Kung Isusuko ko ang Langit
Napag alaman ni Gerald na ang anak ng family friend nila, ay ipapakasal sa isang matandang triple ang edad dito, para lang mabawi ang dangal na sinasabi ng tatay nito, dahil daw isang disgrasyada ang kanyang anak. Dahil dito, napilitan siyang itakas si Janna.
Subalit isa pala itong malaking pagkakamali, dahil ang hiniling sa kanya ng tatay ng babae, ay ang pakasalan niya ito upang maahon sa mas lalo png kahihiyan ang pamilya ni Janna.
Dahil dito, nakiusap siya kay Lizzy, ang kanyang fiance, na kung maaari ay pakakasalan muna niya ang batambatang si Janna, at hihiwalayan na lang after 3 years, para sa gayon ay nasa tamang edad na talaga itong magdecide para sa sarili, at makatapos muna ng pag aaral.
Ayaw sanang pumayag ni Lizzy, ngunit dahil sa assurance na ibinigay niya, pumayag din ito kalaunan.
Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.. Dahil ang isang pagpapanggap, ay nauwi sa isang makatotohanang gawi, dahil na rin sa taglay na katangian ni Janna, na hindi niya kayang tanggihan.
Hindi niya alam, kung tama ba, na samantalahin niya, ang puso ni Janna, gayong ang pgkilala nito sa kanya, ay isang kuya lamang? paano siya aamin kay Lizzy? siya rin kaya ay gugustuhin ni Janna?
101.2K viewsOngoing