Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding My Professor's Daughter

Hiding My Professor's Daughter

(GORGEOUS MEN SERIES 39: Michael "Mavi" Villahermosa) Tinakwil siya ng kanyang ama dahil sa biglaang pagbubuntis. Kalaunan, iniwan naman siya ng kanyang kasintahan dahil sa maling akala. Naging mapagbiro man ang tadhana, hindi 'yon naging hadlang para buhayin ni Vesper ang anak niyang si Myla. Makalipas ang walong taon, nagpasya si Vesper na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo alang-alang sa future nilang mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Mavi Villahermosa—ang ex-boyfriend niya na ngayo'y isa nang ganap na propesor sa paaralan! Naalarma si Vesper gayong maliit na ang mundong ginagalawan nila. Isa lang ang nakatatak sa isip niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya hahayaang makita ni Mavi ang kanilang anak! Ngunit isang araw, natunton ng lalaki ang tinitirahan niya at nasurpresa siya sa kanyang naabutan... "Bakit mo yakap-yakap ang anak ko?!" *** Started: May 25, 2022 Finished: February 18, 2023
Romance
1012.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
FIXING OUR BROKEN HEARTS

FIXING OUR BROKEN HEARTS

Mga pusong parehong nasugatan ng kani-kanilang minahal. Tila ba sadyang pinagtagpo ng kapalaran. Handang gamitin ang isa't isa upang parehong sakit ng nararamdaman ay maibsan.
Romance
10.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang bodyguard kong bading (TAGLISH)

Ang bodyguard kong bading (TAGLISH)

"Vee bumangon ka muna! Ipapakilala ko sayo iyong bago mong bodyguard." Kahit inaantok pa ay bumangon ako at bagot na tinignan si Daddy. "What? Bodyguard na naman! Ayoko na nga ng ganyan eh! Nakakasawa na--" napahinto ako sa pagsasalita ng may lalaking pumasok sa kwarto ko. "Sino siya?" "Vee meet your new bodyguard, James Villianuevva." "Ito? New bodyguard ko? Seryoso ka dad?" "Yes, and I am sure magugustuhan mo siya. Magkakasundo kayo sa mga bagay-bagay, lalo na kung mag sho-shopping ka at pagdating sa mga makeup--" "Babae lang ang mahilig mag shopping at mag makeup dad." Saad ko at napatampal sa noo ko. "I'm gay." Muntik ng malaglag iyong panga ko sa sinabi niya.
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Obsessed Guy (Book 1-3)

The Obsessed Guy (Book 1-3)

The Obsessed Guy Book 1: Russel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as . The Obsessed Guy Book 2: Zelle Alvarez is a famous girl in their town because of her beauty, kindness, and wealth and she has a lovable boyfriend named Yves but things change unexpectedly when she met again her first love and Yves ex-bestfriend, Mike. Their real selves show in a short time and it's too perilous for her. There's an Obsessed Psychopath among the two of them, But who's the real Obsessed Psychopath between Mike and Yves? The Obsessed Guy Book 3: Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for. The Obsessed Guy series of Russel, Mike, and Kale.
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Kuntento na sa buhay niya ang isang Scott Miguel Stewart. Umiikot lang ang pagiging single niya sa trabaho at sa kompanya na pag-aari ng pamilya niya. Minsan din ay ang past time sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kaniya. Ngunit never pa siyang na inlove. Takbuhan din si Scott ng mga matalik niyang kaibigan kapag may kinakaharap na gusot. Bukod kasi sa pagiging CEO ng family business, isa ring tapat at matapang na attorney ang isang Scott Miguel. Lagi niyang sinasabing hindi siya nagmamadali pagdating sa usaping pag-ibig dahil maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nag-e-enjoy siya sa pagiging single. Ika nga ni Scott, hindi pa ipinanganganak ang babae para sa kanya. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niyang may kaniya-kaniya ng pamilya. Hanggang isang araw, may babaeng nakakuha sa atensyon ni Scott Miguel. Walang iba kun'di si Lovebele Lozano. Nakilala ni Scott si Lovebele, na dancer sa Elite club na pinuntahan nila ng dating classmate noong college pa siya. Ang dating mapaglaro sa pag-ibig na si Scott Miguel ay na inlove nang sobra. Inalok niya ng kasal si Lovebele. Iyun pala ay sinadyang mapalapit ng dalaga kay Attorney Scott upang ito’y paibigin at kapag nagtagumpay ay saka niya bibitiwan ang binata. Ang inaakala ni Attorney Scott na happy ending ay siya palang pagguho ng lahat ng pangarap niya para sa kanila ng babaeng iniibig. Abangan ang buhay pag-ibig ni Attorney Scott Miguel Stewart and Lovebele Lozano, “Attorney Scott's Sweetest Downfall.”
Romance
1010.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
FATED TO BE YOURS

