na lang niya."Okay lang po, Dad. The business is going very well lately." Magalang na sagot ni Creed habang yakap pa din ni Athena.Matagal nang may gusto si Athena kay Creed. Harap-harapan niya pa nga'ng inamin sa akin noon na may gusto siya dito. Na nahulog raw siya dito noong iuwi ko ito sa bahay namin para ipakilala sa kanila nila Mama."Athena..." Mababang boses na suway ko sa kaniya nang hindi na niya lubayan si Creed. Kitang nag-uusap sila Papa't Creed, 'tsaka naman siya diyan nakikisali. Hindi naman kaya siya kasama sa usapan. Baka nga hindi pa niya naiintindihan pinag-uusapan nila tapos kung makakapit kay Creed, akala mo linta na mamamatay kapag walang supply ng dugo.Inirapan lang niya ako at ngumisi pa habang yakap-yakap pa din si Creed. Aba!"C-Creed..." Sinubukan kong kunin ang atensyon niya, pero bigo ako tulad ng inaasahan.Mabagal lamang ako na nakasunod sa kanilang tatlo na para bang wala ako doon. Na para bang hindi naman talaga ako kasali. Na nandito lang ako kahit na hindi naman talaga dapat."Kuya Creed, how are you?" Mas lalong humigpit ang kapit ni Athena sa braso ni Creed at pansin na pansin ko mula sa anggulo ng kinatatayuan ko na pasimple niyang dinidikit at hinihimas ang gilid ng dibdib niya sa braso ni Creed.Kumpara sa akin, mas malaman ang dibdib ni Athena. Isa siguro 'yon sa mga dahilan kaya maraming lalaking nagkakandarapa sa kaniya. Kaya rin siguro ganiyan na lang ang confidence niyang ahasin mula sa akin si Creed at na sigurado siyang magtatagumpay siya."I'm fine." Tipid lang na ngumiti sa kaniya si Creed. It was a genuine smile, mukhang hindi naman siya napipilitan. Baka nga nag-eenjoy pa siya sa ginagawa ng kapatid ko, e.Wala sa sariling napababa ang tingin ko sa sarili ko. Kung dati ay todo compliment na halos malunod na ako si Creed sa akin sa tuwing nakikita niyang confident at sexy ako sa isang damit, ngayon ay parang wala na nga siyang pakialam kahit pa yata maghubad ako sa harap niya.Gano'n niya ako ka-disgusto. At hanggang ngayon... hindi ko pa rin talaga alam kung bakit.Hindi naman kasing-lusog ng dibdib ni Athena ang dibdib ko, pero masasabi kong may maipagmamalaki rin naman ako. Baka naman, mga gano'n talaga ang tipo ni Creed. 'Yung may sobrang malalaking hinaharap. 'Yung tipong malulunod siya.Nang malapit na kami sa may dining area, sakto namang lumabas mula roon si Mama."Handa na ang hapag. Tara na't maghapunan na tayo." Nalipat ang tingin ni Mama kay Athena na nakadikit kay Creed. Bahagya pa siyang natuwa nang makitang masaya ang bunso niya habang inaahas nito ang boyfriend ko. "Ena, tigilan mo muna 'yan si Kuya Creed mo at pagod 'yan sa maghapong trabaho. Tapos ay nagmaneho pa 'yan si Kuya mo para lang makasama't makasalo tayo sa hapunan.""But, Mom—""We'll give you both an alone time later, Ena. Hmm? Sa ngayon ay hayaan mo munang makapag-pahinga ng kaunti 'yan si Kuya Creed mo."Hindi ko mapigilang masaktan sa nasasaksihan ko. Alam ni Mama na boyfriend ko si Creed. Anong alone time? Akin si Creed. Boyfriend ko, hindi ni Athena!Napabuntong-hininga na lamang ako. Pero wala naman akong magagawa kahit pa mag-lupasay ako rito. Ako pa ang lalabas na masama kung ipaglalaban kong akin si Creed. Na hindi dapat ganito kung makitungo si Athena sa kaniya dahil hindi naman sila.At paano ko pa nga ipaglalaban si Creed kung halata naman din sa kaniya mismo na okay lang na ganito kung umasta sa kaniya si Athena."Okay po, Mom." Pero ano ba nga'ng aasahan kay Athena? Ang spoiled brat ng pamilya.Matamis lang siya na ngumiti kay Mama at palihim akong inirapan. Hindi ko din alam kung saan ba nanggagaling 'yan at galit na galit siya sa akin. Bagay pala talaga sila ni Creed, 'no? Parehas may galit