Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
1052.5K viewsCompleted
Read
Add to library
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
1034.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang kanyang maid (TAGLISH)

Ang kanyang maid (TAGLISH)

Niloko siya ng asawa niya, na bankrupt ang companya niya. And now she tried very hard to find a job for her daughter. Nakahanap siya ng trabaho. Elyse thought that being a maid of a man called Xander is easy... Not knowing her life would be changed because of him...
8.777.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

"Hypersexuality is not a good thing. It was a need that I had to fill." -Gabe Howard BLURB Bata pa lamang si Dhalia Uson ay nakaranas na ito ng iba't ibang pang-aabuso sa mga kalalakihan. Hanggang sa magdalaga ito'y dala-dala nito ang mapait na karanasan. Ginamit niya ang ganda ng mukha at kakaibang alindog na sadiyang bumabaliw sa mga lalaking naiuugnay sa kaniya. Hanggang isang lalaki ang dumating sa kaniyang buhay. Tinanggap siya nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Nahanap niya rito ang tunay respeto at pagmamahal na matagal din niyang inaasam. Ngunit... Sadiya yatang mapagbiro ang tadhana, dahil lalong naging magulo ang mundo ni Dhalia magmula noon. Unti-unting gumuho ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Maski ang kaniyang pagkatao na pilit niyang isinasalba ay naiwala niya ng tuluyan...
10100.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Basorerong Bilyonaryo

Ang Basorerong Bilyonaryo

Aj Villegas
si Winston Lawrence ay ipinanganak ng kaniyang Ina sa tabi ng bundok na mga Basura at dito na lumaki at nagka isip si Winston Lawrence isang araw, habang pumapasok ito sa School, lagi itong binubully ng kaniyang mga kaklase dahil na rin sa Mabaho ang kaniyang mga damit at halos tatlong notebook lang ang dalaga nito araw araw at ang mga pinag tirahan lang ng mga kaklase at kapit bahay lang nito ang mga Notebook na ginagamit niya at minsan napupulot lang nito sa bundok ng basurahan kinuha niya ito ang mga walang sulat, at kaniyang pinag sama sama upang maging isang notebook. sa tindi ng hirap nang kaniyang, nag sikap si Winston Lawrence na mag aral ng mabuti, at lagi nitong sinasabi sa kaniyang magulang at mga kapatid pag ako naging mayaman, aalis tayo sa lugar na ito, at ititira ko kayo sa isang malaking bahay si Winston ay panganay sa Tatlong mag kakapatid, at tanging siya lang ang nag iisang lalake sa magkakapatid. isang araw, nasa 406,549,000 Million Pesos na ang Jockpot Price ng Lotto, at may isang lalake ang nanalo nito, ayon sa Balita ngunit pagkalipas ng isang Linggo, nabalitaan ng Lahat na patay na ang Lalake ayon sa Balita, pinatay ito dahil sa Ticket Lotto na kaniyang napanalunan ngunit ang lalakeng tumama sa Lotto ay nagawa nitong ilagay sa isang Sobre ang ticket at ito ay naka singit sa isang Notebook. dahil wala na ang kanilang Anak, kaya tinapon na lamang ng kaniyang Pamilya ang lahat ng gamit nito sa basura, at ang lahat ng gamit ng lalake ay itinabi sa isang maliit na bodega, isang araw nangangalakal si Winston ng Basura sa at napansin nito ang isang Notebook, ung una ito ay gagamitin niya lamang sa School ngunit dito pala magbabago ang buhay ni Winston Lawrence...
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Pagkatapos ng pag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika, bumalik si Aricella Vermillion sa Pilipinas para magbukas ng isang financial company kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay parehong shareholder at direktor. Siya ay kinidnap noong isang taon at iniligtas ni Igneel Mauro, isang pulubi. Upang mabayaran ang kanyang kabaitan ni Igneel, inalok niya si Igneel na maging asawa niya. - Ang tagapagmana ng pamilyang Rubinacci ay pinaalis sa pamilya 10 taon na ang nakakaraan para sa isang pagsubok na ibinigay ng pamilya. Naging pulubi sa loob ng 9 na taon sa ilalim ng interbensyon ng pamilya hanggang natagumpayan niya ang pagsubok. Matapos siyang mailigtas ay pumasok siya sa buhay ni Aricella at naging manugang ng pamilya ni Aricella. Ano nga bang mangyayari sa buhay ni Igneel sa puder ng bagong pamilya o pamilya nga ba ang turing sa kanya? Alamin ang kuwento ni Igneel at ni Aricella .
9.566.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang pulubi kong Fiancé

Ang pulubi kong Fiancé

Hindi sinipot si Jheanne Estofa ng long-time-boyfriend niyang si Hugo Makatarungan sa araw mismo ng kanilang kasal. Pinagpalit siya nito sa bestfriend niyang si Jana Salvacion.  With her wedding dress, ruined makeup and bleeding heart, she left the Church to a shopping mall just to escape the pain for a while.     Until she banged this big man beggar on the sidewalk the night she decided to go home.  Ang pulubi ay matangkad, matikas ang pangangatawan at guwapo, ngunit walang kasing baho! Sa hindi malamang kadahilanan ay kinaladkad niya ang pulubi at dinala sa kanyang condo. Pinaliguan, pinakain at binigyan ng pangalan.  ‘Ubi’  is short for pulubi. And because she wanted to take revenge on his ex-boyfriend, she used the beggar as her fiancé—para ipamukha sa ex-boyfriend niyang si Hugo na kaya niya rin gawin ang ginawa nito sa kanya. But soon, Jheanne found herself in love with Ubi.  At kung kailan natutunan na niya itong mahalin ay saka naman ito biglang nawala. At nang muli silang magkita ay hindi na siya kilala ni Ubi.
1018.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Habol Ang Secretary Wife

Habol Ang Secretary Wife

"Talaga bang pumunta ka dito para sabihin sa akin na kasama mo ang ibang babae na nakasiping at nabuntis mo?" “Ano?” Si Travis ay ang nagsalita, ang boses niya ay ipinakita ang gulat habang nakatingin siya mula sa akin papunta kay Kian. Ang madalas na blankong tingin ni Kian ay nanatili na para bang hindi siya apektado sa sakit na dulot niya sa akin. “Wag natin itong gawin dito, Leslie. Alam mong hindi ko siya pwedeng iwan ng basta-basta.” Suminghal ako. “Kahit kailan ay hindi kita pinigilan. Alam mo? Dapat ay hindi ka na pumunta dito. Nanatili ka na lang dapat kasama niya dahil doon na ang katapatan mo ngayon at wala na ako sa buhay mo.” Kumunot ang noo ni Kian, lumapit siya at tinakot niya ako ng konti gamit ang tangkad at maskuladong katawan niya, “Anong ibig mong sabihin? Asawa kita.” "Ex-wife," binibigkas ko ang mga salita nang hindi man lang nag-iisip. Hindi ko inisip ang alinman sa mga ito ngunit wala akong pakialam dahil ang aking buong pagkatao ay tila sumasang-ayon na ito ang pinakamahusay para sa akin. “Gusto ko ng divorce, Kian.” Lumaki ang mga mata niya, hindi niya mapigilan ang gulat dahil sa mga salita ko at proud ako sa sarili ko na nakakuha na rin ako ng reaksyon na hindi galit o lamig mula sa kanya. “Ang parehong divorce papers at resignation ko ay makakarating sayo sa madaling panahon.” Ang dagdag ko bago pa mawala ang gulat niya at hindi ko siya hinintay na sumagot habang humarap ako sa gulat rin na si Travis. “Ihatid mo ako pauwi, Travis.”
1016.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
108.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
50
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status