Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Trilyonaryong Manugang

Ang Trilyonaryong Manugang

Si Anthony Bezos ay ang Nawawalang tagapagmana ng Pamilya Bezos limang taon na ang nakararaan. Naging Son-in-law ng Pamilya Sanchez. Itinuring na Basura, ng sarili niyang biyenan , ikinahihiya at iniinsulto dahil sa pagiging Mahirap. Paano kung isang araw ay malaman nila na ang kanilang manugang ay isang tunay na tagapagmana? Isang araw ay inanunsyo sa TV na ang sinumang makakahanap sa tagapagmana ng Pamilya Bezos ay makakatanggap ng tumataginting na dalawang daang milyong pisong pabuya.
9.2133.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Dahil sa bankruptcy ng kanyang ama, sapilitang ipinakasal si Avery Tate ng kanyang stepmother sa isnag bigshot. Ngunit may catch-ang bigshot na ito ay si Elliot Foster- na kasalukuyang commatose. Sa mata ng lahat, ilang araw nalang ang nalalabi at magiging balo na siya at palalayasin din ng pamilya. Pero parang nagbibiro ang tadhana nang isang araw bigla nalang nagising si Elliot.Galit na galit ito nang malaman ang tungkol sa arranged marriage at pinagbantaan siya nito na papatayin nito kung sakali mang magka anak sila. “Ako mismo ang papatay sa kanila!”Pagkalipas ng apat na taon, muling bumalik si Avery sakanilang lugar, kasama ang kanilang fraternal twins - isang babae at isang lalaki. Itinuro niya ang mukha ni Elliot sa TV screen at sinabi sa mga bata, “Wag na wag kayong lalapit sa lalaking yan. Sinabi niyang papatayin niya kayo.” Noong gabing ‘yun, nahack ang computer ni Elliot at may humamon sakanya - isa sa mga kambal- na patayin sila. “Hulihin mo ako kung kaya mo, *sshole!”
9.71.1M viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Bilyonaryong Tagapagmana

Ang Bilyonaryong Tagapagmana

Akala ni Ashley Black nasa kanya na ang lahat. Ang perpektong kasal at ang perektong asawa hanggang isang araw umuwi ito para basagin sa milyon-milyong piraso ang puso niya. "Aalis ka sa kasal na ito kung paano ka pumasok dito, na damit lang ang bitbit. Hindi ka makakakuha ng isang sentimo at hindi ka rin makakakuha ng bahay o kotse. Pirmahan mo at umalis na." Pinipigilan ko ang mga luha ko habang pinipirmahan ang mga papeles at nang tumingin ako sa kanya, halos maubusan ako ng hininga nang makita ko ang galit niya habang nakatingin siya sa akin. "Sa araw na mapagtanto mong nagkamali ka, huli na ang lahat," walang emosyong sabi ko sa kanya. Habang naglalakad ako papunta sa pinto, saktong lalabas na sana ako, naramdaman kong may humawak ng malakas sa braso ko kaya napaungol ako. "Bakit ko gugustuhin muli ang isang taong kasing diri at pangit mo? Masaya ako na sa wakas na alis ka na. Bakit gusto kong bumalik sa iyo, Ash?" Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa milyong piraso ng marinig ko ang masasakit na salita niyang sinabi. Umalis si Ashley sa bahay nang durog ang puso at buntis pagkatapos siyang palayasin nito. Limang taon nang mapagtanto ni Adrian na nagkamali siya noon, ang tanong ay mapapatawag kaya siya nito? Alamin kung anong mangyayari sa pagitan ni Ashley at Adrian sa kwentong ‘to.
1028.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Bilyonaryong Magsasaka

Ang Bilyonaryong Magsasaka

Pagkatapos masawi sa pag-ibig ang bilyonaryong si Maximus o mas kilalang Axis, ay nagdisisyon siya na tumira sa mountain province at piniling maging isang magsasaka. Sa lugar na 'to ay nagawa niyang makalimutan ang panlolokong ginawa ng ex-girlfriend niya. Subalit sa 'di inaasahang sandali ay dumating sa buhay niya si Abigail, ang dalagang spoiled brat na laking America. Magagawa kaya nitong pasukin ang puso niya? Paano kung sa ugali pa lang nito ay nalagyan na niya ng ekis ang pangalan nito?
10126.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Mga Anak ng Bilyonaryo

