Celeste's POV Mula nang lumabas ako sa ospital, araw-araw kong nararamdaman ang pagbabago sa paligid ko. Maging ang mga magulang ko, na dating walang pakialam sa akin, ay ngayon nagpapakita ng pagsisisi. Araw-araw, gumagawa sila ng paraan para mapalapit ulit sa akin—binibigyan ako ng mga paborito kong pagkain, tinutulungan akong alagaan si Caleigh, at kahit pa hindi ko sila pinapansin, hindi sila sumusuko. Pero kahit anong pilit nila, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang lahat ng masakit na salitang binitiwan nila noon. Hindi ganon kadali ang patawad, lalo na kung ang sakit ay hinayaan nilang lumalim sa puso ko. At si Chester… Wala siyang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na hindi niya ako kayang pakawalan. Kahit hindi kami madalas mag-usap, palagi siyang nag-a-update sa akin—kung nasaan siya, kung anong ginagawa niya, kung anong oras siya makakauwi. Napansin ko ang katahimikan sa penthouse nang magising ako kinabukasan. Usually, kahit hindi kami magkasama sa kwarto, Chester
Last Updated : 2025-03-21 Read more