Loving Dr. Cherry: Chain to Love
Gumuho ang mundo ni Cherry Villafuerte sa paulit-ulit at harap-harapang pagtataksil ng kanyang nobyo. Dahil sa pagkabigo, parang nawalan ng direksyon ang buhay niya, at napilitang mag-leave sa trabaho.
Ngunit sa kanyang pagkalugmok, isang lalaki ang biglang pumasok sa buhay niya—si Reynan Cuevas, ang dating masungit at suplado niyang pasyente, siya ang tila naging ilaw sa madilim niyang mundo.
Sa kanilang hindi inaasahang pagkikita, may kakaibang alok sa kanya si Reynan. Isang solusyon na maaaring magpapalaya sa kanya mula sa sakit—isang kasal na kontrakwal.
Ngunit handa ba siyang sumugal sa kasanduang kasal na hindi tiyak ang kahihinatnan? O mananatili siyang magpapagapos sa relasyon na siya lang ang nagmamahal?