It was just a simple dress he gave me as an anniversary gift. Isa iyon sa maraming mga regalong binigay niya sa akin para sa 2nd Anniversary date namin. Grabe ang tibok ng puso ko noon habang pinapanuod siyang ihilera sa tapat ko ang mga iba't-ibang sukat ng mga kahon. They were all his gifts, and they were all for me. Alalang-alala ko po kung gaano ako kasaya noon.
I didn't take that much notice of the time, but I knew it took me a long time preparing. May ipapakilala raw kasi sa akin si Saskia ngayong araw.What I was not expecting is to find the both of them seated in the living room."Bihis na bihis, Ataisha." Malamig at walang emosyong komento ni Creed nang mapadaan ako sa sala. The girl was just watching the scene, and she doesn't look like she's interested. Sa totoo nga ay mukhang nabo-boring pa siya rito."May p-pupuntahan lang kami ni Saskia, C-Creed."Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Si Saskia nga ba talaga? Come on. Aminin mo na lang sa akin. I promise, I won't harm your man."Sumakit yata 'yung ulo ko dahil sa kaniya. Bakit ba ang kitid niya? Bakit ba hindi niya maintindihan? Tagalog naman 'yong gamit ko na lenggwahe, ah. Hindi naman Mandarin, mas lalong hindi naman Russian.Pero kahit ganito siya, kahit 'di siya marunong makinig at itatak sa utak niya ang mga sinasabi ko, don't mind the language pero tangina lang. Mahal na mahal ko pa'rin, e."The fuck, Creed?!"Nanlalaki ang mga matang napalingon ako kay Saskia na nasa front door na pala at panigurado ay narinig ang mga paratang sa akin ni Creed.Creed just gave her a bored look on his face and shooed me away by a single flick of his left hand. "Si Saskia nga. You can go now."Tumungo na ako papunta kay Saskia at hihilain na sana siya paalis roon pero nagmatigas siya."What is this, Creed?! What the fuck?!" Nanggagalaiting tinuro ni Saskia ang babaeng nakaupo sa couch. "And who the fuck is that?! 'Nangyan, 'di man lang ako na-inform na gago pala 'yong pinsan ko."Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Saskia. "T-Tara na, Sas. Tama na 'yan." Nagpa-panic 'din ako dahil I know Creed. He's not the type to back out. "Sas, please.""'Wag kang mangialam dito, Saskia. You know nothing. Do you even know? Alam mo ba?" Tinuro ako ni Creed. "Huh? Na malandi 'yang babaeng 'yan? Makati 'yan, Sas. You want a simple advice? Layuan mo 'yan, baka mahawaan ka pa niyan."Ramdam ko ang panginginig ni Saskia sa galit. Kinalas niya ang kamay ko sa braso niya at sinugod ang direksyon ni Creed. "Gago ka pala talaga—""SASKIA, TAMA NA!" Malakas kong sigaw habang umiiyak. "Please... 'Wag na kayo mag-away. Ako na lang awayin niyo. Pagsalitaan niyo ng masasakit na salita, 'yung hindi ko malulunok sa sobrang sakit! 'Wag na kayo. Please, lang. Mag pinsan kayo, e!"Saskia stopped midway, her breathing ragged. She was really enraged by her discovery."Kailan pa, Aisha?" Tanong niya habang nakatalikod pa'rin sa akin at matalim na nakatitig kanila Creed. "Kailan pa naging ganito?""S-Sas-""I said, kailan pa." Madiin niyang saad. Ramdam ko ang matinding galit sa boses niya.Hindi ako naka sagot sa tanong niya dahil kahit ako, hindi ko rin talaga alam ang sagot sa tanong niya. Kailan nga ba?"Unang-unang beses pa lang na ginago ka, dapat lumayo ka na." Her voice softened before she faced me, her eyes shimmering with tears. "You don't deserve this, Aisha. Saksi ako kung gaano ka kabait na kaibigan at isang tao in general. This..." Tinuro niya si Creed na prenteng nakaupo lang sa couch sa tabi noong babae. "This asshole does not deserve you. Bakit ka nagpapaka-martyr diyan? Maraming mas deserving para sa'yo."Napa-iwas