Home / Romance / A Billionaire’s Liaison / Chapter 06: Scold Her

Share

Chapter 06: Scold Her

Author: yuminah
last update Last Updated: 2024-01-02 17:29:45

Nanatili akong titig na titig sa mga librong iyon habang napapakinggan ko ang mga malalalim na paghinga ni Creed, senyales na galit talaga siya. Nakita ko pa ang librong binigay niya sa akin noong 8th monthsary namin.

Dahan-dahan kong pinulot ang librong iyon mula sa mga librong nagkalat sa sahig ng aking kwarto. Basang-basa iyon at mabaho ang amoy, masakit sa ulo.

Ininda ko ang hindi magandang epekto ng gasulina sa akin at binuhat ang libro nang may pag-iingat. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig doon.

Ang sakit at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay galit ang mundo sa akin at pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Na kahit ang pinakamalalapit sa akin at mga mahal ko sa buhay ay pinagkakaisahan rin ako.

Nanatili akong ganoon, nakayuko't nakaluhod habang tahimik na lumuluha. Niyakap ko ang libro habang pilit na iniisip kung ano ba ang ginawa ko sa buhay ko para maging ganito kasaklap ang pagdadala nito.

Isang malamig na kamay ang madiin na pumisil sa isa kong balikat.

"Ate... Hindi maganda 'yang ginagawa mo. Itatapon mo dahil ayaw mo na. Nandito naman ako, ate. Pwede namang ibigay mo na lang sa akin." Naramdaman kong lalo niyang idiniin ang kamay niya sa balikat ko.

Naramdaman ko ang sakit doon pero parang wala na iyon sa akin. Kung ikukumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon, walang-wala 'yang ginagawa niya sa balikat ko.

"Alam mo naman 'yan. Basta bigay mo, ate, tatanggapin ko."

"What's going on here?!" Matinis na sigaw ni Mama na sa pakiwari ko'y nasa hamba ng pinto ng aking kwarto ang biglang umalingawngaw.

Humiwalay sa akin si Athena at nagpagpag pa ng kaniyang damit. "It's nothing, Mama. Tinulungan lang namin si Ate hanapin 'yung mga nawawala niyang gamit."

Narinig kong bumuntong-hininga si Mama. "'Di ba, I told you to never enter this room? Ang tigas-tigas pa rin talaga ng ulo mo, Ena."

Naroon na rin si Papa sa labas at rinig kong tinawag niya si Creed at may ipapakita raw siya. Lumabas si Creed nang walang imik, hindi si Athena, ang nanay ko, o ako ang binalingan niya ng tingin. Basta lang siya lumabas doon na parang walang pakialam.

"I'm sorry, Mama. I just want to tour Kuya Creed around the house kaya lang we heard Ate Aisha, nagwawala siya because some of her things went missing daw." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkibit-balikat niya. "So Kuya Creed and I decided to help her find it."

Nagwawala? Ako? Gusto kong tumawa nang malakas. 'Yung tipong mabubulabog 'yung buong bahay pati 'yung kapitbahay.

Grabe gumawa ng storya 'to, pwede nang maging writer sa isang teleserye.

"Nahanap niyo?" Tanong ni Mama habang kinukuha ang kamay ni Athena palabas roon, papunta sa kung saan.

"Yes, Mama." Narinig kong sagot ni Athena bago sila tuluyang nakalayo.

And here I am again, left alone.

Great.

***

Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang naisipan kong humiga sa kama. Ilang oras din yata akong nakaluhod lang doon. Kahit tumigil na 'yung luha ko, nanatili ako doong nakatitig lang sa kawalan.

Yakap-yakap ko ang librong binigay niya sa akin. Kahit ilang taon na rin, hindi pa naman kumupas ang tinta ng pinangsulat niya doon kaya malinaw pa ang mga letra ng kakaibang lenggwaheng sinulat niya. Aniya’y pangalan daw namin ‘yon kaya hindi na din ako nang-usisa sa bawat detalye.

Siguro dito na lang ako magpapalipas ng gabi. Masyado na rin malalim ang gabi kung uuwi pa kami sa bahay. Baka madisgrasya pa kami kung uuwi kami.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa lang akong natutulog pero agad akong nagising sa malakas na yugyog sa aking katawan.

"We are not staying for the night. We are going home. Bakit natutulog ka na?" Iritang tanong sa akin ni Creed.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na yumuko. "I'm sorry. H-Hindi ko alam."

"Just hurry." Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad palabas ng lwarto ko. "I won't wait for you. Kung wala ka pa do'n pagbaba ko, I'll leave you. 'Wag kang magpapatagal-tagal."

"O-Okay..."

Mabilis lang akong inayos ang damit ko at agad na ring tumungo pababa.Naabutan ko pa si Creed na nagpapaalam kila Mama at Papa na kasalukuyang nanunuod ng telebisyon. Wala si Athena, baka nasa kwarto na niya.

"Mom, Dad, alis na po kami." Magalang niyang saad sa mga magulang ko.

"Oh, aalis ka na? Akala ko'y magpapalipas ka na ng gabi rito, hijo." Gulat na usal ni Mama at napatayo pa. Saglit niya akong binalingan ng tingin pero agad ding binalik kay Creed ang paningin na para bang hindi ako kung sino na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

"May meeting po kasi ako ng maaga bukas. Kung dito po kami magpapalipas ng gabi, baka mahuli po ako kinabukasan."

"Oo nga naman, Ma." Singit ni Papa. "Baka nga mahuli siya sa meeting. Importante iyon."

