Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

Calut qho
Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
RICHEL (CRAZY IN LOVE)

RICHEL (CRAZY IN LOVE)

Genre: Romance, Drama Tags: CEO × Innocent Girl Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang ilang taon upang hilumin ang nawasak na puso at buuhin ang sarili,muling magtatagpo ang kanilang mga landas ng lalaking minsang minahal—Richel Hermano—ang lalaking umiwan sa kanya sa panahong kailangang kailangan nya eto, ngunit ngayon ay walang maalala tungkol sa kanilang nakaraan dahil sa isang aksidente. At sa unti-unting pakikipaglapit muli ng lalaki, paano kung matuklasan ng lalaki ang isang lihim na inihanda nyang maging lihim dito habang buhay. Ngunit paano kung may higit pang lihim ang mabubunyag kay Justine na gigimbal sa kanyang pagkatao.
Romance
5.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Dark Desires I.I Dark Temptation

Dark Desires I.I Dark Temptation

LyxValentine
She doesn't remember anything, not even her own name. She woke up one morning greeted by a sinful dark temptation every woman craves. Tinulungan siya nito. Ito ang lalaking nakakita sa kaniya sa gitna ng daan na walang malay. Hindi niya maipaliwanag kung bakit napakakomportable ng pakiramdam niya kapag kasama niya ito. Alam niyang kailangan siyang maging maingat sa estrangherong nakakasalamuha niya lalo pa't wala siyang maalalang kahit ano tungkol sa buhay niya. But Raziel Buenaventura was caring and charming she can't help falling in love with him. Isang gabi, nagising siya na naaalala na ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya. Wala siyang ibang nagawa kundi titigan ang natutulog na tagapagligtas niya. What unnerved her was the fact that the man she fell in love with again was her ex-husband. But Lyxelle soon realized that her husband was the least of her problems because something dangerous lurks in the dark and she had no clue about it, or how she ended up being a prey of it. Book 1 of Dark Desires series: Standalone SPG content ahead. You've been warned.
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ninong's Contract Wife

My Ninong's Contract Wife

Tiningnan ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Nanlaki nang mabasa ang nakasulat doon. "Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?" hindi makapaniwalang wika ni Isabella. Ngumiti ng malawak si Maximus. "Yes I am. At mayroon akong offer sa iyo na trabaho. Magiging madali lang ito para sa iyo. Isang taon ang kailangan mong guguluhin dito. At ang trabahong ito ay nagkakahalaga ng twenty million pesos." Halos malaglag ang panga ni Isabella sa kanyang narinig. "P-Po? A-Ano po bang k-klaseng trabaho po iyan?" "I need a contract wife, miss. No feelings involved. Just pure business." *** Hindi niya inakalang lolokohin siya ng kanyang asawa. Sobra siyang nasaktan at nadurog ng pino ang kanyang puso. Hindi niya hahayaang maging masaya ang asawa niya pati na ang kabit nito. Kaya naman umisip siya ng paraan upang makapaghiganti. Isang dalaga ang makakatulong sa kanya upang makapaghiganti na hindi niya aakalaing bibihag din sa sugatan niyang puso. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang inaanak.
Romance
1046.1K viewsCompleted
Read
Add to library
You're The One I Love

You're The One I Love

Opportunist-ganito ang tingin ng half brother ng fiancé niya kay Raquel. At para maiwasan ang lalaking gustong sirain ang nalalapit niyang kasal, pumunta siya sa San Ruiz. Doon niya nakilala si Drake, ang lalaking inakusahan niya ng akyat-bahay. Hindi maitatanggi ni Raquel ang atraksyong nararamdaman para kay Drake. Hindi niya napigilan ang sarili na mahalin ang lalaki kahit na ito ay isang pagkakamali. Nang lumipad palabas ng bansa si Drake ay nangako ito sa kanya na babalik. Pero hindi nito tinupad ang pangako sa kanya. Bumalik siya ng Maynila at handang magtapat sa fiancé niya tungkol sa kasalanang nagawa nang muling magkrus ang landas nila ni Drake. Nalaman niyang may kinalaman ito sa taong gustong sirain ang pangarap niya.
Romance
1013.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding the Billionaire's Heir

Hiding the Billionaire's Heir

Dreamer'swords
Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang pagpilian na ibinigay ang mundo kay Maria kung hindi ang ibenta ang sarili niyang katawan sa isang kilalang auction nang malaman niya na ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon. Dito ay naging pagmamay-ari siya ni Damon, isang kilalang businessman ng isang gabi na siyang nagkaroon ng bunga. Ngunit kahit gaano pa siya kadesperada ay hinding-hindi niya gugustuhin na sabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila sapagkat bilang ina ay ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. Ngunit paano kung pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ay magtagpo sila sa kumpanya kung saan sekretarya siya nito?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10817 viewsOngoing
Read
Add to library
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status