Gano'n na ba ako kasirang-sira?
I was supposed to feel pained by the words dripping from his mouth, but why am I happy? Why am I holding on to that little fact that maybe he still cares for me. Kasi... Kasi kung wala siyang pake sa akin, would he care to ask? Why would he even ask, "How was it."?Mali nga lang ang subject ng tanong niya.Kasi hindi katulad niya, wala akong iba. Siya lang. At hangga't hindi niya ako binibitawan, hinding-hindi ako titingin sa iba."Ano tatayo ka lang diyan?"Napatingin ako sa mga mata niya. Iba na. Iba na ang tingin niya sa akin ngayon. Ni hindi ko alam kung bakit.Ang sakit ng puso ko."C-Creed... I'm... I'm-"Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mabilis siyang nakalapit sa akin. He snatched the pair of heels from my left hand and threw it somewhere far."Ano? Pati sorry hindi mo na kayang sabihin ngayon?!"Napapikit ako sa sigaw niya. I felt the familiar sting in my eyes.'Wag kang umiyak, Aisha! Utang na loob! 'Wag ngayon!"Sorry... I'm sorry..." Kusang nagbagsakan ang mga luha ko sa sakit ng nararamdaman ko. Napatakip ako ng dalawang kamay ko sa aking bibig at napahagulgol sa kinatatayuan ko."Fuck." I heard him cursed. Inakala kong aaluhin niya ako o kaya ay hihingi siya ng tawad, but none of my expectations were met. "Puro ka na lang iyak! Nakakarindi ka na!"And I heard his footsteps walking away. Napasapo ako sa aking dibdib sa banda ng aking puso at napayuko na lang roon.Kapag nagsimula akong umiyak, hindi na ako makakatigil.It's like as if all the pains I kept in my heart comes all out when I cry. Sobrang bigat ng dibdib ko and I have no idea how should I keep them at bay. I have to learn how to control them.Naikuyom ko ang aking kamao nang makita si Acre na papalapit sa akin, his wide annoying grin plastered on his face. He's friends with Creed at siya ang pinaka-maloko sa mga kaibigan nito.Hindi ko alam na narito pala si siya at malamang ay nakita niya ang nangyari kanina.He offered his arms and smirked at me. "Shall we?"Napaatras ako at natigil ang pagluha ko. Wow, someone who can stop me from crying. I, myself, can't do it. Ta's presensya lang ng lalaking 'to, natigil 'yung iyak ko?"Anong kailangan mo sa 'kin, Acre?" tanong ko habang pinupunasan ng likod ng kamay ko ang mga luhang namalisbis sa pisngi ko kanina."Chill." Napataas siya ng dalawang kamay sa ere na akala mo ay tinututukan ko siya ng baril. "I prepared some breakfast in the kitchen. Baka lang naman hindi ka pa kumain."Sa lahat ng kaibigan ni Creed, si Acre ang alam kong nagtapos talaga ng kurso ng Culinary Arts. Kaya kapag may mga pangyayaring kailangan ng magluluto, si Acre ang kadalasang tinatawagan.Must be why he's here, then."Wala ka raw kasi at wala siya sa mood magluto ng agahan, so tsaran! I'm here." Nag-bow pa siya bigla. "Serving the both of you.""Hindi ako gutom." 'yon na lang ang sinabi ko at mabigat ang puso na naglakad patungo sa hagdan."Pero kung magutom ka, andito lang 'yong pagkain sa baba!" pahabol niyang sigaw bago ko pa matunton ang pinakataas na baitang ng hagdan.Nang matapat ako sa pinto ng aking kwarto, 'tsaka ko naman narinig na may kausap si Creed. It was very faint, but I am somehow able to make out the words he was saying.I heard no replies so I concluded that he must be talking to someone over the phone."I fucking don't want to do this anymore."Napaatras ako sa narinig. What does he mean by that? Is he going to finally let me go? But why does he have to say it to someone else? That must be his own decision."Yes, but there seems to be no trouble. I have to stop this before it's too late— Yes, I fucking know that!" napaigtad ako sa lakas ng sigaw ni Creed na animo'y galit na galit.Nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto bago pa niya matuklasang nakikinig ako sa usapan nila nung kausap niya. It made my heart race so fast in fear, as if I was the reason why he was angry.Napatitig ako sa aking sarili nang matapat ako sa salamin.Do I really look like someone who just came home from her kabit?Naglandas ang tingin ko sa aking suot na pantaas. It was a tattered oversized shirt. There were spots where it has holes, nakikita ang balat ko sa ilalim nito. Specific areas had bigger ones, enough to expose some of the skin underneath.It was partnered with flare jeans.My shirt looked like it was pulled and torn, but it was actually just the way it was when I bought it. Akala niya siguro, may kung ano nga'ng nangyari. But I do remember him seeing me wearing this after my performance, kaya bakit gano'n ang sinabi niya?***Harsh knocks on the door woke me up. It was so loud my adrenaline spiked and made me ran for the door. Muli ay hindi ko gustong maging dahilan upang magalit na naman siya. Pagod na pagod na akong lagi na lang niyang ipamukha sa akin na ayaw niya sa akin."What? Do you see yourself as some princess? Well, wake up, miss. Kumain ka ng agahan. 'Wag kang magda-drama sa 'kin." He gripped my wrist tightly and pulled me to the staircase. Ang lakas ng kalabog ng puso ko nang kaladkarin niya ako pababa ng hagdan. Every step was vital for my survival. Parang isang maling apak lang, magpapagulong-gulong ako hanggang baba."Creed!" naluluha kong sigaw habang pilit na hinihila ang kamay ko paalis sa kaniyang hawak. "C-Creed!""Putangina!" Pabagsak niyang binitawan ang kamay ko at hinarap ako sa kalagitnaan ng mga baitang. "Ano?!"Napaatras ako sa sigaw niya at nag-iwas ng tingin. Mabilis kong pinahid ang luhang nahulog mula sa aking mga mata."Ayan. Iyak na naman." Malakas niyang hinampas ang palad niya sa barandilya. "Diyan ka talaga putanginang magaling, e 'no?"Bumalot ang kabilang palad ko sa palapulsuhang hinila niya kanina. Namula agad iyon at masakit 'pag nadadampian. Hindi ko maiwasang manlumo sa sitwasyon ko. Maayos kaming nagsimula. I was requited. Kaya bakit nagkaganito? Bakit umabot sa ganito?Hindi man lang niya ako inalo, he just left. He even tsked at me bago ako talikuran at nauna nang bumaba sa hagdan.Should I be thankful that he at least tried to take me to the dining area to eat breakfast?"Sha."Sinundan ng tingin ko ang kung sinong tumawag sa akin and found Acre standing just before the last steps of the staircase. He was looking up to me with curiousity and worry evident in his eyes."A-Ano?" Hinila ko ang dulo ng damit ko para ipunas sa aking mata. Malaki naman iyon kaya madali ko lang nahila without fearing na baka masilipan ako."Kumain ka na lang. Kaysa pa magalit pa lalo sa'yo si Creed." Tumalikod na'rin siya at sinundan ang direksyong pinuntahan ni Creed. "Mag-ingat ka sa mga ginagawa mo, Sha."Napatitig ako sa likod niya nang sabihin niya iyon. What was that supposed to mean? Wala naman akong ginagawa.Mabagal akong bumaba ng hagdan dahil hindi naman ako makakapit, okupado ang dalawang kamay ko. Happy memories once again flashed to me.Hindi ko alam na natatawa na pala ako habang bumababa. Nakakatuwa pa lang isipin na parang minsan nang naging lugar ng masayang alaala ang hagdan na ito. Ngayon yata kapag titignan ko 'to, 'yung pagkaladkad niya lang sa akin ang maaalala ko.Usual sets lang ng breakfast ang nakita ko. May sinangag at mga ulam na piniprito lang. Toasted bacons are present. May gatas din sa isang pitchel.Habang kumakain ako ng bacons, naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Creed."Baby, do you remember the story of Bacon?"Hindi ko kayang simulan kung kailan ba nagbago, kung kailan siya nanlamig. Dahil hindi ko rin talaga namalayan. Basta bigla-bigla na lang siya nagbago. Wala man lang kahit na anong eksplenasyon, paliwanag kung bakit.Noong una, akala ko pagod lang siya nung araw na 'yon. Akala ko baka kailangan lang niya ng pahinga. Sabi niya isang beses, ako raw ang pahinga niya. Kaya siniksik ko 'yung sarili ko sa kaniya kahit na pinagtatabuyan niya ako palayo. Na hindi ako pumayag na itulak niya ako palayo. Kasi akala ko, 'yun lang talaga ang kailangan niya.Pero lumala pa yata. Naging mas mahirap ang mga pangyayari. Mas naging mabigat.Naisipan ko lang na maglinis ng bahay dahil mamayang gabi pa naman ulit ang gig namin sa