Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
Romance
9.912.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.494.0K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
Playing Pretend with Mr. Billionaire

Playing Pretend with Mr. Billionaire

Sa kagustuhang lumimot sa kataksilan ng kasintahan at sariling pinsan ay aksidenteng naibigay ni Jocelle ang virginty sa isang estranghero. Nang magtagpong muli ang landas nila ay napag-alaman ni Jocelle na isa itong bilyonaryo at maimpluwensyang tao kaya nakapagtataka ang pinapakita nitong interes sa katulad niyang malapit nang lumagpas sa kalendaryo. Nag-alok pa ito ng tulong upang tigilan na siya ng ex niyang matapos ikasal sa kanyang pinsan nagpapakita ulit ng interes sa kanya. Paano nga ba niya matatanggihan si Rowain Michael gayong binubuhay ng bawat ngiti nito ang natutulog niyang katawang lupa?
Romance
9.97.7K viewsOngoing
Read
Add to library
BLAME

BLAME

It just all began to a mobile game na kina-aadikan ng lahat. Isang larong pumuno ng kasiyahan sa bawat magkakaibigan. Bintangan, kasinungalingan at kooperasyon ang magaganap upang ika'y manalo. Walang iiyak, pipili ka lang at tatago pero hindi mo mapapansing may nakatarak ng kutsilyo sa likuran mo. VIOLENCE. ANGER. INSANITY. REVENGE. Things are all getting messy when this four thoughts control all over your body. "Nice game. Goodnight" -Azul
Mystery/Thriller
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
UNLUCKY LUKE (Tagalog)

UNLUCKY LUKE (Tagalog)

twtl_trtd
Luke Cabrera is a struggling 22 year old male left with nothing but a note full of debts. Desperado na siya at sa hindi inaasahang pagpihit ng kaniyang mundo, natagpuan niya ang sarili na nag-iisa. Ang kagimbal-gimbal pa ay naubusan siya ng pagpipilian kung kaya't ganoon na lang ang pamumursigi niyang magtrabaho sa ilalim ng taong siya ring dahilan ng paghihirap niya ngayon. Sa bawat kilos niyang inuulan ng kamalasan, darating pa kaya ang inaasam-asam na suwerte?
Romance
108.0K viewsCompleted
Read
Add to library
LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE

LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE

Dala ng kahirapan ay napilitan si Sabrina na huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Dobleng dagok ang dumating sa buhay niya nang sunod-sunod na mamatay ang kanilang mga magulang, at biglang paglaho ng kaniyang kapatid. Kailangan niyang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili at para makapag-ipon ng pang-tuition sa susunod na pasokan. She ended up applying for an assistant secretary in one of the biggest entertainment companies of the country. And her boss is no other than Mr. Jackson Samaniego, the dubbed Devil Incarnate in the business industry. Masama ang ugali, palaging galit at higit sa lahat siya ang palaging pinag-iinitan nito. Pero kahit na gano’n ay pilit na iniintindi ni Sabrina ang amo dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa asawa nito, at talagang kapit siya sa patalim. Pero paano kung isang pangyayari ang babago sa ikot ng mundo nila? Kakayanin kaya ni Sabrina ang hagupit ng galit nito? Kakayanin niya bang manatili sa tabi nito at pilit na ayusin ang pira-piraso nitong puso?
Romance
1019.0K viewsCompleted
Read
Add to library
AKALA KO AY LANGIT

AKALA KO AY LANGIT

Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
Romance
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status