The Billionaire's Unforgotten Love
Nakalilimot man ang utak, ngunit ang puso ay hindi.
Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki.
Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Mananaig ba ang pagmamahal o ibabaon na lamang ito sa limot gaya ng nakaraan?