Share

Chapter 4

Penulis: Lianna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-12 22:15:19

Carrine

“Sigurado ka na ba diyan sa pinasok mo?” tanong sa akin ni Eloisa habang inaayos ko ang mga gamit ko na dadalhin ko sa paglipat ko sa mga Saavedra

Kahapon, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na magdesisyon ng ganun.

Pero nung makita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Hunter ay nabalot ng kakaibang saya ang puso ko.

At hindi na ako umalis sa tabi ng bata nung kinukuhanan siya ng dugo para sa laboratory tests niya. Alam kong nasasaktan siya at ginawa ko naman ang lahat para maibsan iyon and he was so happy na ayaw na niyang humiwalay sa akin.

Nung magpaalam na ako kagabi ay umiyak na naman ito at sinabi na huwag na akong umalis but I assured him na babalik ako dahil kailangan ko lang kunin ang mga gamit ko. At kahit nandoon ang pagdududa sa mata niya, hinayaan niya ako at humiling siya na tuparin ko ang pangako ko na babalik ako.

Ngayong umaga, nagpaalam na ako kay Eloisa na halatang tutol naman sa naging pasya ko.

“Trabaho ito Eloisa! Alam mo namang kailangan ko ng pera!” sagot ko sa kanya lalo pa at wala akong inililihim sa kanya 

“Hindi niyo ba naisip na niloloko ninyo ang bata? Paano kung hindi ka na makaalis diyan? Paano ka?” tanong niya sa akin 

“Sabi naman ni Mr. Saavedra, kapag maayos na si Hunter at maiintindihan na niya, pwede na akong umalis! Isa pa, nakakawa kasi siya! Sabik na sabik siya sa kalinga ng isang ina!” sagot kong muli sa kaibigan ko

“At feeling mo, ikaw yun, ganun ba? Alam mo, knowing you, mag-iinvest ka ng emotions diyan at sure ako na kung darating yung panahon na aalis ka na, masasaktan ka!” mahabang pahayag ni Eloisa at alam ko naman yun

Sino ba ang hindi mapapamahal kay Hunter? At nasisiguro ko na masasaktan ako sa oras na kailangan ko na siyang iwan.

Pero hindi na ako pwedeng umatras dahil kapag ginawa ko yun, hindi ako sasantuhin ni Mr. Saavedra at doon ako natatakot.

Hindi ko itatanggi na takot ako sa kanya. His dark aura sends chills to my spine and makes me shiver. He is cold at ramdam na ramdam ko iyon. 

Ano kaya ang nangyari at bakit siya nagkaganito?

“Hindi ako patatawarin ni Mr. Saavedra kapag umatras pa ako.” sagot ko kay Eloisa kaya napahinga na lang ito ng malalim

Alam kong mahirap ang sitwasyon pero nandito na ako! Kailangan ko na lang itong harapin.

Nagpaalam na ako kay Eloisa at paglabas ko ng apartment ay nagulat ako nung makita ko ang kotse ni Mr. Saavedra.

Wala naman kaming usapan na susunduin niya ako dahil ang balak ko ay mag taxi nalang papunta sa address nila dahil ibinigay naman niya ito sa akin kagabi.

At paano ba niya nalaman ang lugar na ito? 

Hindi ko mapigilang higitin ang hininga ko lalo nung magtama ang paningin namin. Nakasandal siya sa kotse at bakas na bakas ang inip sa gwapong  mukha niya.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya nang makalapit na ako sa kotse

Nasa likod ko naman si Eloisa na tahimik lang na nakatingin sa amin.

“Sinisiguro ko lang na hindi magbabago ang takbo ng isip mo, Carrine!” walang gatol na sagot niya sa akin saka siya sumakay sa loob ng kotse

Sumunod naman ako at sa likod ako sumakay pero agad akong napalabas ng lingunin niya ako at taasan ng kilay.

“Driver mo ba ako?” 