ako ng tingin sa sinabi ni Saskia. She really cares for me, pero hindi kasi 'yon gano'n lang kadali. Mahal na mahal ko siya, e. Anong gagawin ko? Mas lalong masakit sa akin ang iwan siya. Hindi ko kakayanin."Saskia... Tara na." Mahinang saad ko bago naunang maglakad palabas ng bahay.Such a scene to start my day.Mabuti naman ay bukas ang kotse ni Saskia kaya pumasok na ako kaagad. Hindi ko na nilingon ang direksyon ng bahay. That particular encounter was so draining. At hindi ako natutuwa na ako pa ang magiging dahilan kung bakit magkakaroon ng lamat ang relasyon nila bilang magpinsan.Wala lang isang minuto ay nakasunod na sa akin si Saskia. Walang imik niyang pinaandar ang sasakyan. I know her when she's pissed. Hindi siya magsasalita."Saskia..."Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Why do you have to endure him? Endure that? Pang-ilang babae na 'yan? Pang-ilang beses niya na 'yan dinala riyan?"Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Pang-ilan nga ba? I remember a different lady being his date during the Valentine's day two days ago."'Wag mo na lang muna sagutin kung 'di mo pa talaga kaya." She steered the steering wheel right before glancing at my direction. "Anyway, bakit wala ka sa complex kagabi? May gig dapat tayo no'n, e.""Hindi mo ba natanggap 'yung text ko? Sabi ko pass muna ako kasi lilinisin ko 'yung buong bahay namin.""Nawala 'yong phone ko last night kaya hindi din kita nasabihan. Nahanap ko na lang siya noong mismong i-text kitang magkita tayo today."Naalala ko 'yung sinabi niya. "Sino nga pala 'yung ipapakilala mo sa'kin?""Mamaya mo na malalaman, tinatanong mo pa sa'kin. By the way, what he did was so disrespectful in your part. Sorry kung hindi ako maka-get over sa nasaksihan ko kanina, ah. Pero napakagago ng ginagawa niya sa'yo, Aisha. Ang sakit pa niya magsalita sa'yo. Malayong-malayo sa dating Creed na kilala natin."May naalala ako sa sinabi niya.Piyesta iyon sa probinsya namin, at sinama ko noon si Creed para makilala niya at masaksihan ang kinalakihan kong lugar.He was so against men disrespecting women. Alalang-alala ko 'yon. Pero bakit ngayon ay nagbago na? Bakit ngayon ay siya na ang gumagawa niyon?Naalala ko pa nang makatawag na kami ng Pulis at sila na ang bahalang umasikaso sa kaso noong babae na tinulungan namin, bigla na lang pumalakpak noon sa akin si Creed. He looked so proud with a huge smile on his face. Isa kasi talaga ako sa nag-stood up para doon sa babaeng na-harass sa piyesta."Damn, baby. That was the first time I saw you burst. Angas no'n. Ang angas naman pala ng girlfriend ko." Umakto siyang naninikip ang dibdib niya. "Fuck, I'm falling deeper. Are you going to catch me, baby?"Tumigil si Saskia sa harap ng isang restaurant. The valet stood waiting just beside the car. Halatang mga mayayaman lang ang nakakapasok roon.Nilibot ko ang paningin sa paligid bago binalingan si Saskia. I raised a brow. "Bakit dito? Ang mahal dito. Doon na lang tayo sa karinderya, mabubusog pa tayo."Umirap lang si Saskia at lumabas na ng sasakyan. I used to have that attitude, e. Kaya lang ay simula nang makilala ko si Creed, I unconsciously changed. Was it for the better? Was it the reason? Doon ba siya sa dating ako nahulog? At noong magbago ako ay ayaw na niya sa akin? Sa bagong ako?And it was just now that I realized all these. But was it really the reason? That was my inner self changing from that bad girl to who am I now. Bakit naman hindi niya magugustuhan?'Di hamak naman na mas mabait ako ngayon kaysa noon. And it wasn't my choice to change, it just suddenly came like that. I was not aware of it.As