“GUSTO kong sumama ngayon sa pag-uwi mo ng mansiyon, Hon,” wika ni Vivian kay Gerald habang nag-aayos siya ng mga gamit sa ibabaw ng kanyang working table. Ganoon siya every weekday, nag-aayos ng mga gamit dahil dalawang araw siyang mawawala sa kompanya. Hindi talaga siya pumapasok ng weekends kahit pa may kailangang gawin o tapusin, ipinapasa niya na lang iyon sa secretary ng kompanya o kaya naman sa ibang may mataas na posisyon na hindi naman masyadong loaded ang trabaho.“Hon, huwag na muna siguro. Sa susunod na lang ulit,” walang ganang sagot niya.“At bakit naman, aber? Ayaw mo bang mapalapit ako sa pamilya mo, ha? At saka, paano natin mapagpaplanuhan ng maayos ang balak natin na paghiwalayin sina Saskia at Weston kung wala tayong sapat na oras para pagplanuhan ‘yon?! Hindi na ‘ko makapaghintay na mapa sa ‘kin si Weston, Hon!” nakapamaywang na sambit nito sa kanyang harapan.“Naandon na nga tayo, eh! Pero kasi, magulo ang pamilya ko sa ngayon! Nawawala si lola at hindi naming al
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-01 อ่านเพิ่มเติม