HeliousTahimik lang si Carrine habang bumibyahe kami pauwi sa Manila at alam ko, dahil yun sa pinag-usapan namin kanina sa shed. Si Hunter naman ay nakatulog na sa likod dahil na rin sa pagod lalo pa at tuwang-tuwa ito sa pagsakay niya sa kabayo.Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi lay Carrine ang mga katagang iyon. Ang alam ko lang, hindi ko gusto na mawala pa siya sa buhay naming mag-ama. I know that we have a contract pero handa kong kalimutan iyon para manatili siya sapero amin.Sa loob ng isang buwan, nakita ko kung paano mahalin at alagaan ni Carrine ang anak ko and that care extends to me as well.She may be unconsciously doing it pero sobra akong natutuwa kapag inaasikaso din niya ako. Her simple way of asking me kung kumain na ba ako whenever I go home late is enough to make me smile.For years, wala akong naramdaman na ganito sa kahit na sinong babae na nakilala ko. Kaya naman naisip ko that maybe, love is never meant for me. I just bum around and bang any
HeliousNasa VIP room ako ngayon at dito ako dumiretso pagkagaling ko sa mansion bitbit ang galit at inis sa narinig kong pakikipag-usap ni Carrine sa telepono.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero iisa lang ang alam ko, nasasaktan ako lalo at sa paraan ng pagsasalita niya, she resents me that much para sabihing ayaw na niya akong makita.Hinihintay ko si Josh dahil wala si Dylan at nasa Palawan ito ngayon para sa isang project. Nakakainis dahil kanina pa ako dito at napapangalahati ko na ang isang bote ng alak pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.“Sorry Helious, napakatraffic!” sabi ni Josh nung makapasok na siya sa VIP room ng barTumango lang ako sa kanya dahil ayokong ipakitang galit ako. May topak din ang isang ito at baka mamaya iwan pa niya ako dito.Agad na nagsalin si Josh ng alak sa bakanteng baso at tinungga iyon sabay tingin sa akin.“Problema?” tanong niya sa akinSiguro kasi kilala na ako ng mga kababata ko at alam nila na kapag ako ang nag-ayang uminom,
CarrineNasa dining area na kami ni Hunter at ang mga magulang ni Helious pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumababa para mag-almusal.“Anong oras ba umuwi ang batang yan?” tanong sa akin ni Sir Hendrix dahil hindi siguro sila sanay na kate ng gumigising ang anak nila lalo at araw ng Lunes ngayon“Hindi ko na po namalayan.” sagot ko na lang at hindi ko na din binanggit ang tungkol sa nangyariAyokong banggitin na tila binabangungot si Helious lalo at nakaharap si Hunter.Tumango lang naman si Sir Hendrix at nagpatuloy siya pagkain hanggang sa dumating na din si Helious, Nakabihis na ito at bagong ligo na din and ganun din si Sir Hendrix kaya hula ko, pupunta ito ngayon sa kumpanya kaya siguro hinihintay niya si Helious.“Mag-almusal ka na anak!” sabi ni Ma’am Sophia dito matapos siyang batiin nito Nilapitan din niya si Hunter and greeted him at bago siya tumabi sa akin ay hinalikan niya din ako gaya ng lagi niyang ginagawa.“Where you up all night? Late ka yatang nagising?” tano
CarrineNaglalakad na ako palabas ng mall nung makita ko ang driver nang tila nakaramdam ng relief nung makita ako. Nagtaka pa ako dahil tila takot na takot pa ito nung lumapit ito sa akin.“Ma’am, saan ba kayo nagpunta!?” tanong niya sa akin kaya naman napakuno pa ang noo ko“Bakit? May problema ba?” tanong ko sa kanya at bigla naman akong kinabahan sa nakikita kong itsura niya“Si Hunter po kasi, nagdugo na naman po yung ilong niya at nilalagnat din po! Hinahanap daw po kayo kaya nataranta na si Ma’am Sophia at tinawagan na si Sir Helious!”Pakiramdam ko, binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko kaya naman patakbo na akong lumabas ng mall para marating ang parking lot ng kotse.Pagpasok ko sa kotse ay kinuha ko ang telepono ko at natutop ko ang bibig ko nung makita ko ang napakaraming tawag ni Helious na hindi ko nasagot. I turned the phone to silent mode noong nasa loob ako ng bangko at nakalimutan ko na itong ayusin at ibalik sa dati dahil na rin sa pagkikita namin ni Jay
HeliosNakatingin ako kay Hunter na ngayon ay nakatulog na dala ng pagod sa pag-iyak idagdag pang may lagnat ito. Kakaalis lang ng doktor at sinabi naman niya na simpleng lagnat lang ito at ang nosebleeding niya, tulad noong una ay wala namang kinalaman sa sakit niya.Tapos na ang board meeting namin nung tumawag si Mommy at sinabing nagdugong muli ang ilong ni Hunter at nilalaganat ito. Tinanong ko kung nasaan si Carrine at ang sabi ni Mommy ay wala pa ito sa mansion.I called Carrine pero ring lang ng ring ang phone nito kaya naman ang driver na ang tinawagan ko. Hindi ako kumportable na aalis si Carrine mag-isa kaya naman pinasamahan ko siya sa driver ng mansion. At lalong nag-init ang ulo ko nung sabihin niyang tatlong oras na buhat nung pumasok si Carrine sa mall at hanggang ngayon nga daw, hindi pa bumabalik.Gaano ba katagal ang kailangan niyang gawin para abutin siya ng ganung katagal?I called her again pero hindi pa rin niya ito sinasagot kaya naman minabuti ko ng umuwi p
CarrinePatakbo akong pumasok sa mansion nung tuluyan akong makababa sa kotse ni Helious. Hindi ko na nga iniisip na masama ang pakiramdam ko kanina dahil ang tanging gusto ko lang ay makita si Hunter.“Hunter….” naiiyak na sabi ko nung tuluyan akong makapasok sa kwarto ng bataNapalingon siya sa akin while he was sitting down on bed. Katabi niya si Ma’am Sophia at sa palagay ko, pinapakain niya ang kanyang apo.“Mommy…” narinig ko ang pagpiyok ng boses ni Hunter kaya tuluyan na akong napaluha habang papalapit ako sa kanyaTumayo naman si Ma’am Sophia at hinayaan niya akong makaupo sa atbi ni Hunter. Yumakap siya agad sa akin at ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa akin nito at ganun din naman ang nararamdaman ko.Dalawang araw pa lang kaming hindi nagkikita pero pakiramdam ko, dalawang taon na dahil sobrang na-miss ko ang batang ito.“Kamusta ka na?” tanong ko dito habang hinahaplos ko ang gwapong mukha nito“Okay na po ako, Mommy! Sad lang po ako kasi two days po kitang hindi n
Helious, Pinatulog ni Carrine si Hunter for his afternoon nap at dahil alam ko naman na masama ang pakiramdam nito, hinayaan ko na din siyang makatulog. Tumayo ako ng dahan-dahan dahil ayokong magising si Carrine dahil naobserbahan ko na mababaw lang itong matulog. Palagi kasi siyang nagigising kapag ginagabi ako ng uwi kahit pa dahan-dahan akong kumikilos and I felt relief nung hindi naman ito nagising sa pagtayo ko. Mukhang stressed din siya sa pag-aaway namin at gaya ng pangako ko, babawi ako sa kanya. Pumasok muna ako sa kwarto para makaligo dahil nag-iinit na naman ang pakiramdam ko lalo at katabi ko siya at pagkatapos kong maligo ay inutusan ko ang isang kasambahay na palitan ang beddings ng kama ko. Pinalinis ko din ito at nagbilin pa ako na gamitin ang bagong air freshener na binili ko. Kailangang malinis ang lahat para maging maayos ang tulog mamaya ni Carrine dito. I unconsciously smiled lalo nung maalala ko yung panaginip ko. Hanggang ngayon nga, hindi ako makapaniwa
CarrinePaglabas ko ng banyo matapos kong maglinis ng katawan ay nakita ko na nakaupo si Helious sa kama habang nasa kandungan niya ang kanyang laptop. May ginagawa siya doon kaya naman naupo muna ako sa harap ng salamin at naglagay ng aking skincare routine. Sa banyo na ako nag-apply ng lotion dahil naiilang akong gawin iyon lalo at nasa kwarto si Helious. Pagkatapos noon ay lumapit na ako sa kama para mahiga kaya naman napalingon siya sa akin.Isinara na niya ang laptop at nilagay iyon sa side table at nahiga na din siya sa tabi ko, facing me!“Papasok ka ba bukas?” tanong ko dahik naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin“Yeah! I have a long day ahead of me stellina!” sabi niya kaya naman napahinga ako ng malalim“Ang lalim naman nun! May problema ba?” tanong niya sa akin pero umiling naman ako“Iniisip ko lang, pagod na pagod ka siguro dahil sa trabaho mo.” sabi ko saka kanya “Well, oo nakakapagod, pero this is my world, stellina! Pinalaki ako ni Daddy para gawin ang ba
CarrineDumating na ang mga guests ng restaurant at sinerve na ng mga waiters ang pagkain nila for lunch. Nasa kusina lang ako dahil medyo napagod din ako sa dami ng pagkaing hinanda namin ni Chef Jigz.“Nagustuhan ng mga guests ang lunch nila!” masayang balita ng isang waiter kaya naman napahinga kami ng malalim ni Sir JigzKahit naman kasi kabisado na namin ang recipes, nandoon pa rin ang kaba namin dahil siyempre hindi mo naman kayang i-please ang lahat ng customers.“Kausap nila si Sir Gregory at gusto daw nilang makilala ang chef!” sabi pa nito bago ito lumabas“Paano ba yan Chef Jigz, ikaw na ang bahala doon! Sisilipin ko muna si Harold!” sabi ko saka ako tumayo dahil mamaya pa naman kami maghahanda ng pang snack at pang-dinner ng mga guestsSanay na si Sir Jigz sa akin na hindi ako humaharap sa mga guests for the simple reason na ayokong may makakilala sa akin. Hindi nga ako lumalabas sa dining area dahil umiiwas din talaga ako sa mga pwedeng makakilala sa akin.“Okay sige! Lal
HeliousInis na inis ako habang ang dalawang bugok na kasama ko ay tuwang-tuwa naman matapos kong makita ang nagviral na post tungkol sa amin ni Annika. Wala naman akong idea na may ganitong post na kumalat sa business world at sa mga society pages and vlogs around the metro.Nagpunta lang ang dalawang bugok sa opisina ko bitbit ang napakagandang balita na nagpa-init naman talaga ng ulo ko.“Ayos sa caption ah! Kapani-paniwala ang dating!” buska sa akin ni Dylan kaya lalo akong napasimangot“Kailan ba nakuhanan ng mga paparazzi yan?” tanong pa ni Josh sa akin kaya lalo akong nainis“I don’t know! Palagi namang nakabuntot sa akin yun!” sagot ko sa kanila habang nakatutok ang mata ko sa aking laptop“Well, hindi ganun ang nakikita ng audience, bro! Mukha nga kayong naglalambingan dito!” ani Dylan kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin“Wala naman akong pakialam diyan sa mga post na yan! Pero hindi ibig sabihin noon na papalagpasin ko ito!” galit na wika ko“Yari na naman si Annika!
CarrineFirst birthday ngayon ni Harold Alessandro at dito na sa restaurant ginanap ang unang kaarawan ng aking anak ayon na din sa kagustuhan ng Daddy Gregory niya. Wala namang ibang bisita kundi ang mga staff din ng restaurant at ang mga anak nila dahil children’s party nga ito.Umakyat din ng Baguio si Jayson bagi ang okasyon at naging katuwang ko siya sa paghahanda ng mga pagkain para kay Harold. Kasalukuyang nagpe-perform ng magic show ang clown at talaga namang nage-enjoy ang mga bata dito. Kalong naman ni Gregory si Harold habang nanunuod sila ng magic show at katabi naman niya si Jayson na may dalang bimpo para punasan ang pawis ng bata.“Daddy na daddy yung dalawa oh!” sabi ni Eloisa habang nakatingin na direksyon ng dalawang lalaki na mahalaga sa buhay naming mag-ina“Oo nga, Eloisa! Honestly hindi ko alam kung paano ko kinaya ang lahat kung hindi dahil sa inyo!” sagot ko naman sa kanya“Alam mo, mas magiging okay ang lahat kung sasagutin mo na si Gregory! Ang tagal ng nanl
HeliousMag-iisang taon na pero hanggang ngayon, wala pa rin akong makuhang update kung nasaan si Carrine. Hindi siya umuwi sa Lucena at wala din silang mapala kay Eloisa at kay Jayson kaya naman kahit mahirap, pinahinto ko na ang paghahanap sa kanya.It just hurts me more lalo kapag sinasabi ng agent na wala pa silang lead. Maybe I just have to hold on to the saying na if it’s meant to be, it will be.I did my best to have her back pero hindi ko siya matagpuan at kung magkikita man ulit kami, maybe, that is really fate.Unti-unti, Hunter is coping up with what happened to his Mom. Ayoko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Simonne pero naisip ko na kailangan niya din itong malaman. Ayokong dumating ang panahon na sumbatan ako ng anak ko dahil inilihim ko sa kanya mag tungkol sa Mommy niya.Naalala ko na tinanong ko siya kung gusto niyang makita ang Mommy niya na noon ay nakakulong na dahil sa mga kasong isinampa namin sa kanya.Pero umiling siya at sinabing ayaw niyan
CarrineKinabukasan, I took the day off dahil plano kong magpunta sa bayan para mamili ng ilang gamit na kakailanganin para sa anak ko. Nakabili na ako noon pero may kulang pa kaya naman ngayon ko balak mamili lalo at nandito si Jayson.Nag day-off din si Eloisa para masamahan ako and suprisingly, sumama din si Gregory sa amin.“Okay lang ba na wala tayong tatlo?” tanong ko habang nakaupo kami ako sa fronte seat ng kotse ni Gregory. Nasa likod naman si Eloisa at Jayson na panay nag paglalambingan.“Nandoon naman si Susan!” tukoy niya sa manager ng restaurant“Isa pa, we also need time off!” dagdag pa niya habang nakatingin sa dalawang kaibigan namin sa likod“Hindi ka ba naiinggit sa kanila?” tanong sa akin ni Gregory kaya inikutan ko na lang siya ng mataHindi na din ako nagkomento dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.Nakarating kami sa mall at namili na ako ng mga bagay na kakailanganin ko para sa panganganak at para na din sa baby. Natatakot din naman ako pero kailangan kon
CarrineNahipo ko ang tiyan ko habang nakaupo ako dahil kakatapos ko lang mag-lunch. Apat na buwan na ang tiyan ko at masaya ako dahil nandito na din si Eloisa. Naka-assign siya sa kaha dahil nagkataon namang nag-resign ang cashier ng restaurant noong araw na dumating siya dito.Nakahanap naman ako ng OB-Gyne dito at okay naman ang naging check-ups ko at labis kong ipinagpapasalamat iyon. Nakakausap ko na ang kapatid ko at kahit patago ay panatag ako dahol okay naman daw sila doon.Ayon sa kanya, hindi na kinuha ni Philip ang titulo at umalis daw ito ng bansa nung sabihin niya na ayaw ko talagang magpakasal sa kanya.Sana lang, matanggap na ito ni Philip dahil kahit anong gawin niya, hindi ko siya pakakasalan!“Okay ka lang?” nagulat pa ako nung tumabi sa akin si Gregory kaya napatuwid ako ng upo“Ayos lang ako! Nag-lunch ka na ba?” tanong ko sa kanya For the past months, naging kaibigan ko na din siya at pati nga ang pagtawag sa kanya ng ‘Sir’ ay pinatigil na niya din. Madalas ako
HeliousNagmamadali akong umuwi as soon as I heard my son’s name. Hindi na ako nagtanong and I just went straight to the parking lot para makauwi ako agad.Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos sa agent. Basta ang sinabi ko na lang, tatawagan ko siya para sa susunod na plano.Mabilis akong nagmanehong pauwi habang panay ang dasal ko na sana okay lang ang anak ko.Hindi sinabi sa akin ni Mommy kung ano ang nangyari basta ang sabi lang niya, kailangan kong umuwi.Pagdating ko ng mansion ay agad akong tumakbo paakyat sa kwarto pagababa ko ng kotse.Naabutan ko doon ang parents ko pati na si Yaya Lupe at Manang Lanie.“Hunter …” I saw my son sitting in bed at nakayakap siya kay Mommy“Mommy, anong nangyari?” naguguluhang tanong ko kaya napaiyak naman si Hunter “Daddy okay lang po ako! Please don’t tell Mommy kasi magagalit na naman po siya sa akin!” Napaiyak na din si Mommy at ganoon din ang dalawang kasambahay namin kaya lalo akong naging clueless.“Ano bang nangyayari?” “That woma
HeliousKasalukuyan kaming kumakain ng almusal isang umaga and I asked my Mom dahil wala pa sa hapag si Daddy.“Bakit wala pa si Daddy?” “Nagbibihis pa, iho! Hay naku, ewan ko ba diyan sa Daddy mo, napakatagal kumilos!” sagot ni Mommy sa akin saka siya napailingKasabay naming kumakain si Simonne kahit pa alam ko na hindi talaga kumportable sa kanya ang mga tao dito.Napansin ko na matamlay si Hunter kaya nag-alala ako na baka may nararamdaman siya.“Are you okay, buddy?” tanong ko dito pero umiling siya agad sa akin sabay yuko na para bang pinipigil ang pag-iyak“Apo, may problema ka ba?” tanong din ni Mommy dahil hindi naman siya ganito datiMasayahin si Hunter at masasabi ko na nawala na ang tampo niya sa akin after naming mamasyal noon sa Ocean Park. Kaya naman I make it a point that every Sunday ay kasama ko siya at ipinapasyal sa kung saang lugar niya gusto.Isang buwan na din si Simonne dito pero ni minsan ay hindi ito sumama sa amin ni Hunter at hinayaan ko lang dahil mas gus
CarrineUnti-unti, nakapag adjust naman ako sa bagong mundong ginagalawan ko ngayon at dahil masaya ako sa trabahong ginagawa ko, parang hindi ako nakakaramdam ng pagod. Minsan nga, pinapaalala pa sa akin ni Chef Jigz na maghinay-hinay lalo at nagdadalang tao ako.Hindi nauubusan ng reservation ang restaurant kaya naman busy na ang kusina pagtuntong ng alas-diyes ng umaga. Marami na akong natutunan na bagong recipe buhat kay Chef Jigz at may ilang menu na din siyang ipinagkakatiwala sa akin. Ayon nga sa kanya, bilib siya sa akin dahil madali daw akong magkabisado ng gagawin at hindi ako mahirap turuan.Madalas naman akong tawagan ni Jayson at ni Eloisa at nalaman ko din sa kanila na hindi na daw nagpupunta sa kanila si Helious. Masaya naman ako dahil sa wakas, mukhang sumuko na din siya.Nami-miss ko si Hunter at palagi ko nga siyang naaalala kapag nagluluto ako ng spaghetti with meatballs na siyang paborito niya. Madalas kong isipin na sana, inaalagaan siya ng mabuti ni Simonne. San