much as possible, I don't want to doubt his love. Pero may iba pa bang maaaring dahilan kung bakit ganito siya ngayon? Kung bakit ganito kami ngayon?Nagulat ako nang may kumatok sa bintana sa gilid ko. Pagtingala ko ay si Saskia lang pala. She was frowning. "Baba na!" She mouthed.Binuksan ko na ang pinto at lumabas doon. "Ang mahal siguro ng mga pagkain dito. Sas, tara na. Sa Jollibee na lang tayo.""Bakit ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang irap na niya 'yan sa'kin ngayong umaga. "Ikaw ba magbabayad? Ako naman, ah. 'Tsaka hindi tayo makakapag-usap do'n. Maingay do'n.""Eh, Saskia—""Do you want to meet him or not?"Nangunot ang nuo ko sa tanong niya. "Meet who?""Tinatanong mo kanina kung sino 'yung ipapakilala ko sa'yo, 'di ba?" Humalukipkip siya nang medyo natagalan ako sa pag-iisip kung sino ba 'yong sinasabi niya. Andaming gumugulo sa isip ko na kahit maliliit at simpleng detalye lang ay hindi ko na maalala."Ahh..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. "'Yong ipapakilala mo pala sa'kin? Andiyan siya ngayon sa loob?""Ayy, tara na nga."Hawak-hawak niya ang kamay ko hanggang sa loob. She didn't even stop to entertain the waiter na nagtatanong kung sino kami at kung may reservation daw ba kami. I only smiled apologetically to him because I, myself, do not know.Pumasok kami sa isang kwarto at ang una kong napansin ay ang lalaking nakaupo doon sa isang upuan sa lamesa.He was an attractive guy, and when he stood to greet Saskia, I found out he was tall. Magkasing-tangkad lang yata sila ni Creed.Nang mag beso sila, nalipat ang tingin niya sa akin. I awkwardly smiled and waved a little."Didn't know may kasama ka, Sas."Malalim ang boses niya, but different from Creed's. Nevertheless, it was equally attractive."Oh!" Saskia covered her mouth dramatically. "Riel, si Ataisha. Aisha, si Castriel. Bestfriend ko noong college.""Hi, nice to meet you." Ngumiti ako sa kaniya.He reciprocated the smile. "Nice to meet you, too. Can I call you Aia?"Mabilis akong tumango. "Yes. Sure!"I don't know but I'm not feeling any bad vibes with him. He's just cool, and I'm comfortable with that.Nagkwentuhan lang sila ni Sas habang nakikinig lang ako. They were reminiscing some happy memories from college. Hindi man ako maka-relate, natutuwa akong andami na pala nilang napagdaanang dalawa. Before I was able to become a part of Saskia's life, Castriel was already there to take care of her.Pala-isipan din sa akin noong una kung bakit hindi naging sila since college pa pala ay magkakilala na sila. But the further they talk and reminisce, the more it gets clearer."I remember being so close to him na wala na sa amin 'yung mga intimate things. Like, noong nakapatong 'yung kamay ko sa hita niya dahil nag-iisip ako, nagulat na lang ako kasi pinapagalitan na kami noong prof namin." Natawa naman si Riel sa kwentong iyon ni Sas."I remember calling you 'babe', and the whole class in a minor sub thought we were together." Riel shared while smiling."Yeah, as if naman na papatulan kita!" Umirap si Saskia.Gano'n sila ka-close?I guess, platonic relationships do really exist.Kung... Kung naging mag-kaibigan na lang ba kami ni Creed, hindi na ako nasasaktan ngayon? Na hindi na kami aabot sa ganito na parehas na kaming nagkakasakitan?God knows how many times I tried to make him tell me what was the problem. I begged. I wanted to know. But his mouth was shut. And I don't even know why.