CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress
eveinousss
Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle.
"I need a marriage partner, Hara Perez."
"Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel.
"I said....marry me."
Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan.
Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez
Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina.
Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel?
"Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?"
"Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana.
"Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara.
Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
104.8K viewsOngoing