Madaldal akong tao pero nagulat ako nang parang nilagyan ng super glue ang mga labi ko ngayon. Ang dami kong gustong sabihin, itanong, ikwento… pero bakit naman kasi sobrang intimidating ng dating niya?! Nakaupo lang siya sa harapan ko, nagbabasa ng menu, pero ‘yung aura niya sobrang lakas.Ano kaya itatanong ko—“I hate it when people staring through my soul,” sabi niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Our eyes met when he gave the menu to the waiter that was waiting beside us. Sobrang saglit lang no’n pero feeling ko lalabas na ang puso ko sa rib cage ko sa kaba. “Two chocolate sliced cakes and a matcha smoothie…” Napa-ayos ako ng upo nang tumingin siya sa akin, “What drink you’re going to have?”“A-Ah…” I cleared my throat, “Same with his order na lang po.”Umalis na ang waiter sa tabi namin… nasa sana hindi niya na lang ginawa kasi naiwan ako ngayon na nate-tense sa presence ni Zake Frost. Para akong batang naiihi kasi hindi ako mapakali sa p’westo ko. Diyos ko naman, bakit kas
Last Updated : 2025-04-16 Read more