***Nang dumating ang mga pagkain, halos malula ako sa unti ng servings. Riel was the first one to notice my widened eyes."Chill, Aia. This goes by course. Hindi 'yan ang main meal natin." Nalipat ang tingin ko sa labi niyang may maliit na ngiti. "You are so adorable.""H-Ha?" Napakamot ako ng batok ko at nahihiyang nag-peace sign. "Eh, ano ba tawag dito? Kakarampot naman. Tapos ano 'yan? Pretzels? Mani? 'Yan na pagkain natin dito?"May kasama pang drinks, akala mo naman nakakatuwa. Ang unti-unti magbigay! Sayang pera mo dito."Ayy, nako. Sandali at tatawagin ko na si Saskia sa banyo. Nagsasayang lang tayo ng oras at pera dito."Natigilan ako nang marinig ang tawa ni Riel. Lalong nangunot ang nuo ko sa ginagawa niya."We are in a 7-course meal. This is just to start the whole course, often called Aperitif. These are finger foods while we wait for the Entree."Pitong course? Andami naman?Dahan-dahan akong naupo pabalik sa upuan ko. Sa dami ng course, suĺit pa kaya binabayad namin dito?"Eh, ano naman 'yang Entree na 'yan?""Appetizers." Saktong pagsabi niya noon ay may pumasok ulit na mga waiter para lagyan ng mga kakaibang itsura ng pagkain ang lamesa namin.Dumating ang pagkain namin na nasa banyo pa'rin si Saskia kaya tuloy walang nage-explain sa akin ng mga hinahain dito. Nagmumukha pa tuloy akong parang taga-bundok."Ano naman 'to ngayon?" Eksaheradang tanong ko. "Ang unti nanaman!""These are appetizers, silly. Of course, they have to be small in portion."Bumaba ang tingin ko sa mga plato. Anlalaki ng plato tapos ang unti ng laman."That's a Deviled Egg." Turo niya sa mga itlog na boiled. Imbes na yolk na dilaw, may iba pa itong mixture. "And that's a Crostini. It's made of R****h."Naningkit ang mga mata ko sa tinuturo niya. "Masarap kaya 'yan?""They are to stimulate your appetite so, they better be."Nabalik ang tingin ko kay Riel na ngayon ay kumakagat na sa Crostini. Tinaasan pa niya ako ng kilay nang mapansing nakatingin ako."Ayaw ko. Mabibitin lang ako diyan. Hintayin ko nalang 'yung main meal.""There's one more course before the main course. I suggest you give these a try."Iniumang niya sa bibig ko 'yong itlog na appetizer, I was hesitating at first but he was offering at nakakahiya namang tatanggi ako. Akma ko na iyong kakagatin nang biglang kumalabog ang pinto nang malakas.Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. I felt my heart beat so fast in fear, and to how was Creed able to know why I'm here."Creed, ano ba?!" Malakas na sigaw ni Saskia ang nagpagising sa akin. I felt my hands tremble, at takot na takot talaga ako kay CreedPilit niyang hinihila palayo ang braso ni Creed, but he was too strong for her to even make him step a bit away. Masusuka na yata ako sa kaba at takot."Gandang bungad. 'Yan ba? " Tinuro niya si Riel na nakaupo at nakatingala din sa kaniya. "'Yan ang kabit mo?" He chuckled. "Akala ko pa naman mas gwapo sa'kin. Really? Bumaba na ang standard ng girlfriend ko?""Creed, tama na! Umalis ka na!" Pilit siyang tinutulak palayo ni Saskia. "Alis!""S-Sas... Okay lang."Creed shrugged Saskia's grip from him."You're taken?" Nalipat ang tingin ko kay Riel sa tanong niya sa akin. He was staring straight to my eyes, but there were no malice or anything in his question. It was plainly trying to know."Yes, she is. So, back off." Matigas na ingles na saad ni Creed. "And if I see you getting too close to her again, I swear I'll have you bankcrupt before the day ends. I know you, Mr. Monterello. I fucking know you."Tumayo si Riel na parang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Creed. He wiped his lips clean with a tissue before facing him."Threatening your girlfriend's friend in front of her?" Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya kay Creed. "If I were her, I would have called the relationship off. Ano, pare? Ganiyan ka sa girlfriend mo? You don't trust her?""Wala kang alam." Cool na saad ni Creed. "You don't get to decide to what I want to do with her. If I wanna fuck her here in front of you, on the table, you have no say about it."Nagulat ako sa sinabi ni Creed at napaatras. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko sa mga sinasabi niya. How could he say that? How could he do this to me?"Creed?" Tawag ko sa pansin niya habang nanunuod kami sa sala."Hmm?" He replied without looking at me.Pinatong ko ang kamay ko sa hita niya bago ako sumandal sa balikat niya."We are already old enough to be married, right?"Naramdaman kong napalingon siya sa akin when I asked. He instead kissed my head nang mapagtantong hindi niya makita ang mukha ko."Yes, baby. Do you want to?"That was an indirect question but that made my heart flutter. Kahit pala nagsisimula palang kaming manirahan sa iisang bahay, handa na siyang pakasalan ako. Ako na magiging kasama niya for the rest of his life."We don't need to rush." Niyakap ko ang kamay ko sa bandang tiyan niya. "But you're a man. I might be a woman with no such need, but I know men to be in need of it sometimes."Sumiksik ang kamay niya sa tagiliran kong nakasandal sa sofa at niyakap ako. "What are you trying to imply, baby? Hmm?"Humiwalay ako nang medyo para makita ko ang mukha niya. Nakakunot nang bahagya ang nuo niya."I mean..." Napa-iwas ako ng tingin. "If you want to do the deed, okay lang naman sa'kin. Sooner or later, we'll have to do it anyway.""Baby..." He scooched forward to put me in a cuddle. "I'm okay. We're okay without it.""Pero-""I'll have us during the wedding night, not in some room. I want to respect you, baby. I respect you.""C-Creed..." Hindi ko namalayang namalisbis na ang mga luha kong kani-kanina lang ay nangingilid pa."What?" Nakatitig siya sa akin nang malamig. Tinaas niya ang kilay niya nang hindi ako nakasagot kaagad."B-Bakit ka ganiyan? Bakit t-tayo ganito?"Umiwas siya sa akin at tumalikod na. "Have fun with the guy. You better not come home and find out you are pregnant two weeks later. I'll make sure I'll kill that kid." Humarap siya kay Riel. "And you? Why are you standing up for my girlfriend? Do you like her?""I'm friends with the people I like, so yes. I like her." I understood what he meant, but Creed did not. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya sa naging sagot sa kaniya ni Riel. "And who wouldn't stand up for her kung ganiyan ka kung umasta?""Oh, you fucking know nothing." Pagkasabi noon ni Creed ay naglakad na siya palayo. I was half-expecting him to drag me out of there, to scold me because I'm alone in a room with a guy. That was what a jealous boyfriend's supposed to do. But no. He just went like that, without even giving me one last glance.***I remember him kissing my forehead before I sleep.I remember him saying those three words before I sleep.Routine 'yon na inaasahan ko pa'din hanggang ngayon kahit naman naudlot na. Minsan, hindi ko sinasadyang tumitig sa pintuan ng kwarto ko kung kailan ba siya papasok at gagawin ang lahat ng ginagawa niya para patulugin ako noon.And then I'd end the night with tears again. Kasi wala na nga. Bakit ba hindi ko 'yon matanggap?"What happened to that lunch date?"Mabagal na nilingon ko ang pintuan ng kwarto ko sa likod ko. Nalimutan ko palang isara.Buong ingat kong tinulak ang sarili ko pabangon sa kama bago ko marahang sinandal ang likod sa headboard."T-That wasn't a lunch date. Kasama namin si Saskia."He stood there leaning on the door frame. "Kung hindi kasama si Sas, it's a date then?"Mabilis akong