Share

[Chapter 6]

Trevor's POV

After we went to the church, I took her to the nearest food court to eat before we went to the other stores. I know she's new to the menu of the eatery, so I was the one who chose our food. I ordered two servings of Pares Mami and garlic rice. As we went to sit near the ceiling fan, she frantically looked at the food. She observed it with excitement. She grabbed a spoon and took a quick sip of pares soup. Her eyes widen in the cutest way I've ever seen. She giggled and continued eating the dish. I didn't notice that I was smiling from ear to ear when she asked me why I wasn't eating. I told her I'm full. Actually, I really haven't eaten anything yet since this morning because I was too excited to see her when I heard she's going to the mansion with her dad. I can't take away my sight. I feel like I'm going to lose a minute of my life. I can't miss this chance of seeing her in this state... for the first time.

"Are you sure hindi ka kakain?" Ashrielle asks. I didn't dare to speak and just smiled at her. She shrugged and finished the last bowl of soup on the table.

After a few minutes, ay nag aya na s'yang maglibot. Una naming pinuntahan ang tindahan ng mga bestida. The dresses were not as luxurious as hers, but still, she bought two dresses. Iginaya s'ya ng tindera sa loob at hinayaang mag palit ng damit. It took her a couple of minutes before she called me.

"How do I look?" she asked.

I was stunned to see her. She bought a cheap dress, yet she made it look like a luxury. She looks so simple. Everything suits her so much.

"You... look great" I said as I looked straight into her eyes. I felt my face heated, and my heart is pounding like crazy. I swear to God, she's the most beautiful girl I've ever met.

Ashrielle's POV

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko agad s'yang mag libot dahil gusto kong mamili, sakto naman at naka kita ako ng bilihan ng mga bestida, kaya lumapit ako doon at nagtingin tingin. Mura ang mga bilihin dito kumpara sa syudad, pero kahit na ganoon ay maganda naman ang kalidad nito. Simple ngunit maganda at maaliwalas kapag isinuot. Isang kulay brown off-shoulder at peach spaghetti dress ang kinuha ko sa sampayan at itinanong sa ale kung may mas maliit na size ito at iyon ang bibilhin ko. Madali namang tumango ang babae sa akin at kumuha sa isang malaking de-zipper na eco-bag ng hinihingi ko at inabot sa'kin. Sabi pa niya ay may fitting area sila kung gusto kong sukatin. Kung sabagay, maganda nga naman kung magpalit ako para ma-subukan ko agad.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa kanilang fitting area at lumabas na agad ko. Naabutan kong nagtitingin-tingin lang s'ya sa paligid at halatang bored na, kaya lumapit na agad ako sa kanya. Ang cute. Para s'yang bata.

"How do I look?" I asked. He took a quick look from head to toe.

"You... look great" he said, scratching his nape. He's ears to neck turned red, maybe because of the heat. He's actually sweating too.

I smiled at his compliment. It made me giggle. I swear, bibili ako ng mas marami sa susunod! Sunod ay nagpunta naman kami sa tindahan ng mga local bag at sandals. Lahat ng bag na naka display ay gawa sa mga local materials. Hindi ko mapangalan ang tawag sa mga iyon, pero alam kong hand-made ito. Maski ang mga sandals ay mukhang mano-mano din ang gawa, nakakatuwang pagmasdan mga iyon lahat ay magaganda at mukhang matibay, kaya naman napabili din ako ng dalawang pares ng sandals at isang shoulder bag. Ang isang pares ng sandals ay isinuot ko na dahil bumagay ito sa suot kong damit, ginamit ko na rin ang binili kong shoulder bag para kompleto na ang look ko.

"Hindi ka ba bibili?" Tanong ko kay Trevor. Patingin-tingin lang kasi siya sa ginagawa ko at pati sa mga paninda, pero hindi naman siya bumibili. May mga panlalaki din namang paninda.

"No, I'm good. Marami na akong ganyan." Saad niya at saka ngumiti ng bahagya. Medyo hindi lang ako naniwala dahil wala sa itsura niya ang nagsusuot nito, pero sige, sabi n'ya e.

Lahat na ata ng tindahan dito sa plaza ay napuntahan at nabilhan ko na. Hindi na nga ako magkada-ugaga sa pagbibitbot ng mga gamit. Mukha namang napansin iyon ni Trevor, kaya kinuha n'ya sa akin ang lahat ng pinamili ko, balewala lang sa kanya ang pabubuhat kung tutuusin dahil higit na mas malaki ang kamay n'ya, kaya hindi ko na inalala at tinanonh kung nahihirapan ba s'ya. And yes, umiral na naman ang pagiging pilya ko. Ililibre ko na lang s'ya mamaya pang bawi.

Balak ko na sana s'yang ayain pauwi, pero bago pa dumapo ang mga paningin ko, kay Trevor ay napansin ko ang tindahan ng mga palamuti sa di kalayuan. Hinigit ko ang pala pulsuhan ni Trevor at hinatak siya.

"You want to buy a dream catcher?" Tanong niya ng marating ang tindahan. Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. Naka kita na ako noon nito, pero hindi ko naman alam kung ano ang tawag at kung saan mabibili. Karamihan sa mga iyon ay makukulay ngunit may iilan na dark. Matagal ko na gustong bumil8 nito dahil ang sabi ay tinatanggal nila ang masasamang panaginip. I always have a bad dream, and I'm hoping this could help.

"They say, dream catcher's take away bad dreams." Paglingon ko kay sa kanya ay nagulat ako ng sobrang lapit na pala niya sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo namin at malapit nang magdikit ang aming ilong. Sa gulat ay napa atras ako ng dalawang hakbang. Inabot n'ya sa gilid ko ang dalawang kulay lavender na dream catcher at ibinigay sa tindera para ibalot at binayaran ito. Ang isang supot ay ibinigay n'ya sa akin.

"Hindi na tayo uli babangungutin ng nakaraan, Rielle." Makahulugan niyang sambit. Natulala na lamang ako sa kanya. Ang mga mata niyang nakikipag sapalaran sa akin ng titig ay tila may gustong ibulong sa akin ngunit may pumipigil dito. Mukhang takot, pangamba, at pangungulila. Masyadong misteryoso ang kanyang mga mata kaya nauna na akong nag-iwas ng tingin at lumabas sa tindahan. Sumunod naman siya agad sa akin at pinantayan paglalakad ko hanggang sa marating namin ang sasakyan at inihatid ako sa mansyon nila tita Marissa. Ang sabi ni Trevor binilin ni daddy na iuwi na ako sa mansyon dahil may gagawin pa sila. Buong byahe ay hindi kami nagimikan. Pagkatapos ng nangyari sa tindahan ay naging awkward na kami. Pansin kong parehas kaming nangangapa sa sitwasyon, kaya wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita. Sa pag-uwi ko ay iyon pa rin ang iniisip ko. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko nakita ko na s'ya noon. May kakaiba sa kanya. Nakakatakot alamin, pero hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman.

Bago matulog ay hinanap ko sa mga pinamili ang dream catcher at isinabit ito sa bintana, may sampung pulgada ang haba nito kaya maganda tignang palamuti sa bintana. Ilang minuto ko pang pinatitigan ito hanggang sa dalawin na ako ng antok. Nang gabing iyon ay natulog ako ng may ngiti sa labi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maligaya
Kasi nagkakilala na kayo noon, Rielle. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status