Hindi na ako nagsalita noong makasakay na ako sa harap ng kotse. Pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito. Pinilit kong kumalma pero ang kakaibang aura ni Mr. Saavedra na bumabalot sa akin ay sapat na para manghina ako.

“Bakit pa napakatagal mo sa loob eh konti lang naman pala ang gamit mo!” basag niya sa katahimikang bumabalot sa kotse

“Kailangan ko ding ayusin yung bahay na iiwan ko! Hindi naman pwedeng basta-basta na lang akong aalis na hindi ko man lang inaayos.” paliwanag ko sa kanya pero nakita ko na napailing siya

“Do you even call that a house?” aroganteng tanong niya sa akin kaya napailing na lang din ako

Sayang ang kagwapuhan ng isang ito dahil matapobre pala siya. Akala ko pa naman, mabuti itong tao nung ipagtanggol niya ako kay Ma’am Odette pero palabas lamang pala iyon.

“Ganyan ba kayong mayayaman? Sa sobrang dami ba ng pera ninyo, nakakalimutan na ninyong magpakatao?” hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naiinis na ako sa pag-uugali ng taong ito

Hindi naman ito kumibo at nagpatuloy siya sa pagmamaneho kaya ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana. Kapag ako nainis talaga, hindi na ako papayag na magtrabaho sa kanya lalo at ganito ang pag-uugali niya.

Nakita ko na huminto kami sa isang coffeeshop at dahil naiinis ako sa kanya ay hindi naman ako kumikilos. Naisip ko, baka gusto niyang bumili ng kape kaya kami napahinto dito.

“Bumaba ka muna, may kailangan tayong pag-usapan!” sabi nito kaya kumilos na din ako at mahirap ng makarinig na naman ako ng hindi magandang salita mula sa kanya.

Sumunod ako sa kanya papasok a coffeeshop at may inabutan kaming lalaki doon na agad tumayo nung makita niya kami ni Mr. Saavedra.

“Good morning, Mr. Saavedra!” bati nito sa kasama ko and he just nodded at agad ng umupo

“Nagawa mo ba yung inuutos ko?” tanong nito sa lalake

“Yes sir!” sabi nito saka niya binuksan ang attache’ case na dala niya

May inabot siya kay Mr. Saavedra at agad naman niyang binasa ang mga ito.

“Good! You can leave!” sabi pa niya pero ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kausap niya at sa binabasa nakatuon ang kanyang pansin

“Okay sir! I’ll go ahead!” tumango na lang siya sa akin at ganun na din ang ginawa ko sa kanya 

“What’s your order sir?” tanong ng waiter na hindi ko namalayang nakalapit na pala dahil sa lalaking ito ako nakatingin

“The usual! Ask the lady if she wants something!” utos pa niya kaya humingi na lang din ako ng kape with sugar and creamer

Hindi naman nagtagal ay bumalik na ang waiter at inilapag na sa mesa ang mga tasa ng kape. Inilapag naman ni Mr. Saavedra ang folder sa harap ko at saka ako inutusang basahin iyon.

Kinuha ko iyon at nakalagay doon sa harap na isa itong kontrata kaya napatingin ako sa kanya. Gusto kong tanungin kung bakit kailangan pang may ganito pa pero tinaasan na naman niya ako ng kilay.

“Carrine, wala sa mukha ko ang pinapabasa ko!” aniya kaya napakurap na lang ako at saka ko sinimulang basahin ang papeles

Nakalagay doon na kailangan kong gampanan ang pagiging ina sa anak niyang si Hunter Steve Saavedra hanggang sa magaling na magaling na ito at kaya na niyang unawain ang mga bagay tungkol sa tunay na ina nito.

The most is two years at nakalagay din sa kontrata na kung kakailanganin, matutulog kami sa isang kwarto at aaktong magkasintahan kahit sa harap lang ni Hunter.