umiling-iling. Hindi 'yon totoo. Hindi ko 'yun magagawa sa kaniya. Kahit ganito siya sa akin. Kahit lagi nalang niya akong sinasaktan sa mga pananalita niya. Kahit ramdam kong ayaw na niya sa akin. Hinding-hindi ko maiisip na humanap ng iba.Nang umalis siya ay saktong dumating din ang mga pagkain namin. We finished the lunch after the main course. Umalis na kami nang hindi tinatanggap ang iba pang course. Parang nawalan lahat ng gana sa pagkain sa ginawa ni Creed kanina. Even going too far as to mentioning a bedroom activity.Yes, Riel is an adorable guy. He's cool and easy to befriend. But never did I imagine being his woman. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, and he to me as well."Hindi ko 'yun magagawa sa'yo, C-Creed. I love you, r-remember? So much."Tumango siya nang walang emosyon. "Right." He turned his back and started to walk away. "'Wag mong malimutang magtira para sa sarili mo. Baka magulat ka nalang, wala ka nang pagmamahal sa sarili mo."That struck me harder than I could ever imagine a word would be capable of.Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ba naman kailangan ko pang mahulog nang ganito sa isang lalaki na sa mga unang taon lang pala magiging mapagmahal, magiging maalalahanin, magiging maalaga."Nag-toothbrush ka ba, Creed?" Naningkit ang mga mata ko sa kaniya nang nauna na siya sa kama kaysa ako. Dapat ako mauuna, e."Of course, baby. I will never kiss my baby without brushing." He tapped the space beside him. "E'di na-turn off naman ang baby ko niyan?"Piningot ko ang ilong niyang matangos. "Ako? Matu-turn off sa'yo? Asa."Inangat niya ang kumot kaya mabilis akong sumuot sa ilalim nito. Nakaupo siya't nakasandal sa headboard ng kama habang ako naman ay diretsong nakahiga sa tabi niya."Are you going to sing for me?" Tanong ko habang nakatitig sa kisame."Do you want me to?""Nope. Baka magkaroon ng concert dito." Napatawa ako sa sariling sinabi ko kaya nagulat nalang ako nang maramdaman ang labi ni Creed sa labi ko. He left a sweeping lick of his tongue on my closed lips as a mark to an end bago siya humiwalay.Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa niya. "D-Did you just use your t-tongue on me?" Gulat kong tanong habang dinaramdam pa'din ang labi ko na medyo basa pa sa ginawa niya.He does not usually do that! He'll kiss my forehead. 'Yon lang? OMG. Nag-evolve na ba siya? Ganito na ba ang gagawin niya sa akin gabi-gabi?Hindi ko mapigilang mamula sa mga naiisip ko."Today is a special day, that's why." Nangingiti niyang saad. Lalo siyang gumagwapo sa ginagawa niya. My eyes!Nangunot ang nuo ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Ano raw? Special?"Bakit special?""Happy Birthday, baby."Lalong nangunot ang nuo ko sa sinabi niya. "Uyy, excited ka naman masyado, e. Bukas pa kaya-" Nalipat ang tingin ko sa wooden clock sa bedside table ko at nakitang sakto nga'ng kaka-alas dose lang ng umaga.Nanlalaki ang mga mata kong binalik iyon sa kaniya. "Baby, you remember!" Naiiyak tuloy ako."I want to sing, baby. Will you let me?""Ano ba 'yang gusto mong kantahin?"He didn't answer me, but he started humming. I closed my eyes as I savoured his deep voice."Watashi no saigo wa anata ga īAnata toko no mama o saraba suru yoriShinu no ga ī waShinu no ga ī waSan-do no meshi yori anta ga ī no yoAnta toko no mama o saraba suru yo kaShinu no ga ī waShinu no ga ī wa"I know the song. I understand Japanese quite a bit since I used to live in Japan when I was younger. Nag-migrate kami doon for a few years because my mom used to work there.But why is he singing this to me? I know the meaning of the song.It