sa akin nang hindi ko malaman ang dahilan."Tara, Kuya?" Lalong lumapad ang ngiti niya nang tumango lang sa kaniya si Creed. Siguro ay kilig na kilig na 'yan sa loob-loob niya. Ang sarap niyang sabunutan.Madalas ay sinisigurado ko at inaaral ko pa nga'ng kumalma, na laging kalmahan kahit na inis na inis na talaga ako. Nagtatagumpay naman ako sa ibang bagay, sa kapatid ko lang talaga ako nasa verge laging mapigtas ang pagtitimpi ko. Isang kalabit na lang talaga, sasabunutan ko na 'yan at kakaladkarin palayo kay Creed.Nauna na silang maglakad patungo sa hapagkainan at talagang sinusubukan ako dahil kapag nagtatama ang paningin namin, ngingisihan niya ako na para bang may nakakatuwa. Nakakatuwa sigurong mang-ahas. Baka naman 'yon ang fetish niya. Ang maging kabit.Bahay namin 'to. Dito ako nakatira dati. Dito ako lumaki. Pero simula nang umapak ako sa pamamahay na ito kanina, wala man lang ni isa sa mga nakatira dito ang sinalubong ako at tinanong kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung ano nang ganap. Kasi 'di ba dapat gano'n naman? 'Di ba dapat curious sila sa kung ano na ba ang lagay ko ngayon? Dahil hindi na ako nakatira dito, e. Ilang taon na.Kaya bakit wala? Walang kahit isang tinanong ako? Tinignan ako? In-acknowledge 'yung existence ko dito?Ba't puro si Creed nalang? Ba't puro siya nalang nakikita niyo? Tinatanong niyo?Pa'no naman ako?I have so many questions, confusions lately. Hindi ako natutuwa na ganito ang nangyayari sa buhay ko. I thought my life would go through smoothly. I wasn't expecting this to become so full of obstacles.One question leads to two or more, like it's a continuous growth of tree branches. Why does my family hate me? Why does he hate me? Is there a common denominator I should find out?But, what did I do for all these to happen? What? Am I a bad person? Have I committed a sinful thing to all of them at once? Like hitting two birds in one stone?Which is it? What was it?Kung nakakalunod lang ang mga tanong, matagal na akong patay at hindi humihinga. Kahit sa simpleng dinner lang na ito, marami na agad akong katanungan na nagre-resurface. And I need answers!Imbes na dumiretso sa tabi ni Creed na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Athena, dumiretso muna ako sa kabisera kung nasaan nakaupo si Papa. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nagmano. Wala siyang naging kibo sa ginawa ko
Nanatili akong titig na titig sa mga librong iyon habang napapakinggan ko ang mga malalalim na paghinga ni Creed, senyales na galit talaga siya. Nakita ko pa ang librong binigay niya sa akin noong 8th monthsary namin.Dahan-dahan kong pinulot ang librong iyon mula sa mga librong nagkalat sa sahig ng aking kwarto. Basang-basa iyon at mabaho ang amoy, masakit sa ulo.Ininda ko ang hindi magandang epekto ng gasulina sa akin at binuhat ang libro nang may pag-iingat. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig doon.Ang sakit at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay galit ang mundo sa akin at pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Na kahit ang pinakamalalapit sa akin at mga mahal ko sa buhay ay pinagkakaisahan rin ako.Nanatili akong ganoon, nakayuko't nakaluhod habang tahimik na lumuluha. Niyakap ko ang libro habang pilit na iniisip kung ano ba ang ginawa ko sa buhay ko para maging ganito kasaklap ang pagdadala nito.Isang malamig na kamay ang madiin na pumisil sa
Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek."Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng
Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have
Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
"Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki