CarrineKabang-kaba ako dahil ipinapatawag daw ako sa opisina ng manager after ng lunch break ko. Akala ko pa naman, nakalusot na ako noong late akong bumalik sa post ko matapos akong pagkamalan nung bata na Mommy niya, two days ago.Alam ko naman na inireport ako ni Ma’am Odette, ang store supervisor namin at sa hindi ko nga malamang dahilan ay napapansin ko na may inis sa akin ang babaeng ito samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya.“Ayan kasi! Kung ako lang ang masusunod, dapat sa iyo, tinatanggal na sa trabaho!” parinig pa sa akin ni Odette nang mabasa ko ang notice pero hindi naman ako kumiboAyaw ko ng dagdagan ang problema dahil sigurado naman ako na kapag nangatwiran ako, babaliktarin ako ng bruhang ito. At ang ending, ako na naman ang mali.“Ma’am Odette, pinaliwanag naman po ni Carrine kung bakit siya na-late!” pagtatanggol naman sa akin ni Eloisa, ang kasamahan ko na saleslady sa garments section ng mallMay boarding house sila at doon na din ako tumutuloy buhat ng
Last Updated : 2025-03-08 Read more