Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Naging ampon ang isang batang babae nang dahil sa mapaminsalang plane crash. Gayundin, ang isang lalaki na babago sa buhay niya.Sa kasamaang palad, kasalanan ng tatay ng batang babae kung bakit naulila ang lalaking ito. Eight years old pa lamang siya nang dalhin siya sa Tremont Estate ng lalaking sampung taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una, dinala siya dito ng lalaki dahil sa kabutihang puso nito, hindi niya alam na nandito siya para pagbayarin ng kasalanan ng kanyang ama.Sampung taong inisip ng babaeng ito na may galit sa kanya ang lalaki, dahil mabait at maingat ito sa ibang tao pero masama ito sa kanya... Ipinagbawal sa kanya ng lalaki na tawagin siyang 'kuya'. Kailangan niyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito - Siya si Mark Tremont, paulit-ulit niyang sasambitin ang pangalan na Mark Tremont hanggang sa tumatak ito sa kanyang isipan...
Romance
9.7467.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Sino Ang Ama

Sino Ang Ama

Hindi kamukha ng tatlong taong gulang na anak kong lalaki ang asawa ko. Naghihinala, ang father-in-law ko ay kumuha ng paternity test para sa anak ko. Ang resulta ay nagpakita na walang biological na relasyon sa pagitan nila. Galit at napahiya, ang father-in-law ko ay sumabog sa galit, nagbato ng mga insulto sa akin at pinagbantaan pa na patayin kami. Ang asawa ko, galit din, ay sinampal ako ng malakas sa mukha. “Walang hiya ka! Hinayaan mo ako na palakihin ang anak ng ibang lalaki ng tatlong taon!” Habang nakatitig sa kanilang nagaakusang mga mukha, kalmado akong gumawa ng isa pang report—paternity test sa pagitan ng asawa ko at ng kanyang ama. Kinumpirma nito na sila ay hindi din biological na magkaugnay. Ang kanilang mga ekspresyon ay napahinto sa gulat. Na may maliit na ngiti, sinabi ko, “Mukhang hindi natin alam kung sino ay hindi parte ng pamilyang ito, hindi ba?”
Read
Add to library
Ang Makasalanang Asawa

Ang Makasalanang Asawa

WARNING! Matapos ang isang aksidente, nawala ang memorya ni Ania at kalaunan ay nagpakasal kay Bil Samonte. Nang tumira sila sa bahay ng biyenan niya, nakilala niya si Axcl, ang asawa ng hipag niya na si Fatima. Unti-unting bumabalik ang alaala ni Ania nang muli silang magsama ni Axcl sa iisang bahay at nalaman niyang si Axcl pala ang nakalimutan niyang nobyo. No’ng bumalik na ang kaniyang alaala, magkakabalikan pa kaya sila ni Axcl na lantaran siyang binabawi sa asawa niya? O magpapanggap siyang may amnesia pa rin at manatili sa pagiging asawa ni Bil?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang asawa kong Bilyonaryo

Ang asawa kong Bilyonaryo

Walang magagawa si Stella kundi ang sumunod sa huling hiling ng kumupkop sa kaniya at tumayong ina na pakasalan ang kaisa-isa nitong anak. Mayroon itong malubhang sakit at may taning na ang buhay ngunit ang hindi niya inaasahan na ang lalaking anak nito—si Ace Alcantara—ang ama ng kaniyang anak. Apat na taon na ‘rin ang nakakaraan mag-mula ng magkita ang dalawa. Magagawa ba nilang lutasin ang problema sa nakaraan ng magkasama o hahayaan nila na lamunin sila ng nakaraan at tuluyan nang magkalayo?
Romance
10137.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
109.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Romance
1045.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Asawa Kong Artista

Ang Asawa Kong Artista

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.” Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong si Sasha Alvarez. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang binitawan si Luigi. Pero kasabay ng kanyang paglayo ay natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Four years have passed, at nabaliktad ang sitwasyon. Si Luigi na ngayon ang naghahabol nang malaman niyang may anak sila ni Nami. Will she choose to forgive him, or will she move on and choose Arren Corpuz, another famous actor who stood by her side when everything fell apart?
Romance
10943 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
History
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status