“Teka, bakit kailangan nating magpanggap na may relasyon tayo?” kontra ko sa nakasulat doon

“Carrine, matalino ang anak ko! Ayokong mahalata niya na nagpapanggap ka lang dahil ang alam niya, may relasyon kami ni Simonne kaya siya nabuo!” paliwanag sa akin ni Mr. Saavedra

“Huwag kang mag-alala, hindi naman natin tototohanin yun! Ayoko lang bigyan ng iisipin ang anak ko lalo at nasa stage of recovery pa siya!” dagdag pa nito habang umiinom ng kape

“Mr. Saavedra, naisip ko lang, hindi kaya magalit sa iyo si Hunter kapag nalaman niya ang lahat ng ito?” tanong ko sa kanya but he just shrugged his shoulders

“Hindi mo na problema yan! Just do your job and leave that to me!” maawtoridad na saad niya sa akin

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng contract at sa tingin ko naman, okay sa akin ang mga sumunod na nakasulat doon.

“May boyfriend ka na ba?” tanong niya sa akin kaya umiling naman ako agad

“Good! Kasi kung meron, make him understand your job! Ayokong makitang nilalapitan ka ng ibang lalake habang akin ka!” napakurap ako sa narinig ko at para na naman akong nangilabot sa sinabi niya

‘Anong akin ka?’

|

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng iba pang nakasulat doon. At sa bandang huli, nakasulat doon ang perang ibibigay niya sa akin bilang kabayaran sa trabahong gagawin ko.

“One hundred thousand sa isang buwan?” hindi ako makapaniwala sa nakasulat doon dahil parang sobrang laki naman noon para sa trabahong gagawin ko

“Yes? Ayaw mo pa niyan? I bet sa mall hindi mo kikitain yan!” sabi niya kaya pakiramdam ko, iniinsulto na naman ako ni Mr. Saavedra

“Mr. Saavedra, sana lang kung magtatrabaho ako sa inyo, iwasan niyo po sanang insulutuhin ako at ang pagiging mahirap ko dahil sa ating dalawa, ikaw ang mas may kailangan sa akin dahil ako, kaya kong humanap ng ibang trabaho!” tumayo na ako dahil hindi ko na kinakaya ang mga lumalabas sa bibig niya

“Carrine!” habol naman siya sa akin pero hindi ko na siya pinansin

“Ang yabang-yabang! Akala mo kung sino!” bulong ko habang patawid ako ng kalsada

“Carrine!” sabi niya ulit pero sa kagustuhan kong lumayo sa kanya ay binilisan ko na ang maglakad at sa kakamadali ko, hindi ko namalayan na may sasakyan na mabilis ang takbo

Napapikit na lang ako at hinintay ang pagsalpok ng sasakyan sa akin pero naramdaman ko ang paghila sa akin ng isang kamay kasabay ng pagyakap sa akin ng isang tao na parang pinoprotektahan  ako.

“Napaka- wreckless mo! Ano ka ba!” galit na sabi ni Mr. Saavedra sa akin kaya naman na-realize ko na siya ang humila sa akin

Gusto kong umiyak dahil akala ko, katapusan ko na kanina! Takot na takot ako at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko kaya naman niyakap ako ng lalaking hawak-hawak ako sa mga oras na ito.

Nung kalmado na ako ay napatingin ako sa kanya at tama ba na nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya?

“How many times will I have to catch you whenever you fall, stellina?” napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko naman maitanggi ang malakas na tibok ng aking puso 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 5

    HeliousMasayang-masaya si Hunter the moment na makapasok kami ni Carrine sa mansion. Alam niya na darating ako ngayon kasama ang Mommy niya and he is so excited dahil alam niyang dito na ito titira.Nakilala na din niya ang parents ko at alam ko makakasundo niya din si Herakaag nakilala niya ito.Kanina, matapos ko siyang iligtas ay nag-usap kami ng masinsinan sa kotse at humingi ako ng pasensya sa kanya sa inasal ko. I know my fault at alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganung klaseng tao. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maliitin ang mga taong galing sa hirap dahil ang Mommy ko ay galing din sa hirap bago niya nakilala ang tunay na ama niya, si Grandpa Amadeo Conti na isang Italyano.Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nakikita ko si Carrine, naghihimagsik ang kalooban ko lalo at naaalala ko sa kanya si Simonne. Kung hindi nga lang nangyari ang pagkikita nila ni Hunter sa mall, hindi ko na kailangang hanapin pa ang babae na ito pata magpanggap na nan

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 6

    CarrineMasaya naman ang unang araw ko sa mansion ng mga Saavedra at mabuti na lang, umalis si Mr. Saavedra para pumasok sa opisina dahil kung hindi, hindi ko siguro magagawa ng maayos ang trabaho ko.Kung bakit naman kasi niya ako hinalikan kanina nang dahil lang sa hiling ni Hunter eh kung tutuusin pwede naman siyang gumawa ng dahilan. Unang halik ko yun eh! At inilalaan ko iyon sa lalaking mamahalin ko pero anong ginawa niya? Ninakaw niya yun sa akin at ang nakakainis pa, napakalakas ng tibok ng puso ko na para bang lilipad na ito palabas ng dibdib ko.Mabuti na lang ay nalibang ako sa pag-aalaga kay Hunter at nakita ko sa kanya ang pangungulila kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para maibigay ko ang pag-aalaga na kailangan niya.Pagdating ng alas-dos ay pinatulog ko muna siya dahil isa yun sa mga kailangan kong gawin habang nandito ako. Binasa ko ulit ang mga do’s and don’ts when it comes to Hunter habang natutulog siya at kinabisado ko iyon para mas lalong mapabilis ang pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 7

    CarrinePanay ang puri sa akin ng daddy ni Sir Helious nang matikman niya ang niluto ko ngayong gabi.Hindi nga siya makapaniwala nung marinig niya ang kwento ko na inilahad ni Ma’am Sophia tungkol sa pagiging dishwasher ko sa isang restaurant.“Well, mas mahahasa ang talent mo kung mag-aaral ka, iha! You obviously have the talent!” sabi pa ni Sir Hendrix sa akin“ Sa ngayon po, hindi ko po iniisip yun! May mga dapat po kasi akong unahin!” sagot ko sa kanya“Sayang naman kasi, iha! Pero of course, nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Sir Hendrix“How’s the food, Hunter? Did you like it?” tanong ni Ma’am Sophia sa apo niyaKatabi ko siya at inaasikaso ko siya sa pagkain niya at sa palagay ko, nagustuhan naman niya ang hinanda ko.Hindi naman nagsalita si Hunter dahil may laman ang bibig niya but he gave his lola a thumbs up! Kaya natawa na lang ang lolo at lola niya habang ang tatay niya, as usual walang reaction sa mga nangyayari.Wala naman siyang violent reaction sa pagkain. Pero wala

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 8

    Helious Kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan at nung lingunin ko si Carrine ay wala na ito sa tabi ko. Siguro ay maaga itong nagising kahit pa alam ko naman na nahirapan din siyang matulog kagabi dahil siguro hindi siya kumportable na nandito siya sa kwarto ko. Wala naman talaga ito sa plano ko pero hindi ko alam kung bakit naisipan kong ipilit ang gusto ko at dahil ako ang amo niya, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Pero totoo naman yung sinabi ko sa kanya that Hunter sometimes barge in my room lalo kapag hindi siya makatulog. Ayokong mangyari iyon at malaman niya na sa ibang kwarto natutulog ang mommy niya dahil makakaapekto iyon sa recovery niya. I grabbed my phone na nasa sidetable and I checked my schedules today. Marami pala akong meetings ngayon but of course wala akong magagawa dahil ito ang buhay ko. Yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pinursige ko na mapapayag si Carrine para kahit papano, w

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 9

    Carrine “Mommy, you are not listening!” Naramdaman ko ang pagyugyog ni Hunter sa kamay ko kaya naman naputol ang malalim na pag-iisip ko. Kung bakit naman kasi ako pa ang nautusan na magdala nung mga papeles na naiwan ni Sir Helious sa bahay eh! Tuloy, may nakita pa akong hindi dapat makita! Ni hindi ko nga alam kung paano akao nakalabas sa building na yun eh! Hirap na hirap ako sa pag-akyat sa hagdan ay nagmamadali pa ako dahil ang sabi daw niya, importante ang papel at kailangan niya sa meeting! Aba! Eh ibang meeting naman pala ang ginagawa ng magaling kong amo! “Mommy…” tawag ulit ni Hunter kaya naman kulang na lang iumpog ko na ang ulo ko dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang pakikipaghalikan ni Sir Helious doon sa babaeng nakakakalong sa kanya Grabe lang! May motel naman hindi ba? Sa opisina pa talaga! “Mommy…” tawag ulit ni Hunter at malakas na ngayon kaya naman napatingin na ako sa kanya ‘Diyos ko Carrine, ano bang pakialam mo kung makipaghalikan siya?’ “Ye

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 10

    CarrineAng sumunod na mga linggo ay naging abala para kay Sir Helious dahil sa mga schedules niya sa kumpanya.Wala namang nagbago sa set-up namin at kagabi ko napatunayan na totoo ngang minsan pumapasok si Hunter sa kwarto ni Sir Helious at naglalambing na doon matulog.Sana nga gabi-gabi siyang ganito dahil sa totoo lang, nahihirapan akong matulog knowing na katabi ko si Sir Helious.Kaya naman noong panahon na busy siya at gabi na umuuwi, agad akong nahihiga para mauna akong makatulog. Nagagawa ko naman pero kapag dumarating siya, kusa namang nagmumulat ang mga mata ko para tanungin kung kumain na ba siya.Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito dahil ang anak niya ang dahilan kung bakit ako nandito pero diba, magkaibigan naman kami?So I guess, okay lang naman yun!Matapos kong maglinis ng katawan ay nahiga na ako para makatulog. Alas-nuebe na ng gabi pero wala pa din si Helious kaya naisip ko na baka marami pa rin siyang kailangang gawin.Hunter misses his dad pero pinapaliwanag

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-16
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 11

    CarrineNasamid ako sa iniinom ko noong marinig ko ang sinabi ni Hunter tungkol sa kapatid. Pakiramdam ko ba, yung iniinom kong kape, napunta lahat sa ilong ko. Hinagod naman ni Manang Lanie ang likod ko lalo pa at panay ang ubo ko.“Okay ka lang, Mommy?” inosenteng tanong ni Hunter sa akin and I nodded dahil hindi ako makapagsalitaSi Helious naman ay nakatingin lang sa akin na mukhang tuwang-tuwa pa sa sinabi ng anak niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. “Ah buddy, ganito kasi yun, hindi muna kami gagawa ni Mommy ng kapatid mo kasi siyempre gusto naming makabawi sayo dahil matagal ka naming hindi nakasama!” saad ni Helious Nag-isip naman si Hunter saka siya tumingin sa Daddy niya.“Daddy, okay naman na po ako! Gusto ko lang po talaga na magkaroon ng baby brother or sister! Pero po, mas maganda po kung magpapakasal na kayo ni Mommy, diba Mommy?” sa akin naman bumaling ang mga mata ni Hunter kaya para akong pinagpapawisan ng malapotObviously, hinihintay ni Hunter ang sagot at i

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-16
  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 12

    HeliousTahimik lang si Carrine habang bumibyahe kami pauwi sa Manila at alam ko, dahil yun sa pinag-usapan namin kanina sa shed. Si Hunter naman ay nakatulog na sa likod dahil na rin sa pagod lalo pa at tuwang-tuwa ito sa pagsakay niya sa kabayo.Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi lay Carrine ang mga katagang iyon. Ang alam ko lang, hindi ko gusto na mawala pa siya sa buhay naming mag-ama. I know that we have a contract pero handa kong kalimutan iyon para manatili siya sapero amin.Sa loob ng isang buwan, nakita ko kung paano mahalin at alagaan ni Carrine ang anak ko and that care extends to me as well.She may be unconsciously doing it pero sobra akong natutuwa kapag inaasikaso din niya ako. Her simple way of asking me kung kumain na ba ako whenever I go home late is enough to make me smile.For years, wala akong naramdaman na ganito sa kahit na sinong babae na nakilala ko. Kaya naman naisip ko that maybe, love is never meant for me. I just bum around and bang any

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-17

Bab terbaru

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 42

    CarrineUnti-unti, nakapag adjust naman ako sa bagong mundong ginagalawan ko ngayon at dahil masaya ako sa trabahong ginagawa ko, parang hindi ako nakakaramdam ng pagod. Minsan nga, pinapaalala pa sa akin ni Chef Jigz na maghinay-hinay lalo at nagdadalang tao ako.Hindi nauubusan ng reservation ang restaurant kaya naman busy na ang kusina pagtuntong ng alas-diyes ng umaga. Marami na akong natutunan na bagong recipe buhat kay Chef Jigz at may ilang menu na din siyang ipinagkakatiwala sa akin. Ayon nga sa kanya, bilib siya sa akin dahil madali daw akong magkabisado ng gagawin at hindi ako mahirap turuan.Madalas naman akong tawagan ni Jayson at ni Eloisa at nalaman ko din sa kanila na hindi na daw nagpupunta sa kanila si Helious. Masaya naman ako dahil sa wakas, mukhang sumuko na din siya.Nami-miss ko si Hunter at palagi ko nga siyang naaalala kapag nagluluto ako ng spaghetti with meatballs na siyang paborito niya. Madalas kong isipin na sana, inaalagaan siya ng mabuti ni Simonne. San

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 41

    HeliousHindi nga sumama si Simonne sa lakad namin kinabukasan dahil masama daw ang pakiramdam niya at para sa akin, okay lang yun. Hindi ko talaga maatim na makasama ang babaeng ito lalo at may hindi ako magandang kutob sa kanya.Pagkatapos naming magsimba ay kumain muna kami ng early lunch kasama ang parents ko pero hindi na sila sumama sa lakad namin ni Hunter dahil magkikita-kita daw sila ngayon ng mga elders sa mansion ng mga Monteverde.“Daddy, is Mommy okay po?” tanong sa akin ni Hunter habang bumibyahe kami papunta sa Ocean Park“I think so Hunter! Baka naman hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.” sagot ko sa anak ko“Kasi po parang nagbago po siya!” sagot sa akin ni Hunter kaya hindi ko mapigilang magtanong sa kanya“What do you mean anak?” kinakabahang tanong ko sa kanya Alam ko na matalas si Hunter gaya ng palaging sinasabi sa akin ni Carrine. Nangamba ako na baka may nahalata ito kay Simonne.“Kasi po dati, Mommy loves to play with me po. Pero ngayon po, palagi lang

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 40

    HeliousIsang linggo na ang nakakaraan magbuhat nung umalis sa mansion si Carrine at hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya mahanap. Ilang beses akong nakiusap kay Eloisa pero siya man ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan niya. At naniniwala naman ako dahil nakikita ko din ang pag-aalala sa mga mata niya.Bumalik din ako sa restaurant ni Jayson pero ganun din ang naging sagot niya sa akin. Hindi niya nakita si Carrine at hindi din ito tumawag sa kanya. Nasa opisina ako sa mga oras na ito at kung pwede nga lang na hindi ako umuwi sa mansion ay ginawa ko na dahil hindi ko gusto ang presensya ni Simonne. Pero dahil kay Hunter, nagagawa kong pakisamahan ang babae na yun. Alam ko na may kinikimkim na galit sa akin ang anak ko lalo na at pinalabas ni Simonne nung nakaraan na sinaktan ko siya at doon talaga nag-iinit ang ulo ko. Kaya naman bukod sa paghahanap kay Carrine ay pinaimbestigahan ko ulit si Simonne dahil kailangan kong makahanap ng bala na pwede kong gamitin sa kanya if the sit

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 39

    CarrineMaaga kaming umalis ni Jayson sa Maynila papuntang Baguio and he has been attentive to me sa oras ng aming biyahe.Siguro kasi dahil buntis ako kaya naman panay ang tanong niya sa akin kung nangangawit daw ba ako o baka gusto kong magbanyo. Kaya naman malaki talaga ang pagpapasalamat ko sa kaibigan kong ito dahil hindi niya ako pinapabayaan sa oras ng pangangailangan.Bandang alas-otso ng umaga ay nakarating kami sa lugar kung saan nandoon ang restaurant ng kaibigan ni Jayson.Wala ito sa mismong bayan at medyo malayo sa sentro pero worth it naman dahil maganda ang location at wala naman traffic kapag nagpunta ka dito. Perfect ito sa mga taong ayaw sa congested areas at mas enjoy marahil ang dining experience dito dahil ramdam mo ang malamig na klima ng Baguio.Hindi ko mapigilang mamangha dahil ang ganda ng lugar at malinaw na matatanaw mo ang mga bundok kung saan nakatayo ang nagtatayugang puno ng mga pine trees.“Ang ganda dito Jayson!” nakangiting saad ko habang inililibo

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 38

    Carrine“Hindi mo ba talaga kakausapin si Helious, Carrine?” tanong sa akin ni Jayson isang umaga habang nag-aalmusal kaming dalawaIsang linggo na ako dito sa unit niya at nalaman ko na nagpunta daw si Helious sa restaurant para kausapin si Jayson.Ang sabi ni Jayson, maaring ako ang dahilan kung bakit hinahanap siya ni Helious dahil wala namang ibang dahilan pero umiling na lang ako sa kaibigan ko.I don’t want to see him again. Nakaalis na ako doon at ayoko ng bumalik! Nandoon na si Simonne, bakit pa ba niya ako hinahanap?“Wala na kaming pag-uusapan Jayson!” matigas na pasya ko kaya napahinga naman siya ng malalim “Carrine, alam mong meron kayong pag-uusapan! Ayaw mo lang!” ani Jayson “Tama ka Jayson! Ayoko! Kaya hayaan mo na ako sa gusto ko!” sagot ko sa kanya“Well, nasa sayo yan, Carrine! You will decide on that pero alam mo naman na walang lihim ang hindi nabubunyag! Sooner or later, he will find out the truth kaya paghandaan mo yan!” payo sa akin ni Jayson at tumango na lan

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 37

    HeliousPatakbo akong pumasok sa kusina para makita si Manang Lanie dahil natitiyak ko na alam niya ang tungkol sa pag-alis ni Carrine sa mansion.“Manang! Manang Lanie!” tawag ko sa kanya pero hindi ko siya makita sa kusina kaya naman sa pinuntahan ko siya sa servant’s quarter at doon ko nga siya natagpuan.“ Manang!” tawag ko sa kanya dahil nakaupo siya sa kama at nung mapalingon siya ay nagpahid pa siya ng kanyang luha“Manang, ano po bang nangyari? Bakit umalis si Carrine?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya nagsalita at tumingin lang sa akin “Manang…” untag ko sa kanya pero umiling lang siya“Hindi ko alam! Basta pagbaba ko dito, wala na siya! Nag-iwan lang siya ng sulat!” sagot nito sa akin at nakikita ko ang paraan ng pgtingin niya sa akin kaya alam ko na sinisisi niya ako sa nangyari“May iniwan din siyang sulat para sa iyo.” sabi pa ni Manang saka niya itinuro ang papel na nasa mesa bago niya ako iniwan sa kwartong ito na siyang ginamit ni Carrine noong paalisin ko siy

