IKAW SA AKING MGA KAMAY
CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya.
LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya.
Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
108.7K viewsCompleted