All Chapters of Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall: Chapter 11 - Chapter 20

40 Chapters

Chapter 6: P.1

Kinabukasan.Nang makarating si Eduardo sa kompanya, nakasalubong niya si Luna. Hindi pa alam ni Luna na nagbalik na pala sa Valley Heights ang lalaki kasama ang anak niyang babae.Biglang napatigil si Luna nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Eduardo, ang inakala nga niya'y kakabalik lang ni Luna galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Eduardo, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Luna.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Luna sa biglaang pagbalik nito sa Valley Heights. Sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Eduardo sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang Umaga." Ngunit ngayon,
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 6: P.2

Kung noon, talagang gagawin niya, pero ngayon na malapit na siyang makipaghiwalay sa lalaki, paano pa kaya niya nagagawa ang ganoong bagay? Ngunit hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Luna na magpaliwanag."Pakiusap, umalis kana kaagad!" malamig na sigaw ng sekretarya.Namumugto ang mga mata ni Luna, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang buhat ang tray. Ang mainit na kape ay halos natatapon na dahilan ng pagkapaso ng kanyang mga daliri, sa kabila ng matinding hapdi, hindi siya umimik at tahimik na tumalikod. Ngunit bago paman siya makalayo, muling umaalingawngaw ang boses ni Eduardo mula sa loob ng opisina: "Kung may susunod pang pagkakataon, huwag ka nang magpapakita pa rito sa kompanya." matigas na usal ng lalaki.Isinuko na ni Luna ang kanyang trabaho. Kahit hindi paman iyon nangyari, matagal na rin naman niyang pinagplanohan ang pag-alis ng kompanya agad-agad kapag nakahanap siya ng ipapalit niya.Lubos niyang naunawaan na wala siyang halaga sa mga taong naroon, an
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 7: P.1

Ang dalawang kasamahan ni Luna ay nagmamadaling umatras ng dalawang hakbang at sumandal sa pader. Para silang mga daga na natatakot sa pusa, habang nakasilip kay Regina.Nakita rin ni Regina si Luna. Ang mga mata nilang dalawa ay nagtama.Pero pagkatapos ay malamig siyang tumalikod, halatang hindi siya interesado. Deristyo ang tingin niya at walang pakialam na pamasok sa elevator habang pinapalibotan ng mga opisyal.Nang masara ang pinto ng elevator, nakahinga naman ng maluwag ang dalawang kasamahan ni Luna, at muli'y nag tsismisan ang dalawa habang kinikilig."Siya siguro ang kabiyak ni Boss Eduardo, di'ba? Grabe ang ganda niya! Lahat ng suot niya ang kilala sa lahat ng brand, halatang mamahalin, talagang mayaman siya. Ang kalmado at tiwala niya sa sarili niya ay mataas, iba talaga ang aura niya kompara sa ating mga ordinaryong tao!" ang sabi pa ng isang kasamahan."Oo nga!" sagot naman ng isa.Sabay na nagsalita ang dalawa at mahinang tinanong nila si Luna, "Luna, ano sa tingin mo?"
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 7: P.2

Nang makarating sila sa sulok ng lobby, ilang mga kaibigan nina Eduardo at Regina ang sumulpot sa dulo ng pasilyo.Mabilis na umiwas si Luna sa gilid, at narinig niya ang masayang tawag ng kanyang anak, "Tita Regina!" mabilis namang tumako ang batang babae, at yumakap ito ng mahigpit sa kanya.Si Luna ay nakatalikod na umupo sa isang sofa, at ginagamit niya ang mga halaman at ang sandalan ng upuan para bahagyang matakpan ang kanyang katawan at hindi makita ng sinuman."Aria, nakabalik kana rin?" masiglang tanong ni Regina."Kasi Tita Gina, nakabalik kana rin, hindi naman namin kaya ni Daddy ng wala ka. Kaya tinapos din agad ni Daddy ang kanyang mga gawain ng maaga para maisama niya ako pauwi rito! Sinasadya talaga naming bumalik kami sa isang araw bago ang kaarawan mo para makadalo kami sa iyong selebrasyon." masiglang wika naman ng batang babae. "Ito nga pala ang kwintas na ginawa namin ni Daddy para sa'yo. Happy birthday po Tita Regina." dagdag pa niya. Habang binabati ay makikita
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 8: P.1

May kung anung pamilyar na pigura ang kanyang nasulyapan, "Parang kilala ko siya..." mahinang usal ni Apollo sa sarili.Ang alaala mula sa pagkabata nila ni Eduardo, at ang tahimik na pagtingin ni Luna nito, ay muling sumulpot sa isipan ni Apollo, Isang alaalang alam ng lahat sa kanilang grupo.Maganda si Luna, walang duda. Ngunit ang kagandahang iyon ay tila naliligaw sa kanyang katahimikan. Wala siyang kapansin-pansing kakaibang katangian; isang uri ng kagandahang karaniwan, hindi ang tipo na karaniwang nagpapatibok ng puso ni Eduardo.Lagi siyang iniiwasan ni Eduardo, at dahil doon, hindi na nila gaanong napapansin si Luna. Bihira na rin nilang makasalubong ang dalaga, at kung minsan ay hindi na nila ito kinikibo. Para bang isang anino lamang si Luna sa kanilang mga buhay.Sa katunayan, medyo malabo na ang alaala ni Apollo sa mukha Luna, kaya't hindi niya tiyak kung siya nga ang nakita nito. Ngunit kung si Luna man ang kanyang nakita, hindi na niya ito gaanong pinansin, at ibinalik
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Chapter 8: P.2

Ngunit sa panahong iyon, si Eduardo ay wala pang dalawampung taong gulang!Ang mga kompanya ni Eduardo ay sumasaklaw sa mga larangan ng teknolohiya, medisina, libangan at turismo.Sa sumunod na mga taon, habang itinatatag niya ang kanyang sariling kumpanya, kinuha niya ang pamumuno nang Monteverde's Group. At sa nakalipas na ilang taon, madali niyang itinaas ang Monteverde sa mas mataas na antas.Sino ba naman ang hindi magtataas ng hinlalaki kapag si Eduardo ang pinag-uusapan? Bukod pa rito, ay ang napaka guwapo nitong hitsura. Kaya naman hindi nakapagtataka kay Eleanor na si Luna, isang henyo, ay umiibig sa lalaki na isa ring henyo. Ngunit tila ang lalaking ito ay talagang walang awa sa mga taong ayaw niya.Nang maalala ni Eleanor kung paano mali ang pagkakaintindi ni Eduardo kay Luna, at kung paano sinayang nito ang taos-pusong pagmamahal sa kanya sa loob ng maraming taon, ay para bang tuluyan naring nawala ang paghanga niya sa lalaki.Matagal nang nakikita ni Eleanor kung gaano k
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Chapter 9: P.1

"Sekretarya Luna, paki-ayos naman ang iyong pag-uugali sa trabaho. Akala mo ba bahay mo 'to?" malamig na usal ng lalaki. halatang naiinis dahil sa tingin niya ay ginagamit ni Luna ang posisyon nito para magkaroon ng espesyal na trato sa kanya.Kinabig ni Luna ang kanyang bag, habang ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. "Kung hindi kayo nasisiyahan, maari niyo na akong tanggalin agad ngayon." kalmadong tugon ni Luna sa lalaki."Ikaw--" ang sagot lamang nito.Nakasama na ng sekretaryang si Troy ang boss niyang si Eduardo sa Villa Esperanza noon, pero alam din niyang ang tungkol sa pag file ni Luna ng liham para sa pag-alis niya sa pagtatrabaho ng kompanya.At kahit pa lubos siyang pinagkakatiwalaan ng Boss niyang si Eduardo, hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kompanya, kaya't wala siyang karapatang sabihin kay Luna na umalis siya.Higit pa rito, si Luna ay paborito ni Ms. Monteverde. Kung pupunta si Luna doon para magreklamo, at kahit pa alam niya at sigurad
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Chapter 9: P.2

Bumuntong hininga ang matanda, "Kahit gaano ka pa kaabala sa trabaho mo, kailangan mo parin kumain ng maayos." malambing na sabi ng matanda."Alam ko po lola, mag-iingat po ako." malumanay na tugon naman ni Luna.Umupo si Luna sa tabi ng matanda, sinandal ang mukha sa balikat nito, at sumipsip ng kaunting init mula rito.Nang makita nang matanda ang malapit ng maluto niyang tupa, naghanda siya ng isang mangkok na sabaw, para mainitan muna si Luna.Habang nakikinig si Luna sa mapagmahal na salita ng matanda, naalala ni Luna ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw, at hindi mapigilang magsimulang manubig ang kanyang mga mata.Dahil sa takot na mabahala ang matanda, mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at nagtanong, "Naglalakbay pa rin ba ang tiyahin ninyu kasama ang pamilya nila?" kalmadong tanong nito."Hindi na, masaya naman sila. Sabi nila, isang linggo pa raw ang uwi." sagot naman ng matanda."Nasaan nga pala ang tito? May pupuntahan ba siyang sosyal na okasyon ngayong
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Chapter 10: P.1

Ngunit hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, nasip niyang marahil ay bumalik na nga si Luna sa kanyang pamilya.Pagpasok ni Eduardo sa banyo, bigla niyang naalala ang mga araw na tuwing umuuwi siya, ay palagi niyang nadadatnan na magkasama sina Aria at si Luna.Ngunit sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pagkakaiba dahil sa hindi nito kasama ang anak niya, naisip niyang baka hindi umuwi si Luna o kaya naman ay may nangyari sa pamilya nila. Biglang naisip niya ang mga sinabi ng sekretaryang si Miguel, at doon lang niya napagtanto ang katotohanan. Sandali siyang natigilan, pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.Kinabukasan, habang nag-aagahan, sinabi ni Eduardo sa kanyang anak, "Na-kompleto na ang pagpaparehistro mo. Magpa enroll kana bukas ng umaga sa paaralan." aniya."Opo, Dad, pwede niyo po ba akong samahan sa eskwelahan bukas?" tanong ni Aria habang bahagyang kumukunot ang ilong."Baka hindi ako bakante bukas." sagot ng ama.Kinalikot ng batang babae ang kany
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

Chapter 10: P.2

Ngunit si Luna ay mas gugustuhin niyang siya mismo ang gumagawa ng mga bagay para sa anak niyang babae. At nasisiyahan pa siya rito at hindi niya kailanman nararamdaman na nakakapagod o nakakaabala.Kaya naman medyo nagulat si Eduardo nang marinig ang mga sinabi ni Luna. Pero hindi na niya ito masyadong inisip, dahil para kanya maliit na bagay lang naman iyon, at walang dapat ikabahala."Sige." isang simpleng sagot ng lalaki, at pagkatapos ay agad ding ibinaba ang cellphone.Habang nakikinig, alam na alam na kaagad ng batang babae kung sino ang kausap ng kanyang ama, "Si mommy ba?" tanong niya.Maayos namang tumango si Eduardo, at kalmadong sumagot, "Oo." "Kung ganon, uuwi so mommy mamaya at kasama natin siya papunta kina lola?" Sumunod na tanong ng batang babae, halata ang komplikadong saya sa mga mata nito."Oo, sasama ang iyong ina." ani Eduardo.Pagkarinig niyon, napakunot agad ang noo ng batang babae bago paman ito makapagsalita. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makita ang kany
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status