Pa-like, comments, gem votes, at i-rate ang book. Salamuch 🫶
Chester's POV Sa pagitan ng lungkot at pag-asa, isang munting paggalaw ng kamay ang nagbigay sa akin ng bagong dahilan para huminga. Napalakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang mahina ngunit tiyak na pagpisil ni Celeste sa kamay ko. Hindi ako maaaring magkamali. Agad akong nag-angat ng tingin, at doon ko nakita ang pinakamagandang tanawing matagal ko nang gustong masilayan—ang pagdilat ng kanyang mga mata. She was awake. "Celeste..." Mahina at garalgal ang boses ko, pero punong-puno ng emosyon. Dali-dali kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang pumatak. Ang bigat sa dibdib ko, ang takot na matagal kong kinimkim, ang pangambang baka hindi ko na siya muling makasama—lahat ng iyon ay unti-unting napalitan ng matinding pag-asa. Niyakap ko siya ng mahigpit, halos hindi na inaalintana kung nasasaktan siya sa yakap kong puno ng pangungulila at pagmamahal. She was alive. And I wasn’t going to let her go again. "Thank God, Celeste... Thank God you're awake," bulong
Chester's POV Tahimik kong pinagmasdan ang mahimbing na natutulog naming anak na si Caleigh sa loob ng neonatal intensive care unit. Siya ang bunga ng isang kasal na puno ng komplikasyon, isang relasyong hindi ko agad naunawaan, at isang pagmamahal na ngayon ko lang buong pusong natanggap. Caleigh. Ako ang nagbigay ng pangalang iyon sa kanya. Isang pangalang isinilang mula sa pagmamahal—kahit pa ayaw itong aminin ni Celeste. Dahan-dahan kong idinampi ang daliri ko sa maliit niyang kamay, at kusang lumapat ang kanyang maliliit na daliri sa akin. My heart clenched at the simple yet overwhelming gesture. She was mine. She was ours. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko hahayaang lumaki siya nang hindi buo ang pamilya namin. Sa paglipas ng ilang minuto, habang patuloy kong pinagmamasdan ang aming anak, isang desisyon ang tuluyang nabuo sa isip ko. It was time for Celeste to meet her daughter. Pinisil ko nang mahigpit ang hawakan ng hospital bassinet habang marahan kong tinutula
Chester's POV Pagkalipas ng isang linggo, pinayagan na rin si Celeste na lumabas ng ospital. Sa kabila ng mahigpit niyang pagtutol, hindi ako nagdalawang-isip na ihatid siya sa penthouse ko. I didn't care what anyone thought anymore. Dati, natatakot akong harapin ang konsekwensya ng relasyon namin. I was a coward. But not anymore. Ang mahalaga lang ngayon ay ang kaligtasan niya at ng anak namin. At kung may isang bagay na ipaglalaban ko sa harap ng buong mundo—iyon ay ang pamilya ko. Tahimik ang biyahe namin pauwi. I stole glances at her from time to time, but she refused to meet my gaze. Nakayakap siya kay Caleigh, na mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib. Kita sa mga mata niya ang pagod, hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa emosyonal din. Hindi ko siya masisisi. Lahat ng nangyari sa amin—ang kasal na hindi niya ginusto, ang sugatang katawan niya, ang traumatic na panganganak, at ang gulong idinulot ng media—lahat ng iyon ay sobrang bigat para sa kanya. Pero hindi ko
Chester's POV Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakaramdam ng ganitong uri ng galit. Ang trespassing ay hindi biro. It was a complete invasion of privacy—of my home, my sanctuary, and most importantly, of Celeste and Caleigh’s safety. I clenched my fists as I watched the reporters being forcibly removed from my penthouse by security. The audacity of these people to think they had the right to barge in uninvited, all for a damn headline. "Huwag na huwag kayong babalik dito," malamig kong babala habang nakatayo sa may pintuan. "I have more than enough evidence to sue all of you for trespassing and harassment. Don’t test me." I saw fear flash in their eyes. Alam nilang kaya kong gawin iyon—hindi lang dahil may kakayahan akong kumuha ng pinakamagagaling na abogado, kundi dahil may pangalan akong pinoprotektahan. Celeste’s name. My family’s name. "If I see a single article that twists the truth," I added, my voice dangerously low, "I will make sure every single one of you is held ac
Celeste's POV Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Caleigh habang pinagmamasdan ang kanyang mahimbing na pagtulog. Kakatapos ko lang siyang padedehin, at kahit pagod ang katawan ko, isang ngiti ang dumapo sa labi ko. Siya lang ang tanging bagay sa mundo na sigurado akong akin—hindi isang obligasyon, hindi isang pagkakamali. My daughter was my peace, my purpose. Ngunit naglaho ang katahimikan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chester. Napatikom ang bibig ko at itinuon muli ang atensyon sa anak namin. Pero mula sa gilid ng aking paningin, nakita ko siyang may bitbit na isang kahon ng pizza—at hindi lang basta pizza. It was my favorite. Damn him. Naramdaman kong umakyat ang gutom sa sikmura ko, pero hindi ko hinayaang ipakita na gusto kong kunin iyon mula sa kanya. My pride was stronger than my cravings. "Hindi ka pa kumakain, Celeste," he said, his voice was filled with quiet insistence. Hindi ako sumagot. Lumapit siya, marahang inilapag ang kahon sa ibabaw ng bedside
Celeste's POV Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na halimuyak ng pagkaing matagal ko nang hindi natitikman. It was a smell that carried memories—childhood Sundays at home, family dinners where laughter was abundant, moments when I still believed my parents would always be my safe haven. Pero hindi na ako bata. Hindi na rin ako ang dating Celeste na madaling maniwala sa mga bagay na matagal nang nasira. Mula sa kwarto ko, dinig ko ang mahihinang pag-uusap mula sa kusina. The sound of my mother’s voice as she instructed Chester, the occasional laughter from my father as he played with Caleigh. They were trying. They wanted to make up for lost time. But could time really heal wounds like mine? Napabuntong-hininga ako. Mas pinili kong manatili sa loob ng kwarto, kahit pa ramdam kong gusto nila akong makasama sa hapag-kainan. Hindi pa ako handa. At least, that’s what I told myself. Makalipas ang ilang minuto, may marahang katok sa pinto. Napapikit ako. Alam ko na kung sino iyon bago
Celeste's POV Mula nang lumabas ako sa ospital, araw-araw kong nararamdaman ang pagbabago sa paligid ko. Maging ang mga magulang ko, na dating walang pakialam sa akin, ay ngayon nagpapakita ng pagsisisi. Araw-araw, gumagawa sila ng paraan para mapalapit ulit sa akin—binibigyan ako ng mga paborito kong pagkain, tinutulungan akong alagaan si Caleigh, at kahit pa hindi ko sila pinapansin, hindi sila sumusuko. Pero kahit anong pilit nila, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang lahat ng masakit na salitang binitiwan nila noon. Hindi ganon kadali ang patawad, lalo na kung ang sakit ay hinayaan nilang lumalim sa puso ko. At si Chester… Wala siyang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na hindi niya ako kayang pakawalan. Kahit hindi kami madalas mag-usap, palagi siyang nag-a-update sa akin—kung nasaan siya, kung anong ginagawa niya, kung anong oras siya makakauwi. Napansin ko ang katahimikan sa penthouse nang magising ako kinabukasan. Usually, kahit hindi kami magkasama sa kwarto, Chester
Celeste's POV Sa kabila ng galit at sakit na nararamdaman ko, pinilit kong ituloy ang pag-alis. Hindi ko na kayang manatili sa isang tahanang puno ng kasinungalingan at hindi totoong pagmamahal. Ngunit bago ko pa man maabot ang pintuan, biglang humarang sa harapan ko si Chester. His hands gripped my shoulders, his hold firm but careful, as if he was afraid I’d shatter right before his eyes. “Celeste, please,” his voice was urgent, desperate. “Huwag kang umalis.” I lifted my chin, ignoring the way my heart clenched at the raw emotion in his voice. “You don’t get to stop me, Chester. You lost that right the moment you kissed Isabelle.” Napamura siya at mas hinigpitan ang hawak sa akin. “I didn’t kiss her.” His jaw tightened, his eyes dark and stormy. “She kissed me.” Natawa ako nang mapait. “How convenient.” “Celeste,” he exhaled sharply, running a hand through his disheveled hair. “It was her birthday party last night. I was invited, and—” “So you went?” putol ko, ang tono ko’y