Complex. Nagpalit lang ako ng isang itim na sando at shorts para madali lang kumilos-kilos habang naglilinis.Malinis sa bahay si Creed kaya hindi ako nahirapan. Hindi din naman ako madalas na naglalagi dito dahil lagi kong kasama si Saskia, especially kapag nagge-guest kami sa mga occasion.I finished the whole house, with putting fragrances in the living room as the last one. Huli kong pinuntahan ang kwarto niya para sana linisin iyon. It was locked, though. Something I did not expect he'd do.Pinahid ko ang luhang bumagsak mula sa aking mga mata. He promised to keep all the doors unlocked, ano ito ngayon? Bakit hindi ko man lang masilip ang loob ng kwarto niya?I never knew people setting up boundaries against you would hurt this bad. Sobrang sakit na hindi na ako almost makahinga. Na para bang pakiramdam ko ay ako pala talaga ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito.What hurts more is that the more I blame myself to being the reason why he's like this—why he has changed—the more I become confuse as to how. Dahil ako, hindi ko talaga alam kung may nagawa ba akong nakapagpabago sa amin o kung may nagawa ba akong hindi ko maalala? O nagbago ba ako?What happened? What changed? Why? Ilang beses ko ba 'yan itatanong sa sarili ko?***Masakit ang katawan ko sa buong araw na paglilinis. Naupo ako sa sofa sa sala nang hindi binubuksan ang mga ilaw. The darkness, it felt as if dinadamayan niya ako.Alas-onse na ng gabi at hindi pa siya nakakauwi. I closed my eyes and let out a sigh.Hindi ko pinilit ang sarili kong sirain ang boundary na tinayo niya. Kung ni-lock niya 'yong pinto, ano pa ba ang ibang ibig sabihin no'n bukod sa ayaw niya akong papasukin doon?Masakit ang puso ko habang naglilinis. Hindi naman na sana ako nag-iisip pa ng kung ano-ano, e. Dapat naging escape ko sana 'yung paglilinis ko, pero lalo pa tuloy akong nasasaktan sa tuwing mare-realize kong wala na talaga.We hit rock bottom. Masakit man isipin pero alam kong 'yan ang katotohanan. What's the use of refuting the truth? Will it change the fact that he's so far gone now? Patay na ang pagmamahal na minsan naming pinagsaluhan.Hahabulin ko ba? Bakit? Para saan pa kaya?"She must be asleep. Let me." Bumukas nang kusa ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Creed. Bumaba ang tingin ko sa siwang sa ibaba ng pinto ng front door namin. May dalawang pares ng bulto ng sapatos ang nakikita ko roon na nakatayo."Oh? What are you... doing?" boses iyon ng babae. It was followed with silence kaya napa‐diretso ako ng upo sa sofa. "Why are you taking my heels off? Madudumihan 'yong feet ko, Creed.""Look at your feet. It must be hurting. Sinabi ko naman sa 'yong hindi mo kailangan 'yan when going out on a date with me, didn't I?" Date? "You should be the most comfortable when you are with me, hindi 'yong nagtitiis ka sa ganito."Narinig ko ang pag-ikot ng busol ng pintuan kaya napa-karipas ako ng takbo patungo sa kwarto ko at agad na humiga sa aking kama. Mabuti na lang ay naligo ako pagkatapos ko maglinis kaya pwede na akong matulog kaagad.Nagtalukbong ako ng kumot at mariin na pinikit ang aking mga mata, na para bang sa pamamagitan nito ay hindi ko maririnig ang kung ano mang ingay ang magagawa nila.Nararamdaman ko ang malalakas na pagtibok ng puso ko. Halos mapanawan na ako ng ulirat nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.Bakit dito? Bakit sila narito?Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lumundo ang paanang parte ng kama ko."Creed, where ka na?" narinig kong mahinang sigaw ng babae sa malayo. Nangunot ang aking nuo nang ma-realize na nasa labas ang babae, ibig sabihin... si Creed ang nasa paanan ng kama ko."Just stay right there. I'll fetch you some clothes you could borrow for the night." rinig kong sagot ni Creed sa kaniyang mababa at baritonong boses. Isa 'yan sa mga maliit na detalyeng nagustuhan ko sa kaniya, and until now it still captivates me.Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Creed habang nakaupo siya roon sa paanan ng aking kama. Pikit na pikit ang aking mga mata at natatakluban ng kumot ang aking buong katawan kaya hindi ko man lang siya masilip.Malakas ang tibok ng puso ko, at naiinitan na rin ako sa ilalim ng kumot. Sa pagmamadali ko ay hindi ko pala nabukas ang aircon.To save myself from suffocation, I acted like a normal sleeping person shifting on the bed. Hinawi ko ang kumot with my eyes shut tight."Gising ka, Ataisha. Stop acting."Nagtaasan yata ang balahibo ko nang sabihin niya iyon. I didn't move, nor did I open my eyes a little to see. I clenched it even more."So, you can observe. A woman is in the house, and she needs your clothes for the night. Tumayo ka diyan at bigyan mo siya ng damit." Bumabalik na naman ang pait sa aking puso, at lalo pa yatang sumakit. "Ano? Hindi ka talaga tatayo diyan? Ako pa ang magkakalkal sa mga damit mo?"Halos maalog ang ulo ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkuha niya sa aking kanang kamay at malakas akong hinila pabangon. Sumakit nang bahagya ang ulo ko sa ginawa niya."C-Creed, ano ba'ng—""Makisama ka naman. Nakikitira ka na nga lang dito, hindi ka pa marunong sumunod!"Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagbabadya ng mga luha ko. Sobra akong nasaktan na ganito na pala ang tingin niya sa akin ngayon. Nakikitira? Nakikitira lang pala ako? Ang sarap magmura sa sakit. Tangina, akala ko bahay namin 'to. Akala lang pala.Hindi na ako umimik at tumayo na lang 'tsaka tinungo ang walk-in closet ko.Mabigat ang damdamin ko at ang kirot-kirot ng puso ko. Nararamdaman kong nanunuod lang siya kaya binilisan ko na lang ang pagpili.Masyadong nilalamon ng pait at sakit ang puso ko only to realize that I am about to lend the girl my pajamas. The one he gave me as a gift for my birthday two years ago.I was already too late at nakalahad na sa harap ni Creed ang kamay ko. Nang hindi niya ito tanggapin, nalipat sa kaniyang mga mata ang aking paningin.His brows were furrowed really deep na para bang iritang-irita siya sa ginagawa kong katangahan."My gift? Seriously?"Naibaba ko ang kamay kong nakalahad sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Ano pa bang gusto niyang mangyari? Dapat ba mas espesyal pa kaysa dito?"M-Malambot ang tela n-nito. Tiyak m-makakatulog siya nang mahimbing d-dito—""And who fucking told you we'll sleep?"Medyo napaatras ako sa naging bulalas ng kaniyang bibig."C-Creed-""Just get me a fucking descent clothing! Tangina, andaming dada!"Hindi ko alam kung umikot ba ang mundo o 'yung paningin ko lang. Napahawak ako sa bedside table habang ang isang kamay ang nagmasahe sa sintido ko. Nang subukan kong buksan ang mga mata ko, nagshe-shake ang paningin ko nang paulit-ulit kaya napapikit na lang ulit ako."Are you being serious right now?" rinig ko ang irita sa boses niya."S-Sandali lang..."Dahan-dahan akong napaupo sa aking kama. Parang tumitibok ang ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko na rin mabalanse at parang bumibigat ang ulo ko.Humigpit ang kapit ko sa bedside table. I could see my knuckles turning white for a blink second.It was just for a short time, pero grabe ang atake. I was wincing in pain for a second, then the next I'm fine."Bibigyan ko na lang siya ng ternong damit." nanghihinang saad ko at dahan-dahang kumapit sa bedside table para mapagkunan ko ng lakas sa pagtayo.Hindi ko na siya pinansin at namili ng damit na pwedeng gamitin noong babae na hindi gaanong mukhang pambahay pero malambot at kumportable naman. Nang mahanap ang perpektong damit, agad na akong lumabas sa walk-in closet.Iniabot ko ito sa kaniya nang hindi siya tinitignan sa kaniyang mga mata. Tinanggap naman niya iyon kaagad at lumabas na sa aking kwarto, ni hindi niya man lang ako tinanong kung ano ba'ng nangyari at kung maayos lang ba ang pakiramdam ko.He just went like that. Not even asking if it's okay to borrow the clothes from me. To what I might feel lending his mistress my personal clothes. Clothes that mostly were from him.There was not even a word of thanks.