Miss Misunderstood
Wysteriashin
Bata pa lamang si Elyana, pangarap na niya ang magkaroon ng isang malaking pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng walang kapatid. Kaya naman nang makasal siya kay Finn na isang bilyonaryong taga-England, sinubukan nila ang lahat ng paraan para matupad iyon kahit ilang beses na silang nabigo.
Sa limang taon nilang pagsasama, unti-unting nagbago si Finn na kapansin-pansin sa mga mata ni Elyana. Hanggang isang araw pinasundan niya ito sa isang tao at napag-alam na may kalaguyo pala ito.
Ang masama pa, nahuli niya siya na maykas*ping sa kama sa mismong rest house na regalo pa ni Finn noong wedding anniversary nila. Nang muli silang nagkaharap, naglakas-loob si Elyana na itanong kung ano ang dahilan, bakit siya nagtaksil at ang sagot ni Finn, iyon ay dahil hindi raw kaya ni Elyana na mabigyan siya ng anak.
Napakasakit para sa kaniya na marinig ang mga iyon. Nag-file siya ng diborsyo at nang maaprubahan, nagpasyang umuwi ng Pilipinas upang kalimutan ang lahat.
Sa tulong ng matalik na kaibigang si Felicity, unti-unti niyang tinanggap na hindi na kailanman matutupad ang panngarap na iyon, ngunit isang araw, babalik si Finn dala ang katotohanan at ayusin ang nasira nilang buhay.
Nararapat ba para kay Finn ang kapatawarang kan'yang hangad? Mapapatawad pa kaya ni Elyana ito matapos nitong wasakin ang kan'yang puso, pagkatao na halos ikabaliw niya noon at ang tiwala na walang pagdadalawang-isip na inalay rito?
104.0K DibacaCompleted