translates, "I want you to be my last. If I had to keep being separated from you like this. I'd rather die. I'd rather die. I choose you over three meals a day. If I had to keep being separated from you like this. I'd rather die. I'd rather die."Why was he singing me this song? Why was he singing me that song?"Gumising ka na." Medyo malakas na bungad ng babae nang buksan ko ang mga mata ko kinabukasan. Siya 'yung babaeng pinahiram ko ng damit. Hindi naman ako magugulat kung ibang babae ang mabubungaran ko, pero ang sakit pa din pala talaga.Is he trying to settle on this girl? Hindi na ba siya magpapalit-palit?At bakit niya ako ginigising?"H-Ha?" Kinusot ko ang mata ko para matanggal kahit papaano ang mga muta. "May kailangan k-ka ba?""Ikaw daw magluto ng agahan, sabi ni Creed. Pwedeng paki-sarapan, please? First breakfast namin 'to together ni Creed, e. I just want it to be enjoyable and delicious."Medyo umawang ang labi ko sa sinabi niya pero mabilis ko rin iyon na isinara.Tumango ako. "Yeah, no prob.""Thank you!"Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Hindi ba siya marunong magluto? Bakit kailangang ako?Wala akong magawa kundi ay ang bumangon na lang upang pagsilbihan sila. Habang naghahanda sa kusina, hindi ko mapigilang liparin ang utak ko.'Yon na pala ang huli. Huling halik n
I have so many questions, confusions lately. Hindi ako natutuwa na ganito ang nangyayari sa buhay ko. I thought my life would go through smoothly. I wasn't expecting this to become so full of obstacles.One question leads to two or more, like it's a continuous growth of tree branches. Why does my family hate me? Why does he hate me? Is there a common denominator I should find out?But, what did I do for all these to happen? What? Am I a bad person? Have I committed a sinful thing to all of them at once? Like hitting two birds in one stone?Which is it? What was it?Kung nakakalunod lang ang mga tanong, matagal na akong patay at hindi humihinga. Kahit sa simpleng dinner lang na ito, marami na agad akong katanungan na nagre-resurface. And I need answers!Imbes na dumiretso sa tabi ni Creed na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Athena, dumiretso muna ako sa kabisera kung nasaan nakaupo si Papa. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nagmano. Wala siyang naging kibo sa ginawa ko
Nanatili akong titig na titig sa mga librong iyon habang napapakinggan ko ang mga malalalim na paghinga ni Creed, senyales na galit talaga siya. Nakita ko pa ang librong binigay niya sa akin noong 8th monthsary namin.Dahan-dahan kong pinulot ang librong iyon mula sa mga librong nagkalat sa sahig ng aking kwarto. Basang-basa iyon at mabaho ang amoy, masakit sa ulo.Ininda ko ang hindi magandang epekto ng gasulina sa akin at binuhat ang libro nang may pag-iingat. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig doon.Ang sakit at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay galit ang mundo sa akin at pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Na kahit ang pinakamalalapit sa akin at mga mahal ko sa buhay ay pinagkakaisahan rin ako.Nanatili akong ganoon, nakayuko't nakaluhod habang tahimik na lumuluha. Niyakap ko ang libro habang pilit na iniisip kung ano ba ang ginawa ko sa buhay ko para maging ganito kasaklap ang pagdadala nito.Isang malamig na kamay ang madiin na pumisil sa
Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek."Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng
Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have
Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
"Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki