Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong itanong iyon."Saan pa ba?" Tanong niya na para bang ang tanga-tanga ko para itanong pa iyon. "We're going home." Nanahimik nalang ako, takot na baka lalo ko siyang magalit kung magsasalita pa akong muli. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at napakagat sa aking labi.Sobrang sakit na."Saan tayo pupunta nanaman, Creed?" Tanong ko habang inaayos ang mascara ko sa maliit na salamin sa harap ko.Niliko niya muna ang sasakyan pa-kaliwa bago niya ako nilingon. "Guess where, baby?""Guess where ka diyan." Umirap ako, natawa naman siya dahil nahuli niya pala. "Saan nga!"Sasakmalin ko na'to. Kung 'di ko lang mahal, e.Bahagya kong natigil ang pagma-mascara nang maramdamang lumapat ang labi niya sa siko kong nakaangat sa ere. "Just any guesses will do, baby.""Tch!" Siniringan ko siya. "Wala akong alam. Saan nga?""Sa puso mo kasi 'yon, baby."Nangunot ang nuo ko. "Anong puso ko? Napra-praning ka nanaman diyan, Creed.""Sa puso m
"You know what? I think we should go travel, you know."Nabaling kay Kanya ang paningin ko mula sa pagtitig ko sa labas ng café. She suddenly popped in my Instagram chats kaya magkasama kami ngayon. Sabi niya ay magkita naman raw kami since the last interaction we had was a year ago."Travel? Where?"After namin maka-graduate ng college noon, her parents migrated to States kung saan siya nagtrabaho bilang guro. It was hard at first to be away with my bestfriend pero kalaunan ay nagkaroon na'din talaga ng katahimikan between us. Hindi na kami nakapagkita uli after noon. Ngayon nalang ulit after niya ipaalam na lumipat na siya dito para magturo sa next school year."Ayaw mo ba? Magsa-summer na'rin, oh."Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon. Even to that particular season of the year, I am now sensitive talking about it. Parang last year lang, kami pa ni Creed ang magkasama sa bakasyon. Ngayon...Ngumiti ako nang malawak. "Sige ba!"Sumubo siya ng cake na in-order niya bago ngumisi s
Grey stones, concrete grounds, blowing wind. What happened, Kanya? Why did you leave me like that?Dahan-dahan kong pinasada ang likod ng kamay ko sa mga mata kong hilam sa luha habang nakatitig sa pangalan niyang nakaukit sa bato. A year had past and it still hurts. Five days ago, it was me visiting Halter.Now, it's me visiting you, Kanya.Bakit? Bakit lahat na lang yata ng sakit ay sinalo ko na? All the possible emotional torture, inako ko na? Bakit kapag hindi pa natatapos ang isa, may dadagdag na naman? Bakit ba ayaw niyong maubos na lang?Hindi ko ba deserve maging masaya? Bakit nagsunod-sunod? Bakit kailangan sa akin mangyari lahat ng 'to? Ba't parang sa akin lang?"I miss you. You were the only sunshine in that dream I had last night. You just... you never fail to make me remember that this is your day, girl. I love you."Noong unang mga linggo na mamatay siya, I was frequently with her in my dreams. She never really left me, even after she died. She accompanied her up to the
Looking back at how I pathetically felt the hope earlier breaks my heart. Pati sarili ko, I couldn't take reign fully. I don't want to feel pathetic, nor the hopes building up inside me again.Kinapa-kapa ko ang paligid ko sa kama only to catch a glimpse of the bedside table where my bag rests gently, its strings falling off the sides. Inabot ko iyon at dinukot ang cellphone ko sa loob niyon.I tried reaching Saskia's but she's prolly too busy with her boyfriend. I called Riel next who, in just like about 5 seconds, already answered his phone with a yawn."What's up and why disturb my sleep?"Namilog ang bibig ko nang bahagya dahil halata ngang galing pa siya sa pagkakatulog. I immediately felt the regret of having to call him just because I'm feeling lonely."Oh... sorry to disturb you. I'll call you back—""No. Ikaw pala, Aisha." mabilis niyang bawi. "It's okay. What's up?""Uhm. Okay naman ako. Just wanted someone to talk to. Pero you can go back to sleep na. I'm sorry for disturbi
Nag-iwas ako ng tingin, not knowing what to do. I don't want to assume. I can't assume."M-May pupuntahan lang k-kami saglit. C-Creed." nakayuko kong turan sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa likurang hem ng suot na shirt ni Riel. Pinagpapawisan na nga yata ang mga palad ko sa hindi ko maintindihang dahilan."Sure. Don't ever expect me to cook for you ever again, then." seryoso niyang saad. He shoved us with his hand. "Go on."Nagulat qko nang tapikin ni Riel ang kamay ni Creed. "Stop shoving us. Aalis kami kung kailan namin gustong umalis. And it seems to me na hindi ka niya sinabihang paglutuan mo siya to threaten her with that."Nakita kong tumaas ang kilay ni Creed. "Hindi nga. But it is my duty as her boyfriend.""Uh, yeah? We're talking about duties now? I do believe you haven't been fulfilling them lately because you were too busy doing it to somebody else, didn't you?"Riel..." tawagko sa pangalan niya para pigilan siya.Creed just tsked and turned hia back from us, entering o
Wala pa si Creed sa loob kaya napalingon ako kila Saskia. Nagsasalita siya pero hindi ko marinig. Riel also spoke a little before Creed rode the driver's as well.Nang tumapat sa bahay namin ang sasakyan, nagtaka ako nang biglang sumipol si Creed. Agad tuloy akong napabaling sa kaniya. May tinititigan siya sa malayo so I traced his sight and saw a small car parked at the other side of the road.Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at tinungo ang sasakyang iyon. From that car came out the woman he was with before. Iyong pinahiram ng damit ko dati. She was wearing a super fit bodycon dress with beads thatsparkle even in the dark.Dahan-dahan akong lumabas ng sasakya , balak na lang sanang pumasok sa bahay namin. Hindi ko yata kakayaning masaksihan pa ang tagpo nilang dalawa.Creed is cheating on me... right in front of my eyes. And I hate myself more for feeling pathetic like a trapped being with no means of way out. Ang sakit-sakit na pero ito pa din
"Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki