Carrine
Sa isang coffeeshop kami nagpunta ni Mr. Saavedra at doon niya sinimulang ipaliwanag sa akin ang tungkol sa kalagayan ng anak niya. Nakinig lang ako at sa totoo lang nakaramdam ako ng awa sa batang tumawag sa akin ng Mommy dati.
“Gaya ng sinabi ko, you will take Simmone’s place habang hindi pa stable si Hunter. Gawin mo ang responsibilidad bilang ina at kapag makakaya na niyang intindihin ang sitwasyon, you can leave!” cold na sabi ni Mr. Saavedra sa akin
“Eh sir, hindi po kaya mas lalong masaktan ang anak ninyo sa gagawin ninyo? Papaasahin niyo siya sa isang bagay tapos bigla niyong babawiin? Hindi ba mas mahirap po yun?” tanong ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay
“Kung magta-trabaho ka sa akin, I won't allow you to ask questions nor question my decisions!”
Buhat kanina, ni hindi ko man lang yata nakita na ngumiti ang mamang ito. Yung parang pinaglihi siya sa sama ng loob at palaging galit sa mundo.
Hindi yata kaya ng kunsensya ko ang gusto niyang mangyari lalo pa at batang inosente ang involved. Marami pa namang trabaho diyan na pwede kong pasukan kaya minabuti ko na lang na tumanggi.
“Pasensya na po Mr. Saavedra, hindi ko po matatanggap ang alok ninyong trabaho. Pasensya na po!” sabi ko sa kanya saka ako tumayo para magpaalam
“In case you forgot, wala ka ng trabaho, starting today!” cool na sabi niya saka siya humigop ng kape
“Alam ko naman po! Marami namang trabaho na mapapasukan kaysa naman gawin ko ang labag sa kalooban ko.” sagot ko sa kanya
“Nakasanla ang bahay at lupa ninyo, hindi ba? Yun ang dahilan kaya ka lumuwas ng Maynila hindi ba? Ang tatay mo, may sakit at nangangailangan ng pera para sa pagpapagamot niya, tama ba?”
Nanlaki ang mata ko sa aking narinig dahil nagawa niyang ungkatin ang mga bagay na iyon. Is he that powerful para magawa niyang hanapin ang pamilya ko sa Lucena?
“Totoo po yun! Kaya nga po ako nagsisikap pero ng dahil sa inyo, nawalan ako ng trabaho!” malungkot na pahayag ko pero ni hindi man lang yata natinag ang damdamin ng taong ito
“I am giving you a chance, Ms. Esguerra! Why don’t you just grab it?” nakatitig siya ng matalim sa akin at nakaramdam ako ng kilabot just by looking at his eyes kaya naman minabuti ko ng magpaalam
“Aalis na ako! Salamat na lang sa offer!” sabi ko saka ako tumalikod
Narinig ko ang pagtunog ng phone niya and when he answered it at narinig ko ang sinabi niya ay kusang huminto ang paghakbang ko.
“Okay Mommy, papunta na ako diyan. Tawagan niyo agad si Doc Mejares!”
Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Mukhang may nangyari sa anak niya at hindi ko naman mapigil ang sarili ko na magtanong lalo at naalala ko kung paano ako yakapin ni Hunter.
“Anong nangyari?”
“Dinala ulit sa ospital si Hunter!” maikling sagot niya sa akin saka niya ako nilagpasan at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at patakbo akong sumunod kay Mr. Saavedra
Nakita ko ang pagtataka niya pero hindi na niya nagawang magtanong nung buksan ko ang pinto ng kotse niya at agad akong sumakay. Mabilis ang takbo namin at napakapit na lang ako sa seatbelt ko sa takot na baka mabangga kami.
Nagdasal na nga ako at napapitlag pa nga ako nung bigla siyang magsalita.
“What are you doing?” sabi niya sa akin kaya napailing na lang ako
“Nagdadasal….”
“What?” tanong niya at dahil sa kalsada siya nakatingin, nabistahan kong mabuti ang mukha niya sa ganung anggulo.
Hindi maipagkakailang gwapo at mabango siya ha! Matangos ang ilong niya and his skin is fair, lalaking-lalaki ang dating! Makinis din siya and his lips is so….red! Medyo wavy ang buhok niya at bagay na bagay ang gupit niya sa hugis ng kanyang mukha. His beard is shaved nicely and it compliments his dark aura. Misteryoso, cold, arrogant and dangerous and it is well displayed by his eyes.
“It’s rude to stare, woman!” sabi niya sa akin kaya napakurap ako at pakiramdam ko kinain ng pamumula ang dalawang pisngi ko
“Sorry…” napangiwi na lang ako saka ako bumaling sa bintana dahil nahihiya ako sa kanya
‘Diyos ko, Carrine, titig pa more!’
“Ano ba ang pagdarasal mo?” tanong niya sa akin kaya muli akong napatingin sa gawi niya
“Na ayoko pang mamatay!” napangiwi na lang ako lalo at nakita ko ang pagsimangot niya
Hindi na ako nagsalita dahil baka tuluyan na akong sipain ni Mr. Saavedra palabas ng kotse. Nang makarating kami sa ospital ay sumunod ako sa kanya as soon as he parked the car.
May kausap siya sa phone at agad siyang sumakay sa elevator nung bumukas ito kaya naman hindi ako nakagalaw.
“Ano pang tinatayo mo diyan?” tanong niya sa akin kaya umiling na lang ako
“Hindi na pala ako sasama!” sabi ko sa kanya kaya nakita ko na naman ang talim sa mga mata niya
“Pinaglalaruan mo ba ako, Ms. Esguerra? May emergency case ang anak ko at wala akong panahon sa pag-iinarte mo!” bulyaw niya sa akin kaya napalunok na lang ako
Ano ba naman kasi talaga ang pumasok sa isip ko at sumama pa ako dito.
“Dammit!” narinig kong sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng takot at pumasok na agad ako sa loob
Pagsara ng elevator ay pinindot ni Mr. Saavedra ang twenty kaya naman naisip ko na mahaba-habang biyahe ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko saka ako huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mata ko dahil nagsisimula na akong pawisan ng malamig.
“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Mr. Saavedra at kahit nahihirapan na ako ay tumango na lang ako
I held my chest dahil naninikip na iyon at kasabay ng pagbukas ng elevator ay nagdilim na ang paningin ko.
******
Hindi ko alam kung nasaan ako pero base sa amoy ng paligid ay alam kong nasa hospital ko. Naalala ko ang nangyari sa akin kanina at nasapo ko na lang ang noo ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin at nagiging bobo na yata akong mag-isip?
“You can get yourself killed, alam mo ba yun?”
Napadilat ako nung marinig ko ang malamig na boses na iyon. Napakalamig na tumatagos ito hanggang buto ko.
“Bakit ka sumakay sa elevator if your claustrophobic?” sita niya sa akin nung lingunin ko siya
Nakaupo siya sa tabi ng kama and as usual, galit na naman ang mga mata niya
“So-sorry…natakot kasi ako sayo kanina!” sagot ko kaya at nagyuko na ako ng ulo dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya
“Sa akin natatakot ka pero yung mapahamak ka, hindi?” sermon niya sa akin kaya hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba ang usapan
Hanggang sa maalala ko ang anak niyang si Hunter. Imbes na nandun siya sa tabi ng anak niya, nandito siya at mukhang binabantayan pa ako.
“Ka-kamusta si Hunter?” tanong ko sa kanya habang nakayuko ay narinig ko ang paghinga niya ng malalim
“OKay na siya, Nag-nosebleed daw siya kanina at nag-panic si Mommy at ang Yaya niya! Pero the doctor suggested that he undergo tests para makasiguro na hindi ito associated sa sakit niya.” malungkot na kwento ni Mr. Saavedra
“Sana maging okay na siya! Pasensya na sa abala, Sir! Okay naman na po ako, uuwi na po ako sa amin!” sagot ko sa kanya saka ako bumangon
Inalalayan naman ako nito at halos mapitlag ako nung muling dumampi ang kamay niya sa akin. Para kasi akong nakuryente.
“Ihahatid na kita!” sabi niya sa akin pero umiling ako
“Huwag na, balikan mo na si Hunter dahil mas kailangan ka niya!” sagot ko sa kanya saka ko pasimpleng binawi ang braso ko
“Okay! Mag-iingat ka! Ako na ang bahala dito!” tukoy siguro niya sa babayaran ko sa ospital
OA naman kasi! Nahimatay lng ako, private na kwarto pa talaga ako dinala!
Nakaupo pa rin ako sa kama and Mr. Saavedra started to approach the door nung bigla itong bumukas.
“Mommy! Mommy!”
Hindi ako nakakilos ng pumasok sa kwarto si Hunter habang pigil ito ng yaya niya. Hindi ko alam pero may kurot talaga sa puso ko ang bawat pagtawag niya sa akin ng Mommy.
Patakbo siyang lumapit sa akin at dahil nakalawit ang paa ko sa kama ay doon siya yumakap.
“Mommy! What’s wrong? May sakit po ba kayo?” tanong niya sa akin kaya naman nahawakan ko ang dibdib ko
“Hunter, let’s go muna! Nag-uusap pa ang Daddy mo at ang ale!” sabi ng Yaya niya dahil nakilala ko ito he last time I saw at the mall
“No! Bakit ba ayaw ninyong makasama ko si Mommy! Daddy, diba sabi mo, basta magpakabait ako at magpagaling, ibibigay ni Papa Jesus yung wish ko?” inosenteng tanong ni Hunter sa Daddy niya at hindi naman ito nakapagsalita sa harap ng bata
Alam ko na nahihirapan din ito sa sitwasyon lalo at nawala na ang matigas na ekspresyon sa mukha niya at napalitan iyon ng pag-aalala. Mahal na mahal talaga nito ang anak niya at kitang-kita iyon sa galaw niya.
“Hunter, kasi hindi kasi si…”
“Hunter, halika dito! Gusto kang mayakap ni Mommy!” putol ko sa sasabihin ni Mr. Saavedra dahil hindi yata kayang makita ng mata ko kung paano patayin ng sariling ama ang pag-asa na bakas sa mata ni Hunter
Napatingin sa akin si Mr. Saavedra at ganun na lang ang ngiting sumilay sa mata ni Hunter nung marinig niya ang sinabi ko.
“Mommy!” sabik na sabik ang paraan ng pagbigkas ni Hunter ng mga salitang iyon at doon ko napagtanto kung gaano nangungulila ang batang ito sa kanyang ina
Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit sa nanay ng bata dahil para sa akin, kahit ano pa ang dahilan, hinding-hindi ko iiwan ang anak ko!
Binuhat ni Mr. Saavedra ang bata at inupo iyon sa kama at agad siyang yumakap sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
“Mommy, pwede po bang huwag ka ng umalis? Please Mommy?” pakiusap pa niya at hindi ko napigil ang luhang dumaloy sa mga mata ko
Niyakap ko si Hunter ng buong puso at alam ko, sa mga oras na ito, mababago na ang takbo sa buhay ko.
Carrine“Sigurado ka na ba diyan sa pinasok mo?” tanong sa akin ni Eloisa habang inaayos ko ang mga gamit ko na dadalhin ko sa paglipat ko sa mga SaavedraKahapon, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na magdesisyon ng ganun.Pero nung makita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Hunter ay nabalot ng kakaibang saya ang puso ko.At hindi na ako umalis sa tabi ng bata nung kinukuhanan siya ng dugo para sa laboratory tests niya. Alam kong nasasaktan siya at ginawa ko naman ang lahat para maibsan iyon and he was so happy na ayaw na niyang humiwalay sa akin.Nung magpaalam na ako kagabi ay umiyak na naman ito at sinabi na huwag na akong umalis but I assured him na babalik ako dahil kailangan ko lang kunin ang mga gamit ko. At kahit nandoon ang pagdududa sa mata niya, hinayaan niya ako at humiling siya na tuparin ko ang pangako ko na babalik ako.Ngayong umaga, nagpaalam na ako kay Eloisa na halatang tutol naman sa naging pasya ko.“Trabaho ito
HeliousMasayang-masaya si Hunter the moment na makapasok kami ni Carrine sa mansion. Alam niya na darating ako ngayon kasama ang Mommy niya and he is so excited dahil alam niyang dito na ito titira.Nakilala na din niya ang parents ko at alam ko makakasundo niya din si Herakaag nakilala niya ito.Kanina, matapos ko siyang iligtas ay nag-usap kami ng masinsinan sa kotse at humingi ako ng pasensya sa kanya sa inasal ko. I know my fault at alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganung klaseng tao. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maliitin ang mga taong galing sa hirap dahil ang Mommy ko ay galing din sa hirap bago niya nakilala ang tunay na ama niya, si Grandpa Amadeo Conti na isang Italyano.Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nakikita ko si Carrine, naghihimagsik ang kalooban ko lalo at naaalala ko sa kanya si Simonne. Kung hindi nga lang nangyari ang pagkikita nila ni Hunter sa mall, hindi ko na kailangang hanapin pa ang babae na ito pata magpanggap na nan
CarrineMasaya naman ang unang araw ko sa mansion ng mga Saavedra at mabuti na lang, umalis si Mr. Saavedra para pumasok sa opisina dahil kung hindi, hindi ko siguro magagawa ng maayos ang trabaho ko.Kung bakit naman kasi niya ako hinalikan kanina nang dahil lang sa hiling ni Hunter eh kung tutuusin pwede naman siyang gumawa ng dahilan. Unang halik ko yun eh! At inilalaan ko iyon sa lalaking mamahalin ko pero anong ginawa niya? Ninakaw niya yun sa akin at ang nakakainis pa, napakalakas ng tibok ng puso ko na para bang lilipad na ito palabas ng dibdib ko.Mabuti na lang ay nalibang ako sa pag-aalaga kay Hunter at nakita ko sa kanya ang pangungulila kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para maibigay ko ang pag-aalaga na kailangan niya.Pagdating ng alas-dos ay pinatulog ko muna siya dahil isa yun sa mga kailangan kong gawin habang nandito ako. Binasa ko ulit ang mga do’s and don’ts when it comes to Hunter habang natutulog siya at kinabisado ko iyon para mas lalong mapabilis ang pa
CarrinePanay ang puri sa akin ng daddy ni Sir Helious nang matikman niya ang niluto ko ngayong gabi.Hindi nga siya makapaniwala nung marinig niya ang kwento ko na inilahad ni Ma’am Sophia tungkol sa pagiging dishwasher ko sa isang restaurant.“Well, mas mahahasa ang talent mo kung mag-aaral ka, iha! You obviously have the talent!” sabi pa ni Sir Hendrix sa akin“ Sa ngayon po, hindi ko po iniisip yun! May mga dapat po kasi akong unahin!” sagot ko sa kanya“Sayang naman kasi, iha! Pero of course, nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Sir Hendrix“How’s the food, Hunter? Did you like it?” tanong ni Ma’am Sophia sa apo niyaKatabi ko siya at inaasikaso ko siya sa pagkain niya at sa palagay ko, nagustuhan naman niya ang hinanda ko.Hindi naman nagsalita si Hunter dahil may laman ang bibig niya but he gave his lola a thumbs up! Kaya natawa na lang ang lolo at lola niya habang ang tatay niya, as usual walang reaction sa mga nangyayari.Wala naman siyang violent reaction sa pagkain. Pero wala
Helious Kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan at nung lingunin ko si Carrine ay wala na ito sa tabi ko. Siguro ay maaga itong nagising kahit pa alam ko naman na nahirapan din siyang matulog kagabi dahil siguro hindi siya kumportable na nandito siya sa kwarto ko. Wala naman talaga ito sa plano ko pero hindi ko alam kung bakit naisipan kong ipilit ang gusto ko at dahil ako ang amo niya, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Pero totoo naman yung sinabi ko sa kanya that Hunter sometimes barge in my room lalo kapag hindi siya makatulog. Ayokong mangyari iyon at malaman niya na sa ibang kwarto natutulog ang mommy niya dahil makakaapekto iyon sa recovery niya. I grabbed my phone na nasa sidetable and I checked my schedules today. Marami pala akong meetings ngayon but of course wala akong magagawa dahil ito ang buhay ko. Yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pinursige ko na mapapayag si Carrine para kahit papano, w
Carrine “Mommy, you are not listening!” Naramdaman ko ang pagyugyog ni Hunter sa kamay ko kaya naman naputol ang malalim na pag-iisip ko. Kung bakit naman kasi ako pa ang nautusan na magdala nung mga papeles na naiwan ni Sir Helious sa bahay eh! Tuloy, may nakita pa akong hindi dapat makita! Ni hindi ko nga alam kung paano akao nakalabas sa building na yun eh! Hirap na hirap ako sa pag-akyat sa hagdan ay nagmamadali pa ako dahil ang sabi daw niya, importante ang papel at kailangan niya sa meeting! Aba! Eh ibang meeting naman pala ang ginagawa ng magaling kong amo! “Mommy…” tawag ulit ni Hunter kaya naman kulang na lang iumpog ko na ang ulo ko dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang pakikipaghalikan ni Sir Helious doon sa babaeng nakakakalong sa kanya Grabe lang! May motel naman hindi ba? Sa opisina pa talaga! “Mommy…” tawag ulit ni Hunter at malakas na ngayon kaya naman napatingin na ako sa kanya ‘Diyos ko Carrine, ano bang pakialam mo kung makipaghalikan siya?’ “Ye
CarrineAng sumunod na mga linggo ay naging abala para kay Sir Helious dahil sa mga schedules niya sa kumpanya.Wala namang nagbago sa set-up namin at kagabi ko napatunayan na totoo ngang minsan pumapasok si Hunter sa kwarto ni Sir Helious at naglalambing na doon matulog.Sana nga gabi-gabi siyang ganito dahil sa totoo lang, nahihirapan akong matulog knowing na katabi ko si Sir Helious.Kaya naman noong panahon na busy siya at gabi na umuuwi, agad akong nahihiga para mauna akong makatulog. Nagagawa ko naman pero kapag dumarating siya, kusa namang nagmumulat ang mga mata ko para tanungin kung kumain na ba siya.Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito dahil ang anak niya ang dahilan kung bakit ako nandito pero diba, magkaibigan naman kami?So I guess, okay lang naman yun!Matapos kong maglinis ng katawan ay nahiga na ako para makatulog. Alas-nuebe na ng gabi pero wala pa din si Helious kaya naisip ko na baka marami pa rin siyang kailangang gawin.Hunter misses his dad pero pinapaliwanag
CarrineNasamid ako sa iniinom ko noong marinig ko ang sinabi ni Hunter tungkol sa kapatid. Pakiramdam ko ba, yung iniinom kong kape, napunta lahat sa ilong ko. Hinagod naman ni Manang Lanie ang likod ko lalo pa at panay ang ubo ko.“Okay ka lang, Mommy?” inosenteng tanong ni Hunter sa akin and I nodded dahil hindi ako makapagsalitaSi Helious naman ay nakatingin lang sa akin na mukhang tuwang-tuwa pa sa sinabi ng anak niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. “Ah buddy, ganito kasi yun, hindi muna kami gagawa ni Mommy ng kapatid mo kasi siyempre gusto naming makabawi sayo dahil matagal ka naming hindi nakasama!” saad ni Helious Nag-isip naman si Hunter saka siya tumingin sa Daddy niya.“Daddy, okay naman na po ako! Gusto ko lang po talaga na magkaroon ng baby brother or sister! Pero po, mas maganda po kung magpapakasal na kayo ni Mommy, diba Mommy?” sa akin naman bumaling ang mga mata ni Hunter kaya para akong pinagpapawisan ng malapotObviously, hinihintay ni Hunter ang sagot at i
CarrineUnti-unti, nakapag adjust naman ako sa bagong mundong ginagalawan ko ngayon at dahil masaya ako sa trabahong ginagawa ko, parang hindi ako nakakaramdam ng pagod. Minsan nga, pinapaalala pa sa akin ni Chef Jigz na maghinay-hinay lalo at nagdadalang tao ako.Hindi nauubusan ng reservation ang restaurant kaya naman busy na ang kusina pagtuntong ng alas-diyes ng umaga. Marami na akong natutunan na bagong recipe buhat kay Chef Jigz at may ilang menu na din siyang ipinagkakatiwala sa akin. Ayon nga sa kanya, bilib siya sa akin dahil madali daw akong magkabisado ng gagawin at hindi ako mahirap turuan.Madalas naman akong tawagan ni Jayson at ni Eloisa at nalaman ko din sa kanila na hindi na daw nagpupunta sa kanila si Helious. Masaya naman ako dahil sa wakas, mukhang sumuko na din siya.Nami-miss ko si Hunter at palagi ko nga siyang naaalala kapag nagluluto ako ng spaghetti with meatballs na siyang paborito niya. Madalas kong isipin na sana, inaalagaan siya ng mabuti ni Simonne. San
HeliousHindi nga sumama si Simonne sa lakad namin kinabukasan dahil masama daw ang pakiramdam niya at para sa akin, okay lang yun. Hindi ko talaga maatim na makasama ang babaeng ito lalo at may hindi ako magandang kutob sa kanya.Pagkatapos naming magsimba ay kumain muna kami ng early lunch kasama ang parents ko pero hindi na sila sumama sa lakad namin ni Hunter dahil magkikita-kita daw sila ngayon ng mga elders sa mansion ng mga Monteverde.“Daddy, is Mommy okay po?” tanong sa akin ni Hunter habang bumibyahe kami papunta sa Ocean Park“I think so Hunter! Baka naman hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.” sagot ko sa anak ko“Kasi po parang nagbago po siya!” sagot sa akin ni Hunter kaya hindi ko mapigilang magtanong sa kanya“What do you mean anak?” kinakabahang tanong ko sa kanya Alam ko na matalas si Hunter gaya ng palaging sinasabi sa akin ni Carrine. Nangamba ako na baka may nahalata ito kay Simonne.“Kasi po dati, Mommy loves to play with me po. Pero ngayon po, palagi lang
HeliousIsang linggo na ang nakakaraan magbuhat nung umalis sa mansion si Carrine at hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya mahanap. Ilang beses akong nakiusap kay Eloisa pero siya man ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan niya. At naniniwala naman ako dahil nakikita ko din ang pag-aalala sa mga mata niya.Bumalik din ako sa restaurant ni Jayson pero ganun din ang naging sagot niya sa akin. Hindi niya nakita si Carrine at hindi din ito tumawag sa kanya. Nasa opisina ako sa mga oras na ito at kung pwede nga lang na hindi ako umuwi sa mansion ay ginawa ko na dahil hindi ko gusto ang presensya ni Simonne. Pero dahil kay Hunter, nagagawa kong pakisamahan ang babae na yun. Alam ko na may kinikimkim na galit sa akin ang anak ko lalo na at pinalabas ni Simonne nung nakaraan na sinaktan ko siya at doon talaga nag-iinit ang ulo ko. Kaya naman bukod sa paghahanap kay Carrine ay pinaimbestigahan ko ulit si Simonne dahil kailangan kong makahanap ng bala na pwede kong gamitin sa kanya if the sit
CarrineMaaga kaming umalis ni Jayson sa Maynila papuntang Baguio and he has been attentive to me sa oras ng aming biyahe.Siguro kasi dahil buntis ako kaya naman panay ang tanong niya sa akin kung nangangawit daw ba ako o baka gusto kong magbanyo. Kaya naman malaki talaga ang pagpapasalamat ko sa kaibigan kong ito dahil hindi niya ako pinapabayaan sa oras ng pangangailangan.Bandang alas-otso ng umaga ay nakarating kami sa lugar kung saan nandoon ang restaurant ng kaibigan ni Jayson.Wala ito sa mismong bayan at medyo malayo sa sentro pero worth it naman dahil maganda ang location at wala naman traffic kapag nagpunta ka dito. Perfect ito sa mga taong ayaw sa congested areas at mas enjoy marahil ang dining experience dito dahil ramdam mo ang malamig na klima ng Baguio.Hindi ko mapigilang mamangha dahil ang ganda ng lugar at malinaw na matatanaw mo ang mga bundok kung saan nakatayo ang nagtatayugang puno ng mga pine trees.“Ang ganda dito Jayson!” nakangiting saad ko habang inililibo
Carrine“Hindi mo ba talaga kakausapin si Helious, Carrine?” tanong sa akin ni Jayson isang umaga habang nag-aalmusal kaming dalawaIsang linggo na ako dito sa unit niya at nalaman ko na nagpunta daw si Helious sa restaurant para kausapin si Jayson.Ang sabi ni Jayson, maaring ako ang dahilan kung bakit hinahanap siya ni Helious dahil wala namang ibang dahilan pero umiling na lang ako sa kaibigan ko.I don’t want to see him again. Nakaalis na ako doon at ayoko ng bumalik! Nandoon na si Simonne, bakit pa ba niya ako hinahanap?“Wala na kaming pag-uusapan Jayson!” matigas na pasya ko kaya napahinga naman siya ng malalim “Carrine, alam mong meron kayong pag-uusapan! Ayaw mo lang!” ani Jayson “Tama ka Jayson! Ayoko! Kaya hayaan mo na ako sa gusto ko!” sagot ko sa kanya“Well, nasa sayo yan, Carrine! You will decide on that pero alam mo naman na walang lihim ang hindi nabubunyag! Sooner or later, he will find out the truth kaya paghandaan mo yan!” payo sa akin ni Jayson at tumango na lan
HeliousPatakbo akong pumasok sa kusina para makita si Manang Lanie dahil natitiyak ko na alam niya ang tungkol sa pag-alis ni Carrine sa mansion.“Manang! Manang Lanie!” tawag ko sa kanya pero hindi ko siya makita sa kusina kaya naman sa pinuntahan ko siya sa servant’s quarter at doon ko nga siya natagpuan.“ Manang!” tawag ko sa kanya dahil nakaupo siya sa kama at nung mapalingon siya ay nagpahid pa siya ng kanyang luha“Manang, ano po bang nangyari? Bakit umalis si Carrine?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya nagsalita at tumingin lang sa akin “Manang…” untag ko sa kanya pero umiling lang siya“Hindi ko alam! Basta pagbaba ko dito, wala na siya! Nag-iwan lang siya ng sulat!” sagot nito sa akin at nakikita ko ang paraan ng pgtingin niya sa akin kaya alam ko na sinisisi niya ako sa nangyari“May iniwan din siyang sulat para sa iyo.” sabi pa ni Manang saka niya itinuro ang papel na nasa mesa bago niya ako iniwan sa kwartong ito na siyang ginamit ni Carrine noong paalisin ko siy
CarrineNung makaalis na si Helious at si Silver ay saka lang ako lumabas ng kwarto ni Hunter dahil naninikip talaga ang dibdib ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit na ganito ang ginawa sa akin ni Helious.Pinahiran ko ang luha ko dahil ayoko ng umiyak! Nakakapagod na at nangako na ako sarili ko na hindi na ako luluha kung para lang sa kanya!Pagbaba ko ay narinig ko na may kausap si Manang Lanie sa sala at nanlaki na lang ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang kausap niya.It was Simonne!Nakita ko din ang gulat sa mukha niya nung makita ako at nilapitan pa niya ako para mabistahang mabuti ang mukha ko.“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin habang hindi naaalis ang mga mata sa mukha koAkma akong tatalikod pero pinigilan niya ako at galit na inabot ang buhok ko.“Walanghiya ka! Nagpapanggap ka bang ako? I will kill you! You impostor!” aniya saka niya ako hinila palabas ng pinto“Ay! Bitawan mo si Carrine! Wag mo siyang saktan!” pigil naman ni Manang pero hindi nama
HeliousMasama ang tingin sa akin ni Silver habang paalis kami ng mansion at buhat kanina ay tahimik siya at alam ko naman ang dahilan noon.Kanina, ganun na lang ang gulat niya when she heard Hunter called Carrine ‘Mommy’.At nakikita ko ang daan-daang tanong sa kanyang mga mata.Kaya naman napilitan akong ikwento sa kanya ang sitwasyon namin ni Carrine.“I can’t believe you, Helious! Ginawa mo yun sa kanya?” sa wakas ay nagsalita na din si Silver at alam ko na ang kasunod nitoIsang mahabang sermon!“Look, I am not justifying what I did, okay! I know I am wrong!” “Bloody hell, Helious! You are! And I can’t believe pinaabot mo yun ng ganung katagal! Do you think that she will just sit there and accept everything without hurting?!” sumbat pa sa akin ni Silver “Mukhang hindi naman siya naaapektuhan! Isa pa, iiwan niya rin kami kaya hinahanda ko na nag sarili ko!” katwiran ko pa kaya napailing si Silver“Kung ganyan ka mangatwiran, be ready then! Dahil kung ako si Carrine, hindi ako t
Carrine“Ayos ka lang ba anak?” tanong sa akin ni Manang Lanie nung makauwi na ako galing sa bangko Nagcheck kasi ako ng pera doon dahil kailangan ko na uling magpadala ng pera sa pamilya ko pati na rin ng panghulog sa mga de Silva. Alam ko na matatagalan pa ang pagbabayad namin sa kanila pero ang mahalaga, nakakapaghulog ako sa kanila.“Opo Manang, okay lang po ako!Medyo mainit po kasi kanina sa labas!” katwiran ko sa kanyaKumuha agad ako ng malamig na tubig sa ref dahil para akong nanginginig, dahilan para mabitawan ko ang baso.“Ay Diyos ko anak! Ano bang nangyayari?”nag-aalalang sabi ni Manang saka niya ako hinila palayo sa mga bubog na nagkalat sa sahig“Halika nga rito, maupo ka muna!” hindi ko na napigilan ang luha ko habang hawak naman ni Manang Lanie ang kamay ko“Anak, kausapin mo ako! Ilang buwan ka ng ganyan! Nandito ako at pwede kitang damayan! Hindi mo naman kailangang solohin nag lahat!” sabi sa akin ni Manang Alam ko naman na gusto akong damayan ni Manang pero mas p