Mga Anak ng Bilyonaryo

Isang taon na lang ay graduate na sa kolehiyo si Lorelei Carpio ngunit ayaw ng sustentuhan ng kanyang Tita Agnes ang kanyang pag-aaral simula noong magkaroon ang Tita niya ng live-in partner. Ito ang nagpalaki sa kanya simula noong mamatay ang mama niya ngunit ngayon ay pinapaalis na siya nito sa pamamahay nito. Sa kagustuhang makapagtapos ay pumayag siyang sumali sa isang Sorority na nangakong tutustusan ang pag-aaral niya. Ngunit hindi niya alam na ang pagtanggap sa kanya ay may kapalit na mainit na gabi mula sa leader ng kasapi nilang Fraternity. At mas hindi siya handa matapos magbunga ng kambal ang pangyayaring iyon. Kambal mula sa lalaking hindi niya kilala at ni minsan ay hindi nasilip. Paano niya sasabihin ngayon sa bagong amo niyang si Hector Montanier na isa siyang single mother gayong ang gusto nito ay dalagang sekretarya? "I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque.
10130.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Siya’y isang mahirap na babaeng lumaking nakadepende ang kanyang buhay sa iba. Napilitang maging isang panakipbutas sa krimen at piniling ipagpalit ang kalayaan na nagresulta sa kanyang pagkabuntis. Siya naman ay ang pinakatanyag na binata na sagana sa kayaman at kapangyarihan. Kumbinsido siyang isa siyang anak ng kasamaan na napalilibutan ng kasakiman at panlilinlang. Hindi siya nito magawang mapainit kaya naman mas pinili niyang umalis sa tabi nito. Galit na galit niyang sinumpa na gagawin niya ang lahat upang mahanap siya saan mang lupalop ng mundo ito naroon. Alam ng buong lungsod ang kanyang kapalarang tila mauupos sa ilang milyong piraso. Nagmamakaawa niyang tinanong, “Umalis ako sa relasyong ito nang walang kinuhang kahit ano, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Sinagot sya nito na may pagmamalaki, “Ninakaw mo ang puso ko at iniluwal ang aking anak, ngayon pipiliin mong umalis?”
9.7273.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Sa nakalipas na anim na taon, pinagbintangan siya ng masama niyang kapatid at iniwan siya ng asawa niya noong buntis pa siya.Makalipas ang anim na taon, gumamit siya ng ibang pangalan. Ngunit, ang lalaking umiwan sa kanya dati ay walang tigil sa pangungulit sa harap ng kanyang pinto.“Ms. Gibson, ano ang relasyon mo kay Mr. Lynch?”Ngumiti siya at sumagot lang siya ng kaswal, “Hindi ko siya kilala.”“Pero sinabi ng sources namin na minsan daw kayong kinasal.”Sumagot siya habang inaayos ang kanyang buhok, “Tsimis lang ‘yun. Hindi ako bulag.”Sa araw na ‘yun, tinulak siya sa pader sa sandali na makapasok siya ng pinto.Nagsalita ang tatlong anak niya, “Malabo daw ang mga mata ni mommy, sabi ni daddy! Aayusin daw ni daddy ‘yun para kay mommy!”Nagsalita siya, “Bitawan niyo ako, darling!”
9.1772.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-aari Ako ng CEO

Pag-aari Ako ng CEO

"Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape only death." After Lorelay learned the truth, she decided to leave Mr. Shein without letting him know the babies on her womb. Nabuo ang galit sa puso niya pagkatapos niyang malaman ang kaugnayan ng asawa niya sa pumatay sa kaniyang itay noon. So she needs time to heal and needs time to reflect. After she spent her last night with her husband, she decided to leave without leaving any traces behind. Because of her disappearance, maraming pagsubok ang dumaan sa kanila. Many third parties involve na naging daan kung bakit napagdesisyunan ni Lorelay na huwag ng bumalik sa asawa. After 5 years, Lorelay is back. With the lawyer in front, she signed the contract stating that she'll be Mr. Shein's assistant kapalit ang isang milyon. Lorelay knew that the contract is not on her favor. She knew what will gonna happened to her while staring at Mr. Shein's cold eyes. Gone with the loving husband. Gone with the caring husband. All she can see now is the ruthless, and cold-hearted CEO. 'Para sa mga anak ko at kay auntie Lorena, lahat ay gagawin ko.' Ang sinasabi ni Lorelay sa isipan niya habang tinatahak ang daan papunta sa asawa niyang minsan na niyang nilayasan. She’s back in his husband’s embrace, knowing that she’ll taste his wrath for leaving him 5 years ago.
9.899.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia Ang Nabingwit Ko

Mafia Ang Nabingwit Ko

Dahil sa aksidenteng nangyari sa kapatid ni Lurena ay napilitan siyang sumalang sa bidding upang masalba ang buhay ng kapatid. Kaya lang dahil sa kapalpakan niya at napagkamalang balloon ang condom ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Bago maipasa kay Hades ang titulo bilang mafia boss ay kailangan nito ng anak. At ngayong nalaman niyang buntis si Lurena ay talagang gagawin niya ang lahat para mapigilan ang dalaga na makalayo. Pero ang bata lang ba talaga ang kailangan niya? Paano kung dumating ang panahong hahanap-hanapin niya na rin pati ang ina ng anak niya?
1082.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
50
DMCA.com Protection Status