FATED TO BE YOURS

In one minute her life changed. Hindi alam ni Lyra kong anong gagawin lalo na't pakiramdam niya ay trinaydor siya ng kanyang kaibigan. That night is her forever nightmare lalo na't nagbunga ito. Hindi niya alam kong anong maramdaman niya nong nalaman niyang buntis siya at hindi niya rin alam kung matatanggap niya ba ito o hindi. Nasasaktan ng sobra si Lyra dahil pakiramdam niya at pinaglaruan siya ng tadhana lalo na't kailangan niyang magpakasal sa lalaking nakabuntis sakanya. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad pero pinilit niyang maging handa. Siya rin ang sinisisi ng CEO na magiging asawa niya. Kinasal na sila pero panay pang babae ng kanyang asawa. nagdala siya ng babae sa bahay nila at harap harapang naghalikan umalis lang siya kasi hindi niya kayang tingnan ang ginawa ng kanyang asawa. Umabot ng limang buwan mas lalong lumala ang pambabae ng kanyang asawa kaya hindi siya nakatiis umalis siya at pumunta sa matanda na siyang nagsabi dapat magpakasal sila ng lalaking yun. Sinabi niya ang pinagagawa ng lalaki. Nandun lang siya sa bahay ng matanda at hindi hinayaan ang lalaki na makalapit kay Lyra kahit nong nanganak ito. Sa kabila ng sakit na narasan niya, ang araw na pinanganak niya ang kanyang anak ay isa sa mga masasayang araw sa buhay niya. Nong makita niya anak niya naging malakas siya at hinding hindi na hahayaan ang sariling masaktan sa mga taong nakapaligid sakanya. Sinuyo siya ng kanyang asawa hanggang sa lumambot siya at nagsimula siyang makagusto sa lalaki hanggang sa natibag ng lalaki ang pader na tinayo niya para sakanila ng anak niya.. pero nangako ang asawa niyang sabay nilang haharapin ang sakit at hirap na pagdadaanan nila kasama ang anak.
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mrs Alvarez

Mrs Alvarez

Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa n'yang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba s'ya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa n'yang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn. Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis s'ya ni Shawn ng bansa. Pinatapon s'ya nito sa Canada. Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi s'ya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa n'ya. At sa pagkakataong ito mananatili s'ya sa San Miguel. At gagawin lahat para lang hindi na s'ya ipatapon pa ng asawa sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel, handa n'yang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ng asswa at manatili s'yang Mrs. Alvarez.
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

Aera (The Girl In The Past) | Tagalog

paraiso_neo
Maraming mali at di tama sa nakasulat at nakadiktaMaraming kwento na mali ang pagkakatagpi-tagpi, isang di maipaliwanag na pangyayari ang hindi kailanman naisulat sa mga libro ng taong 1897.Maraming kailangan itama at iwastoSa kabila ng lahat, maraming tanong ang walang kasagutan tulad ng..Nasaan si Aera? At kung bakit si Anna Luisa lamang ang tanging tauhan?May mali nga ba talaga sa pangyayari? Paano ito maitatama?
1010.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status