Celeste's POV "Fuck!" usal ko nang isara ni Chester ang pinto sa dressing room. Magbibihis dapat kami dahil may gagawin pa para sa bagong kasal. "Masisira ang gown ko. Hindi pa tapos ang program!" reklamo ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. "I can't wait," bulong niya at kinapa ang dibdib ko. "Pigilan mo ang sarili mo. Mamayang gabi pa ang honeymoon natin," natatawang sabi ko.Ngunit masyado siyang matigas ang ulo. Hindi siya nakinig sa akin. "Chester!" sigaw ko nang marinig ang pagkapunit ng gown ko.Binaba niya ang kaniyang pantalon at agad kong nakita ang paninigas ng alaga niya. "Hindi ko na kayang maghintay pa hanggang gumabi. I think someone put a robust in my drink," sabi niya, sabay hinila ako papalapit sa kanya. Muling siniil niya ako ng halik, at naramdaman ko ang init ng mga labi niya na sumasalubong sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at itinaas ito, saka ito hinawakan ng mahigpit upang hindi ako makagalaw.Nang tuluyan niya nang mahubad ang napunit kong gown ay b
Celeste's POV Celeste and Chester's Wedding Day Ang mga mata ko ay puno ng emosyon habang tinitingnan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Sa likod ko, naririnig ko ang masayang hiyaw ng mga anak namin, sina Caleigh at Claudette, habang inaayos ang mga huling detalye ng aking kasuotan. Ang mga bata ay nagmamasid at tinitingnan ang aking wedding dress, hindi makapaniwala na ito na naman ang araw na iyon—ang wedding day namin ni Chester. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko—kilig, saya, at kaunting lungkot. Ang lahat ng ito ay tila isang panaginip na nagkatotoo. Noong una, iniisip ko na renewal of vows lang ito, at akala ko ay tapos na ang lahat. Pero heto na naman kami, muling nagpapakasal, at ngayon, parang mas matindi pa ang pagmamahal namin kaysa noon. Paano nga ba kami nakarating sa puntong ito? Puno ng mga pagsubok, ngunit ang bawat hakbang ay tinahak namin nang magkasama. "Mommy, ang ganda n'yo po!" puri ng bunso kong anak na si Claudette. Nakasuot siya ng cute na white
Celeste’s POV “Bakit parang kabado ka?” tanong ko kay Chester habang binabaybay namin ang isang pamilyar na daan. Ngumiti lang siya. “Wala. Gusto lang kitang muling mapasaya ngayong gabi.” Napatingin ako sa mga anak namin na biglang natahimik. Usually, sa biyahe pa lang ay maingay na ang dalawa sa pagkukuwento, pero ngayon, panay sulyap nila sa isa’t isa habang pigil ang mga ngiti. Pagdating namin sa venue, bumungad sa akin ang isang garden na punong-puno ng puting bulaklak, fairy lights, at mga larawan naming dalawa ni Chester. Parang biglang bumagal ang oras. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Chester…” mahina kong tawag habang unti-unti akong lumalakad papasok. Paglingon ko sa likod, nakita ko si Chester na hawak ang isang bouquet ng puting rosas. Suot niya ang dark navy suit niya, at kitang-kita sa mga mata niya ang kilig at kaba. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang lumuhod sa harapan ko, tulad ng ginawa niya sampung taon na ang nakalipas. "Celeste R
Chester's POV Ten Years Later... "Careful, Caleigh and Claudette. Baka madapa kayo," paalala ko habang nakatitig sa rearview mirror ng sasakyan, pinagmamasdan ang dalawang pinakamahalagang batang babae sa buhay ko. Kakapasok lang nila sa kotse matapos kong sunduin sa school. Pareho silang masigla, parang may sariling mundo habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa klase nila. Lalo na ngayon, may plano kaming sorpresahin si Celeste ngayong gabi para sa ika-sampung anibersaryo ng kasal namin. Si Caleigh Devika Villamor, ang panganay naming anak, ay labing-isang taong gulang na. Napakatalino ng batang 'yon—mana sa nanay niya. Mahilig siya sa science at palagi siyang may tanong tungkol sa mga bagay na para bang gusto niyang unawain ang buong mundo. Ang bunso naman namin, si Claudette Aoife Villamor, ay siyam na taong gulang na. Siya ang mas maharot at mas artistic sa dalawa. Mahilig gumuhit, gumawa ng kanta, at minsan ay kinakausap ang mga halaman sa likod-bahay namin. Ang bi
Chester's POV Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng veranda habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko—si Victor Novela, ang taong nagsasabing siya ang tunay kong ama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Habang si Celeste ay nasa loob ng bahay, kasama ang kaniyang pamilya, ako naman ay naiwan dito sa labas, harap-harapan sa katotohanang hindi ko inakalang kailanman ay haharapin ko. Nag-umpisang magsalita si Victor. Mapanatag ang kaniyang tinig, pero puno ng pighati at pangungulila. "Ikuwento ko sa iyo ang lahat, anak," panimula niya. "Ako at ang mama mo... kami ang una. Mahal na mahal ko si Cecilia noon. Bata pa kami, puno ng pangarap. Palagi naming sinasabi na balang araw, bubuo kami ng pamilya. Pero hindi gano’n kadaling labanan ang mundo. Galing ako sa simpleng pamilya. Samantalang siya, ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig." Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay sinasaktan ako ng bawat salitang binibigkas niya. "Arranged m