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 36

    CarrineNung makaalis na si Helious at si Silver ay saka lang ako lumabas ng kwarto ni Hunter dahil naninikip talaga ang dibdib ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit na ganito ang ginawa sa akin ni Helious.Pinahiran ko ang luha ko dahil ayoko ng umiyak! Nakakapagod na at nangako na ako sarili ko na hindi na ako luluha kung para lang sa kanya!Pagbaba ko ay narinig ko na may kausap si Manang Lanie sa sala at nanlaki na lang ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang kausap niya.It was Simonne!Nakita ko din ang gulat sa mukha niya nung makita ako at nilapitan pa niya ako para mabistahang mabuti ang mukha ko.“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin habang hindi naaalis ang mga mata sa mukha koAkma akong tatalikod pero pinigilan niya ako at galit na inabot ang buhok ko.“Walanghiya ka! Nagpapanggap ka bang ako? I will kill you! You impostor!” aniya saka niya ako hinila palabas ng pinto“Ay! Bitawan mo si Carrine! Wag mo siyang saktan!” pigil naman ni Manang pero hindi nama

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 35

    HeliousMasama ang tingin sa akin ni Silver habang paalis kami ng mansion at buhat kanina ay tahimik siya at alam ko naman ang dahilan noon.Kanina, ganun na lang ang gulat niya when she heard Hunter called Carrine ‘Mommy’.At nakikita ko ang daan-daang tanong sa kanyang mga mata.Kaya naman napilitan akong ikwento sa kanya ang sitwasyon namin ni Carrine.“I can’t believe you, Helious! Ginawa mo yun sa kanya?” sa wakas ay nagsalita na din si Silver at alam ko na ang kasunod nitoIsang mahabang sermon!“Look, I am not justifying what I did, okay! I know I am wrong!” “Bloody hell, Helious! You are! And I can’t believe pinaabot mo yun ng ganung katagal! Do you think that she will just sit there and accept everything without hurting?!” sumbat pa sa akin ni Silver “Mukhang hindi naman siya naaapektuhan! Isa pa, iiwan niya rin kami kaya hinahanda ko na nag sarili ko!” katwiran ko pa kaya napailing si Silver“Kung ganyan ka mangatwiran, be ready then! Dahil kung ako si Carrine, hindi ako t

  • The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE   Chapter 34

    Carrine“Ayos ka lang ba anak?” tanong sa akin ni Manang Lanie nung makauwi na ako galing sa bangko Nagcheck kasi ako ng pera doon dahil kailangan ko na uling magpadala ng pera sa pamilya ko pati na rin ng panghulog sa mga de Silva. Alam ko na matatagalan pa ang pagbabayad namin sa kanila pero ang mahalaga, nakakapaghulog ako sa kanila.“Opo Manang, okay lang po ako!Medyo mainit po kasi kanina sa labas!” katwiran ko sa kanyaKumuha agad ako ng malamig na tubig sa ref dahil para akong nanginginig, dahilan para mabitawan ko ang baso.“Ay Diyos ko anak! Ano bang nangyayari?”nag-aalalang sabi ni Manang saka niya ako hinila palayo sa mga bubog na nagkalat sa sahig“Halika nga rito, maupo ka muna!” hindi ko na napigilan ang luha ko habang hawak naman ni Manang Lanie ang kamay ko“Anak, kausapin mo ako! Ilang buwan ka ng ganyan! Nandito ako at pwede kitang damayan! Hindi mo naman kailangang solohin nag lahat!” sabi sa akin ni Manang Alam ko naman na gusto akong damayan ni Manang pero mas p

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status