AMARA'S POINT OF VIEW Araw ng anihan. Mainit, pero masaya. Ang buong barangay, buhay na buhay. May mga tawa, sigawan, at kantiyawan habang ang mga tao'y nagtutulungan sa pag-aani ng palay. Pumunta kami rito ni Killian nang mas maaga pa kanina, dala ang kapreskong tubig, mga baon naming sandwich, at siyempre, ang makulit niyang presensya.Hindi ko alam kung anong sumapi kay Killian pero buong umaga siyang nakangiti habang pinapanood kami ni Mama at ng mga kapitbahay magtulungan. Tapos, bigla siyang lumapit sa akin."Pwede ba akong sumubok?" tanong niya habang hawak ang itak. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at maong na medyo marumi na sa dami ng nadikit na putik."Sigurado ka? Hindi 'to parang board meeting ha," natatawa kong sagot, habang pinupunasan ang pawis ko sa noo."Challenge accepted," mayabang niyang tugon, tapos tiniklop ang manggas ng damit niya, feeling macho.Tumawa lang ako, pero in fairness, sinubukan talaga niyang tumulong. Hindi man siya kasinbilis ng mga taga-rito,
Last Updated : 2025-04-20 Read more