Celeste’s POV Marahan kong hinaplos ang malamig na salamin ng kabaong ni Reginald—o dapat ko nang sabihing ni Papa. Oo, siya ang totoo kong ama. Ang lalaking kinamuhian ko noon, hindi dahil sa personal na kasalanan niya sa akin, kundi dahil sa mga kasinungalingang inilim sa akin ng mundo. Ngunit ngayon, wala na siya. At habang nakatitig ako sa kaniyang walang buhay na katawan, isang bagay lang ang paulit-ulit na sumisigaw sa isip ko—huli na ang lahat. Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng luha, ngunit walang silbi. Basa na naman ang pisngi ko. Hindi ko man lang siya nayakap bilang isang anak. Hindi ko siya nagawang tingnan sa mata at sabihin, “Pinapatawad na kita. Salamat sa lahat.” Hindi ko siya natawag na Papa habang buhay pa siya. Pinatay siya ni Isabelle. Isang babaeng minsan kong inakalang matalino, mapagmahal, at karapat-dapat mahalin. Pero ngayon, isa na lamang siyang baliw. Isa siyang halimaw na binalot ng delusyon at galit. Kung maibabalik ko lang ang panahon… kung may kahit
Celeste’s POV Katatapos lang ng huling court hearing ngayong araw. Pagod na pagod ang katawan ko, pero mas mabigat ang pagod ng isip at damdamin. Buong araw akong nakatayo sa harap ng hukom, isinusumite ang mga ebidensiya ng kaso ni Reginald laban kay Isabelle. Pinilit kong maging matatag, kahit na alam kong sa bawat pagbasa ng testimonya, unti-unting nahuhubaran ang nakaraan naming lahat—at ang sakit ay tila laging bago sa bawat pagbanggit nito. Nang makalabas na ako sa korte, agad kong tinanggal ang heels at isinalya ito sa passenger seat ng kotse ko. Magsusuot pa lang ako ng flats nang tumunog ang cellphone ko. Mama calling… Napakunot ang noo ko. Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan niya sa screen. Nagdadalawang-isip akong sagutin. Hindi pa ako handang harapin siya. Hindi pa ako handang marinig ang boses niya pagkatapos ng lahat ng nalaman ko tungkol sa pagkatao ko at sa mga kasinungalingang isiniksik niya sa buong pagkabata ko. Napabuntong-hininga ako at inilagay ang tel
Chester’s POV Pagkababa ko ng sasakyan sa ospital ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Halos ayaw gumalaw ng katawan ko, pero pinilit kong tahakin ang pasilyo patungo sa silid ni Daddy. Naguguluhan pa rin ang damdamin ko sa huling pag-uusap namin. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, gusto pa rin ng bahagi ng puso kong maniwala na may natitira pa rin sa kaniya—hindi bilang ama, kung 'di bilang taong may kapasidad na pagsisihan ang kanyang mga kasalanan. Pagliko ko sa corridor, agad nahagip ng paningin ko si Celeste. Nakatayo siya sa tapat ng pinto, tila pinipigil ang sariling pumasok. Suot niya ang simpleng beige na blouse na madalas niyang suotin kapag gusto niyang manatiling mahinahon. Nakapikit siya at halatang kinakalma ang sarili, pero bago ko pa man siya matawag o malapitan, bumukas ang pinto at tuluyang pumasok si Celeste sa loob ng silid. Binilisan ko ang hakbang ko, pero pagdating ko sa pinto, pinili kong huwag pumasok. Sa halip, sumilip ako mula sa maliit na bintanang sal
Chester’s POV Tahimik ang silid ng ICU, pero masyadong maingay ang dibdib ko. Ang bawat tibok ng puso ko ay parang kalembang ng kampana—mabigat, malalim, puno ng alaala at tanong na hindi ko kailanman sinagot. Pagbukas ng sliding glass door ay sumalubong agad sa akin ang amoy ng antiseptic at ang banayad na tunog ng monitor na bumibilang ng mahihinang pintig ng puso ng taong nakaratay sa puting kama—si Reginald Villamor. Ang lalaking minsan ay itinuring kong haligi, ngunit ngayon ay parang isang lumang istatwa na unti-unting nadudurog ng panahon at pagkakasala. Nakahiga siya, maputla, halos kulay abo na ang balat, may oxygen tube sa ilong at dextrose sa magkabilang kamay. Nanlilimahid ang pisngi niya sa pagod, tila ba pinipilit na lang ng katawan niyang mabuhay kahit ang kaluluwa niya ay unti-unti nang sumusuko. Nang mapansin niyang pumasok ako, bahagyang gumalaw ang mga mata niya—mahina pero puno ng emosyon. Para siyang batang matagal nang nawalan ng silong, ngayon lang muling nakat