***Pupungas-pungas pa akong bumaba ng hagdan nang magising ako. Madilim pa sa labas pero mas maigi nang magluto ako ng agahan nang maaga kaysa maabutan ko pa silang dalawa. May plano din kasi kaming lumabas ni Saskia."We'll be—You'll be over this soon. Just... Just endure it for now, will you?"Nawala yata ang pagkaantok ko nang marinig ang boses ng babae kagabi. Naparaan ako sa guest room namin at iyon kaagad ang narinig ko.Walang naging sagot ang kung sino mang kausap niya. Probably Creed. But what does she meant by that? Endure? Endure what? They'll be over something soon? What something?Sa takot na baka mahuli pa nila akong nakikinig, dali-dali na lang akong bumaba ng hagdan patungo sa kusina. Abot-abot ang tahip ng puso ko habang binubuksan ang mga ilaw sa daan ko papuntang kusina.Para masiguradong nasa kundisyon ang sarili ko sa umaga, nagtimpla na muna ako ng kape bago magluto. Habang hinihintay kumulo ang tubig, napaisip na naman ako sa kung sino ba talaga iyong babae. And was she staying sa guest room? Really. Dapat nagsama na sila sa kwarto ni Creed. I wouldn't mind. It’s not like I have any choice, anyway.The time flew so slowly I was able to finish so many dish in just a short span of time. May mga bacon na, eggs, at sinangag. Nag-prito din ako ng iilang slice ng Spam dahil paborito din iyon ni Creed."Bilis magluto, ah. Nagmamadali?"Nabitawan ko ang platong ilalatag ko sana sa lamesa sa gulat."Creed... G-Good morning.""May lakad? Kasama sino? Kabit mo?"Napa-iwas ako ng tingin sa mga tanong niyang sunod-sunod. Dapat sanay na ako, e. Matagal nang ganito. Pero bakit sa tuwing pinaparamdam niya sa akin ang galit niya, nasasaktan pa rin ako nang sobra-sobra? Tapos babalik na naman ako sa pagtatanong sa sarili ko ng bakit at kailan pa nagsimulang maging ganito 'yung napaka-prepektong relasyon namin noon.Hindi siya naniniwalang wala akong kabit kahit pa yata ilang libong beses kong ulit-ulitin sa kaniya."C-Creed, wala akong kabit. Kahit kailan, hindi ako naghanap ng iba. Kahit ganiyan k-ka sa'kin, ikaw pa din." Tumalikod ako sa kaniya saglit para punasan ang luha kong nagbabadya nang mahulog bago siya harapin ulit. Ngumiti ako nang maliit. "Mahal na mahal kita, e. Sa kabila ng lahat, labis-labis pa din. Nag-uumapaw pa nga. Pero ikaw... hindi ko na alam."Sakto namang iyon na lang ang huli kong gagawin sa lamesa at handa na ang lahat. Tumalikod na ako at nagsimula nang lumabas doon. Mukhang wala naman siyang gustong sabihin sa akin."Ataisha..."Natigilan ako roon. Mga ilang segundo pa ang binilang bago ako dahan-dahang nakaikot upang harapin siya ulit."Walang magbabago kung hindi ka nagkamali. Don't put all these on me."Mabagal na lang akong tumango, baka mapaiyak pa ako rito kung pipilitin kong sumagot sa sinabi niya. Ni hindi ko nga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin doon. Anong ako? Nagkamali ako? Kailan? Saan?"And you don't deserve the explanation. Find it out for yourself." And with that, he walked away.Hanggang sa makaligo na lang ako't lahat-lahat, baon-baon pa rin ng isip ko ang sinabi niya sa akin. Nagkamali nga ba ako? Ano 'yon? Wala akong maalalang may nagawa akong maaaring maging dahilan para masira kami nang ganito.I may have done some things, but it is not as heavy as to resulting to this kind of relationship. They were pretty minimal and whatever I do, he's always so ready to forgive me. So, why? What happened?One thing I know that could ruin us like this—a real potential reason—is me keeping an affair with someone else which I never did. Mahal na mahal ko siya na hindi ko kailanman iisiping humanap ng iba. Mababaliw muna ako bago iyon mangyari.I remember being close friends with boys, but it never took a toll on him. He's actually okay with that since he said my friends are his friends, too.It was just a simple dress he gave me as an anniversary gift. Isa iyon sa maraming mga regalong binigay niya sa akin para sa 2nd Anniversary date namin. Grabe ang tibok ng puso ko noon habang pinapanuod siyang ihilera sa tapat ko ang mga iba't-ibang sukat ng mga kahon. They were all his gifts, and they were all for me. Alalang-alala ko po kung gaano ako kasaya noon.I didn't take that much notice of the time, but I knew it took me a long time preparing. May ipapakilala raw kasi sa akin si Saskia ngayong araw.What I was not expecting is to find the both of them seated in the living room."Bihis na bihis, Ataisha." Malamig at walang emosyong komento ni Creed nang mapadaan ako sa sala. The girl was just watching the scene, and she doesn't look like she's interested. Sa totoo nga ay mukhang nabo-boring pa siya rito."May p-pupuntahan lang kami ni Saskia, C-Creed."Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Si Saskia nga ba talaga? Come on. Aminin mo na lang sa akin. I promise, I won't harm your m
"Gumising ka na." Medyo malakas na bungad ng babae nang buksan ko ang mga mata ko kinabukasan. Siya 'yung babaeng pinahiram ko ng damit. Hindi naman ako magugulat kung ibang babae ang mabubungaran ko, pero ang sakit pa din pala talaga.Is he trying to settle on this girl? Hindi na ba siya magpapalit-palit?At bakit niya ako ginigising?"H-Ha?" Kinusot ko ang mata ko para matanggal kahit papaano ang mga muta. "May kailangan k-ka ba?""Ikaw daw magluto ng agahan, sabi ni Creed. Pwedeng paki-sarapan, please? First breakfast namin 'to together ni Creed, e. I just want it to be enjoyable and delicious."Medyo umawang ang labi ko sa sinabi niya pero mabilis ko rin iyon na isinara.Tumango ako. "Yeah, no prob.""Thank you!"Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Hindi ba siya marunong magluto? Bakit kailangang ako?Wala akong magawa kundi ay ang bumangon na lang upang pagsilbihan sila. Habang naghahanda sa kusina, hindi ko mapigilang liparin ang utak ko.'Yon na pala ang huli. Huling halik n
I have so many questions, confusions lately. Hindi ako natutuwa na ganito ang nangyayari sa buhay ko. I thought my life would go through smoothly. I wasn't expecting this to become so full of obstacles.One question leads to two or more, like it's a continuous growth of tree branches. Why does my family hate me? Why does he hate me? Is there a common denominator I should find out?But, what did I do for all these to happen? What? Am I a bad person? Have I committed a sinful thing to all of them at once? Like hitting two birds in one stone?Which is it? What was it?Kung nakakalunod lang ang mga tanong, matagal na akong patay at hindi humihinga. Kahit sa simpleng dinner lang na ito, marami na agad akong katanungan na nagre-resurface. And I need answers!Imbes na dumiretso sa tabi ni Creed na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Athena, dumiretso muna ako sa kabisera kung nasaan nakaupo si Papa. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nagmano. Wala siyang naging kibo sa ginawa ko
Nanatili akong titig na titig sa mga librong iyon habang napapakinggan ko ang mga malalalim na paghinga ni Creed, senyales na galit talaga siya. Nakita ko pa ang librong binigay niya sa akin noong 8th monthsary namin.Dahan-dahan kong pinulot ang librong iyon mula sa mga librong nagkalat sa sahig ng aking kwarto. Basang-basa iyon at mabaho ang amoy, masakit sa ulo.Ininda ko ang hindi magandang epekto ng gasulina sa akin at binuhat ang libro nang may pag-iingat. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig doon.Ang sakit at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay galit ang mundo sa akin at pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Na kahit ang pinakamalalapit sa akin at mga mahal ko sa buhay ay pinagkakaisahan rin ako.Nanatili akong ganoon, nakayuko't nakaluhod habang tahimik na lumuluha. Niyakap ko ang libro habang pilit na iniisip kung ano ba ang ginawa ko sa buhay ko para maging ganito kasaklap ang pagdadala nito.Isang malamig na kamay ang madiin na pumisil sa
Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek."Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng
Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have
Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
"Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki