Tous les chapitres de : Chapitre 11 - Chapitre 20

34

Chapter 11

NAISIP ni Saskia na magwalis-walis sa labas ng bahay ni Weston para naman mabawas-bawasan ang pagkaburyong na nararamdaman niya. Halos maghapon kasi siyang walang ginawa. Puro lang siya luto, kain, laba at linis na rin sa loob ng bahay.Madali kasi siyang natatapos sa gawain dahil iilang damit lang naman ang nilalabhan niya at ang niluluto niyang pagkain ay para lang din sa kanya. Ayaw nga siyang pagtrabahuhin ni Weston sa mga gawaing bahay, ngunit siya na rin ang nagkukusa dahil hindi siya sanay na walang ginagawa lalo na ngayong walang pinagkakaabalahan ang kanyang isip.Nasanay kasi siya sa stressful environment sa kompanya, na halos fully loaded ang buong araw niya sa trabaho. Kaya ngayon ay parang hinahanap-hanap iyon ng kanyang katawan at isip. Wala rin naman siyang problema sa mga gawaing bahay dahil marunong siya roon.Nasanay kasi siya na gusto niya ay alam niyang gawin ang lahat ng bagay. Kaya nga marami ang na-a-amaze sa kanya dahil sa kabila ng pagiging CEO niya, ay maruno
last updateDernière mise à jour : 2025-04-07
Read More

Chapter 12

NAISIPAN ni Weston na maagang umuwi dahil kailangan niya ng pahinga, dahil bukas ay sa grape farming naman niya ilalaan ang buong araw niya. Malawak iyon na halos nasa isang daang hektarya.Pagdating niya sa tapat ng gate ng kanyang bahay ay napakunot siya ng noo dahil nakita niya roon na nakaparada ang sasakyan ni Katrina. Kahit kailan talaga, ang tigas ng ulo nito. Parang wala nang itinatagong hiya sa katawan dahil ito pa talaga ang sunod nang sunod sa kanya.Parang wala ng ibang ginawa sa araw-araw kundi ang pumunta sa mansyon nila at itanong sa mga magulang kung nasaan siya. Palibhasa’y walang business na inaatupag, dahil hanggang ngayon, ay bini-baby pa rin ito ng mga magulang. At iyon ang ayaw na ayaw niya sa isang babae. Ni wala man lang alam na gawaing bahay, at puro pagpapaganda lang ang inaatupag.At dahil hindi niya maipasok ang sasakyan sa loob ng kanyang bakuran dahil nakaharang sa gate ang sasakyan ni Katrina, ay bumaba na lang siya at pumasok. At ang eksenang akmang sa
last updateDernière mise à jour : 2025-04-07
Read More

Chapter 13

“TITA, TITO!” umiiyak na tawag ni Katrina sa mag-asawa habang papalapit siya sa direksyon ng mga ito. Pagkagaling niya sa bahay ni Weston, ay agad siyang dumiretso sa mansyon para magsumbong. Kasalukuyang nasa may swimming pool ang mga ito, magkaharap sa isang maliit na lamesa habang nakaupo, at kapwa umiinom ng juice.“Oh, Katrina, hija? Saan ka ba nanggaling? At teka, bakit ka umiiyak?” tanong ng ina ni Weston.“Tita, tito, inaway po ako ng babae ni Weston! Nagalit siya nang pumasok ako roon, at sinabi pang wala na ‘kong karapatan na pumunta roon kahit kailan! At ang masakit pa, pinagkaisahan nila ako ni Weston, tita! Kinampihan niya ‘yong babae niya!” pagsusumbong niya na may kaunting dagdag.“Ginawa ‘yon ni Weston?” galit na tanong ng ama ni Weston.“Opo, tito. Muntikan pa ‘kong mapagbuhatan ng kamay ni Weston dahil sa babaeng ‘yon! Tita, tito, tulungan niyo akong mawala ang babae ni Weston sa tabi niya! Paano magiging kami kung may nakahadlang sa ‘min?” pagmamakaawa niya sa mag-
last updateDernière mise à jour : 2025-04-07
Read More

Chapter 14

MAAGANG umalis ng bahay si Weston kinabukasan par puntahan ang grape farming niya. Nagulat pa nga siya nang paggising niya, ay may nakahanda ng mga pagkain sa lamesa. Gusto rin sanang sumama ni Saskia sa pupuntahan niya, ngunit mariin siyang tumanggi. Ayaw niya itong isama roon dahil may problema siya sa mga produktong ubas niya. At saka na lang kapag nasa maayos nang kalagayan ang mga produkto niya.Sakay siya ng All-Terrain Vehicle habang naglilibot sa malawak na ubasan, habang nakasunod naman sa kanya ang dalawa pang All-Terrain Vehicle sakay ang Viticulturist, Grape Grower, Vineyard Manager at Farm Manager. Kailangan niya ang mga taong propesyonal na ito para matukoy niya ang problema sa mga ubas na naaapektuhan ang paglaki.Naobserbahan niyang parang hindi na nga ganoon kalaki sa orihinal na hitsura nito ang mga ubas. Nagmungkahi ang apat niyang kasama na kumuha ng soil sample para sa testing. Baka mayroong kulang sa nutrisyon sa lupa.Buong araw siyang naroon lang sa grape farmi
last updateDernière mise à jour : 2025-04-08
Read More

Chapter 15

KINABUKASAN, magkasabay silang pumasok ni Weston sa kompanya nito. Katulad nang napag-usapan nila, ay hindi siya nito ipapakilala bilang asawa, kundi bilang isang empleyado. Sa labas pa lang ng malaking gate ay alam na niyang napakalaki ng planta nito. Mas malaki iyon kumpara sa planta nila. Talagang napakayaman nito.Pagpasok nila ay ipinakilala siya ni Weston sa bawat nadaraanan nilang departamento bilang bagong Chief Operating Officer ng Del Flores Winery. Lahat ay nabigla dahil napakabilis namang napalitan ni Weston ang head ng Finance Department na kaka-resign lang noong isang araw.Ang iba ay mababakas ang kasiyahan sa mga mukha dahil mayroon na agad kapalit ang nag-resign, samantalang ang iba ay napapataas na lang ng kilay at napapaismid pa sa tuwing mapapatingin siya sa mga ito. Wari ‘y hindi masaya sa pagdating niya.Pagkatapos ay inilibot naman siya ni Weston sa buong produksyon kung saan ginagawa at pinoproseso ang wine. Napakalinis ng bawat dinaraanan nila, simula sa sahig
last updateDernière mise à jour : 2025-04-08
Read More

Chapter 16

NAKITA ni Weston ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng pamangkin pagkatapos nitong marinig ang mga sinabi niya. Hindi porket pamangkin niya ito at close sila, ay pagbibigyan na niya ito sa kagustuhan.Oo, magkadugo sila, hindi niya maipagkakaila iyon. Pero ibang usapan na pagdating kay Saskia. Kung gaano nito kagustong maibalik sa piling nito ang asawa niya, ay ganoon din niya kagustong manatili sa tabi niya si Saskia. At walang sino man ang makakakuha sa dalaga sa piling niya.“Tito, alam mong siya ang kasiyahan ko, siya ang buhay ko! Kaya please, ipaubaya mo na siya sa ‘kin!” patuloy na pagsusumamo ni Gerald.“Gerald, kilala mo naman siguro ako, ‘di ba? Alam mo kung paano ako magalit. Kaya huwag mo nang ipagpilitan pa sa ‘kin ‘yang kagustuhan mo dahil kahit na anong mangyari, ay malabong pagbigyan kita,” may pagbabanta na sa tono niya dahil nakukulitan na siya rito.“Sisirain mo ang magandang samahan natin dahil lamang sa pagiging sakim at makasarili mo? Ngayon mo pa ba ako hindi pagb
last updateDernière mise à jour : 2025-04-08
Read More

Chapter 17

NAGTATAKA si Saskia kung bakit tahimik at seryosong-seryoso si Weston habang nagmamaneho. Pauwi na sila ngayon sa bahay nito.“May problema ba, Weston? Kanina ka pa tahimik at seryoso riyan,” malumanay na tanong niya rito.“Naka-move on ka na ba kay Gerald?” sa halip ay balik tanong nito. Napakunot naman siya ng noo, hindi niya inaasahan na magtatanong ito ng ganoon sa kanya.“Ahm, syempre, limang taon ba naman kaming magkarelasyon, kaya mahirap din sa ‘kin ang basta makalimutan na lang siya. Pero palagi ko na lang itinatatak sa isipan ko na hindi siya worth it para iyakan ko at paglaanan ng oras na isipin siya, dahil manloloko siya,” sambit niya na hindi maitago ang pait sa tinig.Bigla na naman tuloy siyang nakaramdam ng galit at lungkot dahil naalala na naman niya ang mga sandaling nahuli niya ito at ang pinsan niya na gumagawa ng kababalaghan sa loob ng kanyang opisina.“Paano kung hanggang ngayon ay mahal ka pa pala niya at hindi siya titigil hangga ‘t hindi ka bumabalik sa kanya
last updateDernière mise à jour : 2025-04-08
Read More

Chapter 18

LULUGO-LUGO si Gerald habang naglalakad papasok sa kanyang opisina sa MS Wine Haven. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang naging pagtatalo nila kahapon ng kanyang tito Weston. Hindi niya lubos akalain na dahil kay Saskia, ay magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasamahan.Pero nangyari na ang nangyari, kaya lahat ng mga sinabi niya rito ay tototohanin niya, na aagawin niya rito si Saskia. Alam niyang mahirap at delikadong kalabanin si Weston, pero purisigido siyang banggain ito para lamang mabawi ang babaeng matagal niyang iningatan.“Gerald! Saan ka ba nanggaling? Ngayon ka lang na-late, ah? May importante ka bang pinuntahan?” tanong ni Vivian pagkapasok niya sa loob ng opisina. As usual, nakaupo na naman ito sa ibabaw ng kanyang working table habang nakadekwatro ang mga binti.“Viv! Huwag muna ngayon, wala ako sa mood,” matamlay na sagot niya rito. Alam na kasi niya ang gusto nitong mangyari kaya ito naroroon.“Ngayon mo lang yata ako tinanggihan, ah! Napapansin ko, simula nang magh
last updateDernière mise à jour : 2025-04-09
Read More

Chapter 19

NGISING ASO si Vivian habang nasa kanyang opisina. Nagulat talaga siya nang malaman niyang kamag-anak pala ni Gerald ang matagal na niyang pinapantasya na si Weston Del Flores. Sa tagal na nilang magkasama, ay ngayon niya lang nalaman iyon.Pwede niyang gamitin si Gerald para mapalapit kay Weston ng hindi nito nahahalata ang plano niya. At kapag matagumpay niyang naakit si Weston, ay titigil na siya sa kalokohan. Ibubuhos na lang niya lahat ng kanyang oras at pagmamahal sa lalaki. Sa hitsura pa lang ni Weston na halos wala man lang kapintasan, naiisip niyang hindi na siya lilingon pa sa ibang lalaki. Bonus na lang ang pagiging sikat at bilyonaryo nito.Biglang pumasok sa isip niya ang pinsang si Saskia. Nasaan na kaya ito? Ano na kaya ang pinagkakaabalahan nito ngayong wala na itong trabaho? Napangisi na lang siya sa isiping iyon, deserve iyon ni Saskia dahil sa pagiging pabibo at bida-bida nito dati. Kapag naging sila na ni Weston, talagang ipangangalandakan niya ito sa mga tao, lalo
last updateDernière mise à jour : 2025-04-09
Read More

Chapter 20

BREAKTIME na at dahil gustong magkape ni Saskia dahil hindi sila nakapag-almusal kaninang umaga bago sila umalis ng bahay ni Weston, ay nagpasya siyang lumabas ng opisina para bumili ng kape sa kaharap na coffee shop ng kompanya.Pero bago iyon, dinaanan muna niya ito sa opisina para tanungin kung gusto rin ba nito ng kape. Pero hindi niya ito nadatnaan doon, kaya ang ginawa niya ‘y lumabas na lang siya at naisip na ibili na rin ito kung sakali mang gusto rin nitong magkape.Mabuti na lang at walang masyadong nakapila sa loob ng coffee shop, kaya agad siyang nakabili. Bitbit ang dalawang kape na nakasilid sa plastic, ay maingat siyang tumawid sa kalsada. Kaunting lakad na lang at malapit na sana siya sa kompanya nang biglang may humila sa kanya sa isang tabi.Takot na takot siya pero dahil natatakpan ng kamay ng kung sinomang humila sa kanya ang kanyang bibig, ay hindi siya mkasigaw. Hindi niya alam kung sino ito dahil nasa likurang bahagi niya ito. Wala pa namang masyadong dumaraan s
last updateDernière mise à jour : 2025-04-09
Read More
Dernier
1234
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status