AMARA'S POINT OF VIEW “‘Taya na si Kuya Killian!’” sigaw ni Lenlen habang naghahagikhikan sa harap ng bahay.“Ay hindi! Hindi ako marunong n’yan,” protesta ni Killian, pero natatawa rin habang hawak ang basang panyo na ginamit naming panali sa mata ng ‘taya.’“Bawal tumanggi!” singit ni Totoy, pinsan kong limang taon lang pero parang abugado kung magreklamo. “Sabi mo sa ilog, sasali ka sa susunod naming laro!”“Kasama sa package deal ng pamamalagi sa bukid,” dagdag ko, sabay ngiti ng nakakaloko.Tiningnan niya ako ng matalim—kunwari lang, pero halatang pigil ang tawa.“Ano ba ‘tong napasukan ko…” bulong niya, habang nilalagyan ng panyo ang mata niya.Tumawa kami sabay-sabay, tapos nagsitakbuhan na ang mga bata. Ako, dumiretso agad sa likod ng bahay. Kilala ko si Lenlen—madalas sa may imbakan ng kahoy ‘yun. Pero hindi ko siya ang balak kong iwasan.Ako? May sariling misyon ako: ‘wag mahuli ni Killian.Nagtago ako sa may malapit na kubo—yung maliit na pahingahan sa ilalim ng puno ng ma
Last Updated : 2025-04-22 Read more