"Hindi naman sa sinasabi kong hindi 'yon importante, masyado na kasing gabi at baka mapaano pa itong si Creed sa kalsada." Sagot naman ni Mama.

Bakit sa usapang ito, para lang akong bula? Parang hindi nila ako nakikita. Parang wala ako dito. Parang si Creed lang ang aalis. Parang kay Creed lang sila nag-aalalang gabi na at biya-biyahe pa siya pauwi?

"Malalim na po ang gabi. Uuwi na po kami."

Hindi na hinintay ni Creed ang sasabihin ng mga magulang ko't nilagpasan na ako palabas ng bahay. Hindi ko alam kung susunod ba ako kay Creed o magpapaalam sa kanila dahil 'di rin naman nila ako pinapansin.

Tumalikod na ako't handa nang sundan si Creed nang makatanggap ng pasintabi mula kay Mama.

"Sasama-sama nang 'di iniimbita tapos 'di marunong magpaalam."

Napalingon ako sa gawi nila Mama nang sabihin niya iyon. Parehas silang nakaharap sa telebisyon na parang walang nagsalita ng gano'n.

"Ang pangit talaga ng ganoong ugali, 'no, Pa?" Biglang sabat ni Mama.

Hindi ko alam kung ano na naman ba ang pumapasok sa isip ni Mama at ganiyan na naman ang mga sinasabi niya. Alam kong ako ang pinariringgan niya, ang hindi ko lang maintindihan ay kung para saan pa. Hindi ba't iniignora nila ako? Bakit biglang gusto nilang magpaalam pa ako?

Hindi nga nila ako tinuturing na anak, na kapamilya, tapos gusto nila ituring ko silang mga magulang?

Hindi ko na lang pinansin ang pasintabi ni Mama at dumiretso na palabas ng front door. Kung ayaw nila akong maging anak, isn't it just correct na ayaw ko na lang din silang maging magulang?

I don't like it when some things are unrequited. Ako na lang ang gagawa ng pabor para sa kanila.

Tama nang lagi na lang ako ang kawawa. Sobra-sobra na kay Creed, pati ba naman sa kanila din?

Pero siguro nga'ng tama na lang na nagpaalam ako para kahit papaano ay tumagal ang oras na hindi ako lalabas. Hindi ko alam na hindi pa pala tapos ang mga luha kong tumulo nang mahuli ko si Creed na bahagyang nakababa ang ulo at nakatalikod sa gawi ko. Noong una ay hindi ko pa makita kung bakit siya nakayuko, pero agad ko ring napagtanto kung bakit.

Ngiting-ngiting sumulpot si Athena mula sa harap niya.

They were kissing...

Related chapters

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 07: Kuya Creed

    Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek."Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng

    Last Updated : 2024-01-02
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 08: Athena

    Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na

    Last Updated : 2024-01-03
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 09: Plan

    Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have

    Last Updated : 2024-01-03
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 10: Camila

    Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b

    Last Updated : 2024-01-06
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 11: Riel's Affection

    Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah

    Last Updated : 2024-01-08
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 12: Complicate

    Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.

    Last Updated : 2024-01-09
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 13: Halter

    Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong itanong iyon."Saan pa ba?" Tanong niya na para bang ang tanga-tanga ko para itanong pa iyon. "We're going home." Nanahimik nalang ako, takot na baka lalo ko siyang magalit kung magsasalita pa akong muli. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at napakagat sa aking labi.Sobrang sakit na."Saan tayo pupunta nanaman, Creed?" Tanong ko habang inaayos ang mascara ko sa maliit na salamin sa harap ko.Niliko niya muna ang sasakyan pa-kaliwa bago niya ako nilingon. "Guess where, baby?""Guess where ka diyan." Umirap ako, natawa naman siya dahil nahuli niya pala. "Saan nga!"Sasakmalin ko na'to. Kung 'di ko lang mahal, e.Bahagya kong natigil ang pagma-mascara nang maramdamang lumapat ang labi niya sa siko kong nakaangat sa ere. "Just any guesses will do, baby.""Tch!" Siniringan ko siya. "Wala akong alam. Saan nga?""Sa puso mo kasi 'yon, baby."Nangunot ang nuo ko. "Anong puso ko? Napra-praning ka nanaman diyan, Creed.""Sa puso m

    Last Updated : 2024-01-11
  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 14: Follow Again

    "You know what? I think we should go travel, you know."Nabaling kay Kanya ang paningin ko mula sa pagtitig ko sa labas ng café. She suddenly popped in my Instagram chats kaya magkasama kami ngayon. Sabi niya ay magkita naman raw kami since the last interaction we had was a year ago."Travel? Where?"After namin maka-graduate ng college noon, her parents migrated to States kung saan siya nagtrabaho bilang guro. It was hard at first to be away with my bestfriend pero kalaunan ay nagkaroon na'din talaga ng katahimikan between us. Hindi na kami nakapagkita uli after noon. Ngayon nalang ulit after niya ipaalam na lumipat na siya dito para magturo sa next school year."Ayaw mo ba? Magsa-summer na'rin, oh."Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon. Even to that particular season of the year, I am now sensitive talking about it. Parang last year lang, kami pa ni Creed ang magkasama sa bakasyon. Ngayon...Ngumiti ako nang malawak. "Sige ba!"Sumubo siya ng cake na in-order niya bago ngumisi s

    Last Updated : 2024-01-12

Latest chapter

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 49: F.A.

    "Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 48: Truck

    Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 47: He's Creed

    "Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 46: Photo Album

    I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 45: Waited

    Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 44: Far-Fetched

    Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 43: It's Not

    "Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 42: Sir?

    Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 41: Tita. Lolo.

    Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki

DMCA.com Protection Status